Chapter 8
Nilingon ni Mirabella si Gian nang tawagin siya nito. Naglakad ito palapit sa kanya at naging maamo ang mukha nito na dati ay walang emosyon na makikita sa binata.
"I'm sorry for what I did in several days ago." Walang ganang napatango lamang si Mirabella bilang reaksyon. "What is that mean?"
"Your apology is accepted." Seryosong sagot ng dalaga sa binata. "May sasabihin ka pang iba? Nagmamadali kasi ako for my partime job."
"None." Maikling sagot ni Gian dahil nakaramdam pa rin siya ng guilty sa kanyang mga nasabi noon. Ayaw niya kasi napapalapit kahit kanino at ayaw niya rin magbigay ng tiwala sa iba maliban lamang sa kanyang sarili. Dahil sa tingin niya, parehas lamang ang mga tao- mapang-abuso sa kabutihan na ipinapakita mo. Kaya ipinandigan na niya na di siya umaayon kahit kanino at maging sa kanyang team-mates sa volleyball.
At ngayon, namulat siya sa kanyang nagawang mali matapos marinig ang lahat ng nasabi ni Mirabella sa kanya. Malaking pasalamat ng binata na may taong tulad ng dalaga ang nakakaunawa sa kanya at hindi nag-aatubiling tumulong kahit di niya man hinihingi.
"Sige. Aalis na ako." Umalis na kaagad si Mirabella nang di-nagdadalawang-isip. Hanggang ngayon kasi masakit pa rin ang damdamin niya matapos sabihan siya ng ganoon ni Gian.
Hinahayaan niya muna ang sarili na lumipas ang mga ito.
KINABUKASAN. Kinakausap na rin ni Gian si Mirabella na ikinagulat naman ng ilan nilang kaklase. Kaya, bigla siyang natigilan at bumalik sa dating posisyon niya.
Pagkatapos ng klase, hinintay niya muna umalis ang karamihan nilang kaklase bago muling kausapin si Mirabella.
"Hey, can I borrow your notes?" Naiilang pa rin niyang tanong sa dalaga. First time niya ulit mag-approach ng ganito sa ibang tao lalo na sa isang babae.
"Bakit?" Napakamot siya ng ulo sa di alam na isasagot.
"I just need your notes." Muli nanamang naging iba ang pananalita niya. Hindi kasi siya people pleaser kagaya nitong babaing kausap niya.
Tinawanan lamang siya ni Mirabella ng may halong sarcasm. "Ok, ibibigay ko na. Hoping sa susunod, sipagin ka na rin magsulat."
Tumayo na ang dalaga at naglakad na ito palabas ng classroom. Hanggang ngayon may inis pa rin sa mukha ni Mirabella kapag kinakausap siya ni Gian.
Binuksan ng binata ang notebook na ipinahiram sa kanya ni Mirabella at medyo na-impressed siya sa magandang handwriting nito. Sinimulan niya ang pagsusulat bago siya tumungo sa isang training nila mamaya.
Halos isang buwan na ring lumipas nang pagsalitaan ni Gian ng hindi maganda si Mirabella kaya naman todo effort pa rin siya para kausapin ito.
"It's time to have atleast one friend. Nakakapagod din pala ang mag-isa." Bulong ni Gian sa kanyang isip. "I think she would be the only one I trusted." dagdag pa niya habang tahimik niya lang pinagmamasdan ang dalaga habang nagsusulat ito.
Nakalabas na rin silang lahat ng silid at kasalukuyang sinusundan ni Gian si Mirabella.
"Hey!" Tawag nito sa dalaga.
"May pangalan ako. Ba't parating 'hey' ang tinatawag mo sa akin ha?" reklamo nito sa kanya kaya naman napakamot siya ng ulo.
"I'm sorry. Di lang kasi ako sanay mag-approach ng ganito." Paliwanag ni Gian habang nakakaramdam siya ng hiya.
"I see. May kailangan ka ba?" Balik na tanong ni Mirabella.
"I just wanted to invite you to watch my game tomorrow morning."
"Pasensya ka na kasi may work ako sa umaga eh."
Biglang nadismaya si Gian sa naging sagot ng dalaga sa kanya. Isa ito sa kanyang kinatatakutan ang ma-dissapoint.
"Ah ok I understand pero kung makahabol ka pa hoping na makapanood ka pa rin." Nauna ng umalis si Gian at naiwan naman si Mirabella na nag-iisip sa kanyang magiging desisyon kung pagbibigyan niya muna ang binata o hindi.
Nakapanood nga ng game si Mirabella kahit mag-isa lamang siya. Kaagad siyang nahagip ng mata ni Gian at ngumiti ito ng tipid sa kanya. Nag-thumbs up sign lang si Mirabella bilang tugon.
Nang matapos ang laro, nagsiuwian na rin ang mga tao at ganoon rin si Mirabella subalit kaagad siyang hinarangan ni Gian.
"Can you wait for me?" Pakiusap ng binata.
"Why? Anong meron?"
"Just wait for me here. Magbibihis lang ako."
Napaisip si Mirabella bigla sa naging asal ni Gian ngayon. Naging mabait na ito sa kanya.
Tinititigan siya ng ilang kasamahan nito at napangisi. May mga binulong ang mga ito habang sandali na napatitig sa kanya kaya kaagad siyang umiwas na ng tingin sa mga iyon.
Kasalukuyang naglalakad si Jaxton sa labas ng Fabian University campus baka sakaling mahagilap ng kanyang mga mata si Mirabella. Maya-maya pa ay nakita na nga niya ito subalit may kasamang ibang lalaki at seryosong nagkukwentuhan pa.
Nilapitan niya ang mga ito dahilan na napatigil si Mirabella sa paglalakad. "Sir Jax." Bulong niya pagkakita sa dating professor.
Nataranta ang dalaga kaya kaagad niya ipinakilala si Gian rito at ganoon rin kay Jaxton.
"He is my former Math professor." sambit ni Mirabella kay Gian.
"Oh, I see." Pero iba ang napapansin ni Gian sa lalaki.
"Gian, pwedeng next time na lang iyong treat mo?"
Dinig ni Jax bagay na nagpabagabag sa kanya. Hindi na niya magawang itanggi ang nararamdaman sa dalaga. Kaya't di maalis ang kanyang paningin rito lalo na sa kasama nitong lalaki na itinuturing din na kaibigan ni Mirabella.
"Ah sure." Ngumiti ng peke si Gian habang palinga-linga siya kay Mirabella at Jaxton.
"Thank you."
"Walang anuman. Can I go now?" Pamamaalam muna ni Gian.
"Yes." Mabilis na sagot ni Mirabella.
Nang makaalis na si Gian, silang dalawa na lang ulit ang nag-usap.
"Paano niyo po nahanap kung saan ako nag-transfer ng university?"
Naglakad sina Mirabella at Jaxton papasok ng sasakyan hanggang sa nakarating sila sa isang di kilalang restaurant. Tahimik lamang na umupo ang dalaga at palinga-linga sa paligid dahil hindi siya mapalagay ngayon na sa kanyang harapan nanaman ang lalaking natitipuhan niya.
"Why you didn't tell me na lumapit ka ng ibang school?" Seryosong tanong ni Jaxton dahilan para dumirekta ang tingin ni Mirabella sa kanya. "May iniiwasan ka ba?"
Nag-aalinlangan ang dalaga kaya't inabot ng sampung segundo bago siya nakasagot.
"Eh kasi di ko gusto ang rules and regulations ng school. Masyadong strict." Pagsisinungaling ni Mirabella ar di naniniwala si Jaxton sa kanya.
Hindi pinahalata ng binata na di siya kumbinsido sa naging dahilan ng dalaga. Napatangu-tango lamang siya bilang tugon.
"Bakit di mo sinabi sa akin kaagad para matulungan kita?" Tinititigan ni Jaxton si Mirabella direkta sa mata nito na nagpabilis ng t***k ng kanyang puso.
Napapaisip siya habang nakatitig sa dalaga kung napapansin na ba nito na may pagtingin siya sa kanya. Kaya mas pinili nitong lumipat ng university para iwasan siya. Umiiwas rin ang dalaga sa na-violate ang rules lalo na maganda ang reputasyon nito sa Hagai University.
"Ayaw ko ng dagdagin ang problema niyo, Sir." Napakagat ng labi si Mirabella nang sambitin niya muli ang salutation na iyon na dapat hindi na niya sasambitin kapag sila lamang na dalawa. "I'm sorry." Nahihiya pa niyang saad.
"It's ok. Pero sana kung may problema ka sa studies mo or sa personal life, you can just message me in your phone uh? Please don't make me worry like this." Napaestatwa si Mirabella sa kanyang naririnig. Tama ba na nag-aalala ng husto sa kanyang ang professor kapag di siya nagkukuwento rito? Kakaiba na ata ito kaya mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang puso.
Pagkatapos nilang kumain at makapag-usap, hinatid muli ni Jaxton si Mirabella pabalik sa Fabian University nang malaman nitong sa dorm pansamantalang tumutuloy ang dalaga. Mas naging kampante siya roon dahil sa loob mismo ng eskwelan ang dalaga at mahigpit ang security sa loob para manatiling ligtas ang lahat na sa loob ng school campus.
ARAW NG MARTES. Kasalukuyang nag-liligpit ng mga pinagkainan si Mirabella nang muli nanaman siyang natulala at nataranta ng kaunti matapos lumitaw sa kanyang harapan si Jaxton. Napansin iyon ni Chloe dahilan na napangiwi ito at sinamaan ng tingin si Mirabella.
"Sir?" Gulat na saad ng dalaga pagkakita sa kanyang professor.
"Paano mo nalaman na..." Hindi na ipinatuloy pa ang sasabihin ni Mirabella nang magsalita kaagad si Jaxton.
"Can I borrow your time?" Nakangiting saad ng binata. "Babayaran ko naman siya. Nasaan nga pala supervisor niyo? I need to talk to her or him."
Tinuro nga ni Mirabella sa kinaroroonan ni Chloe at nagulat naman si Jaxton nang makita rin ito. Maayos siyang nagpaalam sa supervisor ng coffeeshop at nagbayad subalit tinanggihan na tanggapin iyon ni Chloe.
Mga ilang sandali ay nag-usap mula sina Jaxton at Mirabella.
Nang matapos na ang shift ng dalaga kaagad na siyang nagbihis at nagligpit ng kanyang mga gamit. Lumapit sa kanya si Chloe at nakapamaywang pa ito.
"Did you tell him?" Masungit na tanong nito kay Mirabella.
"Hindi. Nagulat nga lang ako nang makasalubong ko siya kahapon sa labas ng campus." Paliwanag ng dalaga habang abala sa pag-aayos ng kanyang sarili.
"Bakit alam niya kung nasaan ka?" Muli nanamang tanong ni Chloe. "Baka may ipinagsabihan ka pa iba."
"Wala noh! Ikaw lang at ako ang nakakaalam. Nagulat nga ako kahapon eh."
"Iwasan mo siya, Mira." Dinig ng dalaga dahilan para lingunin ang kaibigan.
"Why? Wala naman na ako sa Hagai University di ba?"
"Kahit na. Basta iwasan mo muna ang professor mong niyon. Hindi ka ba nag-alala sa reputasyon mo?" giit ni Chloe sa kanya.
"Siyempre naman pero..." Magsasalita pa sana si Mirabella pero kaagad na hinarangan ng kaibigan.
"I said don't."
"Clo naman. Magkaibigan kami ni Sir Jaxton."
"Magkaibigan? O mag-ka-ibigan?" giit pa ni Chloe kay Mirabella. "Sa ngayon, magkaibigan lang. Kaya, kung ako sa'yo layuan mo na siya para walang problema."
Sa halip na sumunod si Mirabella sa payo ng kaibigan, hindi niya ito pinansin. Kunwari wala siyang narinig. Lalo pa na wala siyang nakikitang mali sa kanilang dalawa ni Jaxton.
"Aalis na ako, Clo. May klase pa ako ng 1:00PM. Kita na lang tayo bukas." Nginitian lamang ni Mirabella ang kaibigan saka na ito naglakad palabas ng coffeeshop.
KATATAPOS LAMANG ANG KLASE ni Jaxton nang maglakad siya pabalik ng opisina. Napansin niyang walang iba na tao rito maliban kay Kristen.
"Kristen?"
"Mukhang bumalik ata sigla mo ngayon ah. Ano meron?"
"Uminom lang ako ng energy drinks." Pag-a-alibi ni Jaxton sa kanyang co-teacher.
"Nagkita kayo right?" Kumunot ang noo ng binata sa kanyang narinig.
"Nino?" Pagmamaang-maangan niyang tanong.
"Sino pa ba? Eh iyong paborito mong student na nag-transfer to other school."
"Marami akong paboritong estudyante."
Tinawanan siya ni Kristen dahil di magawang umamin ni Jaxton.
"Iyong babae na parating gusto mong makasama."
"Kristen, can you please lowet your voice? Baka may makarinig."
"Natatakot ka?"
"No. I'm not. Bakit naman ako matatakot?" giit ni Jaxton kay Kristen. Kailanman di siya magpapatinag. Handa siyang i-give up ang trabaho para kay Mirabella. Makakapagtrabaho pa siya at maaaaring kumita kahit di na magturo. Masyado niyang mahal ang dalaga para bitawan pa ito. Minsan lang ito mangyari sa kanya.
"Oh, come on!"
"Pwede ba Kristen kung wala kang sasabihin tungkol sa trabaho, maaari ka ng umalis."
Sarkastikong umupo si Kristen sa harapan ng binata.
"Jax naman. I'm here. Why you keep choosing that young lady instead of me? Hindi mo siya ka-level. Gumising ka."
"Anong karapatan mo para diktahan mo ako Kris? Magka-level tayo at siya ay hindi. We're both professional while she is just a student. Pero ikaw at siya, have different personality."
Natameme si Kristen sa sinabi ni Jaxton. "Alright. But I still say this to you." Lumingon sandali ang binata sa kanyang co-worker. "Don't fall inlove witg her."
Matapos niyon, umalis na rin si Kristen at naiwan na lamang mag-isa si Jaxton. Binalewala niya lamang ang sinabi sa kanya ni Kristen sapagkat mas mahalaga sa kanya na makita at makausap muli si Mirabella.
Ilang araw din na di nagkita sina Mirabella at Jaxton dahil sa magkaibang schedule nila pareho at sa haba ng oras na ibabyahe ng binata lalo na tamabak din ang kanyang mga gagawin. Magkikita sina Mirabella at Jaxton sa isang sikat na mall sa kanilang lugar. Bago nagtungo ang dalaga, nagpunta muna siya sa kanilang bahay upang padalhan ang mga kapatid lalo na isang buwan na siya hindi nagpadala sa mga ito.
Kasalukuyang naglalakad si Mirabella nang makita niya si Sandy na tumatakbo palapit sa kanya.
"Seatmate!" Sigaw nito kasabay ang pagyakap nang mahigpit sa kaibigan.