Chapter 7

2378 Words
Chapter 7 Nagulat si Mirabella nang sabihin na ng kanyang professor ang magiging ka-partner sa isang presentation. Wala ng iba kundi ang lalaking katabi niya. Gian Rivera raw ang pangalan niyon ayon sa kanyang narinig sa mga kaklase. Nag-mention pa ulit ang ginang na mga estudyante na magpi-present hanggang Friday. “Hays, bakit pa ang lalaki na ‘yon ang napili!” Naiinis na sambit nig dalaga sa kanyang sarili. “Paano ko kakausapin ang taong ‘yon tungkol sa presentation? Bwisit!” Pagkatapos ng klase, nagtanong-tanong muna si Mirabella kung saan niya pwede makita at makausap ang lalaking may pangalan na Gian. “Nako, nagpa-practice sila ngayon sa darating na volleyball tournament next month.” sagot kaagad sa kanya ni Nikka na malapit din sa kanyang kinauupuan. “Di ba?” tanong pa nito sa mga kasama. “Oo kaya madalas siyang wala sa klase eh.” saad naman ni Samantha ayon sa pagkakatanda niya ng pangalan sa mga ito. “Teka!” Napaisip si Nikka. “Siya ba iyong magiging partner mo sa presentation?” Nagtawanan ang dalawang babae dahilan para magtaka si Mirabella. “Siya nga pala, girl. Mauna na kami.” Lalabas na sana ang mga ito ng classroon nang bigla magsalita muli si Mirabella. “Anong meron at natawa kayo na si Gian partner ko sa presentation?” Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay nagkibit-balikat lamang ang dalawa at muling humagikhik ang mga ito habang palabas na ng silid. Napakunot ng noo ang dalaga sa hindi malaman na dahilan kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng kanyang kaklase kapag ang lalaking katabi niya ang pinag-uusapan. “Weird!” bulong niya sa sarili saka kinuha ang bag at lumabas na rin ng classroom. Nagpunta siya sa isang gym kung saan doon raw nag-eensayo ang team nila Gian ayon din sa sagot ng kanyang ibang kaklase. “Take care, Miss Trinidad.” Mabilis na sagot ng isa sa lalaki pang kaklase ni Mirabella. Hinawakan pa siya nito sa balikat bago naglakad palayo sa kanya. “Mukhang kilalang-kilala ang lalaki na ‘yon ng mga classmates namin kahit di gaano siya nagsasalita.” sambit muli ng dalaga sa kanyang sarili. “Kaso ano meron kung bakit halos pareho ang nagiging reaksyon ng mga ito pagdating sa kanya? Hays!” Nagtungo ang dalaga sa nasabing gymnasium na kung saan naroon nag-e-ensayo si Gian kasama ang ilang mga volleyball players. Napakalawak nito kung titignan at napakataas rin ng pagkakatatayo nito katulad ng sa Araneta Colleseum. Patuloy pa rin sa paglalakad si Mirabella habang palinga-linga siya sa paligid. Mga ilang sandali pa ay nahagip ng kanyang mata ang nagkukumpulan sa may bandang dulo na may thirty meters ang layo mula sa kanya. Diretso lamang siya hanggang sa naagaw niya ang pansin ng ilang kalalakihan roon. Hinanap kaagad ng mga mata ng dalaga si Gian subalit hindi niya makita. “Oh may chicks tayong bisita.” saad ng isang lalaki na pawis na pawis na galing lang din ito sa practice kanina-kanina lang. “Mukhang naligaw ka ata, Binibini.” Dagdag naman ng isa pang may katangkaran at may kalakihan na katawan. Pinilit ni Mirabella na di siya ma-control ng takot dahil sa mga nakikita niya ngayon. Kakaiba kasi ito tumititig sa kanya. “First time atang may babaing bumisita ngayon sa atin.” Tumawa ang ilan sa mga ito at sandaling tumigil. “Mayroon ka bang jowa dito sa team?” tanong muli ng binata na unang nag-approach sa kanya. “Wala.” Mabilis subalit pataray niyang sagot kaya nagtawanan muli ang ilan maliban ang tatlo na nasa likod at natatakpan ang itsura nito dahil may kadiliman roon. “Hinahanap ko si Mr. Rivera.” Humalakhak ulit ang mga ito. “Si Gian ba kamo?” sarkastikong saad ng lalaking unang kumausap sa kanya. Tumango lamang si Mirabella bilang tugon. “Bakit mo naman siya hinahanap?” tanong naman ng pangalawang lalaki na nag-approach sa kanya. “Crush mo?” Mas lumakas pa ang tawanan ng mga ito at patuloy pa rin sa pang-aasar. “Hindi. Siya kasi ang nabunot na magiging partner ko sa isang presentation sa Sociology.” Paliwanag ng dalaga at nagkibit-balikat lamang ang lalaki saka tinawag si Gian. “Brad, may naghahanap sa’yo.” Sigaw nito sa kanya subalit di sumagot si Gian. Inulit pa nito hanggang tatlong beses pero wala pa rin. “Tulog ata ah, pakigising mo nga Hilario.” Utos nito sa lalaking prenteng nakausap na isa ring nakisabay sa asaran nila. Malapit lamang ito sa kinaroroonan ni Gian. Nilapitan na kaagad ni Mirabella ang lalaki na katabi niya sa upuan dahil di na siya nakapaghintay. Tumayo siya sa harap nito saka na rin tumigil ang lalaki na may pangalang Hilario. “May presentation tayo tomorrow. I need your cooperation.” Walang paliguy-ligoy na saad ni Mirabella. “I’m not interested. Umalis ka na.” walang gana sagot ni Gian kay Mirabella. “Hindi ako aalis hangga’t di mo ako kinakausap nang maayos.” May bahid na ng pang-iinis ang mukha ng dalaga. “Kahit anong gawin mo, di ako makikipag-partner sayo.” “Please makoperate ka naman oh may mini-maintain akong grades para sa scholarship ko. Huwag mo sanang sirain.” Ilang segundo ang katahimikan sa kanilang dalawa at muling sumagot si Gian. “Wala akong pakialam sa scholarship mo. Mag-isa ka mag-present kung gusto mo.” saka, muling ibinalik ng binata ang kanyang mata sa cellphone. Napabuntong-hininga si Mirabella dahil di niya napilit ang kanyang partner sa presentation. Naglakad na rin siya palayo sa binata subalit napatigil siya saglit nang may narinig siyang nagsalita. “Kung di dahil lang sa MVP siya ng team at favorite ni coach, matagal na rin sana natin pinatalsik ‘yan sa volleyball team.” Dinig ni Mirabella na kasalukuyang pinag-uusapan si Gian ng mga kasamahan nito sa laro. Naglakad na muli ang dalaga at nagpunta siya kay Mrs. Santiago na kanyang professor sa Sociology upang sabihin ang tungkol sa pagtanggi ni Gian na maging ka-partner siya. Kaagad na hinanap ng dalaga ang table ng guro at madali niya iyon nakuha. Eksaktong narito pa ito at mayroong ginagawa. “Ma’am…” mahinahon niyang bungad rito dahilan para tumigil ito sa pagtipa sa computer at humarap sa kanya. “Oh, Miss Trinidad. What can I do for you?” Pinasiklop ni Mrs. Santiago ang mga daliri sa magkabila niyang kamay. “Ah kasi Ma’am ayaw po makipag-partner sa akin ni Mr. Rivera.” “So, ano ang gusto mong sabihin?” “Pwedeng ako na lang po mag-isa?” Pilit na kinukumbinse ni Mirabella ang kanyang professor. “Yeah, sure but your grade still 85.” Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa kanyang narinig. “Ma’am?” giit niya. “Yes. 85 lang ang magiging grade mo sa presentation kahit maganda ang overall performance nito.” Nakiusap pa rin si Mirabella dahil may kailangan siyang i-maintain na grade for the scholarship. Hindi pwedeng bumababa ito sa 2.0 rating kundi maaalis siya bilang isa sa makakakuha ng assistance sa kanyang sponsor. Malaki ang impact sa grade ng group at individual presentation. “Ma’am, di po pwede. Kailangan kasi hindi bumababa sa ratings na 2.0 ang grade ko for the scholarship kundi tatanggalin po nila ako.” Muling saad ng dalaga nang may pagmamakaawa. “Sorry, iha. Same pa rin ang magiging grade mo sa presentation since magiging unfair sa ibang kaklase mo.” Napatango na lang din si Mirabella dahil wala pa rin siya nagawa para ma-convince ang kanyang professor. KINABUKASAN. Napansin ni Chloe ang ilang beses na pagkakamali ng kanyang kaibigan sa trabaho nito kaya kaagad niyang sinalo ito. Kaagad na lang siya nag-apologize sa ilang mga customers. “Hey, what happened?” Pansin din kasi niya na medyo lutang si Mirabella ngayon. “Guys kayo na muna here. May pag-uusapan lang kami.” Paalam muna nito sa ibang employees saka niya hinatak ang kaibigan papasok sa office nito. “Ano nangyayari?” muli niyang tanong kay Mirabella. “Pinoproblema ko kasi ang grade ko sa Sociology.” Sunud-sunod ang pagbuntong-hininga ng dalaga saka muling nagpatuloy. “Ayaw kasi maki-cooperate ng ka-partner ko sa presentation tapos kinausap ko si Mrs. Santiago at ang sabi niya walang mababago sa grade ko kahit naging maganda ang performance. 85 lang ang maibibigay niyang rating sa presentation ko mamaya.” “What?” gulat kasabay ang pagkunot ng noo ni Chloe. “Anong klaseng titser siya kung ganoon!” “Kaya nga pero ginawa ko ang lahat kahapon at pilit na kinukumbinse siya pero di pumayag.” “Why don’t we try to complain her into the Commission on Higher Office? At ma-sampolan ang impaktang professor mong ‘yan.” Gigil na gigil na saad ni Chloe pero kaagad itong pinigilan ni Mirabella. “No. Huwag na.” “And why? Paano ang scholarship mo?” “Kasi naman kung gagawin natin kaagad ang reklamo baka mas lalo lang magkaroon ng conflict?” “Ano ka ba naman, Mira? Ikaw na nga inagrabyado, ikaw pa may malasakit sa teacher mong ‘yon?” “Kalma ka lang, Clo.” Biglang nakaisip ng ideya si Mirabella kaya kaagad gumaan ang kanyang pakiramdam. “I can do this.” Muli siyang kinuutan ng noo ng kaibigan, “What do you mean?” “Eh basta, Clo.” “Bakit di mo na lang sabihin sa akin ang totoo ah? May pa-secret ka pang nalalaman diyan.” Ngayon nakanguso naman si Chloe sa kanya dahilan para matawa ng kaunti si Mirabella. “Teka, huwag mong sasabihin na susuhulan mo?” “Sshh. Hindi noh. Basta, secret lang muna.” Saka bumalik ang dalaga sa kanyang working place at iniwanan ang kaibigan nito na nag-iisip pa rin kung ano naging plano niya mamaya. Oras na ng klase at at ilang subjects ang nagdaan bago ang asignaturang Sociology. Kita sa mukha ni Mirabella ang kanyang pagiging handa sa presentation kahit wala ang kanyang kaperaha. “Kaya ko ‘to!” bulong niya sa sarili. Naging random ang sa pagpili ng magpi-present sa unahan sa halip na alphabetical order. Lima sa mga kaklase ni Mirabella ang unang nag-present at siya na ang sumunod. Binalak niyang mas pagandahin ang presentation maging sa visual aid na kanyang ginamit upang makuha ang magandang impression ni Mrs. Santiago at magbago ang isip nito. Napahanga ang kanyang mga kaklase at naestatwa ang kanyang professor sa naging preparasyon ni Mirabella. Maya-maya pa’y nagsimula na siya subalit natigil ito nang biglang naglakad patungo sa kanya si Gian. Nagulat siya saglit pero kaagad silang nagsimula. Nagpalakpakan ang mga kaklase ng dalaga sa naging presentation at pinuri rin sila ni Mrs. Santiago. Binigyan sila ng pinakamataas na ratings na 98 sa kanilang presentation. Pagkatapos ng klase, napansin ni Mirabella na lalabas nanaman ng kanilang classroom si Gian. Hinabol niya ito at mayroon siyang inabot sa binata. “Heto, chocolate. Reward para kanina.” Masayang saad ng dalaga. “I’m not accepting any gifts to anyone.” Walang ganang sagot ni Gian kay Mirabella. Napabuntong-hininga ang dalaga. Mga ilang sandali, nakita niyang bukas ang zipper ng bag ng binata kaya doon niya inilusot ang tsokolate na ibibigay at sinarado iyon. “Di pwede na hindi mo kunin.” Giit pa niya dahilan para napangisi sa kanya ang binata. “Ang kulit mo talaga noh?” “Ano naman ngayon kung makulit ako basta nagbigay ako ng reward for you bilang pasasalamat. Akala ko iiwan mo na talaga ako sa ere dahil nag-aalala ako ng husto sa grades ko.” “Ok, fine.” Naiinis nang saad ng binata. “I have to go.” “Saan ka naman pupunta? May klase pa tayo ah!” Nakalayo na si Gian sa kanya nang sabihin iyon. Pagkalipas ng mga araw, bakas pa rin sa mukha ni Mirabella ang tuwa dahil nakaraos na siya sa kanyang problema. Subalit, napatitig siya sa katabing upuan matapos niyang gawin ang seatwork sa Contemporary Math. Araw-araw pinadadalhan ni Mirabella ng notes si Gian kapag di ito nakaka-attend ng kanilang klase, bagay na ikinaiinis ng binata. Dalawang linggo nang lumipas na patuloy, na pinadadalhan ng mga notes ang binata at medyo na-touch naman siya rito. Subalit isang araw, bad trip si Gian at wrong timing nagpunta si Mirabella sa gym upang ipadala rito ang mga lectures na sinulat niya sa lahat ng asignatura Bigla na lang hinagis ito sa mukha ng dalaga sa harap ng ibang estudyante. “Di ka ba naiiinis sa ginagawa mo?” Bulyaw nito sa kanya. “Do I have many times to tell you to stop doing these stupid stuffs?” Dahil doon nasaktan si Mirabella at pinulot ang mga notebooks na nagkalat. “Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa galit?” giit ng dalaga. “Sinabi ko ba tulungan mo ako?” “No but I have to do this to help someone needs my help.” Napa-English ng di oras si Mirabella sa lalaki. “Kasi sinasayang niyo lang ang pera to study here sa ganitong exclusive schools tapos kayo paeasy-easy lang? Samantala ang tulad ko na nagtatrabaho pa just to support my study. Kayo, ang swerto niyo eh!” Inayos ni Mirabella ang pagkakatayo at nilingon ang ibang kalalakihan sa gym. “Ok, fine. Kung ayaw mo ng pinapakialam so ito na iyong last. Goodbye.” Saka, iniwan ni Mirabella si Gian na naghihimutok sa harap ng team-mates nito. “Bakit ka pa kasi nakialam? Ito tuloy nangyari!” Paninisi ni Mirabella sa kanyang sarili. “Ok, this will be the last na makikialam ako sa lalaking ‘yon. Never happen again.” Iyon nga pinanindigan ni Mirabella na di siya mangingialam pa kahit kanino at lalo pa sa Gian na ‘yon. Ilang araw nang lumipas na di na rin pinapakialam ni Mirabella si Gian. Maging ang atensyon nito ay balewala na sa kanya ngayon bagay na na-realized din ng binata. Matapos ang Microeconomics subject kaagad na ring lumabas ng classroom ang dalaga. Ramdam na niya ang gutom sa kanyang sikmura. Samantala, si Gian naman ay sinundan si Mirabella habang naglalakad na ito palabas ng building. Bago pa man tuluyan makalayo sa kanya ang dalaga, kaagad niya ito tinawag. “Miss Trinidad!” Dahilan para tumigil saglit sa paglalakad si Mirabella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD