Chapter 57

2156 Words

Malakas ang hagibis ng hangin at buhos ng ulan sa labas ng mansion nina Lolo at Lola. Masungit ang panahon, nang dahil iyon sa paparating na bagyo. Wala pa man ito sa bansa at papasok pa lang ay pinapaulan na niya ang ilang mga lugar at kasama na doon ang Pampanga. Sa nanlalabong salamin ng bintana ng aking silid dala ng malakas na hangin at ulan sa labas ay matatanaw pa rin mula dito ang pangunahing mga tanim gaya ng mais at palay na pinipilit na tibayan ang tindig sa lumalakas na hagupit ng hangin. “Mukhang malabong tumigil ngayon ang ulan at parang mas lalakas pa ang buhos.” wala sa sariling mahinang bulong ko habang panaka-naka ang naging sulyap doon banda. “Okay lang iyan, ang mahalaga ay narito na silang lahat. Malawak ang mansion, kaya naman kayang-kaya silang e-accomodate. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD