S C A R L E T T
Hindi na tuloy yung lakad namin ni Toby kahapon dahil inuna niya ang turuan akong mag linis ng bahay.
Nakakapagod pala maglinis ng bahay, nakakaawa naman mga katulong namin sa araw-araw nilang gawain. Buti nalang hindi masama ang trato ng magulang ko sa kanila, they treat as if they are our family.
Bumangon na ako, nakaramdam ako ng sakit ng katawan ko, iba talaga ang higaan ko dito kompara sa higaan ko doon sa bahay ko.
Turo ni Toby sa akin kapag kakagising ko lang at babangon nga ako sa higaan kailangan ayusin ko ang higaan ko bago ako lumabas ng kwarto.
Umaga palang nararamdaman ko na ang init ng panahon, do I need to use aircon? Pero gagastos pa ako ng makali, dapat sanayin ko na ang sarili ko.
I sigh.
Ang init talaga, sinuot ko na ang bra ko at lumabas na ako ng kwarto.
"Nag exercise ka ba?" Tanong ni Toby nung dinaanan niya ako.
Kumunot noo ko. "Why?"
"Grabe pawis mo."
"Ang init kasi." Umupo ako sa sofa at binuksan ko yung electric fan.
"Ganito talaga dito lalo na pag hapon, kala mo sa araw ka nakatira sa sobrang init" sabi ni Toby, nag toothbrush na muna siya. Ngayon ko lang napansin na nakabihis na si Toby.
"You have work?"
Tumango si Toby. "Nag luto na ako ng ulam, kumain ka nalang kung gusto mo. Anyway girl ikaw lang mag isa dito, so if you can clean, please clean darling. Kung hindi mo kaya pa mag hugas huwag na muna."
"Where is Leo?"
"Maaga umalis eh. Baka mamaya pa yun uuwi, baka pag uwi ko makashopping na tayo."
Pagkasabi ni Toby nun, pumasok siya ng kwarto. Saglit lang siya sa loob, pag labas niya dala na niya ang bag niya na pang babae. "I have to go. Babye!"
I sigh.
Wala na si Toby, I feel bored dahil wala akong makausap dito sa bahay.
Nilibot ko ang kabuuan ng bahay namin, maliit lang naman ito pero bakit nakakapagod mag linis?
Tumayo ako at kumuha ako ng walis, tutal bored ako kaya naglinis ako ng bahay.
I think dalawang oras bago ko natapos mag linis, kumikintab na ang sahig, napangiti ako.
Lumingon ako sa sink, at doon nawala ang ngiti ko.
May mga plato pa pala. Kaya ko kaya yan hugasan ng hindi nababasag sa akin?
Napailing ako, nag linis naman ako ng bahay kaya enough na yun, maiintindihan din naman siguro nila ako kapag hindi hinugasan yan.
Hihiga na sana ako sa couch ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal si Leo doon.
Agad-agad akong tumayo, para akong timang na hindi alam saan pupunta.
Nung maisip ko yung kwarto ko agad ako ng tungo doon at nilock ito.
I sigh.
Napailing ako, why do I act like that infront of him? Nakakahiya naman.
Mga ilang minuto naririnig ko nalang ang tunog ng pinggan, baka hinugasan na niya.
Biglang nag ingay ang tyan ko.
Damn! I forgot hindi pa pala ako kumakain, napadabog ako sa kwarto ko.
How can I eat kung nasa labas si Leo? Kaloka naman oh.
Humiga nalang ako and I tried to sleep para malimot ko yung gutom ko.
°
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ko kaya dahan-dahan akong bumungon sa kama.
I yawn and then lumapit na ako sa pinto at binuksan yun. "Hello Girl!" Si Toby lang pala. "Napagod ka ba sa pag linis?"
Napatango ako. "Kakauwi mo lang ba?"
Tumango siya sa akin. "Mag bihis ka na para makashopping na tayo."
"Okay."
Kakagising ko lang kasi kaya mukhang wala akong gana gumalaw.
Kinuha ko yung bathrobe ko at lalagyan ng pang ligong gamit ko.
Pumasok na ako sa banyo at naligo, buti nalang nga hindi na tubig bomba yung ni liligo namin.
Pagkatapos ko maligo lumabas na ako ng banyo.
Nakasalubong ko pa si Leo kaya napayuko ako nung dinaanan niya ako.
Bakit ba natatakot ako sa kanya?
Kasi ba naman how he treat me and his name? Kaugali niya ang pangalan niya kulang nga lang 'N' para maging Leon.
Napailing ako sa iniisip ko.
Nag bihis na ako, pagkatapos ko mag bihis at mag ayos, lumabas na ako sa kwarto ko.
Inaantay na ako ni Toby pag labas ko ng kwarto.
"Ganda ka girl." Napangiti nalang ako sa sinabi niya. "Pak! Ang sexy mo pa, tell me you are a model?"
Umiling ako. "Hindi nuh."
"Oh siya Leo, maiwan ka na namin. Dahil mag shoshopping na muna kami."
At lumabas na kami ng bahay, hindi na namin inantay na sumagot si Leo dahil wala naman pake yun.
PAGDATING namin sa mall, hinarap na muna ako ni Toby.
"Madami ka bang pera?"
Kumunot noo ko sa tanong ni Toby. "Yes?"
"Still we should spend your money wisely, yung kailangan mo lang hindi yung gusto mo ang bilhin natin."
Napangiti ako. "Thank you, Toby. If it wasn't for you, hindi na alam kung anong gagawin mo."
"Just think that I am your beautiful fairy god mother."
Tumango ako habang may mga ngiti sa labi ko.
Home supplies muna inunahan namin, may mga kailangan pa daw ako sa kwarto, pero believe ako kay Toby dahil alam niya ang kailangan ko.
"Ang pera nauubos yan kapag hinde mo i-invest. May trabaho ka ba?"
"Yes. But it was before kung hindi ako naglayas, doon ako nag wowork sa kompanya ng dad ko."
Tumango si Toby. "Gusto mo ba magtrabaho? Pero hindi ito nakasanayan mong trabaho."
Tumango ako. "ofcourse, para naman hindi ako ma bored sa bahay." Sagot ko.
"Samahan mo ako sa work ko, manood ka muna sa mga ginagawa ko and then the next day i-train kita and magsimula kana kapag mapansin kong handa kana."
Hindi ko napigilan yakapin si Toby. "Thank you, Toby for the guidance."
"Maliit na bagay, girl."
NAPAGOD ako sa pag shopping kasama ni Toby, kaya agad na akong dumiretso sa kwarto ko pag uwi namin ng bahay, hindi ko na muna inayos ang gamit ko.
Nagpahinga muna ako ng ilang minuto, pagkatapos gumalaw na ako para ayusin ang gamit ko.
Habang inaayos ko ang gamit ko, napansin ko yung mga iilang bag na dinala ko.
Kinuha ko yung isa at lumabas ako.
"Toby?"
Sabay katok ko ng pintuan niya.
"Coming."
Pagbukas niya inabot ko kaagad ang bag sa kanya, kumunot ang noo niya.
"For you."
Lumaki mga mata niya sa gulat. "Nakuuu ang mahal niyang bag na yan, Carly."
"I don't care, its a gift for helping me today and for being my friend."
"You don't have to pero pinilit mo ako kaya kukunin ko nalang." Sabay pa kami napatawa. "Pero salamat."
Ngumiti ako. "You deserve that."
"Loka. Huwag mo ako i-spoiled."
Tumawa ako sa sinabi niya pagkatapos nag paalam na ako dahil aayusin ko pa mga pinambili namin.