Pagkalabas ko ng bahay, nagmadali agad ako maglakad. Pagkarating ko sa daan, nagpahinto agad ako ng taxi nung may nakita ako padaan sa akin. Sumakay agad ako at nagtungo ako sa mall, pagdating ko sa mall, pumunta ako sa isang store kung saan nagbebenta ng mga gadget.
Bumili agad ako ng phone at nag sim pagkatapos nun I tried to call may assistant.
"Hello?" Sagot ng assistant ko pagkatapos niya sagutin ang tawag ko.
"Its me, Scarlett."
"Miss An-"
"Don't you dare mention my name." Matigas kong sabi sa kanya, I trust her. Dahil sa lahat ng employees sa kompanya namin, siya ang pwede kong pagkatiwalaan dahil para naging malapit na ito sa akin.
"Wait Miss. Hahanap lang ako ng lugar." Ilang minuto pa bago siya nagsalita muli. "Miss Anderson saan ba kayo? Lahat sila hinahanap ka."
"I'm not going back unless they will cut off the engagement."
"Can I talk casual? As your friend?"
"Sure." I said
"Diba eto na yung inaantay mo na pakasalan ka na ni Tristan?"
"Yes! But that was before he cheated on me."
"What?!!! Teka saan ka ba?"
"I'll call you next time para magkita tayo, but for now do me a favor. Delete everything they posted in our company page about me, even my picture."
She's a good hacker though kaya siya yung inutuusan ko kapag may kailangan akong tanggalin kapag tungkol sa company namin or sa family namin.
°
Pag uwi ko sa tinitirahan ko at nakita ko tambak ang mga plato sa sink bigla ko naalala na hindi na pala ako nakatira sa amin. Wala akong katulong para ayusin lahat ng dumi at kalat ko kaya tinali ko ang buhok at lumapit ako sa sink.
Napabuntong hininga ako nang hindi ko alam paano ako sisimula dahil sa dami ng plato, tatlo lang naman kame hindi ko alam kung bakit madaming plato dapat hugasan.
Napalingon ako sa may pintuan nung marinig ko na may paparating.
Si Leo lang pala at ang may ari ng bahay na ito, tumungo sila sa banyo at may pinag uusapan sila tungkol dun sa banyo.
Napatingin yung may-ari ng bahay sa akin, kaya tumalikod na agad ako baka isipin pang tsismosa ako.
Hahawakan ko na sana ang pinggan ng may mag salita. "Huwag mo na isipin hawakan yan, kung makakabasag ka lang naman."
Kaya napaharap ako sa kanya, wala na pala yung owner. "I can do it." Sabi ko at hinarap ko na muli yung lababo.
May sabon na yung mga kamay ko nung hawakan ko ang baso biglang nadulas sa kamay ko at nahulog.
Napapikit ako dahil sa tunog ng pagbasak ng baso. "ISANG BESES KA LANG DAPAT SABIHAN! HINDI KA NAMAN BATA."
At lumapit ito sa akin, pagbukas ko sa mga mata ko, galit ito nakatingin sa akin. "Gusto ko lang naman tumulong."
"Nakatulong ka ba?!" Napakagat ako ng labi. "Next time pwede sa kwarto ka nalang!"
"Teka lang, Leo. Hindi mo siya kailangan sigawan." Singit agad ni Toby, na kakauwi lang din, napatingin ito sa baba ng paa ko. "Pasok ka nalang muna sa kwarto, ako na bahala sa kanya." Bulong ni Toby sa akin.
Kaya dahan-dahan akong gumalaw hanggang sa makaalis na ako don. "Tatanga-tanga kase." Narinig ko pa yung huling sinabi ni Leo bago ako nakapasok sa kwarto.
"Leo! Anyare sayo? Hindi ka naman ganyan ah?"
"Then, ikaw ang maghugas at maglinis niyan." Rinig kong sagot ni Leo at pabagsak pa itong sinerado ang pinto nito sa kwarto.
I sigh.
Hindi ko na pigilang umiyak dahil ngayon lang ako napagalitan ng ganun ng ibang tao, my entire life I never been humiliated by other people.
Napahagulgol ako, napatingala ako nung marinig ko yung pagbukas ng pinto ko.
Si Toby lang pala, lumapit agad siya sa akin. "Hey, don't cry."
"Hindi ko naman ginusto ang makabasag ng pinggang." Pagsusumbong ko kay Toby habang umiiyak. "I just want to help, I'm sorry because my whole life I never wash plates."
"Sssh. Hindi ata sinadya ni Leo na sigawan ko, na bigla lang din ata yun. Mas mabuti nalang kung iwasan niyo nalang ang isat-isa."
Tumango lang ako sa sinabi ni Toby habang umiiyak parin ako.
°
Nagising ako na mabigat ang mga mata ko dahil na siguro ito sa kakaiyak ko.
Someone knock my door, napatingin lang ako sa may pinto.
"Scar, its me Toby."
Kaya napatayo ako at pinagbuksan ko siya ng pinto. He smiled at me and hug me. "Huwag mo nalang pansinin yun." I just nod at him. "Ikaw si Scarlet Anderson right, ang anak ng isabg mayamang businesd man." Hindi ako nakasalita nung sabihin niya yun sa akin. "Hindi mo naman kailangan ikwento kung ano ang nangyari bakit ka napatpat dito."
I smiled at him. "Thank you for understanding me. Im sorry, I lied earlier, ayoko kasi may makilala sa akin."
He sigh "Its okay hindi naman ako magsabi sa kaibigan ko na andito ka, kapag may oras ako tuturuan kita sa paglilinis ng bahay." Napansin kong nilibot ng mga mata niya ang kabuuan ng kwarto ko. "You have a lot things need to buy."
"I know. Maybe you can come with me tomorrow?"
"Ay girl! Hindi ako tatanggi, reyna ng pag shopping kayaa ako."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Carly." Napakunot noo siya sa sinabi ko "Just call me, Carly. Panget kase pakinggan ang Scar eh."
We both laugh. "Sabagay. Kumain kana ba?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. "Wanna help me prepared?"
Napangiti ako. "Can I?"
Hinila na ako palabas ng kwarto ni Toby, naabutan namin si Leo na nonood ng tv. Nag iwas nalang agad ako ng tingin dito.
"Oh, nagpaconnect ka na ng tubig?" Tanong ni Toby sa akin, nung magulat siya may lumabas na tubig sa gripo. Umiling ako, kaya lumingon ito kay Leo. I saw Toby smiling na parang may meaning. "Hmm, smell fishy." He said.
Buti nalang bakla si Toby atleast parang babae na din yung kasama ko, because of Toby hindi ko naramdaman mag isa ako.
Tinuloy na namin ang pag luto, ako yung taga abot sa mga kailangan ni Toby na ingredients. Nagutom tuloy ako nung maamoy ko na ang adobong karne niluluto niya.
Pagkatapos maluto ang ulam, nilinis kona ang mesa.
"Let's eat." Sabi ni Toby.
Tumayo si Leo at dumiretso ito sa kwarto nito. I feel sad, alam kailangan ko siyang iwasan pero parang ayaw sa akin ni Leo, wala naman akong ginawa sa kanya to hate me uh.
"Hayaan mona yun, ayaw niya sa mga babae eh."
Napakunot noo ako. "Why?"
"His fiancè cheated on him, kaya siguro pati lahat ng babae sa mundo naging hate niya na."
Napatingin ako sa pinto ni Leo, pareho pala kame ni Leo. "Kailan lang?"
"1year ago, actually ako na una dito at sumunod si Leo."
Napatango-tango ako sa nalaman ko, I think ako nalang mag a-adjust, kapag andyan siya ako nalang ang iiwas.
Nagpatuloy na kame kumain ni Toby ng hindi kasama si Leo.
Habang kumakain kame, kinwento ni Toby kung bakit siya napunta sa lugar na ito.
"Actually may kaya kame, pero hindi din kame mayaman. Pero naging sugarul yung tatay ko, lahat ng pera namin naubos pati na rin yung restaurant na meron kame nawala sa amin." He sigh. "Nalaman pa nila na hindi ako straight." Sabay tawa ni Toby. "Halos mamatay na ako sa pagbubogbog nila sa akin, buti nalang napigilan pa sila ni inay noon kaso nga lang pinaalis ako ni inay sa amin dahil ayaw niya na may anak na tulad ko."
"What's wrong being a gay? You're still a human. You don't deserve that treats, kung may kapatid lang talaga ako gusto ko tulad mo. Dahil parang may kuya at ate na rin ako." Nakangiti kong sabi.
Napangiti siya sa akin. "I like you, dahil hindi mo ako hinusgahan sa pagiging bakla ko" sabay tawa niya.
"I don't have the rights to do that."
"Fine. From now on, you'll be my sister."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Anyway, masarap yung adobo." Sabi ko
"Ofcourse, na mana ko sa inay ang pagiging kusinera "
"How's your mom? Binibisita mo parin ba siya?".
Biglang lumongkot si Toby. "Wala na sila pareho eh, I cut my connection to my siblings na eh."
"What do you mean, wala na?"
"Kinuha na sila ni god."
"Oh Im sorry."
Napatigil kame sa pagsasalita ng bumukas ang pinto ni Leo.
"Leo, kumain kana."
Hindi ito nagsalita, tuloy-tuloy lang ito umalis ng bahay.
Nagkatinginan kame ni Toby, sabay kame nagkibit balikat.
PAGKATAPOS namin kumain, tinulungan ko si Toby magligpit hanggang dun lang muna ang pag tulong ko dahil baka may mababasag na naman sa akin.
"Marunong ka ba magwalis?"
"Maybe I can do that." I said. Tinuro sa akin ni Toby kung saan ang walis kaya kinuha ko yun at nagsimula na maglinis.
"Ang paglinis hindi lang kung saan lang nakikita dapat, sa sulok-sulok ng bahay nililinis din kahit hindi ito kita." Napatango-tango ako sa sinabi ni Toby, kaya sinunod ko yung turo niya sa akin.
Napaupo ako sa sofa dahil sa pagod. "Anak mayaman ka talaga." Napatingin ako kay Toby nung sabihin niya yun. "Akalain mo, dito palang banda sa kusina ka nagwalis pago kana agad?"
Napakamot ako ng ulo. "Im sorry, I-"
"Its okay, dahan-dahan lang hindi naman kita pinapamadali matutulo eh. Nakakainggit lang ang buhay mo dahil sobrang yaman mo."
"Hindi naman kasi nakakainggit ang pagiging mayaman. Ano magagawa ng yaman kung parati naman hindi kayo nagkakasama ng pamilya mo." Malungkot kong sabi.
"Paaak! Tama ka. Pero nababase sa pera ang pamilya " napakunot noo ako sa sinabi niya. "Madami kang pamilya o kaibigan kapag mayaman ka, pero kapag mahirap ka kahit pamilya ata wala."
Naintindihan kona ang ibig niyang sabihin, tumayo si Toby nagulat nalang ako nung dumiretso siya sa kwarto ko.
"Aayusin natin ang kwarto mo." Pagkatapos niyang sabihin yun kumuha siya ng papel at may sinulat siya dun, pagkatapos inabot niya sa akin yung papel. "Yan mga kailangan mo para maging maayos ang kwarto mo."
Natuwa ako, kaya niyakap ko siya. "Are you my fairy god mother?"
Natawa si Toby sa sinabi ko. "Parang ganun na nga."
Dahil dun lalo kami naging malapit sa isat-isa, kaya kahit na masakit parin sa puso kmyung ginawa sa akin ng ex boyfriend ko, nakakaliutan ko ang sakit dahil kay Toby.