Halos di makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan si Mirabella matapos niyang marinig ang matamis na pag-amin ni Jaxton sa kanya na mahal siya nito. Hindi magalaw ng dalaga ang kanyang labi upang magsalita. Nanatili lamang siya nakatitig sa mukha ng binata.
"You love me too?" Tanong naman nito sa kanya.
Mabuti na lamang nagawa na niyang gumalaw sa kinatatayuan at sandaling napailing sa kanyang paligid. Hindi siya mapakali dahil di malaman kung ano ang kanyang gagawin at isasagot sa katanungan ng binata. Hindi pwede niya sabihin ang totoong nararamdaman.
"Answer me please?" Pamimilit nito sa kanya kaya sa halip na sagutin ni Mirabella si Jaxton, ay nagawa na lamang niya maglakad palayo sa binata.
Ramdam niya ang bilis na pagtibok ng puso habang siya ay naglalakad pabalik sa school campus na kung saan naroon sa loob nito ang dormitory na tinutuluyan niya.
Napansin ni Mirabella ang paglagapak ng kanyang pawis na kaagad namang napansin ng isa sa mga kasamahan niya sa dorm.
"Uy, what happened to your girl?" Nagtatakang tanong nito.
"Naglakad lang." Pagsisinungaling ni Mirabella saka siya diretsong bumalik sa kanyang silid at wala ng balak pang pakinggan ang sasabihin ng kasamahan nitong si Kyla.
Di mapakali sa kanyang hinihigaan si Mirabella dahilan para masira ang dating ayos nito. Kinikilig siya na kinakabahan nang marinig niya ang katagang "i love you" sa binata.
Maya-maya naisipan na rin niya magbihis at magluto na ng kanyang gabihan. Wala siyang balak makisabay sa kanyang mga kasama sa dormitory dahil alam niyang tatanungin siya ng mga ito.
KINABUKASAN.
Naglalakad si Gian patungo sa dorm ni Mirabella nang marinig niya ng mga kasamahan ng dalaga na ipinag-uusapan ito.
"Bakit daw?" dinig niya pa.
"Ewan. Basta nakita ko siya kahapon pawis na pawis parang tumakbo sa marathon ba..."
Naglakad na rin palapit si Gian sa nasabing dorm para iabot kay Mirabella sana ang ipinahiram sa kanyang notes sa World Literature.
"Excuse me?" Naagaw niya ang atensyon ng ilang kababaihan roon na kanina pang nagkukwentuhan.
"Yes, Mr. Handsome." sagot ng babaeng kinikilig habang nakatitig kay Gian.
"May I ask if Mirabella is here?" Diretso na saad ng binata.
"Yes. Nasa kwarto siya." Napairap ang babae nang malaman si Mirabella ang hinahanap nito. "Why?"
Ipinakita ni Gian sa dalawang babae ang notebook na kanyang hawak na pagmamay-ari ng dalaga. "I just wanted to return this to her."
Napabuntong-hininga ang dalawang babae sa binigyan ng daraanan si Gian at muling nagsalita isa sa kanila, "Kumatok ka na lang doon sa pinakadulong kwarto pagkatapos mong kumanan."
Tumango at nagpasalamat si Gian saka dumiretso sa kwarto ni Mirabella. Kumatok siya at kaagad siyang pinagbuksan nito.
"Gian?" Gulat na sambi ni Mirabella. Lumabas siya ng kwarto at niyaya ang binata sa maliit na sala ng kanilang dorm. "May kailangan ka?"
"None. Gusto ko lang isauli ang notes mo." Inabot na nga ni Gian sa dalaga ang notebook nito. "Thank you."
"Walang anuman."
Nagkuwentuhan sila saglit hanggang sa napag-isipan na rin ng binata na bumalik sa kanyang dorm.
Nang makaalis na si Gian hindi pa rin makapakali si Mirabella sa naging love confession ni Jaxton sa kanya kaya namang patuloy siyang nagpagulong-gulong sa kama habang natatakpan ng unan ang kanyang ulo.
KASALUKUYANG NASA LIBRARY sina Mirabella at Gian pati kanilang mga kaklase dahil nag-iwan ang kanilang Calculus professor ng seatwork sa kanila. Seryosong nagsasalita ang binata nang mapansin niyang tulala ang dalaga kaya sandaling itinigil ang kanyang ginagawa.
Hindi niya mapigilan ang magtanong rito, "Are you ok?"
Natigilan si Mirabella sa kanyang narinig at napatitig siya kay Gian.
"Oo naman." Medyo nabubulol pa niyang sagot.
"You're lying. Kanina pa ako nag-e-explain ng mga possible solutions sa equation number three but you're attention is somewhere." Tiniklop na lamang niya ang libro dahil nawalan na siya ng gana. "You have problem?"
"Wala. Pagod lang dahil marami akong sinerve na customers kanina." Pagsisinungaling ng dalaga subalit ang totoo ay di mawala sa kanyang isip ang pag-amin ni Jaxton sa nararamadaman nito.
Napabuntong-hininga si Gian, "Huwag mo masyado lunurin ang sarili sa trabaho. Look, it can affect your performance right?"
Kanina kasi napagalitan ng ilang mga professors si Mirabella dahil sa wala ang atensyon nito sa kanilang discussions.
"I have no choice, Gian. Kailangan ito gawin para makapagtapos at matulungan ang mga kapatid ko. Ako lang inaasahan nila. Nagkataon lang siguro 'to."
Napahanga naman lalo si Gian sa naging pahayag ni Mirabella sa kanya. Masasabi niyang kakaiba itong babae na hindi mo masusumpungan ang tulad ni Mirabella.
Lumipas ang isang linggo simula ang naging confession ni Jaxton kay Mirabella at kasabay na rin ang pag-iwas ng dalaga rito. Hindi na siya nakikitagpo sa binata at maging sa pagsagot sa mga tawag nito.
Sa kalagitnaan ng paggawa ni Mirabella ng assignments sa General Statistics nang mapansin niya na kakaunti na lamang ang stocks niyang pagkain at iba pang kailangan. Di kasi siya makalabas dahil baka makasalubong niya roon si Jaxton. Hindi kaya ni Mirabella harapin ang binata matapos ang nakakakilig na pag-amin nito.
Mabuti na lamang habang siya ay naglalakad, hindi niya sinadya na marinig ang kwentuhan ang dalawang estudyante na kasabay niya naglalakad patungo sa parehas na builiding na pinapasukan niya.
Narinig niyang may iba pang gate for exit maliban doon sa dinaraanan niya kapag lalabas. Nagkaroon siya ng ideya at lakas ng loob na makalabas para makabili ng groceries.
Kaya naman bahagya siya napangiti bago pumasok sa kanilang classroom dahil nagkaroon ng solusyon ang kanyang problema.
PAGSAPIT NG SABADO. Katatapos lang ng kanilang midterm exams sa lahat ng subjects kaya naman bahagyang nakahinga nang malalim si Mirabella.
"Pressure?" Biglang lumitaw sa kanyang tabi si Gian na nakaagaw ng kanyang atensyon.
Tumango lamang si Mirabella bilang tugon.
"Tamang-tama. We need to warm up now."
Nalito ang dalaga sa sinasabi ni Gian sa kanya.
"Every last Saturday of the week, there is an event celebrating in Santa Clara."
Hindi familiar si Mirabella sa nasabing lugar at kaya ipinaliwanag sa kanya ni Gian ang tungkol roon.
"Ano, sasama ka?"
"Pag-iisipan ko muna."
Biglang lumungkot ang mukha ni Gian sa naging sagot ni Mirabella. Akala niya muling makakasama ang dalawa na silang dalawa para makapag-unwind.
"Teka, ano meron mamaya doon?" Napatanong si Mirabella dahil nasi-sense niyang kailangan din niya mag-relax kahit papaano. Pero silang dalawa lamang ni Gian.
"Sari-saring events. If sasama ka, I'm sure you will enjoy."
Ayon nga, pumayag na rin si Mirabella na gumala sila ni Gian subalit naisip niyang dadaan at doon sila lalabas sa gate na kung saan parati naghihintay sa kanya si Jaxton. Bigla siyang kinabahan at kasabay ng pagtunog ng kanyang cellphone.
Nag-text sa kanya si Jaxton na hinihintay siya ngayon sa gate ng kanilang school. Binasa niya lang 'yon at kaagad binalik sa bag ang phone. Napalinga siya sa paligid.
"Pwedeng sa kabilang gate na lang tayo dumaan?"
Napakunot ang noo ni Gian, "Why?"
"Mayroon lang kasi akong titignan sa isang pharmacy na dadaanan natin."
Nakapaghanap kaagad siya ng dahilan pero nanatili pa rin ang malakas at mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Ok, fine. Let's go na. Medyo matagal ang biyahe natin baka di maabutan ang fireworks."
Nakarating nga sa nasabing lugar ang dalawa. Maraming tao at karamihan mga couples ang naroon. Nakaramdam ng kakaiba si Mirabella sa kanyang mga nakikita.
"Doon tayo." Turo ni Gian sa kanya doon sa lugar na mas tumpok ang mga tao.
Nagulat siya si Mirabella sa napapansin niya kay Gian. Buong akala niya ay isang loner na forever ang binata lalo na hindi niya ito nakikitang nakikisalamuha maliban lamang tuwing may practice sila sa isang volleyball game. Ngayon nagagawa na ng binata ang pumunta sa gitna ng crowd.
"Napakalaki na talaga ng pinagbago mo." saad ni Mirabella dahilan mapatitig sa kanya si Gian. "Akala ko habang buhay ka na lang mag-isa."
"I'm just not trusting people that much." sagot ng binata at umiwas siya ng tingin.
"Why?"
"They don't deserve my trustworthy."
"Pero bakit ako?"
"I can easily sense if someone should be trusted. Halos lahat parehas lang sila- mayroong hidden agenda."
"Paano mo nasabi?" Medyo natawa si Mirabella sa mga naging kasagutan ni Gian.
"Basta I sense it. At naiiba sa kanila." humigop muna ng isang bote ng softdrinks na binili nila kanina-kanina lang.
"Paanong naiiba?"
"I saw how you act. Madali mong makita sa kilos ng tao kung maganda o masama ang motives niya sa'yo."
"So, tinest mo 'ko?"
"Yes." habang tumatango si Gian.
"Tingin ko rin na may something wrong sa'yo."
"What is it?"
"Sa tingin ko meron kang trust issues? Right?"
"May di maganda akong karanasan when I was a child." Paliwanag ni Gian pero wala siyang balak ikwento iyon dahil ayaw na niyang balikan pa ang masakit na nangyari sa kanya noon. "Sorry pero hindi ko maikukwento sa'yo."
Nauunawaan ni Mirabella at iginagalang ang desisyon ni Gian na hindi ikwento tungkol sa childhood experiences nito kaya tumango na lang siya.
"Maya-maya magsisimula na ang fireworks display." saad ni Gian.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nagawa munang ilibot ni Mirabella ang kanyang paningin. Masasabi niyang mas dumarami pa ang mga tao. Punong-puno ng mga ilaw ang bawat paligid. Marami ring food stalls ang makikita sa bandang likuran niya at maraming tao ang bumibili.
Nang simula na ng magkaroon ng fireworks display, napatulala naman si Mirabella sa kanyang nakikita habang nakatakip ang kanyang kamay sa bibig. Hindi niya namalayan na tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Gian.
"You're the only one who made me feel this, Mira." saad ni Gian sa kanyang isip. "You're the reason why I changed. Actually, hindi ko inexpect na magiging ganito ako after I've realized there's someone like you that turned me into a nice guy."
KINAUMAGAHAN. Nagbo-browse ng newsfeed si Jaxton sa kanyang facegram nang may nakita siyang mga litrato na nakaagaw ng kanyang pansin. Larawan nina Mirabella at Gian na nasa Santa Clara ito habang nanonood ng fireworks display at nakiki-join sa mga activities doon.
Hindi mapigilan ni Jaxton ang mainis sa kanyang nakita kaya isinara ang cellphone at umupo sa silya. Huminga siya nang malalim.
"Why Mira?" Tanong niya sa isip. "Why you betrayed me?"
Napatihaya siya sa upuan at muling nag-isip.
"Kaya pala ayaw mo na makipagkita sa'kin dahil sa kanya? It hurts me. I know that I've no right to be jealous but I can't control my feelings."
Napapikit na lamang ng mga mata si Jaxton at sabay sinabi. "This would be the last. Ito na ang huli na susuyuin ka. Iiwas na muna pero hindi ibig sabihin susuko. I just want to think and free myself for you in a moment."
KASALUKUYANG PALABAS NA NG CLASSROOM si Mirabella kasama si Gian. Maaga silang pinauwi dahil wala ang proof nila sa subject na accounting. Napahinto ang dalaga sa paglalakad nang biglang tumunog ang phone niya.
"Sagutin ko muna ang tawag." saad ni Mirabella kay Gian.
"Sure. Mauna na muna ako. Sunod ka na lang sa library." Tumango lamang si Mirabella saka sinagot ang tawag.
"Marlo?" saad niya sa nakababatang kapatid na lalaki.
"Ate!" sabi nito. "Ate, pwede ka po ba pumunta muna dito sa bahay habang wala pa sina Mama at Papa? Kailangan ko po kasi ng pera ngayon."
Napakunot ang noo ng dalaga sa narinig.
"Sige, pupunta na ako ngayon diyan."
"Sige, Ate. Mamaya pang alas-diyes ng gabi uwi nila."
Nalungkot ng bahagya si Mirabella sapagkat iniwan lamang ng kanyang magulang ang mga kapatid nito sa bahay.
Di na nagdalawang isip ang dalaga, kaagad siyang naglakad ng mabilis palabas ng building at napansin iyon ni Gian.
"Sorry Gian hindi ako makakasama sa'yo papuntang library."
"Why?"
"Kailangan ko muna pumunta sa bahay. Kailangan ako ng kapatid ko." Nag-aaligagang pahayag ni Mirabella.
"Gusto mo samahan na kita?"
"Huwag na. Gawin mo na lang 'yong assignments. Hiramin ko na lang 'yong notes mo bukas."
"Are you sure?" Tumango lamang ang dalaga bilang tugon.
"Ok, if you need help. Just call me."
"Sige. Aalis na'ko."
Nagmadaling naglakad palabas ng campus ang dalaga. Kailangan na niya makapunta kaagad sa bahay nila hangga't di ba sumasapit ang dilim. Alas-kwatro pa lang ng hapon kaya't kailangan na niyang magmadali.
Hindi na rin inisip ni Mirabella kung dadaan pa siya sa main exit o hindi dahil mas mahalaga ngayon ay maihatid niya ang pera sa kapatid bago dumilim. Mahirap ng humanap ng sasakyan doon sa Estrella Town sa kung saan siya nakatira pabalik dito.
Mga ilang minuto ay nakarating na rin siya sa kanilang bahay.
"Ate!" Niyakap siya ng mga kapatid nito pagkadating niya.
"Heto ang pera." Inabot niya kay Marlo ang pera na hinihingi nito.
Napatitig siya sa loob ng bahay.
"Nakapagluto na ba kayo ng ulam para mamayang gabihan?"
"Hindi pa ate." Kaya nagluto muna siya ng gabihan para sa kapatid bago umalis.
Sa kanyang paglalakad, natigilan si Mirabella nang makasalubong ni Jaxton dahilan ng pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Napalinga siya sa paligid at hindi mapalagay sa kinatatayuan.
"Paano mo nalaman na tagarito ako?" Nalilito niyang tanong.
"Hindi mo naalala?" Mas lalo siyang naguluhan sa tanong ng binata. "Ikaw mismo nagturo sa'kin dito right? At ako pa nga nagtanggol against your parents?"
Nagtataka si Mirabella na kung bakit di na niya iyon naalala.
"Mukhang kinalimutan mo na nga." Mas lumapit pa sa kanya si Jaxton dahilan pa na lumakas ang heartbeat niya. "Why you're not answering my call and text messages?"
Halos hindi siya makapagsalita nang maramdaman na niyang mas malapit pa sa kanya si Jaxton.
"Iniinawasan mo na ba ako?"
"Pasensya na." Nahihiya at nakayukong sagot ni Mirabella.
"Look at me." Dahang-dahang inalalayan ni Jaxton ang ulo ni Mirabella para makaharap ito sa kanya. "Stare to my eyes."
Napalunok ng wala sa oras ang dalaga sa ganoong eksena nilang dalawa.
"Bakit mo ko iniiwasan?"
Nakatulala lamang si Mirabella at katahimikan lamang ang naging tugon niya kay Jaxton.
"Do you love me?"
Napakurap ng mata si Mirabella at napalinga sa paligid habang nakatitig sa kanya si Jaxton.
"Hey. I'm asking you."
"Jax...."
"Say it"
"Ang hirap sabihin. Siguro ito na ang time para sabihin ko. Matagal ko na siyang inililihim. Natatakot lang kasi ako baka...."
Muling napalunok ng laway si Mirabella bago ituloy ang kanyang sasabihin.
"Natatakot ako kasi baka hindi ako....at iba magugustuhan mo. Nag-assume lang ako, gan'on."
Napangiti nang malapad si Jaxton sa kanyang narinig. All this time tama ang hinala niyang gusto rin siya ng dalaga at natatakot lamang ito.
"Why? Noong una simpleng paghanga lang naramdaman ko for you, Mira. I didn't realize na unti-unti na pala akong nahuhulog sa'yo. It's my first time na ma-inlove sa isang babae lalo na mas bata pa sa akin ng limang taon."
"Same. Crush lang kita noon pero habang tumatagal hindi ko na ma-explain sa sarili lalo na kung malayo ang age gap nating dalawa. Teacher ka at estudyante lang ako."
"Walang status pagdating sa love, Mira." saad ni Jaxton habang nakatitig pa rin siya sa dalaga. "All would be possible when it comes to love."
"Pero...."
"Don't think so negative. The importance is your answer that you love me too." muling pahayag ni Jaxton.
"Hindi tayo bagay."
"Sssh. Don't say that. Bagay tayong dalawa and it matters." pagtanggi ng binata.
Wala siyang pakialam doon basta totoo ang nararamdaman niya para kay Mira. Wala siyang pinagsisihan roon dahil tama ang napili niyang babae na kanyang iibigin. Kahit mas bata ito sa kanya at isang estudyante lamang pero ipagpapatuloy niya pa rin ito.
Wala na si Mirabella sa Haggai University. Ano pang issue na maaaring ibato sa kanila?
KASALUKUYANG NAGLALAKAD SI MIRABELLA patungo sa locker at nakasalubong niya si Chloe na kagagaling lang nito sa kanyang opisina.
"Clo, pwede ba tayo mag-usap sandali?"