5: Careless Whisper

1128 Words
ZIA SAN FILIPE’S POINT OF VIEW "Hays." Napabuntong hininga na lang ako. Nakahanap din ng taxi pauwi sa apartment. Medyo nahirapan talaga ako makahanap ng taxi dahil hapon na. Kaya lang talaga kasi ay ayaw kong ihatid ako ng mag-amang iyon. Hindi ko akalaing after two months ay makikita ko muli si Norman. Nagulat ako ng malamang may anak na pala siya. Kaloka naman! May asawa ang kumuha ng perlas ko! Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin, pamilyado na pala siya. This is one of the reasons kaya ayaw ko sa mga lalaki, gumagawa kasi sila ng kalokohan. Sa sarap nandiyan sila, kapag nahirapan na ayun, parang bulang nawawala. Kapag nagbunga ang kalokohan nila, tatakbuhan o kaya naman itatanggi. At the end, kaming mga babae ang kawawa. Kami ang may kasalanan. Babae ang sisisihin ng mga tao. Somehow, nakonsensya ako. Kung hindi lang ako naging marupok eh nasa akin pa ang Bataan at wala akong kasalanan sa asawa niya. Mga lalaki nga naman. Pagpasok ko sa apartment ay nakita ko si Lorie na nag-aalsa balutan. Si Cherry naman ay nakaupo sa sofa habang nagyoyosi. Basta na lang inihahagis ni Lorie ang mga gamit niya sa isang malaking pulanfg maleta niya. "Anong drama ‘yan Lorie? Nag-away ba kayo ni Boss?" tanong ko at tumabi kay Cherry. Inalok naman niya sa akin ang Marlboro Light niya, kumuha ako at nagsindi. Hinithit ko ito at dama ko ang init ng usok na pumapasok sa baga ko. Ngayon ko lang naalala na tatlong araw na pala akong hindi nakakapag-yosi. "Hindi kami nag-away ni Boss. Ibabahay na ako ni Mr. Lee!" sabi niya at nagtatalon talon pa. Hinakot niya ang mga damit niya sa cabinet at inilagay sa maleta niya. Pilit niyang isinasara ang maleta niya hanggang sa patungan na niya ito, maisara lang. "Mr. Lee?" tanong ko. Ano ba nationality ng taong iyon? Chinese? Japanese? O Jellyfish? "Hindi mo kilala? ‘Yung matandang koreano na naging guest niya noong isang gabi. ‘Yung kalbo! Sabi ibabahay na siya. Kaya iyan," paliwanang naman ni Cherry. Nabigla ako ng nag-lean siya sa akin at bumulong. "Bilang ka lang ng isang linggo babalik yan dito. Ngumangawa pa." Hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil sa sinabi niya. Paano ba naman kasi, palaging ganito ang nangyayari. Ibabahay daw siya tapos after a week uuwi ditong luhaan. "Hoy! Anong binubulong bulo mo Cherry?!" sigaw ni Lorie at nagtawanan kaming dalawa ni Cherry. "Wala!" sigaw naman ni Cherry. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Kapag nasa club kami hindi sila ganito kakulit. Takot sila kay Boss eh. Ganito sila kapag nasa apartment kami. Ibinuga ko na ang usok ng huling hithit ko bago pinatay ang upos sa ash tray at umayo na. "’Wag kang babalik dito Lorie ng ngumagawa ah. ‘Di ka na nadala," sabi ko at pumasok na sa kuwarto ko. Pagpasok ko ay mabilis kong hinubad ang ang damit ko. Hindi ko mapigilang pagtawanan ang sarili ko. Kapag wala ako sa club akala mo napaka-conservative ko. May-skirt pa akong nalalaman eh samantalang kapag nasa club na, halos wala na akong saplot. Hindi na ako nag-abala pang magbihis ng pambahay o pantulog at pabagsak akong humiga sa kama at napatingala sa kisame. Bahala sila if maabutan nila akong naka-panty at bra lang. Sanay naman na iyan sila Cherry. "Ate Zia..." That boy, bakit magaan ang loob ko sa kanya? O dahil tinawag lang niya akong ate? Damn! Dapat hindi ko na sila iniisip. Ayokong ma-stress sa kakaisip ng mga bagay na hindi naman mahalaga. Napabuntong hininga ulit ako bago ipinikit ang mga mata ko at hinayaang iduyan ako ng antok. *** "Malas! Malas! Malas!" Napatakip ako sa magkabilang tainga ko nang marinig ko ang mga sigaw ni Nanay at pinagbabato niya ang mga plato at baso. Wala akong magawa kung hindi ang maupo sa sulok at takpan ang magkabilang tainga ko. "Nanay..." tawag ko sa kanya at mabilis siyang napatingin sa akin. Kita ko ang mga nanlilisik na mga mata niya na parang pati ang kaluluwa ko ay nakikita niya. “Ikaw ang dahilan! Ikaw ang malas sa buhay ko!” sigaw niya at mabilis siyang lumapit sa akin. “Malas! Malas! Malas!” sigaw niya habang walang humpay ang pagsampal niya sa akin. Bumabaling sa kaliwa’t kanan ang mukha ko at nagsisimula nang mamanhid ang mukha ko. Ang buong galit niya ay ibinubunton niya sa akin. “Kasalanan mo ito!” sabi niya at saka niya ako tinulak dahilan para mauntog ako sa pader. Wala akong magawa kung hindi tanggapin ang lahat ng ito. “Ikaw ang malas sa buhay ko! Sa buhay namin! Kaya ako iniwan ni Paciano at Levi!” Nanlalatang lumayo siya sa akin at dahan-dahang nahiga sa gitna ng sala namin. Ako naman ay pumasok sa kwarto at tinitigan ang hitsura ko. Halos magpasa na ang magkabilang pisngi ko at hilam ng luha ang mga mata ko. Simula nang umalis ang ama ko naging ganito na ang buhay ko. Naging punching bag ng nanay ko. Naging isang basahan. *** “Zia! Zia!” Napadilat ako nang marinig ko ang malalakas ba pagkatok sa pinto ng kuwarto ko. Bumangon na ako at hindi na nag-abala pang takpan ang sarili ko at binuksan ko na ito. Bumungad sa akin si Cherry na naka-rollers ang buhok. “Bakit? Parang gigibain mo na ang pinto ko,” sabi ko. “boss is here,” sabi niya at lumingon ako sa may sofa. Nakita ko si Alexus na nakasuot ng simpleng t-shirt at maong pants. “Mukhang ready ka na ah,” he said at natawa naman ako sa kanya. “Hinahanap mo ako?” tanong ko at tumango siya. “Go to the club. You have a customer,” sabi niya at tumayo na. “Akala ko day off ko ngayon?” I said at sumandal sa hamba ng pinto ko. “Unexpected guest. Governor,” sabi niya at tuluyan ng lumabas ng unit namin. Hindi na ako nag-reklamo pa at naligo na. Malapit lang ang club dito as in nasa likod lang ng club ang apartment namin. Pagpasok ko doon ay agad akong nagtungo sa dressing room para mag-ayos ng sarili ko. I always use light make-up. Next ay isinuot ko ang kulay pink na lingerie. Ang mahabang buhok ko ay ipinusod ko lang ng isang high ponytail. Pagkapasok ko ng VIP room ay nakita ko ang isang matandang lalaki. Mataba ito at malaki ang tiyan. Bumubuga ng tabaco at kapansin-pansin ang mga alahas na suot. Hindi ko alam kung saang governor ang lalaking ito but wala na akong pakialam doon. Nandito lang ako para magbigay aliw sa parokyano ng club namin. Nagsimulang tumugtog ang kantang Careless Whisper ni George Michael at sa bawat melody nito ay ang paggiling ng aking baywang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD