Chapter 1

1561 Words
Nakangiti akong bumaba ng sasakyan na kakahinto lang sa harapan ng sinaunang desinyo ng bahay ni Lolo at Lola sa province. Hawak ang laylayan ng bestida ay exited na akong pumasok sa nakabukas na pintuan. “Lola, Lolo, narito na po ang inyong apo!” masayang sigaw ko na nag-echo pa sa kabuohan ng napakatahimik nilang sala. Napawi na doon ang mga ngiti ko. Mukhang hindi yata nila alam na pauwi ako ngayon. “Hi, Safiera nasa taniman sila ngayon ng mga pinya dahil harvest time.” labas ng pamilyar na kasambahay mula sa kusina, nakangiti ito sa akin na halatang inaasahan na ang aking pagdating. “Akyat ka na muna sa silid at magpahinga. Dito sila kakain ng tanghalian kaya makikita mo sila mamaya.” Nakangiti na akong tumango, nilingon ang kasambahay naming kasama na hila ang maleta naming dala. Parang personal Nanny namin siya ni Kuya pero madalas na ako ang kanyang inaasikaso at sinasamahan dito. “Ate Luz, akyat po muna tayo ng room. Nasa taniman pa ng pinya sina Lola at Lolo.” Nagtungo sina Mommy at Daddy ng Italy kasama si Kuya Timothy ngayong vacation. At pinili ko na dito pumunta keysa sumama sa kanila. Hangad kong makasama sina Lola at Lolo kapalit ng ilang buwang pagkawalay kina Mommy. Minsan lang pumayag si Dad kung kaya naman ito ay sinamantala ko na. “Sige...” Pagkatapos naming mag-half bath ay nahiga na kaming magkatabi sa iisang kama ni Ate. “Hindi ka ba malulungkot kapag nami-miss mo ang Mommy, Daddy at ang Kuya mo?” Kasalukuyan akong nakatingin sa kisame. Iniisip na what if pumunta kami ni Ate Luz sa taniman ng pinya nina Lola? Hindi kaya sila magagalit? Pero ang init pa ng sikat ng araw. “Hindi naman po Ate Luz, para ilang buwan lang naman sila doon. Babalik rin sila dito.” Malawak siyang ngumiti at niyakap ako ng mahigpit, at nilagyan na ng kumot ang aking katawan bago pa kami tuluyang mapaidlip. “At saka kasama mo naman ako, hindi mo kailangang umiyak dahil big girl ka na rin.” Nagising ako nang dahil sa kumakalam na sikmura. Ilang beses muna akong nag-inat bago lingunin si Ate Luz ay mahimbing pa rin itong natutulog. Maingat at dahan-dahan akong pumanaog ng kama. Isang lingon pa at maingat na binuksan ko ang pinto ng silid upang lumabas. Hindi ko siya kailangang istorbohin, alam kong pagod pa siya. Pigil ang hiningang tinalunton ko na ang daan patungo sa maingay na tawanan sa kusina. Kasalukuyang kumakain na sila ng lunch. “Lola!” bulalas kong patakbong lumapit upang yumakap na sa kanya. Nakangiti niya akong nilingon. “Apo! Nandiyan ka pala.” Tumango lang ako at nahihiyang inilibot ang mga mata sa mga kasalo nilang tranahante. “Sumabay ka na sa aming kumain, Safi.” si Lolo na hinila na ang bakanteng upuan sa tabi niya, walang pasubali na akong naupo. “Sheila pahingi pa ng plato at kubyertos!” “Nandiyan na po, Sir.” Tahimik akong sumabay sa kanila, nakikinig sa usapang matanda at hindi sumisingit. Kapag may nakakatawa sa usapan nila ay tumatawa rin ako, kahit na hindi ko alam ang kahulugan ng mga sinasabi nila. Puno ang mahabang kusina nina Lola, mayroon pa sa harapan ng bahay. Natanawan ko ang mga iyon nang mayroong lalaking pumasok upang humihingi ng panibagong galon ng malamig na tubig na kanilang iniinom doon. “Bakit hindi po ako pwedeng sumama, Lolo?” tanong ko habang nakatanaw sa grupo ng mga matatandang lalaki na paalis na, pabalik na sila sa taniman upang ituloy ang pag-ani. “Hindi ako magpapasaway, sa gilid lang ako.” “Apo, napaka-init ng panahon at tiyak na masusunog ang pagiging kutis kamatis mo.” “E bakit po sila hindi nasunog?” “Safi, huwag ng matigas ang bungo. Gusto mo bang pagbawalan kitang magbakasyon dito? Hindi ka na marunong makinig.” may himig na ng pananakot sa kanyang tono, alam kong makulit na ako pero gusto ko talaga na sumama sa kanila. “Sasabihan ko si Tony na pasaway ka, gusto mo ba iyon?” Mabilis akong tinakasan ng lakas kasabay ng mariin kong pag-iling. Ayokong isumbong nila ako kay Daddy tapos pagbawalan na pumunta dito at bumisita. Malungkot iyon. “Kung ganun ay makinig ka sa amin. Para rin naman sa'yo iyon at hindi para sa amin.” sabat na ni Lola na hinila na palayo si Lolo, naiwan ako doong nanghihinayang pa rin. “Safiera, dito ka lang at dadalhan na lang kita ng pinya. Ilan ba ang gusto mo, apo?” Walang choice ay tinanggap ko na lang iyon kahit pa gustong-gusto ko pang sumama. “Dalawa, Lola.” “Sige, gagawin ko ng tatlo para mahal kita.” Hindi ko nahulaan ang kahulugan ng huling sinabi niya pero hindi ko na ito pinansin pa. Bigo ko silang pinagmasdan papalayo, umaasam pa naman ako na makapunta sa malawak na taniman ng mga pinya. Gusto ko iyong marating kaya ako nagbakasyon dito. Sabi kasi ni Mommy, anihan nito ngayon. Ilang ulit pa akong napabuntong-hininga. “Safi, kumain ka na ba?” Nilingon ko si Ate Luz at malamyang na tumango. Kakababa lang niya ng hagdan. “Sumabay na ako sa kanila.” “O sige, kakain at tutulong ako sa kusina.” Naupo ako sa mahabang upuan sa sala na yari sa matigas na katawan ng isang kahoy. Matamlay na pinagmasdan ang bukas na sinaunang TV na mayroon pang likuran. Hindi pa masyadong uso sa kanila ang TV na mga flat ang screen at saka malalaki. Kasalukuyang palabas doon ang isang noon time show na para sa akin ay napaka-boring. “Hello?” sagot ko sa katabing telephone ng TV, na sinauna rin iyon sa aking paningin. “Safi, ikaw ba iyan?” “Mommy?” Awtomatiko na akong napangiti ng marinig ang tinig niya na parang magkalapit lang. “Oo, kumusta kayo diyan? Ang biyahe? Ang mga Lolo at Lola?” “Ayos lang po. Harvest time ng pineapple.” “Great, huwag magpapakasobra ng pinya at tiyak magsusugat ang dila mo Safiera.” anito na nilakipan pa ng tawa, at hindi ako natawa. Pinagmasdan ko ang aking kuko sa isang kamay na medyo humaba na at nasisira na. “Huwag kang pasaway diyan ha?” dugtong nito nang hindi ako sumagot. “Behave lang.” “Opo.” “Gusto mo ba makausap ang Kuya mo?” “Sige po.” “Safiera, hindi mo pa ba ako nami-miss?” pambungad na tanong ni Kuya sa akin. Ang sabi ko okay lang ako, hindi ko sila mami-miss pero heto ako ngayon nahihikbi. “Kuya...” “Oh? Umiiyak ka ba?” Ngayon lang kami nagkahiwalay na dalawa, palagi kaming magkalaro at magkasama. “Hindi...” hikbi kong kumagat sa labi. “Pinili mo diyan eh, ayaw mo sa aming sumama.” aniya na may himig paninisi, alam ko naman na gusto niya lang ipa-realize sa akin ang desisyon ko at hindi para pasamain ang loob ko. “E-enjoy mo na lang ang bakasyon ngayon, tapos sa sunod ay sumama ka na sa amin. Malungkot rin naman ako dito, hindi kasi kita kasama.” Tuluyan ng nangilid ang aking mga luha, parang gusto ko ng madaliin ang bawat araw na lumipas nang matapos na iyon. O di kaya naman ay bumalik sa nakaraang araw, magde-desisyon akong sumama sa Italy. “Huwag kang pasaway kay Lolo at Lola?” paulit-ulit akong tumango kahit hindi niya nakikita, alam kong malungkot na rin siya. “Makipaglaro ka na lang sa mga tutubi diyan, hindi ba at ang dami diyan noon, Safiera?” “Oo...g-gusto mo ihuli kita?” “Sige na,“ sagot nitong hindi pinansin ang huling sinabi ko. ”Baka bumaha ang luha.” “Sige.” “Araw-araw kitang tatawagan, matulog ka ng tanghali. Big girl ka na, grade seven ka na.” “Okay, Kuya Timothy.” Marahas kong pinunas ang aking mukha sa manggas ng aking suot na damit pagkababa ng tawag. Sabi ko hindi ako malulungkot, hindi ako iiyak dahil miss ko na sila. Hindi ako mahina, matapang ako pero bakit? “Safi, umiyak ka ba?” “Ate Luz!” mahigpit kong yakap sa kanya na hindi ko alam kung bakit tuluyang bumigay. Parang siya ang humila ng gatilyo ng mga luha ko. “Miss ko na agad si Kuya Timothy, pati si Mommy at si Daddy.” hikbi ko doon. “Sssh, tahan ka.” marahan niyang haplos sa aking buhok at ginantihan na rin ng yakap. “Mabilis lang naman ang araw. Maghanap ka ng kalaro mo sa lugar na ito para malibang.” “Ayaw akong pasamahin ni Lola sa taniman, doon sigurado akong maraming bata na kagaya ko. Paano ako hahanap ng kalaro?” reklamo kong mas bumaha ang mga luha. Mahina siyang tumawa na naging dahilan upang patuloy pa akong umatungal ng iyak. Pinagtatawanan niya ako sa mababaw na dahilan. Binuhat niya na ako at naupo siya sa sofa kahit na ang bigat ko na ay nakaya niya. “Tahan na, big girl ka na Safiera kaya dapat ay hindi ka na umiiyak aa mababaw na mga dahilan. Naku, huwag kang iyakin Safi.” alo niya sa akin na halatang nahahabag na rin sa kung anong hitsura ako mayroon ngayon. “And big girls don't cry easily, maliwanag?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD