Chapter 2

1697 Words
Mainit pa rin ang sikat ng araw nang lumabas kami ng bahay ni Ate Luz upang tumigil ako sa pag-iyak. Dinala kami ng kanyang mga paa sa likod ng bahay nina Lola. Kung saan may iilang puno ng niyog na nakatanim, bago palang umuupo ang kanilang katawan sa lupa. Humila si Ate Luz mula doon ng ilang piraso ng dahon bago naupo sa lupa. Karga-karga pa rin ako at hindi alintana ang bigat ng katawan ko. “Safiera, gusto mo bang gawan kita ng bola na yari sa dahon ng niyog? Magaling yata akong gumawa ng mga ganun.” Sa tono ng tinig nitong nagmamalaki ay naagaw na niya ang aking atensyon. Mariing pinalis ko ang aking mga luha at suminghot. Sandali, posible ba iyong mangyari? “Paano iyon Ate Luz?” tanong ko sa kanya sa bahaw na tinig, pilit ikinonekta ang mahapdi ar namumulang mga mata. “Pwede ba iyon?” mayroong himig ng pagdududa sa tinig ko. “Oo naman, teka lang at igagawa kita.” Masusi kong pinagmasdan ang pagtanggal niya ng buto sa gitna ng dahon ng niyog. Hindi ko man batid kung totoo nga iyon na pwedeng mangyari ay naghintay pa rin ako. “Ang tawag dito ay tingting Safiera,” pakita niya sa akin ng payat na patpat na tinanggal niya mula sa dahon ng niyog. “Iniipon ang maraming ganito para gawing walis tingting. Natatandaan mo iyong ginagamit sa bakuran niyo ng gardener upang walisin ang mga tuyong dahon?” tumango ako, hindi naman ako ganun ka-ignorante at kilala ko rin ito. “Mayroon niyan sina Lola sa kusina, pero bakit iba ang kulay Ate Luz? Brown iyon.” Pagak siyang tumawa na abala pa rin ang kanyang dalawang kamay sa ginagawa. “Kasi iyon ay natuyo na ang tingting, ito naman ay sariwang-sariwa pa.” Bumaba ako sa kanyang kandungan. Naupo na sa kanyang tabi habang hindi nawawala ang aking mga mata sa ginagawa ng kamay niya. Namangha na ako ng unti-unting naghugis bola na square ang ilang pirasong iyon dahon ng niyog na kanyang kinuha. “Tada! O ‘di ba ball na siya?” “Wow! Ang galing mo naman Ate Luz.” Nakangiti kong tinanggap ang bola na kanyang ginawa. Inihagis ko iyon sa ere at pilit na sinasalo. Mabilis na nawaglit ang namumuong pangungulila sa pamilya. Napupuno ng aking mga halakhak ang likod-bahay na iyon nina Lola tuwing masasalo ko ang itinapon sa ere na bola. “Gusto mo bang gawan kita ng watch at saka ng ring? Posible rin iyon, Safiera.” “Talaga Ate Luz? Sige!” Nagpatakbo-takbo ako sa likod ng bahay. Ihahagis ang bola sa ere upang saluhin at kapag napagod na ay kung saan-saan ko na lang iyon ibabato at saka ko kukunin. “Safiera, I am done on your watch.” pakita niya sa akin noon na abot sa tainga ang ngiti, “Halika dito at isuot mo. Bilis!” Mabilis akong tumalima sa kanyang nais. Ini-umang na ang kanang braso. Nakasuot ang kaliwang braso ko ng tunay na relo at hindi ko mapigilan na magpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Amaze na amaze. “Ang astig nito Ate Luz!” bulalas kong hindi pa magawang tanggalin ang paningin dito. “At ito naman ang iyong ring.” Masaya akong tumawa at tumalon-talon kasabay ng maalinsangang ihip ng hangin. Lumakas pa ang mga halakhak ko na sumasabay sa pagaspas ng mga dahon ng halaman na nakatanim sa malawak na bakuran. Napalitan ng saya ang lungkot. “I am going to keep this ball and watch, ipapakita ko ito kay Kuya Timothy Ate!” “Alright, gusto mo bang gawan ko rin ng ball ang Kuya Timothy?” mabilis akong tumango, excited na sa magiging reaction ng kapatid. “Sige, Ate Luz!” Patuloy pa akong naglaro, paulit-ulit kong inihahagis ang bola sa ere at sinasalo. Ilang sandali pa ay nanlalagkit na ang aking leeg sa pawis na hindi pa rin napapansin ni Ate. “Hindi ba alam mo iyong torotot, Safiera?” tanong niya nang lumapit ako at pasalampak na maupo sa kanyang tabi. Bahagyang hingal na halatang napagod na ako. “Oo, Ate Luz.” “Maaari ‘ring makagawa noon sa dahon ng niyog.” “Talaga Ate? Ang galing naman.” “Oo, napakaraming pakinabang ang puno ng niyog. Gagawan kita mamaya.” aniyang mabilis na tumayo, halatang napansin na ang hitsura kong pagod. “Huwag kang aalis dito, kukuha lang ako ng tubig at bimpo.” Tumango lang ako at ibinaling muli ang mga mata sa bolang hawak. Iuuwi ko ito sa amin. “Ang galing naman ni Ate Luz, may talent.” Isang payat, maliit, umiiyak at kulay puting aso ang biglang dumating. Galing ito labas ng bakuran nina Lola at halatang natatakot. “Doggy?” tanong ko na binitawan ang bola. Tumingin ito sa akin, and for sure sa unang lapat ng aking mga mata sa kanya ay hindi ko alam kung bakit bigla na akong nahabag. Umiyak pa ito nang mahina noong makita niyang tumayo ako upang lapitan siya. Nang i-umang ko sa kanya ang kamay ay dinilaan niya iyon at ikinawag na ang buntot sa akin. Nahiga pa ito sa damuhan. Doon ko nakita ang pulang likido na umaagos mula sa kanyang likod kung kaya nagpalit ang kulay ng balahibo nitong medyo may kahabaan. “Hala! May sugat ka!” bulalas kong agad na tumayo at natataranta, napahawak pa ako sa aking bibig bunga ng pagkabigla. Sa tingin ko ay hindi naman malaki ang sugat. Parang galos lang iyon ngunit malalim kung kaya madugo ito. “Dito ka lang. Huwag kang aalis. Tatawagin ko si Ate Luz para sa rescue.” Nagmamadaling tumalikod ako ngunit ilang hakbang pa lang nang lingunin ko siya ay nakatayo na habang nakatingin sa akin. “Diyan ka lang. Huwag kang aalis. Hintayin mo ako at—” Mabilis siyang tumakbo palabas ng bakuran. Wala akong nagawa kung hindi ang sundan at habulin siya upang sana ay aking hulihin. “Teka lang, may sugat ka! Tigil! Tsuuu!” Hindi ko napansin na nakalabas na ako ng bakuran mula sa likuran ng bahay. Mabilis pa siyang tumakbo na hindi ko alam kung saan patungo. “Stop! Tsuuu! Stop!” Patuloy ko siyang hinabol hindi alintana ang matinding sikat ng araw. Hindi ko na lang namalayan na nasa makipot na pilapil na ako, naputol na rin ang isa sa suot kong tsinelas nang matumba ako at mapatid sa maliit na puno ng halamang hindi nakita. “Saan ka ba pupunta? Mayroon kang sugat!” Tuwing tumitigil ako sa pagtakbo ay tumitigil rin siya, nililingon ako at kapagdaka ay iiyak. “Hindi na kita hahabulin, bahala ka diyan!” sigaw ko na tumalikod sa banda ng aso. “Pagod na ako. Hindi ka naman nagpapahuli sa akin. Bahala ka. Hindi kita magagamot!” Tumatagaktak na ang pawis ko sa mukha, ganundin sa aking dibdib at likod. Sigurado akong magagalit sa akin si Ate Luz mamaya. Dinampot ko na ang putol na tsinelas, agad tumusok sa aking manipis na talampakan ang tigang na lupa sa tag-araw kung kaya animo ay mukha akong napilay. Ngumuso ako at nilingon ang banda ng aso, wala na siya! Talagang iniwan niya ako sa tumana. “Pinagod niya lang ako.” Nanlaki ang aking mga mata nang malakas na kumulog at biglang nagdilim ang langit. “Ha? Ang init lang kanina—” Natigilan ako nang humalik sa aking balat ang malalaking patak ng ulan mula sa langit. “Umuulan na!” natataranta kong baling ng tingin sa paligid habang inilalagay ang aking dalawang palad sa aking ulong mainit pa. “Ate Luz!” malakas na sigaw ko na hindi na alam kung anong gagawin sa puntong iyon. Mabilis akong tumakbo patungo sa malapit na bahagi ng mga taniman ng mga puno ng saging. Hindi naging madali iyon dahil sa biglang buhos ng ulan ay naging madulas ang nabasang lupa. At dahil hindi ako sanay na maglakad sa putik ay nakailang beses na paulit-ulit akong nadadapa. Bumabangon ako kahit na puno na ng frustration ang aking kalooban. Nakakainis ka naman ulan! “Ate Luz...” Hindi ko na napigilang mapahikbi dahil sa puntong iyon ay parang ang helpless ko na. Hindi ko matanaw kung nasaan ang bahay nina Lola, mukhang nasa kabila iyon at hindi ko alam kung paano doon babalik. Naghalo na ang aking sipon at mga luha. Idagdag pa ang malamig na hagupit ng buhos ng ulan. Ilang beses kong pinalis ang mga luhang pilit na nagpapalabo sa aking mga mata. Natatakot na ako at ang sama na ng loob. “Tiyak nag-aalala na sa akin si Ate Luz...” patuloy na hikbi ko na nakokonsensiya na. Pinagkasya ko ang aking sarili sa ilalim ng malalaking dahon ng saging ng taniman. Pilit kong isiniksik ang aking sarili sa puno noon, hindi alintana ang panganib sa lugar. “Anong ginagawa mo dito? Bakit ka narito?” Mabilis na akong lumingon sa nagsalita at nabungaran ko doon ang isang batang lalake na sa tantiya ko ay ka-edad ni Kuya Timothy. May pasan itong malaking buwig ng saging sa kanyang kaliwang balikat, may bitbit na itak ang kanang kamay. Nanlilimahid sa dumi ang suot niyang pantalon at jacket. At nakasuot din siya ng kulay puting bota. Sa presensiya niya ay parang mas lalo pa akong naiyak. Siguro nama’y tutulungan niya ako. “N-Naliligaw ako...” “Ha? Naliligaw ka? Tagasaan ka? Paano ka dito napunta sa taniman namin ng saging?” Itinuro ko ang malawak na palayan kung saan ako dumaan kanina gamit ang may panginginig ko ng palad. Nilalamig na ako. Nais kong sabihin sa kanya na apo ako ng mga Claud. Siguro naman ay kilala niya sina Lola at Lolo dito at baka sakaling ihatid niya ako sa bahay nila para makauwi na. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay malakas ng kumulog at kumidlat kaya napasigaw ako sa takot at malakas pang pumalahaw ng iyak. “Huwag kang matakot!” Nakita kong halos madurog ang piraso ng mga saging na nasa buwig pa ng ibagsak niya iyon sa lupa nang dahil sa pagkagulat. “Kulog lang iyan, hindi nangangain ng tao.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD