4: I want a mom like her

1004 Words
NORMAN DELA VEGA’S POINT OF VIEW "Why don't you try this one?" Napatingin kami sa babaeng may hawak na teddy bear. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang babae. "Zia..." bulong ko. Nakangiti siya habang hawak ang isang panda bear. "Panda bear? I don't think Helga will like that," sagot sa kanya ni Kier. Umupo si Zia para mapantayan ang anak ko. "Look, this panda is not just an ordinary toy. Mayroon itong talent. It can sing—" may pinindot siya sa katawan ng laruan at nagsimula itong tumugtog. "—Mayroon pa, you can talk to it. It can be your best friend! And it can keep a secret. Hindi nito sinasabi ang mga secrets mo," paliwanag niya. Tila namangha naman ang anak ko sa laruan at tumingala na sa akin. "Daddy ito na lang! I'm sure Helga will love this!" sabi ni Kier at kinuha na kay Zia ang laruan. "Sure ka?" tanong ko. Tumango-tango naman siya. "Yes! Naalala ko kasi sabi bi Helga she doesn't like Peter na. Kasi sinasabi ni Peter secrets niya kay Fatima. This panda will not spill her secrets! Matutuwa si Helga!" Napangiti na lang ako habang pinapanuod si Kier. He really loves Helga. Nakikita ko iyon. "Okay. We will but that," sabi ko at tumalon naman sa tuwa ang anak ko. "Your friend will love it." Napatingin kami kay Zia. She pat Kier's head bago tumayo at inayos ang palda niyang suot. Medyo nagusot na ang palda niya kaya pinadaanan niya ito ng kanyang palad. Pinagmasdan ko siya. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang makilala ko siya sa club na iyon. Ang kanyang mahaba at itim na buhok ay maayos na nakalugay at may suot siyang pearl headband. Mukhang 1950's pa ang datingan niya ngayon. Nakasuot siya ng isang puting blouse at nakatuck-in ito sa pencil cut skirt na kulay brown. Nakablack heels din siya. Simple pero angat na angat ang kagandahan niya. "Thank you, miss? Ano po pala pangalan mo?" tanong ni Kier. Ngumiti siya sa anak ko. "I'm Zia. Just Zia. No surname," pakilala niya. Ganyan din siya nagpakilala sa akin. Hindi ko akalain na magkikita pa kami. "Thank you, Zia," I said at ngumiti siya sa akin. "Welcome, Norman." Lihim akong nagulat dahil naalala niya pa pala ang pangalan ko. Inaasahan ko na kasi na hindi niya ako maalala. We all know na nagtatrabaho siya sa club. Countless men na ang nakasalamuha niya at mukhang hindi na niya tanda ng mga pangalang naging customers niya. "Halika na Kier, bayaran at ipabalot na din natin iyan," I said at hinawakan ko na ang kamay ni Kier. "Miss Zia?" Napatigil ako ng tawagin ni Kier si Zia. "Yes?" "My name is Kier pala. May gagawin ka po ba? Can we invite you for dinner?" Mukhang nagulat naman si Zia at napatingin sa akin. Grabe ka Kier, hindi ko naisip yan. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kagustuhan ng anak ko. "Sure. Wala naman akong ibang gagawin. Wala akong work tonight," sagot ni Zia. After namin magbayad ng gift ay pumunta kami sa isang fastfood chain. "Pasensya ka na kung dito ka namin dinala. Favorite kasi ni Kier dito eh," sabi ko habang inaayos ang mga order namin sa lamesa. "Okay lang iyon. Actually, favorite ko dito lalo na itong spaghetti nila," sabi ni Zia at nagsimula ng kumain. "Thank you, Zia sa tulong mo. Nahirapan talaga kami pumili ng ireregalo ni Kier sa friend niya," sabi ko. "Wala iyon. Nagkataon lang na nandoon din ako," sagot niya. "Bakit po pala nasa toy store ka Miss Zia?" tanong ni Kier na madungis na dahil sa spaghetting kinakain niya. Natawa si Zia sa hitsura ni Kier. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mukha ni Kier. Pinanuod ko lang siyang gawin ito. Somehow, nakikita kong she will be a great mom someday. "Ate Zia na lang Kier." "Pero ‘di naman po kita sister." "Haha! Mas gusto kong tawaging ate," sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain. "So Ate Zia, what are you doing inside the toy store? Naghahanap ka din ba ng gift?" tanong ulit ni Kier. Oo nga no, bakit kaya nasa toy store siya. Wala naman siyang binili. "Nagpupunta ako ng toy store kapag naiistress ako. Stress reliever ko ang mga toys. Noong bata kasi ako wala akong toys. Kaya ngayong malaki na ako sila ang stress reliever ko," sagot niya. "Pero wala ka naman pong binili ngayon." "Okay ng nagpupunta ako sa toy store. Pero minsan bumibili talaga ako. I have 4 stuff toys sa apartment ko. Sila ang best friends ko!" After naming kumain ay nagpasya na kaming umuwi. "Ah Zia, baka puwede ka naming ihatid sa inyo," sabi ko. "Ah ‘wag na. Okay naman ako. Magtataxi na lang ako," tanggi niya. "Opo Ate Zia. Ihatid ka po namin ni Daddy." sabi naman ni Kier. Umiling naman siya. "Huwag na salamat na lang. Okay na ako dito. Madali naman makakuha ng taxi saka dadaan muna ako kay Boss," sagot niya. Oo nga pala, she's a hostess. "Well, if thats what you want." "Okay sige. Salamat sa libre. Ingat kayo sa pag-uwi. " Tumalikod na siya at lumabas na ng mall. "Tara na anak," sabi ko at nagtungo na kami sa parking lot. "Daddy?" "Hmm?" "Ang ganda ni Ate Zia. I want a mom like her." Napatigil kami sa paglalakad at tiningnan siya. "What?" Kung anu-ano na naman naiisip ng anak ko. "If mag-aasawa ka Daddy, gusto ko si Ate Zia. Magaan kasi sa feeling eh. Kung hindi din naman si Ate Zia, okay lang kahit wala na akong mommy forever," sabi niya at ngumiti. Minsan naiisip ko hindi din pala sapat na ako lang. Maghahanap at maghahanap din si Kier ng kalinga ng isang ina. Isang napakalaking bagay na hindi naibigay ng kanyang ina. Akala ko sapat na ako, hindi pala. Thankful ako dahil napaka-understandable ni Kier. Parang matanda na kung mag-isip. Pasensya na anak, I don't think I can move on. I'm still in love with your mother.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD