Hindi naman kami agad sa bar ni MD dumeretso. Paano, habang nasa loob ng sasakyan ay dinig na dinig namin ang pagrereklamo ng aming mga sikmurang kumakalam na sa gutom. Humihingi na sila ng mga makakain. “Ang mabuti pa ay kumain muna tayo ng hapunan, Safiera. Isa pa ay hindi rin tayo sure kung makakakain after nating uminom. Baka piliin na lang nating mahiga at matulog kapag nagkataong magutom tayo mamaya.” mungkahi ni MD na nasa shotgun seat, sasakyan ko ang aming dala. “Sige, saan mo ba gustong kumain?” sang-ayon ko, may punto naman ito. Binabagtas na namin ngayon ang kahabaan ng SLEX na patungo ng Alabang. We are both living in Laguna pero dito namin naisip na magpunta ngayong gabi dahil aniya ni MD ay may magandang club at bagong bukas bandang Las Piñas, ako naman itong si curious a

