3: The Aftermath

1347 Words
NORMAN DELA VEGA’S POINT OF VIEW Naipikit ko ng mariin ang nga nata ko dahil sa liwanag na sumisilip sa kuwarto. I groan at tinakpan ang mukha ko ng unan. "Kier please close the curtains. Nakakasilaw," utos ko pero wala akong narinig na sagot mula kay Kier. Alam ko ganitong oras ay ginigising na niya ako. "Kier?" Bumangon na ako pero nakapikit pa din ako. Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago ako dumilat. Nagtaka ako ng mapagtantong wala ako sa bedroom ko. "Shit." Nakita kong nagkalat sa sahig ang mga damit ko. Damn, what happened last night? Ipinikit kong mariin ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari kagabi. Nagflash back sa akin ang mukha ng babae kagabi. Ang mukha niyang maganda na para bang anghel. "F*ck. I f*ck her," sabi ko dahil obviously hubo't hubad ako. Kapirasong bahagi lng ng kumot ang tumatakip sa aking alaga. Pinagmasdan ko ang kuwarto, black and white ang tema ng kuwarto. Parang pang executive ang kuwartong ito. Tahimik. Mukhang umalis na ang babaeng kasama ko. What's her name again? "I'm Zia. " Damn. Tama Zia ang name niya. Zia no surname. Iyan ang pagkakatanda ko. Tumayo na ako para mag-shower ng mapansin ko ang tila kulay pulang bagay sa bed sheet. Kitang kita ito dahil kulay puti ang kobre kama. Nilapitan ko ito at nanlaki ang mata ko. Natuyong dugo. Don't tell me she was a virgin? But she's a hostess. Oh God! I don't know anymore! Mabilisang shower lang ang ginawa ko bago umuwi. Paglabas ko ng kuwarto ay tahimik pa. May iilang naglilinis ng mga rooms. Nasa first floor na ako nang makita ko ang lalaking may mahabang buhok. Whats his name? Alex? Basta alam ko, siya ang owner ng club na ito. "Had a great night with one of my angels?" tanong niya habang nakasandal sa front desk at nakahalukipkip. "Well yes. Do I need to pay her for the additional service? Paggising ko kasi wala na siya." sagot ko. "You don't have to." Napakunot ako ng noo. "What?" "She doesn't want to. Ewan ko din ba sa alaga kong iyon. Nagulat na lang ako ng makita siya kaninang madaling araw. In-inform niya ako na nagservice siya at ayaw niyang magpabayad." "No, I insist. I will pay her—" akmang kukunin ko ang cheque book ko ng pigilan niya ako. "Hindi rin naman niya tatanggapin yan. I know my angel," sabi niya sa akin. Hindi na ako nagpumilit pa dahil gusto ko na din naman makaalis. "O-okay. I need to go na." At umalis na ako ng tuluyan. That’s a big question, bakit ayaw niya magpabayad? Bandang 7 am ng nakarating ako kina Shawn. Pagpasok ko ay naabutan kong nag-aalmusal sila Shawn at Shiela kasama ang anak ko. "Good morning, pare! How’s your night?" bati ni Shawn at itinaas-baba ang kilay sa akin. Sumimangot ako sa kanya. Kupal na kaibigan ito. hindi man lang ako hinanap. "Iniwanan niyo akong hinayupak kayo!" sigaw ko. "Bigla ka ngang umalis eh. Kaya di ka na namin hinanap ni Pareng Dexter. You got laid once in a blue moon kaya hinayaan ka na lang namin," paliwanag niya. Gusto ko siyang batukan sa totoo lang. "Good morning, Daddy!" bati sa akin ni Kier. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya. "Good morning my baby." "Norman, sumabay ka na sa amin, " sabi naman ni Shiela. Umupo na ako sa tabi ni Kier at hinainan ako ng isa sa mga maids nila. "Kumusta ang gabi mo Norman? Maganda ang nakasama mo ‘di ba?" tanong ulit ni Shawn. Tinitigan ko na siya ng masama. "Hindi ka titigil? Baka gusto mo sabihin ko kay Shiela pinaggagawa mo kagabi!" banta ko sa kanya. "Bakit Norman? Anong ginagawang kalokohan ng kolokoy na ito?" tanong ni Shiela. Nakita kong biglang nanlaki ang mga mata ni Shawn. Well, hindi ko naman na talaga matandaan ang pinaggagagawa niya especially nang umalis ako. "Hoy! Wala akong ginawa kagabi ah. Good boy ako! Behave ako doon!" sagot agad ni Shawn. Ako pa kulitin niya. At saka kung may nakita ako, hindi ko din naman sasabihin. Hindi naman ako kiss and tell katulad niya. Hahayaan kong si Shiela ang makahuli sa kanya. "Bakit Daddy? May kasama kang lady kagabi?" Napatingin ako kay Kier at ngumiti ng alanganin. "Ah Kier ano kasi, friend siya nila Tito Shawn mo," sagot ko. "Is she pretty?" tanong ulit niya and suddenly I remember her face. "Well yes. She has an angelic face," sagot ko. Uminom muna ako ng kape bago tinanong si Kier. "Why did you ask if she's pretty?" Tumingin naman siya sa akin. "Kasi Daddy, if she's pretty baka puwede ko siyang maging mommy." Napatulala ako sa sinabi ni Kier. Dahil dito ay nangibabaw ang tawa ni Shawn dito sa hapag-kainan. Napaka-out of the blue naman itong anak ko. “You want a mommy Kier?" singit ni Shawn. "Yes, Tito. Kasi mga classmates ko may mommy ako lang wala. So, I want a mommy. I want a new mommy." "O paano ba ‘yan Norman? Gusto na daw niya ng mommy. Maghanap ka na ng asawa. Your son also needs motherly love, " sabi ni Shawn at tumango-tango naman si Shiela. "Well, baby it’s hard to find a woman who can accept you and love you whole heartedly. It’s not easy baby." And besides, I'm not ready to move on from your mother. I still love your mother. Kahit pa ganoon na lang kung iwan tayo. "But why?" "It’s hard to explain Kier. When you grow up, maiintindihan mo din. Andito naman ako eh. Wala ka man mommy at least you have a daddy na super pogi at cool." Ngumiti ng pagkalaki laki ang anak ko at tumango. "Right! Hindi dapat ako mainggit! Pogi, cool at mayaman ang daddy ko!" *** Two months later... Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko. Mahapdi na ang mata ko dahil kanina pa ako nagbabasa ng nga reports from different department. Ngayon kasi ang monthly reports ng company ko. Napamulat ako ng magring ang cellphone ko at nakitang si Kier ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot. "Yes baby? Do you need something?" "Are you busy Daddy?" "Why?" tanong ko. Matagal siyang sumagot. "Can you help me? Tomorrow is Helga's birthday and I want to give her a present." napangiti naman ako. Tiningnan ko ang oras bago sumagot sa kanya. "Of course. Fix yourself. Susunduin kita ngayon. We will go to the mall." sabi ko. "Yes! Bye daddy! See you!" "Bye baby. See you too." At binaba ko na ang tawag. Kinuha ko ang coat na nasa swivel chair ko bago lumabas. Nakita kong tumayo ang secretary ko at yumuko. "Cancel all my appointments this afternoon," utos ko at hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Nag-drive agad ako pauwi at pagdating ko ay nakabihis na si Kier. Nakasuot siya t-shirt na kulay pula at fatigue pants. Nakarubber shoes din siya. Nakita ko pang nilalagyan siya ni Manang Carol ng bimpo sa likod. "I'm ready Daddy! Bilhan na natin si Helga ng gift!" sabi niya at hinatak hatak na ako papasok sa kotse. "Wait lang, ‘wag masyado magmadali," sabi ko habang pinagbubuksan siya ng pinto sa back seat. Ilang minutes lang naman ang layo ng mall sa bahay. Pagdating namin sa mall ay agad kaming nagpunta sa toy store. "Ano ba sa tingin mo ang gusto ni Helga?" tanong ko sa kanya habang tumitingin ng mga laruan. "I think she likes Barbie. Kasi mahilig siya sa dress up pero mahilig din siya sa cooking. But I saw her may kitchen set na siya, " sagot niya. Napakamot ako dahil mukhang mahihirapan kami. Nakatingala kami sa mga nakadisplay na stuff toys. Isang oras na yata kami dito pero di pa rin namin alam kung ano ibibigay sa kaibigan niyang si Helga. Napabuntong hininga na lang si Kier. "Daddy, ang hirap maghanap ng ibibigay kay Helga," sabi niya. "Why don't you try this one?" napatingin kami sa babaeng may hawak na teddy bear. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang babae. "Zia..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD