Chapter 6
Dine-deny pa rin ni Mirabella ang totoo tungkol sa nararamdaman para kay Jaxton sa kanyang kaibigang si Chloe. Mas pinili niya pa rin na di aminin iyon at manatili munang lihim lahat.
“Ano sinasabi mo diyan, Clo?” Pagmamaang-maangan niyang tanong sa matalik na kaibigan at napangisi lang ito.
“Bakit hindi mo na lang aminin kahit kitang-kita naman kung gaano nangungusap ‘yang mga mata mo kapag nakikita siya?” Pahayag ni Chloe na nanatili pa ring nakataas ang mga kilay sa pilit na umamin sa kanya si Mirabella. “Kahit kahapon ko lang din na-meet siya pansin ko na may gusto rin siya sa’yo.” dagdag pa ni Chloe na dahilan upang napatitig si Mirabella dito.
“Anong pinagsasabi mo? Nature lang talaga niya ang ganoon lalo na sa mga estudyante niya.” Paliwanag ni Mirabella dahil ayaw na niya pahabain ang usapin tungkol doon kahit may mga signs na siyang napapansin sa lalaki.
“Really?” sarkastikong napatawa si Chloe sa kung paano magsinungaling sa ngayon ang kaibigan. Napapaisip siya kung ano mga dahilan nito kung bakit hindi nagawang sabihin sa kanya ang totoo. Wala na ba itong tiwala sa kanya? Medyo nakaramdam siya ng pagkalungkot nang pumasok iyon sa kanyang isipan.
“Yes.” confident na sagot ni Mirabella kahit sa puso niya nag-aalinlangan siya.
“Hope na sana hindi totoo.” tipid na ngumiti si Chloe kay Mirabella. “Siya nga pala I have to go.”
“Teka, di man lang mag-breakfast muna tayo?” pagpigil ng dalaga sa kanyang kaibigan at hinarangan ang daraanan nito. “Mabilis naman ako magluto eh.”
“No need. Kumain naman ako ng agahan kanina. I just go here to confirm everything I observed yesterday pero wala naman nangyari.” muli nanaman itong umirap kasabay ng pagbitaw ng pahayag na iyon. Ngumisi si Mirabella.
“It will be nothing dahil wala naman talaga.” sagot ni Mirabella.
“Sana nga.” Pagpaparinig nito. “Alright, I have to go.”
Umalis na nga si Chloe sa boarding house na tinuluyan ni Mirabella. Dahil, Sunday ngayon panahon na para makapg-review siya next week for for their final exams.
PAGKALIPAS NG ILANG MGA ARAW. It is a week when the final exams start. May bahagi sa puso ni Mirabella ang kaba habang sumasakay siya ngayon sa jeep patungong eskwelahan. Biglang pumasok sa kanyang isipan, ang mga bagay na sa tingin niyang dapat gawin. Nakaramdam siya ng guilty pagkatapos niyang magsinungaling ng maraming beses kay Chloe kaya’t napagdesisyon niya na sabihin ang buong katotohanan.
“Hey, seatmate mukhang sobra kang na-stress sa exams natin ah!” Bungad sa kanya ni Sandy na kasalukuyan silang kumakain sa isang kilalang eatery na malapit sa Hagai University. “Tignan mo ‘yang itsura mo. Kahapon ka pa ganyan katahimik. Tungkol pa ba ‘yan sa pagpapalabas sa’yo ni Sir Jaxton noong nakaraan.”
“Hindi.” Maikling sagot ni Mirabella dahilan para mag-usuisa pa sa kanya si Sandy.
“Eh ano?” tanong kaagad nito.
“Basta akin na lang ‘yon.” Bigla na lang niya niyaya ang kaibigan na pumunta sila sa mall para mag-relax ng kaunti.
“Kinakabahan ako sa tono ng pananalita mo, seatmate.” Pinapaypay ni Sandy ang sarili dahil nakaramdam siya ng kaba sa kung paano magsalita ngayon ang kaibigan.
“Wala ka dapat kabahan. I’m ok.” Hinila na nga ni Mirabella si Sandy sa mall. “Mag-enjoy muna tayo.” Napanguso lamang kaibigan ng dalaga bilang reaksyon sa kanyang pahayag.
SA ARAW NG HUWEBES. Binalak ni Mirabella na kausapin muli si Chloe dahil sasabihin na niya ang tungkol sa kanyang nararamdaman para kay Jaxton. Ayaw niyang matagal siyang maglihim rito dahil baka masira ang kanilang pagkakaibigan sa ganoong kaliit na bagay.
Huminga siya nang malalim bago pumasok sa loob ng coffeeshop. Nag-leave kasi siya ng tatlong araw sa trabaho kaya wala siyang duty ngayong araw.
“Chloe!” Tawag niya rito. “Pwede ba tayo mag-usap?” malumanay niyang tanong sa kaibigan at tumango naman ito.
“Sure.” Sagot nito na may pagtataray pa rin pero sanay na rin si Mirabella sa kaibigan. “Jessica, pwede ikaw muna dito sa counter? May pag-uusapan lang kami ni Mira.” Tumango kaagad kaagad ang babae kasabay ng paglapit sa kinatatayuan ni Chloe.
“I’m sorry, Clo.” Napakunot ang noo nito sa biglaang paghingi ng apology ni Mirabella.
“Why?” mabilis na sagot ni Chloe at pinagkrus ang kanyang braso sa dibdib. “Is this about what we have last Sunday morning.”
Napatangu-tango si Mirabella. “I’m sorry kung naglihim ako sa’yo.” Nakayuko lamang ang dalaga habang sinasabi ‘yon.
“So, why did you do that?” Nakatitig lamang si Chloe kay Mirabella na tila hinihinatay pa ang susunod na sasabihin ng kaibigan.
“I’m afraid.” Naguguluhang saad ni Mirabella.
“For what?”
“To judge me.” Tinawanan ni Chloe si Mirabella sa naging sagot nito. “Alam kong I-criticie mo nanaman ako sa nagawang mali.”
“So, you say that you have feelings to that guy?” Tumango kaagad si Mirabella. Bigla tinutukan ni Chloe si Mirabella sa noo. “Stupid. Mira, akala ko matalino ka?”
“Ito ang sinasabi ko.”
“I’m just honest to you, Mira. I’m your friend at ayaw kong mapahamak ka at masaktan. Is it prohibited especially into your school, right? At, mayroon kang mini-maintain na magandang repuations sa eskwelahan niyo at sa pagiging scholar di ba?”
“Hindi pa naman kami magkarelasyon eh!” giit ni Mirabella.
“Sa ngayon hindi pero sa hinaharap, oo. Di mo ba iniisip ang magiging consequences nito? Paano kung may nakakita sa inyong dalawa? Mira naman please think about it.” May kataasan ng boses ang ginawad ni Chloe sa kaibigan.
“Kaso…”
“Kaso, hindi mo kaya? Hays. Sa dinami-rami ng lalaki sa mundo bakit sa isang teacher pa?” Napahilamos ng mukha si Chloe. “But you need to control your feelings for him.” payo ng kaibigan kay Mirabella.
“Paano, kung lagi ko siyang nakikita?”
Ilang minuto lumipas bago nagsalita si Chloe. “You have to transfer into another university?”
“Ano? Hindi ata tama.”
“Tama ‘yon. That will be the way para makaiwas ka na sa kanya.”
“Paano ko ‘to sasabihin sa sponsor ko na lilipat ako ng ibang eskwelahan?” muli nanaman na tanong ni Mirabella.
“Kami ang bahala.”
PAGSAPIT NG IKALAWANG SEMESTER. Kasalukuyang naglalakad si Sandy palabas ng Hagai University campus ng makasalubong niya si Jaxton. Halata sa binata ang pagtataka dahil di kasama ni Sandy si Mirabella.
“Where’s Mirabella?” bungad niyang tanong habang nililipat ang kanyang paningin sa bandang gilid.
“I don’t know, Sir since wala man lang siya naging pasabi kahit through text.” Nakangusong pahayag ni Sandy. “Tinignan ko na sa lahat ng student’s masterlist per block and pati sa ibang curriculum, wala siya.”
Napabuntong-hininga si Jaxton sa kanyang nalaman. Iniisip niya na maaaring di na kaya nito tustusan ang kanyang pag-aaral lalo pang si Mirabella din ang nagpapaaral sa mga kapatid nito.
“Nagtatampo tuloy ako sa kanya.” dagdag pang saad ni Sandy.
“Nag-alala rin ako kung napano na siya.” agarang tugon ni Jaxton. “If ever na may balita na sa kanya, i-text mo kaagad ako o kaya puntahan mo ako sa Math Department.”
Napatango-tango si Sandy bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Jaxton. “Sige, sige Sir i-update ko po kayo.”
“Tapos na ba klase niyo?” tanong muli ng binata sa kanyang dating estudyante.
“Yes po, Sir Jax. Kayo?”
“Meron, mga alas-kwatro ng hapon hanggang ala-singko.” Tumango muli si Sandy bilang sagot.
“Sige po, Sir mauna na po ako. Hinihintay na kasi ako ng sundo ko sa labas.” Tumango lang din kaagad si Jaxton.
“Keep safe.” Nakangiti pang pahayag ng binata kahit ramdam niya ang kalungkutan ngayon.
“Kayo rin po.” Pagkatapos, naglakad na rin palayo si Sandy sa kanya habang siya patuloy naglalakad patungo sa Room 107 na kung sa mga Chemical Engineering students ang naroon.
Natigilan siya sa paglalakad nang biglang sumabay sa kanya si Kristen.
“Balita raw na hindi nag-enroll si Miss Trinidad ngayon.” Panimula nito sa kanya. Hindi gaano ito pinansin ni Jaxton patuloy niya pa ring binabaybay patungo sa silid na kung siya magtuturo. “Teka, ang tahimik mo ata?” Npansin kasi ni Kristen na hindi siya kinibuan ng binata.
“Marami lang ako iniisip.” tipid na sagot ni Jaxton.
“Isa ba na roon ang paborito mong student?” Tumigil saglit sa paglalakad ang binata at sandali na magsalita subalit naunahan siya ng kanyang co-teacher.
“Pansin ko kasi na masyado kang nag-aalala sa kanya o kaya naman binibigyan mo ng special treatment.” May halong pang-iinis na ang naging pahayag ni Kristen. Hindi niya matanggap na isang teenager lamang ang magiging karibal niya rito kay Jaxton.
“Ganoon naman talaga ako sa mga students ko, itinuturing ko silang barkada?”
Napabuga ng hangin ang binibini sa naging sagot niya.
“Ano ba gusto mong patunayan, Kris?” Tinititigan na ngayon ni Jaxton si Kristen sa mga mata nito pero hindi nakatagal ang talaga. “Kung wala naman tayo ibang pag-uusapan na importante I have to go. Malapit na mag-alaskwatro ng hapon. Hinihintay na ako ng mga Chemical Engineering students.”
Iniwan na lamang ni Jaxton si Kristen doon at nang balak pa ng dalaga magpaliwanag.
“Ano ba kasi mayroon sa Mirabella na ‘yan kung patay na patay si Jaxton sa kanya!” Gigil na gigil na sabi ni Kristen at tumuloy na rin siya paglalakad para tumungo muna sa cafeteria para kumain ng merrienda.
Ilang araw na ring tahimik sa loob ng classroom si Mirabella. Masasabing sobra na niya na-missed ang dating paaralan. Para na rin siyang batingaw dahil kahit itong seatmate niya hindi magawang kausapin man lang siya kahit sandali. Pansin na dalaga na tila walang pakialam ang lalaki sa katabi niyang upuan.
Nang magsisimula na ang klase bigla na lamang ito naglakad palabas ng classroom ng walang pasabi. Napabuntong-hininga siya sa ugali ng lalaking iyon.
Sabado ng hapon, walang pumasok na professor sa kanila pero may ibinigay itong seatwork sa kanila.
Binasa niya muna ang nakasulat sa pisara, “Group yourselves into four members then kindly give some insights in the following terms given above.”
Tinignan niya pa ang nasabing mga salita sa ibaba at kaagad na rin siyang naghanap ng kanyang ka-grupo. Napansin niya ang katabing binata na masarap itong natutulog. Walang alinlangan niya itong ginising.
Minura siya nito dahilan mapunta sa kanya ang atensyon ng mga kaklase. “What do you need?” sunod pang tanong nito sa kanya.
Halos hindi makapagsalita kaagad si Mirabella dahil sa pagsigaw nito. “Kailangan kasi ng apat na miyembro sa isang group.”
“I don’t care!” mabilis na sagot ng binata at bumalik muli ito sa pagtulog.
Balak pa sana ni Mirabella na kausapin ang binata nang magsalita muli ito, “Find other member except me. Huwag na huwag mo na akong iistorbohin ulit kundi kakalimutan kong babae ka.”
Nasindak si Mirabella sa huling sinabi nito kaya’t di na niya inulit pang guluhin ang lalaki. Nang makapagsimula na ang klase, nag-focus na lang sa aralin ang dalaga at binalewala na lamang ang nangyari kanina.
Pagkaraan ng ilang linggo, bihira na lang makita ni Mirabella na pumasok ang lalaki na nakahanay sa kanyang kinauupuan. Madalas itong wala sa klase at kung minsan nagka-cutting class pa ito. Hindi niya maiwasan ang mag-alala pero inaabutan siya ng takot pa rin dahil sa banta nito sa kanya nakaraan kapag nakialam pa siya.
ARAW NG MIYERKULES, halos whole day ang pasok nila ngayon patuloy pa ring sinusubaybayan ng dalaga ang kanyang seatmate kung muli itong papasok o hindi. Dumating na rin ang kanilang teacher sa Sociology dahilan para upang umayos na siya ng upo. Binati sila nito at ganoon rin sila. Mga ilang sandali ay sinimulan na kaagad ang klase.
“Ok class I would like you to give first simple evaluation regarding the topic we discussed yesterday and your second evaluation is short quiz later, third is would be your prelims.” Sa sinabi iyon ni Mrs. Santiago walang pumasok sa isip ni Mirabella ang ideya na kanilang gagawin since wala pang professor ang nakagawa nito.
“I want you to present here in the class what you have learned yesterday.” Ipaliwanag pa sa kanila ng guro ang iba pang pang detalye. Isa itong teamwork- dalawang member kada topic na ibibigay kaya ngayon bumubunot na ng pangalan isa-isa.
Matagal-tagal bago nabunot si Mirabella. Nakaramdam siya ng konting kaba sa kung sinuman ang kanyang magiging partner sa isang presenation. Mga ilang segundo, muling nagsalita si Mrs. Santiago.
“Miss Mirabella Trinidad your partner is…..”