MASAHE

1729 Words
THIRD PERSON's P O V " Alaga ko ba ayaw mong may mag- aalaga sa'yo dahil ang sabi mo e kaya mo naman!? " tila hindi makapaniwalang turan ng Ginang sa anak na bunso nang maka huma sila sa kahilingin nito " Baka naman nahihirapan lang talaga ang anak mo kaya ngayon ay gusto na. " kontra naman ng Ginoo sa Misis niya Napa hugot muna ng malalim na buntong- hininga ang Mommy niya bago nilingon si Nhejoy na matyagang nag hihintay sa isang tabi sa iuutos nila. " Nhejoy, Hija, pwede ka bang maging personal maid nitong bunso namin? Alam mo naman ang kalagayan niya, 'di ba? " mahinahong tanong ng Ginang sabay paliwanag " O- Opo, Ma'am! Okay lang po kahit anong trabaho. Ang importante naman po sa akin ay may maipadala akong pera pandagdag sa gastusin ng pamilya ko sa San Bartolome. ' kiming pahayag naman niya kaya matamis na ngumiti ang Ginang " Good! Si Sir Rave na lang ang aasikasuhin mo, hindi mo na kailangan na tumulong dito sa gawaing bahay. " wika pa ng Ginang " Sige po Ma'am! Pwede pa rin naman po akong tumulong dito lalo na po kung natutulog si Sir Rave. " turan pa ni Nhejoy " Bahala ka, Hija basta ang anak ko ang priority mong aasikasuhin, ha!? " malumanay pang saad ng Amo niyang babae " Opo! " mabilis niyang tugon Pinag patuloy naman ng mag- anak ang pagkain nila hanggang sa matapos. " Alis na ko, Rave, magpa galing ka na para iyong pharmaceutical ay ma- i- manage mo na. " paalam ng Ginoo sa anak sabay tayo " Opo, Dad, ingat po kayo. " magalang namang tugob ng binata Lumabas na silang mag- asawa sa dining area para ihatid ng Ginang ang Mister hanggang sa sasakyan nito. " Akyat na tayo sa k'warto ko para maka inom ako ng gamot. " aya naman ni Rave kay Nhejoy Kaya natigilan ang dalaga na tumutulong na ligpitin ang pinag kainan nila pati ang mga kasamahan niyang kasambahay. Nagka tinginan pa nga sila. " Ahm, Sir Rave, hi- hindi pa po kasi kami kumakain. " naka ngiwing wika ni Nhejoy dahil sinenyasan siya nila Pepsi at Sarsi na mag salita, nasa kusina na kasi si Aling Magda Kumunot naman ang noo ng binata. " Simula bukas agahan mo na ang kain ng almusal para pag- akyat mo sa silid ko ay busog ka na. " bilin nito " O- Opo, Sir. " kiming tugon ng dalagang taga San Bartolome " Sige na, kumain ka na hintayin kita sa sala. " pag tataboy pa nito sa kanya at ito pa mismo ang nag tulak ng wheelchair palabas ng komedor " Bilisan mo nang kumain, Nhejoy, at baka uminit ang ulo no'n! Bugnutin pa naman iyon! " sambit sa kanhmya ni Pepsi nang bitbit nila ang mga pinggang na pinag kainan ng mga amo " Mukha ngang masungit! " tugon naman niya " Oo, nilayasan kasi ng Fiancee niya dahil nga sa pagkaka baldado. " bulong naman ni Sarsi sa kanya " Ay ganoon!? Kawawa naman pala siya. " wika pa niya Mabilis nga siyang kumain at nag mamadali rin tinungo ang sala. Natakot kasi siya sa binanggit ni Sarsi na masungit ang binatang Amo. Kung sabagay na sample- an na nga siya nito sa pagiging bugnutin kaninang naka sakay sila sa elevator. Hindi nga lang niya masagot ito kanina dahil kasambahay lang siya. Ngayon nga lamang siya naka hawak ng katawan ng lalaki at naka dampi sa kanyang may kalusugang hinaharap. Tapos pinag sabihan pa siya. Ayaw man niyang maging personal maid nito ay wala naman siyang magagawa dahil ang mga ito pa rin ang masusunod. Baka sabihin ay ke bago- bago niyang tauhan ay nanganamgatwiran na siya. " Ta- Tara na po, Sir. " kiming saad niya sa binatang abala sa pag babasa ng magazine na kinuha sa center table " Nasaan ang tubig na iinumin ko? Ano 'yon lulunukin ko na lang ang gamot ng ganoon at hindi na susundan ng tubig?! " supladong wika niya kaya natameme si Nhejoy " Ano ba!? Kumuha ka ng tubig at iaakyat natin sa silid ko para makainom na ko ng gamot! " pa bulyaw na utos nito kaya napa pitlag ang dalagang kasambahay " O- Opo, Si- Sir! " nauutal na tugon niya at bumalik ulit sa kusina " Bakit sumigaw si Sir!? " takang tanong ni Pepsi " Wa- Wala akong dalang . . . tu- tubig. " mangiyak- ngiyak na tugon niya " Naku! Pasensya na nakalimutan kong sabihin sa'yo! Hayaan mo mamaya ay sasabihin ko sa'yo ang mga kailangan ni Sir Rave. " hinging paumanhin ni Sarsi " Okay lang, sige, balik na ko sa sala. " wika pa niya at tinalikuran na ang mga kasamahan na kumakain pa kasabay ng gwardya at driver " Oh, Nhejoy! Bakit hindi mo na lang binalikan iyang tubig? Paano mo maitutulak ang Sir Rave mo!? " gulat na tanong ng Ginang na pumapasok na sa sala nang makita siyang may bitbit ngang tray na may naka patong na isang pitcher na malamig na tubig at baso Hindi naman siya maka sagot dahil iyon din kasi ang iniisip niya at dahil nga sa takot ay hindi siya maka pangatwiran sa binatang amo. Kaya napa kagat labi na lamang siya. " Ako na ang magdadala niyan, may kukunin din naman ako sa aking silid. " prisinta na nito " Si- Sigurado po kayo, Ma'am? H'wag na po , ako na lang po at baka mawalan po ako agad ng trabaho! " mariing tanggi pa niya pero mapilit ang Ginang " Talagang mawawalan ka ng trabaho kapag hindi mo ibinigay sa akin iyan! " turan pa nito " Ay, ma'am eto na po! Hindi naman po kayo mabiro! " pabirong wika niya kaya natawa na lamang ang among babae Samantalang si Rave ay salubong pa rin ang mga kilay na tila naiinip pa dahil nag- usap pa nga ang Mommy niya at ang bagong kasambahay. Ilang sandali pa ay sakay na silang tatlo ng elevator, inayos nang mabuti ni Nhejoy ang wheelchair ng binatang amo bago sumakay ang Ginang. Kaya hindi na ito naka harang sa may button. " Ituro mo na kay Nhejoy, anak, kung ano ang iinumin mong gamot at kung anong oras ang pag- inom. " bilin ng Ginang kay Rave " Opo, Mommy. " tipid namang tugon ng binatang nakaupo sa wheelchair " Matagal na naming sinasabi ng Daddy mo na ikukuha ka namin ng Nurse ayaw mo naman! Mabuti naman at nag bago ang isip mo? " pahayag pa ng Ginang " May nabasa po kasi ako sa internet na mainam din daw po na minamasahe ang mga binti ko para dumaloy ang mga dugo sa ugat. " paliwanag pa ni Ravev " Pwede ka naman kasing operahan, ayaw mo rin! Ang bata- bata mo pa, anak, pag subok lang iyang dumating sa'yo! Marami pang opportunity ang nag hihintay sa'yo at mga babae! " payo ng Ginang na may kaunting sermon Hindi naman na naka sagot si Rave dahil bumukas na ang elevator. " H'wag mo namang pahirapan ang Maid mo, Rave! Maawa sa nipis ng katawan niya at laki niyang sa'yo! " bilin pa ng Ginang bago ito lumabas ng silid niya dahil bitbit- bitbit pa nga nito ang tray pagka lapag sa center table ay nagpa- alam na itong lilipat sa k'warto nilang mag- asawa. " Opo! " maikling tugon pa niya " Ililipat ko po ba ulit kayo sa kama o sa balcony po muna? " kiming tanong ng dalaga sa amo ng dila na lamang ang naiwanan sa silid nito " Sa balcony muna, pakikuha iyong medicine organizer. " malumanay na tugon naman nito sabay turo sa pina pakuha Sumunod naman ang dalagang kasambahay at pagka kuha ay bumalik sa kanya at itinulak ulit ang wheelchair sa balcony. " Eto na po, Sir. " inabot na ni Nhejoy ang yari sa plastic na medicine organizer na malaki lamang ng bahagya sa palad ang laki na pinag lalagyan ng mga gamot ng amo " May mga naka sulat naman dito na araw kung ano ang iinumin ko. Tulad ngayon Tuesday kaya rito ka kukuha sa pang martes na lebel. Lagi namang three times a day ang inom ko, anim ito kaya dalawa ngayon mamayang tanghali at gabi at tig dalawa pa rin. " mahinahong paliwanag ni Rave sa kanyang Personal Maid at inimom na nga niya ang gamot kaya ikinuha siya ni Nhejoy ng isang basong tubig " Sino po ang nag- ayos nito, Sir? " kiming tanong pa niya, hiwa- hiwalay na kasi ang mga gamot para sa pitong araw at may lebel nga na mula Lunes hanggang Linggo " Si Dew, iyong Hardinero. " tugon pa nito na tila may sumapi na kung ano Hindi na kasi pa bulyaw ang boses niya o pa galit sa dalagang kasambahay. " Aahhh! " tugon na lamang ng dalaga " Lagi po ba kayong nagpapa- araw rito, Sir? " tanong ulit niya sa binata " Hindi, pagkatapos kasi naming kumain ay nagpapa- akyat na ako rito at nagpapa diretso na agad ako sa kama. Wala naman kasing mag- aasikaso sa akin dahil nga abala sila sa gawain sa ibaba. " paliwanag naman nito " Ay, Sir! Mabuti po sa katawan ang sikat ng araw! Kaya po pala medyo maputla na kayo. Kulang po kayo sa vitamin D. Hayaan ninyo po, ngayon po na ako na ang Maid ninyo ay araw- araw ko na po kayong dadalhin dito! " bulalas na wika pa niya na tila close na silang mag- amo, na para bang hindi siya na bulyawan kanina " Oo nga e! Tsaka balak ko nga sanang magpa- massage sa'yo ng mga binti ko. " malumanay pa rin niyang wika na waring ibang Rave ang kaharap ni Nhejoy " Sige po, Sir! Nasaan po ang langis ninyo? " tugon niya sabay tanong " Nasa loob ng drawer ko sa lamesa sa gilid ng kama. " sagot naman nito Walang sabi- sabi na bumalik sa loob ng silid si Nhejoy para kuhanin ang bote ng langis na gagamitin sa pag hilot ng binti ng binatang amo. Nang makuha ay bumalik siya sa balcony at umupo sa flooring niyon paharap sa amo at inumpisahan na nga niyang imasahe ang binti ng binatang amo na wala ng pandama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD