bc

Graveyard of our Memories [Tagalog]

book_age18+
1.7K
FOLLOW
4.3K
READ
doctor
bxg
lighthearted
office/work place
childhood crush
coming of age
disappearance
colleagues to lovers
addiction
engineer
like
intro-logo
Blurb

The Gang Series #2 : Safiera Claud

Safiera Claud and Rasel Vincent Andrade once was a sweet lover. Nagkakilala sila sa isang bakasyon at nagtuloy-tuloy doon ang kanilang communication. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at mapaglarong panahon, after na makatapos nila ng middle school ay nagkahiwalay silang dalawa. Ravin went abroad with Safiera's older brother without her knowing to study engineering while Safiera remain in the country.

And now that Ravin is back for good, will their lovestory had a continuation?

Will their love blossomed back when they visited the graveyard of their memories?

chap-preview
Free preview
Prologue
Mahigpit kong niyakap ang malaking teddy bear na nasa aking harapan habang unti-unting pumapatak ang aking mga luha. Isa na naman ang araw na ito ng aking pangungulila sa kanya, sa taong nagbigay nito sa akin noon. Nakatapos na ako at lahat ng college, ay ni minsan ay hindi ko na siya muli pang nakita. Ang huli ay ang araw mismo ng kanyang graduation noong middle school. Walang nakakaalam sa mga kaibigan niya kung nasaan siya, o maging ang kapatid niya. Wala ‘ring makapagsabi sa akin ng tunay na kalagayan niya. Ang saya ng nakaraan namin at hindi ko magawang kalimutan. Sariwang-sariwa pa rin ang lahat. “Safiera, tinatawag ka na ng mga magulang mo sa ibaba.” pukaw sa aking isipan ng isang marahang katok sa pintuan ni ate Luz, ang personal Nanny ko noong bata pa ako. “Dumating na ang Kuya Timothy mo at hinihintay ka na. Hindi ba at excited ka—” Mabilis kong pinahid ang aking mga luha at mabilis na tumayo sa pagkakaupo. Naputol noon ang mga sasabihin pa sana ni Ate Luz. “Talaga, Ate Luz? Nandiyan na si Kuya?” Abot-tainga ang kanyang ngiti na tumango sa akin. Kumislap sa saya ang aking mata. “OMG!” bulalas kong nakalimutan na ang pagdra-drama na ginagawa kanina, patakbo na akong lumabas ng aking silid at iniwan si Ate Luz na alam kong nakangiti lang sa akin. “Kuya Timothy!” malakas na sigaw ko doon. Nakangisi siyang bumaling sa akin. Saglit akong natigilan sa bagong anyo niya. Malaki ang kanyang ipinagbago. Nag-matured na ang hitsura at mukhang tumandang tuluyan. Mabilis na sumagi sa aking isipan si Ravin, siguro ganun na rin ang hitsura nito ngayon. “Safi!” palatak nitong malaking ibinukas ang kanyang dalawang bisig para sa mahigpit na yakap. Mabilis kong iwinaglit si Ravin sa isipan at itinapon na ang sarili sa kapatid. “Ang laki mo na at dalagang-dalaga na. Hindi ka na gaya ng dati na uhugin. Kumusta ka?” Awtomatikong umikot ang aking mga mata sa kanya kahit pa nakangiti ang aking labi. Isang taon lang naman magmula noong huli ko siyang makita, hindi naman dekada ang lumipas. At lalo pa siya ngayong tumangkad sa akin. Kung dati ay halos pantay lang kami. “Heto, hindi mo ba nakikita na maganda pa rin?” kwelang tugon ko matapos na kumalas ng yakap, alam ko namang babarahin niya ako kaya bago niya pa gawin iyon ay need ko ng ilihis ang usapan namin. “Kuya, akala ko ba ay de-deretso ka na ng Pampanga?” “Nanggaling na ako doon, nasa hospital daw si Tito Teddy dahil sa inatake sa puso. Kung kaya naman ay ako muna ang papalit sa kanya at gagawa ng mga trabaho niya.” anitong magiliw akong hinaplos sa ulo. Sa pagkakataong iyon ay gusto ko na siyang tanungin. Gusto kong malaman mula sa kanya kung kumusta na si Ravin. Alam kong imposible pero baka lang naman alam niya kung nasaan ito ngayon. Subalit, hindi ko magawang ibuka ang bibig sa harapan niya. “O bakit ganyan ka kung makatingin? May gusto ka bang sabihin?” tanong na sinundan niya ng pagak na pagtawa, alam kong hindi lingid sa kaalaman niya ang relasyon namin noon pero ewan ko ba. Ang hilig niya ‘ring mang-asar. “Teka nga lang, naghihintay ka ba ng pasalubong mula sa akin Safiera?” Narinig ko ang mahinang mga hagikhik nina Mommy at Daddy na pinagmamasdan kami. Inismiran ko na si Kuya, humahalukipkip pa. “Anong tingin mo sa akin, Kuya? Bata?” halos umusli na ang nguso ko sa pagsimangot sa kanya, sarap niyang tadyakan sa tadyang. “Hindi ko kailangan ng—” “Don't worry Safi, hindi ko nakalimutan this time.” pagputol niya sa aking sasabihin na halos ay ikabuhol na ng aking mga kilay. Sa tono ng pananalita niya ay mukhang hindi pa rin siya nakaka-move on last time noong umuwi siya at walang kahit na anong dala. “Ayon ang pasalubong ko sa'yo. Bumawi ako ngayon. Alam ko naman na favorite mo ang mga chocolates lalo na at mga imported.” Napakurap-kurap na ako doon. Parang may pinapatamaan siya sa akin at hindi ko gusto. “Hindi ah! Kumakain din naman ako ng mga chocolates na dito sa bansa mabibili. Huwag mo ngang palabasin na exoensive ang taste ko, Kuya. Nakakainis ka!” apela ko sa kanya. Umayos pa siya ng tayo, halatang nais na namang makipagbangayan sa akin ngayon. Isa ito sa mga namiss ko noong wala siya. Mag-aaway kami sa maliit na mga dahilan. “Sige nga, sabihin mo sa akin kung kailan ka kumain at ano ang pangalan ng chocolates.” Natameme na ako doon na parang naumid sa loob ng bibig ang aking dila. Hindi ko pa rin magawang sumagot sa tanong niya. Wala na akong nagawa kung hindi muling umirap. Totoo naman na nakatikim ako ng local chocolates, hindi ko nga lang masabi iyon dahil alam kong aani ito ng mga katanungan. “Tingnan mo na, hindi ja makasagot dahil hindi naman totoo iyang sinasabi mo Safi.” Gusto kong isigaw sa mukha ni Kuya ang pangalan ng chocolate na iyon. But I choose not to. Ano pang silbi kung malalaman niya? Wala na rin naman akong communication sa taong iyon. Useless na lang din ito hindi ba? At bago ko pa maibuka ang aking bibig ay sumingit na si Mommy sa aming pagitan. “Timothy, you have to go. At hinihintay ka na ng may-ari ng Vineyard doon sa Batangas.” Ngumisi lang muli si Kuya sa akin at pumihit na upang humarap kay Mommy at Daddy na nasa aming gilid. Naiwan na naman akong speechless dahil prino-proseso ko pa ang mga narinig. Ang alam ko kasi ay ang dating kasintahan ni Kuya ang nagpapatakbo na ng Vineyard sa Batangas. And of course ay alam ko ang lovestory nilang dalawa noon. “Alright Mom, Dad, I'll call you kapag naroon na ako. Bye, Safi! Magkita tayo pagluwas ko.” Napanganga pa ako doon ng ilang segundo. “Sandali lang, Kuya!” habol ko sa kanya na nilingon na ako ng mayroong pagtataka. “S-Sa Vineyard ka sa Batangas pupunta?” “Oo, bakit?” Ilang segundo ko pang pinagnilayan kung sasabihin ko ba sa kanya para naman mayroon siyang warning o hahayaan ko na lang na magsanga ang landas nila ng ex. “Wala, Kuya Timothy. Pasalubungan mo ako ng ubas ha, pagbalik mo dito sa City.” hilaw ang ngiting nilingon ko ang mga magulang. ”Sige.” Sinakbat na nito ang dalang backpack at matapos na bigyan kami ng yakap ay agad na niyang tinalunton ang daan palabas. At sa pagkakataong iyon ay sinundan ko na siya upang ihatid sa garahe. At saka may nais pa sana akong itanong dahil baka alam niya. “May sasabihin ka pa ba?” lingon nito sa akin na alam kong nase-sense niya ako. “W-Wala na Kuya, ihahatid ka ng tanaw.” Umarko pa ang gilid ng labi nito habang binubuksan ang unahang pinto ng sasakyan. “Kilala kita Safiera, ano ba iyon ha? Sabihin mo na bago pa ako umalis. Mamaya niyan ay sa tawag mo pa talaga ako iistorbohin.” Mahina na akong natawa. Kilalang-kilala niya talaga ako. Feeling ko tuloy hindi kami nito lumaki. Wala pa ‘ring bago sa trato niya. “Oo na, baka kasi makaistorbo pa ako sa'yo pagdating mo doon.” pahaging ko sa kanya na alam kong hindi niya naman mage-gets. “Kumusta na ang puso mo? Ayos ka na ba?” Gusto kong tampalin ang bibig nang makita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya. Mula sa pagiging masaya, sumeryoso na ito. Alam kong may nasaling na ako dito. “Ayos na.” tipid niyang tugon na taliwas sa sinasabi ng kanyang mga mata ngayon. “Ikaw ba? Kumusta ang puso mo ngayon?” Ako naman ang napaigik doon. Hindi ko inaasahan na itatanong niya rin ito sa akin. “A-Ayos na rin.” agad tugon kong mabilis napaiwas ng aking mga mata sa kanya. “Talaga? Eh ano itong balitang nakarating sa akin na panay ang basted mo sa mga suitors mo? Wala ka pa bang napipisil sa kanila?” Sinimangutan ko na siya. Heto na naman siya, halatang pepestehin na naman ako. “Sinong nagsabi niyan sa'yo? Wala ba akong karapatang tanggihan kung hindi ko gusto?” “Oh, easy. Highblood ka na naman diyan.” Muli ko siyang inirapan. Naiinis na ako ah. “Eh, ikaw nga hindi na ulit nanligaw diyan!” Nakita ko kung paano lumalim ang hinga niya. Alam kong nasapul na naman siya. “Paano ako manliligaw ng iba kung mahal ko pa?” tanong niyang lumambot ang tingin sa akin, dama ko ang nananatiling pag-ibig niya. “Kagaya mo, alam kong mahal mo pa kung kaya naman ayaw mong magpaligaw sa iba.” Ilang minuto akong muling natameme. Ito talaga si Kuya, panay ang halintulad sa akin. “Oo na, sige na pareho pa tayong broken sa ngayon pero umalis ka na. Kanina ka pa raw hinihintay ‘di ba? Sige ka, badshot ka agad.” Nangunot ang noo niya sa akin. Alam ko na ngayon ay hindi niya pa rin nahuhulaan ang mga pahaging ko. But sooner or later ay maiisip niya na nagbigay ako ng warning. “Bonding tayo pagbalik ko.” “Okay, mag-iingat ka.” Hinintay ko munang makaalis ang kanyang sasakyan bago ako muling bumalik ng sala. Sana sa muli nilang pagkikita ay magkabati sila, muling magdugtong ang sinulid ng mga kapalaran nila kahit may iniwang malalim na sugat ng kahapon ang kanilang pag-iibigan. Mabilis kong binitbit ang paperbags ng mga chocolates na pasalubong ni Kuya. Naroon pa rin si Mommy at Daddy nakaupo ngayon. Nakabihis sila ng panlakad at ang alam ko ay mayroon silang pupuntahan na dalawa. “Kumain ka muna ng almusal Safi, bago mo harapin iyang mga pasalubong ng Kuya mo.” Alam ko namang hindi na ako bata, pero kung i-trato nila ako ay parang bata pa rin. Hindi na lamang ako doon nag-react pa. “Yes, Mommy, anong oras ang uwi niyo?” “Hindi namin alam, wala kang lakad?” “Rest day.” kibit ko ng balikat na pumihit na ng kusina, pahinga ko naman talaga ngayon. “Ah, no wonder kung kaya na narito.” “Pero baka ay lalabas din ako mamaya, may pupuntahang rancho si Dave kung saan ay kailangang e-vaccine ang mga baby pigs. Baka lang naman maisipan kong tumulong.” Tumango-tango silang dalawa sa akin. “O sige, in case na hindi ka umalis ay umuna ka na sa aming kumain ng dinner mamaya.” “Okay, Mom.” Kasabay ng pag-alis nila ay ang pagpasok ko ng kusina upang kumain ng almusal. At ng matapos ako ay hindi ko mapigilang muling mapatitig sa paperbags ng mga pasalubong. “Tingnan ko nga kung imported talaga ang mga ito na binili raw ni Kuya Timothy.” usal ko na medyo natatawa na sa aking sarili. Ipinasok ko na ang aking kamay doon nang hindi ko masilip ang lahat ng laman nito. Isa-isang nilabas ang packed ng chocolates. Natigilan ako at napatitig sa huling pack na aking hawak. Sobrang pamilyar nito sa akin na naging dahilan upang kabahan ako doon. “P-Platops? Kailan pa naging imported ito?” parang sirang kausap ko na sa aking sarili. Kasabay ng pagbagsak nito sa sahig ay ang pagbabalik ng mga alaala ng aming lumipas. Sa malayong probinsya ng Pampanga, kung saan naroon ang graveyard of our memories naming dalawa ni Ravin ng kamusmusan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.4K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.2K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

Love Donor

read
87.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook