Kauuwi lamang ni Mirabella galing mall matapos magkita sila ni Sandy. Inamin niya sa sarili nami-missed niya ito. Maraming tanong sa kanya ang kaibigan subalit hindi niya sinabi ang buong katotohanan.
KINABUKASAN. Pagkatapos ng klase nila Mirabella at habang naglakad na siya palabas ng campus nang may biglang tumambad sa kanya na isang magarang kotse. Kilala na niya kung sino ito.
"Sir Jax?" Gulat at nalilito pa rin niyang ding saad dahil mas sanay siyang tawagin ang binata nang may salutation.
Napabuntong-hininga si Jaxton habang naglalakad palapit sa dalaga matapos niyang marining ang unang saad nito sa kanya.
"I'm sorry. Mas sanay pa rin kasi akong tawagin kang Sir." Nahihiya pang paliwanag ni Mirabella.
"Ok." Maikling tugon ng binata at direktang tumitig sa mga mata ng kanyang iniibig.
"May sasabihin ka ba?" Halata sa boses ni Mirabella ang pagkataranta lalo na sa paraan ng pagtitig ni Jaxton sa kanya. "Kaya ka naparito."
"Nope. I'm just here to see you again." Biglang tumambol ang puso ng dalaga nang marinig iyon mula sa bibig ng binata. "And invite you to have dinner with me."
Napailing si Mirabella dahil di siya mapalagay. Habang tumatagal kasi mas pinapakita na ng binata ang tunay na intensyon nito sa kanya.
Tinignan siya ng binata habang hinihintay ang kasagutan niya.
"Syempre naman."
"Thanks." Kasabay nilahad ni Jaxton si Mirabella sa kanyang kotse.
Habang sila'y bumabiyahe di maiwasan pa rin ni Mirabella ang kabahan sa nangyayari. Lakas ng t***k ng kanyang puso. Hindi na niya magawang tumititig pa sa binata at napiling sumilip na lamang sa bintana ng sasakyan.
Mga ilang minuto ay nakarating na sila sa isang restaurant na bago nanaman sa kanyang paningin. Binati sila ng mga waiters doon pati ang isang guard.
"You may take a seat." sabi ni Jaxton kay Mirabella. "What do you want to eat?" sunod niyang tanong sa dalaga hanggang sa may lumapit na sa kanilang waiter.
Pagaktapos niyon, muli nakipag-usap si Jaxton kay Mirabella.
"Did you like the place?"
Tumango kaagad si Mirabella. "Unfamiliar lang sa'kin."
"Ok. But don't worry. Mabubusog ka ngayon sa mga pagkain na inorder ko.."
Nanlaki ang mga mata ni Mirabella sa kanyang narinig. "Ah? Mayroon ba dapat i-celebrate ngayon?"
Tinawanan lamang siya ni Jaxton at hinawakan siya nito sa balikat. "Nothing. It simply inviting you to eat dinner with me. Gusto ko kasi makapag-usap tayo since mas minsan na lang din tayo magkita."
"Ah. Iyon nga. Sobrang busy din sa school at lalo na naghahanda na kami sa thesis namin next semester."
Napatango-tango lang din si Jaxton at ngumuya saglit saka nagsalita. "Don't worry about that. I can help."
"Jaxton." Naiilang niya pa ring pagsambing sa buong pangalan ng dating propesor. "Hindi mo na kailangan gawin 'to. Suma-sideline naman ako habang nag-aaral."
"Don't stress yourself too much dahil di ka mas lalo makaka-focus sa study mo."
"Pero...."
Pinigilan siya kaagad ng binata muli nanamang tumitig sa kanya ng diretso. "Look at me, Mira. Hayaan mo akong tulungan ka,, ok?"
"Why?"
"I'm your friend. It's my responsiblity to help my pal in their times of need." Hindi pa rin magawang maamin ni Jaxton ang totoong nararamdaman sa dalaga dahil wala pa siyang lakas ng loob.
Maaaring di pa ito ang tamang panahon para sa kanya. Kailangan niya munang makasigurado na parehas silang nararamdaman para sa isa't isa. Kung kailangan niya magdoble effort gagawin niya basta mapaibig niya si Mirabella na matagal na rin ninanais. Noon pa man ay gustung-gusto na niya ito subalit ngayon ay mas lumalalim pa.
"Please, huwag mo ng tanggihan."
"Nakakahiya kasi eh."
"Don't be shy, ok?" muling saad ni Jaxton at hinawakan niya sa ulo si Mirabella.
"Sige..."
"Thank you."
Maya-maya napatitig ang binata sa kanilang kinakain. "Are you done?"
"Yes." Nilahad bigla ni Jaxton sa dalaga ang iba pang pagkain.
"Kumain ka pa." pilit niya.
"Busog na ako eh."
"Kumain ka ng marami para busog ka parati kapag nag-aaral ka. Don't skip meals din ah."
Natutuwa nanaman si Mirabella kung paano siya tratuhin ni Jaxton. Ramdam niya ang sinseridad nito sa kanya. Di niya maikakaila iyon.
MONDAY NG UMAGA. Biglang naka-receive ng text messages si Mirabella mula kay Gian. Niyaya siya nito pumunta sa library ngayon. Magri-review daw sila para sa finals.
"Magli-leave na ba muna ako sa work?" tanong niya sa isip. Tutal medyo masakit ang katawan niya ngayon. "Teka i-text ko na muna si Chloe."
Pinadalhan nga ni Mirabella ng mensahe ang kaibigan saka kaagad nag-reply ito sa kanya. "Ok, no problem."
Iyon lamang ang natanggap niya mula kay Chloe dahil hanggang ngayon may misunderstanding pa rin silang dalawa.
"Selfish ba ako?" Tanong ng dalaga sa kanyang sarili. "O sadyang matigas lang ang ulo ko?"
Mga ilang sandali nilapag niya ang phone sa mesa at sinimulan na niya maligo matapos mga ilang minutong nagluto ng kanyang almusal.
Nagpunta na rin si Mirabella sa library at nakita niya kaagad si Gian na naghihintay sa kanya. Kaagad siyang umupo may tabi nito at nagulat ang binata.
"You came." bungad ni Gian.
"Yes. Kaya nag-leave muna ako sa work."
Sumang-ayon lang din ang binata. "Anyway, kukunin ko na iyong mga libro na kulang. Wait mo lang ako."
Nang makaalis saglit si Gian biglang nag-text si Chloe kay Mirabella.
"Saan ka nga pala pupunta? Date with him again?"
Huminga nang malalim si Mirabella bago sinagot ang mensahe ng kaibigan. "Hindi. Nasa library ko. Malapit na finals namin."
"Wala kang kasama?" Muling reply ni Chloe sa kanya.
"Meron si Gian."
"Who is that guy?"
"My friend. Sige na, magri-review na kami."
Tinamad ng mag-reply pa si Mirabella kay Chloe. Masyadong bitter kasi nito ngayon sa kanya.
"Can we start?" sambit ni Gian.
"Yes." Walang paliguy-ligoy na sagot ni Mirabella sa binata.
Hindi niya namalayan may nagmamasid pala sa kanilang dalawa. Dalawang lalaki at kaklase pa nila ito.
Sa kabilang dako, nakatanggap ng mga larawan si Jaxton mula sa kanyang pamangkin. Kuha ito sa isang library at doon makikita na magkasama sina Gian at Mirabella. Nakangiti pa ang dalaga dahilan para makaramdam siya ng selos.
"Kung nasa malapit lang ako, di ko hahayaan na mapalapit ka pa sa ibang lalaki Mirabella." Bulong niya sa kanyang isip.
Habang titig siya sa cellphone nang may biglang umagaw ng kanyang atensyon. "Sir Jaxton, we have a meeting raw po sa Dean's office." saad ng isa sa mga co-teacher niya.
"Sige, I'll come."
Pagkatapos ng meeting, tinext niya saglit ni Jaxton si Mirabella bago bumalik sa kanyang susunod na klase. Napakarami niyang gagawin niya ngayon kaya di siya makakapunta sa kinaroroonan ni Mirabella. Bagay na kanyang ikinababahala lalo pang minsan na lamang sila nito magkita.
Matapos ang klase nila Mirabella, naglakad siyang mag-isa papunta sa kanyang dorm. Wala si Gian dahil malapit ng magsimula ang laro nito. Pupunta muna siya sa dormitory para magbihis at pupuntahan rin niya si Gian sa laro nito para manood at lalo na niyaya pa siya ng binata.
Kasalukuyan nang nagsisimula ang laro subalit di pa rin makita ng mga mata ni Gian si Mirabella. May bahagyang pagkadismaya sa kanyang mukha nang di niya makita ang dalaga kaya naman di naging successful ang pag-receive niya ng bola mula sa kalaban. Siya kasi ang libero ng kanilang volleyball team.
"Hoy, Gian! Ano nangyayari sa'yo?" agad na tanong sa kanya ni Mr. Sandoval na kanilang head coach. Nagtataka kasi ito sa kung paano maglaro si Gian. Hindi ito naka-focus sa kanyang nilalaro.
"Wala po coach. Pagod lang 'to." Pagdadahilan ng binata pero ang totoo nawawalan na ang kanyang motibasyon sa paglaro.
Iniisip niya na maaaring makipagkita si Mirabella sa dating propesor nito na halatang may gusto rin sa dalaga sa halip na manood ng kanilang game.
"Sigurado ka ba? Limang puntos na ang lamang ng kalaban sa'tin." Paalala muli ng coach sa kanila at naging aware siya roon.
Bago pa man magsimula ang game, naging maaliwalas muli ang mukha ni Gian nang makita niya si Mirabella. Nahihiyang kumaway sa kanya ito at napangiti siya ng malapad.
"Kaya naman pala..." Bulong ng isa sa mga ka-team mate niya nang makitang nakakatitig siya kay Mirabella. Napansin din ito ng isa rin nilang kasama sa team na nanligaw nakaraan kay Mirabella subalit ni-reject siya nito.
Pagkatapos ng buong laro, unti na ring nagsialisan ang mga tao habang si Mirabella naman ay naglalakad sa kinaroroonan ni Gian.
"Congratulations." Nakangiting saad ni Mirabella sa kanya. Nanalo pa rin ang team nila Gian matapos makahabol pa rin sila panalo kada sets.
"Thank you. Anyway, uuwi ka na ba?"
"Oo. Wala naman ako ibang pupuntahan at gabi na rin."
"Ok. Hatid na kita."
"Huwag na. Magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas."
"Ayos lang. I have still energy here. Don't worry."
Hindi na tumutol pa si Mirabella at hinayaan na lang na ihatid siya ni Gian.
Sa kanilang paglalakad, may dalawang lalaki nanaman ang nagmamasid sa kanila at kinuhanan ng litrato.
Abala si Jaxton sa paggawa ng kanyang lesson plan subalit naagaw ng atensyon niya sa phone na nasa ibabaw ng mesa. Tumunog ito at mayroong mensaheng pinadala sa kanya ang pamangkin kasabay ng larawan.
Di niya maiwasan mainis nang makita niya muli na may kasamang ibang lalaki si Mirabella. Bigla siyang nawalan ng gana at itinigil ang paggawa ng lesson plan pansamantala.
Tinext niya kaagad ang dalaga pero di siya napalagay kaya tinawagan na lang ni Jaxton.
Tumutunog lamang ang sa kabilang linya at walang sumasagot.
"Answer the phone, Mira." Naiinip na sambit ni Gian habang nanatiling hinihintay ang pagsagot ng dalaga sa kanyang pagtawag.
"Thank you nga pala sa paghatid, Gian."
"Walang anuman, Mirabella." Nakangiting tugon ni Gian sa kanyang babaing iniibig.
"Sige, papasok na'ko." Paalam nito sa kanya subalit muli itong tinawag ni Gian.
"Sandali. May gusto lang sana ako itanong." Natigilan saglit si Mirabella at lumingon sa kanya.
Balak ni Gian itanong kay Mirabella kung papayag itong ligawan niya. Abot-abot ang kaba na nararamdaman ni Gian sa kanyang balak na gawin.
Mga ilang sandali pa ay nilakasan niya ang loob na itanong iyon. "Mirabella, I just wanted to ask if you..."
Kaagad naudlot ang kanyang sasabihin nang tinawag si Mirabella ng isa sa kasamahan nito sa dorm.
"Bella, may tumatawag sa'yo. Kanina pa nagri-ring." saad nito. "Sir Jaxton ang nakalagay sa phone mo."
Biglang nawalan ng lakas ng loob si Gian nang marinig niya ang pangalan na iyon. Nagpaalam na lang muna siya sa dalaga na aalis na siya at tumango naman ang dalaga bago sinagot ang tawag nito.
Dahan-dahang naglakad si Gian papunta rin sa kanyang dormitory habang pilit na pinagmamasfan si Mirabella habang nakikipag-usap ito sa kanyang professor.
Nanghina siya nang makita niyang nakangiti ng ganoong kalapad ang dalaga dahilan para bumagsak ang mga balikat niya at halos di na niya magawang iangat ang mga paa sa paglalakad.
KINABUKASAN. Kasalukuyang kumukopya ng assignment sa Philippine History si Mirabella nang bigla siya kausapin ni Gian.
Tanggap naman ng binata na hanggang doon na lamang sila. Tanging pagkakaibigan na lang ang mayroon sila. Pero mas pinili ni Gian na manatili pa rin ang nararamdaman niya para sa dalaga kahit masakit para sa kanya.
"Wala ka bang?" Di natuloy ang sasabihin ni Mirabella nang bigla niya naalala na katatapos lang ang game ni Gian kahapon.
"Ikaw, masyado ka na atang malimutin." sermon ni Gian kay Mirabella.
"Sabi, ganito raw kapag matalino." Ngumisi si Mirabella.
"Alright. Siya nga pala, may pupuntahan ka ba now?"
"Wala." Mabilis na tugon ni Mirabella.
"So, can we go somewhere?"
"Somewhere..." nalilitong sambit ni Mirabella.
"Gagala lang tayo saglit sa labas ng school campus. Ako bahala."
"Sigurado ka ba? Di ka galit?"
"Sure at bakit naman ako magagalit?"
"Wala. Nakakapanibago lang kasi ikaw."
Araw ng Sabado, muling nagkita sina Jaxton at Mirabella. Nagkita sila sa isang park malapit sa eskwelahan ng dalaga.
Saktong kasama ni Mirabella si Gian dahilan para kumunot ang noo ni Jaxton. Nagkasabay sila dahil uuwi muna saglit si Gian sa bahay nito at sa Lunes ng umaga ang balik na niya.
"Sige Ian. Ingat ka." Sigaw ni Mirabella kasabay na pagkaway niya sa binata.
"Magkaibigan na ba kayong dalawa?"
"Oo saka seatmate din kami." Natatawang saad ni Mirabella samantalang di mapakali si Jaxton sa kanyang narinig. Sa tagal na nila nag-uusap ng dalaga at ngayon lang niya nalaman na seatmate ni Mirabella ang lalaking 'yon.
"Aksidente lang 'yan." Dagdag pa ng dalaga. "Why?"
Napansin ni Mirabella ang kakaibang expression ni Jaxton sa kanyang mga nasambit. Masasabi niyang nagseselos na ito kay Jaxton.
"We're just friends." depensa pa ni Mirabella para ipamukha kay Jaxton na wala siyang ibang gusto kundi ang kanyang propesor.
"Alright." Di pa rin mapakali si Jaxton lalo na nakatitig sa kanya ng diretso si Mirabella.
"Magkaibigan din naman tayo di ba? Kaya huwag kang magselos diyan."
"I'm not jealous. Concern lang ako sa'yo. Iwasan mo lang makipag-friend sa isang guy. It's not good lalo na kung babae ka."
"Mabait si Gian sa likod ng pagiging cold-hearted niya noon. Actually, ako lang ang naging friends niya sa school since ayaw niyang magbigay ng tiwala sa iba "
"Gaano ka nakakasigurado?"
"Ano ka ba naman, Jax! Ang OA mo na ata ngayon ah. Nagtataka na ako." Reklamo ni Mirabella pero alam niyang gustung-gusto talaga siya ni Jaxton.
Ewan ba sa kanya. Parang masarap lang niya maramdaman na nagmamahal din siya kaya't balewala sa kanya ang mga bagay na sinabi sa kanya noon ni Chloe. Saka, nasa ibang school na siya ngayon at wala na silang lalabagin na rules kung magiging magkarelasyon man sila ni Jaxton.
"Concern lang talaga ako as your friend."
"Ok. Thank you sa concern mo pero kaibigan ko rin si Gian. Napakalaki ng pasasalamat ko na nagbago na siya. May pakiramdam na siya di tulad ng dati. Napakamanhid."
Napabuntong-hininga si Jaxton dahilan para tumayo siya at hinila ang braso ni Mirabella palayo sa kinaroroonan nila.
Napansin ni Mirabella nakasiklop ang dalawa nilang palad sa isa't isa kaya kaagad niyang binitawan iyon.
"Hmm, may problema ba?"
"None." Nagdadalawang-isip na ngayon si Jaxton kung aaminin na ba niya ang kanyang nararamdaman para kay Mirabella.
"Napapansin ko kasi na mukhang imbyerna ka kay Gian na parang napakalaking atraso niya sa'yo."
"It's not just that."
"Eh ano ang problema? Jaxton, di pwede kasing pagbawalan mo ako sa pakikipagkaibigan ko kay Gian. If kung may problema, maaari mo namang sabihin sa'kin ok?"
"We have no problem here."
"Kung ganun, bakit inis na inis ka sa kanya?"
"Mira...I love you!" Natigilan si Mirabella sa kanyang narinig. At muli itong nagsalita, "You love me too?"