Chapter 5
Tahimik si Mirabella buhat sa nangyari kanina. Hindi niya inaasahan na magagalit ng ganoon si Jaxton at nakita rin niya kung paano siya ipinagtanggol sa kanyang ina at step-father.
Narinig niya ang sunud-sunod na pagbuntong-hininga ng binata.
“Bakit hindi mo sa’kin sinabi na matagal ka na nila sinasaktan?”
Ngayon, bigla na lamang nawala ang katahimikan sa kanilang dalawa.
“Ayaw ko ng maging pabigat sa iba saka kaya ko naman eh.” Pagdadahilan ni Mirabella.
“Pero hindi tama na sinasarili mo na lang ang lahat ng problema, Mirabella.” Napalingon siya sa binata nang marinig niyang sinambit muli nito ang kanyang pangalan. Hindi siya makapagsalita. Nagkaroon ulit ng malaking pagbabago simula nang ma-trap sila sa isang kubo ng gabing ‘yon.
“Pero Sir….” Pilit pa rin ng dalaga ang magpaliwanag subalit nag-aalangan pa rin siya.
“Sana huwag mo ng uulitin ‘to.” Napapikit ng mga mata ang binata matapos niyang magsalita.
Palaisipan kay Mirabella kung bakit ganito mag-alala ng sobra ang kanyang professor.
“Gusto ko lang kasi bisitahin ang mga kapatid ko at padalahan sila ng pera.” muling saad ni Mirabella.
“Why, di ba sila binibigyan ng Mama mo o kaya ng step-father mo?” Napapansin na labis pa rin ang pagkainis ni Jaxton sa mga magulang ni Mirabella dahil sa hindi maganda ang trato sa dalaga.
‘Hindi eh. Pinansusugal lang nila ‘yon sa halip sa amin ibigay para allowanace at baon namin sa pagpasok.”
Kasalukuyan nang nagmamaneho si Jaxton ng sasakyan habang patuloy siyang nakikinig sa mga kwento ni Mirabella. Mas ikinainis niya nang marinig ang huling sinabi sa kanya ng dalaga.
“What?” Hindi makapaniwala ring tugon ng binata. “Anong klase naman na mga magulang sila!” giit pa niya. “Kaya, siguro pinagsasabay mo ang pag-aaral at ang pagtatatrabaho.” Bahagyang hinanaan ni Jaxton ang kanyang boses sa kanyang huling pahayag.
“Yes, wala akong choice kaysa tumigil ako sa pag-aaral mas lalo lang kami maghihirap.”
Maya-maya pa ay nakarating na rin sila sa tapat ng bahay na may-ari ng boarding house na kanyang tinutuluyan upang dahilan para matigil sandali ang kanilang pag-uusap.
“We’re here.” Anunsyo ni Jaxton. Muli itong napabuntong hininga at hinarap ang dalaga. “I hope it never happen again. I don’t want to see you hurting by anybody.”
Sa maikling kataga na iyon, napabilis ang pagtibok ng puso ni Mirabella. Naging slow-motion lahat sa kanya at paulit-ulit na niyang naririnig iyon sa magkabilang tainga.
“Eh di kaya nag-a-assume lang ako?” sambit niya sa kanyang isip at nang makabalik na siya sa wisyo kaagad na siyang nagpaalam sa binata bago bumababa ng sasakyan. Hindi na niya kaya ang ganoong sistema.
“Bear it in your mind, Mira.” Huling sambit nito habang patango-tango lamang ang dalaga bilang sagot. Subalit nagulat ang dalaga na lumabas ang binata sa kanyang kotse. “Sir Jaxton?”
“Gusto ko sana makita ang loob ng boarding house.” pahayag ng binata nang makalapit ito sa kanya at siya pa naunang naglakad sa kanilang dalawa papasok sa isang eskinita.
“Ok po, Sir.” Hindi ang isasagot ni Mirabella lalo pa na mag-isa lang siya roon at may kasama pa siyang lalaki. Ano na lang sasabihin ng may-ari nito?
Nakikita sa mukha ni Mirabella ang pagkagulat sa sinabi ni Jaxton na tutuloy muna ito sa boarding house na tinitirhan niya. Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ito saka naglakad sa pinakamaliit na daraanan.
“Pasok po kayo.” agaran niyang sambit habang pinagmamasdan ng binata ang buong sulok ng lugar.
“Mag-isa ka lang dito?” Tumango lamang si Mirabella bilang sagot.
“Isn’t dangerous? Paano kung….” Natigilan ito nang biglang magsalita si Mirabella.
“Ayos naman po ako Sir dito. Secured ang boarding house na ni-recommend sa’kin ni Chloe.”
“Sino siya?”
“Siya ‘yong supervisor sa coffeeshop na pinagtatrabuhan ko at matalik din kami magkaibigan niyon.” pagpapaliwanag muli ni Mirabella. “Pwede mo naman tanungin si Aling Glydel kung safe talaga ang tinutuluyan ko.”
“Nevermind.” Maikling sagot ni Jaxton at may nakita rin siyang CCTV cameras sa bawat sulok ng boarding house. “If there’s any problem, you just call me.”
“Yes, Sir Jaxton.”
“Kapag tayong dalawa lang huwag mo na akong tatawaging Sir.” Napakurakurap ang mga mata ni Mirabella sa sinabi ng professor.
“Sir?” nalilito niyang saad at tinititigan pa siya nang masama ni Jaxton.
“Why? You’re my professor bakit….”
“I said, don’t call me ‘sir’ if we’re just two.” Maotoridad na sambit ng binata at bakas pa rin kay Mirabella ang pagtataka.
Tama kaya ang hinala niya pero huwag naman sana dahil pati rin siya parang may kakaiba na ring nararamdaman para sa binata.
“Hey.”nagulat na lamang ang dalaga nang magsalita ito kaagad.
“Ah kasi.” Naglakad din palapit sa kanya si Jaxton na mas kanyang ikinagulat.
“Nako, ano ba ‘to? Hahalikan niya ako? OMG!” sambit ng dalaga sa kanyang isip.
Inilapit ng binata ang kanyang mukha sa kanya na akmang hahalikan siya subalit tumagilid ito at may binulong sa kanya.
“Jax or Jaxton na lang itatawag mo sa akin.” Dinig niyang bulong nito at ngumisi ang binata sa kanya saka lumayo ng bahagya.
Halos natulala si Mirabella sa ganoong eksena at tanging pagtango muli ang naging sagot niya.
“Gusto mo…ba ng kape?” Nalilito tuloy ang dalaga kung ano dapat sasabihin.
“Huwag na tutal aalis na rin ako. I’m just checking if you’re safe.” Sagot ni Jaxton kasabay ang pagtingin sa relos na suot niya. “Alright, I have to go. Mayroon pa akong gagawing lesson plan.”
Nakalagay ang dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon at sandaling hinawakan ang mukha ni Mirabella at sinulyapan ito. “Keep safe.” saka na ito naglakad palayo sa dalaga.
Pagkatapos kumain ng gabihan at maghilamos ng sarili, humiga na rin si Mirabella habang iniisip niya pa rin ang mga moment nila ni Jaxton. Hindi siya mapalagay at paulit-ulit iyon nagpapakita sa kanyang imahinasyon. Sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni bigla na lamang siya nakatulog na di namamalayan.
Madalas nagkikita pa rin sina Mirabella at Jaxton kapag nagkakasabay silang kumain ng lunch kasama si Sandy at iba pang mga kaklase. Napapansin ng dalaga na kapag napatitig siya sa kanyang professor noon ay walang epekto subalit ngayon para na siyang yelo na natutunaw sa mga ngiti na ipnapakita nito kahit di siya ang dahilan. Ayaw niyang isipin na may gusto rin sa kanya si Jaxton at siya lang ang mayroong feelings dito kaya naman bahagya siyang nalungkot sa isip.
“Thank you, Ma’am come again.” Saad ni Mirabella sa isang customer na pinagsilbihan niya ngayon. Pilit niya lamang itinatago ang kalungkutan na nararamdaman subalit napansin iyon ni Chloe na kanyang supervisor at bestfriend din niya.
“Is there something wrong or you just tired already?” May halong pagsusungit na tanong ni Chloe kay Mirabella. “Tungkol ba ‘yan sa crush mo?” Bigla na lamang na-alarma ang dalaga sa sinabi pa ng kaibigan.
“Hindi ah.” Depensa niya kahit iyon naman ang totoo. Hindi pa rin ipinaalam ni Mirabella sa kaibigan na nagkakagusto na siya sa kanyang professor. Ayaw niya kasi may masabi ito sa kanya. Sa dalawang taon na rin nila magkaibigan kilala niya si Chloe. Masyado itong sensitive at strikta kaya mas pinili niyang itago na lamang iyon.
Nakauwi ng medyo maaga si Mirabella sa boarding house lalo pa wala gaanong traffic ngayon sa kalsada. Tumitig siya sa phone kung mayroong mag-text sa kanya ngunit wala siyang natanggap kahit kay Jaxton.
“Nahihibang ka na self.” Walang gana niyang sabi sa sarili saka siya nagbihis na ng pambahay at nagluto ng panggabihan.
KINABUKASAN. Pagkatapos niya ng shift sa trabaho, nagulat na lamang muli si Mirabella nang may nakaparadang kotse sa isang kalye na dinaraanan niya. Katulad ito ng kay Jaxton. Hindi niya ito pinansin at diretso lamang siya naglakad patungo sa sakayan ng jeep nang humawak sa kanyang braso. Subalit, nang napaharap siya kaagad na binitiwan ang kanyang braso.
“I’m sorry nakatulog kasi ako.” Paliwanag ni Jaxton sa kanya. Kita sa mukha ni Mirabella ang pagtataka lalo pa’t di niya inaasahan na susunduin siya muli ng binata.
“Kanina pa siya naghihintay?” bulong niya muli sa kanyang isip.
“Twenty-five minutes kong hinintay ang paglabas mo.” Kung anumang paru-paro ang pumasok sa tiyan ni Mirabella nang marinig niya ang simpleng pahayag na iyon na may kakaibang kahulugan para sa kanya. “Sorry kung nakatulog ako.”
“Ok lang…” matipid niyang sagot saka na siyang niyaya muli sumakay sa kotseng kulay maroon na pag-aari ng binata.
“Saan mo gusto kumain? Nagugutom na rin kasi ako.” Muli nanamang gumalaw ang paru-paro sa kanyang tiyan.
“Ah ka--hit saan…” Nabubulol niyang tugon at tinawanan pa siya ng binata.
“Alright, we should go?” Tumango lang din si Mirabella. Sari-sari nanaman ang pumasok sa kanyang isip habang bumabiyahe sila ngayon papunta sa isang restaurant.
IN THE COFFEE-SHOP. Katatapos lang mag-serve ni Mirabella sa isang customer kaagad siyang bumalik sa loob ng kitchen upang kunin pa ang ilang orders. Pagkalipas ng isang oras, wala na gaanong customers na pumapasok at sandali siyang tumambay sa counter at kinausap si Chloe na siya muna tumatayong cashier dito.
“Paano ka ba makakasigurado kung may gusto sa’yo ang isang tao?” Biglaang tanong ni Mirabella dahilan para lingunin siya ng matalik na kaibigan.
“Teka!” Tinignan siya ni Chloe ng diretso. “Sabi ko na nga ba eh tungkol sa kanyang crush kung bakit di mapinta ang mukha mo kahapon.”
“Hindi ah. Iba itong ngayon.” Pagsisinungaling ni Mirabella ulit sa kaibigan. “Sige na Clo, bigyan mo ako kahit isang sign lang para malaman kung may gusto sa’yo ang isang tao?”
Nilambing-lambing muna ni Mirabella ang kaibigan para tulungan siya nito.
“Fine!” Inirapan pa siya ni Chloe palibhasa isa ring manhater ito dahil sa naging masakit na nakaraan sa first boyfriend. “Alright, here.” panimula niya.
Ipinaliwanag nga ni Chloe ang isa sa mga signs kay Mirabella. Kaya naman, binalak ni Mirabella i-confirm ito nang tahimik.
Sa gitna ng klase, naging lutang ang dalaga kaya dahilan para sitahin siya ni Jaxton.
“Miss Trinidad!” tawag nito sa kanya dahilan bumalik na siya sa realidad.
“Sir?” gulat niyang saad at napansin rin niya pati mga kaklase ay nakatitig sa kanya. Si Sandy naman ay nakahawak sa kanyang mga braso.
“Please go outside if you’re not paying attention.” Striktong saad ni Jaxton kay Mirabella. Alam naman iyon ng dalaga na mahigpit ito pagdating sa klase at walang kai-kaibigan.
Napatango ang dalaga bilang sagot at kinuha ang mga gamit. Sandali siyang pinigilan ni Sandy. “Ok lang seatmate. It’s my fault. I’ll text you later.”
Pagkatapos, lumabas na rin muna ng classroom si Mirabella. Napabuga siya ng hangin habang naglalakad sa hagdanan.
“Kasalanan mo kasi self!” bulong niya sa sarili.
Kumain siya mag-isa sa cafeteria bago tumungo sa coffeeshop upang magtrabaho. Pagsapit ng gabi, nagulat na lamang siya nang bigla siyang lapitan ni Jaxton.
Napalinga-linga si Chloe sa kanilang dalawa. Pansin niyang isa itong professor at kilala rin niya ito sa pangalan since nabanggit na sa kanya iyon ni Mirabella noon.
“Are you mad?” bakas sa mukha ni Jaxton ang guilty sa kanyang ginawang pagpapalabas kay Mirabella sa kanilang classroom sa subject niya. “Sandy didn’t tell me na di ka man lang nag-text sa kanya at di ka sumabay kumain sa amin ng lunch.”
“No. Alam ko naman na isa ‘yon sa rules mo sa loob ng klase right? Bakit ako magagalit?”
“Ok, if you’re not mad. Look at me.” Hinawakan ni Jaxton ang magkabilang balikat ni Mirabella. “Tumingin ka sa mga mata ko.”
Kaagad na nagulat ang dalaga sa kanyang narinig lalo nag pinaharap siya ng binata. Bumilis ang t***k ng kanyang puso at naging slow motion muli ang sa pagitan nilang dalawa.
Nilakasan ni Mirabella ang loob bago tuluyang sinunod ang sinabi ni Jaxton. Isang pambihirang pangyayari iyon sa kanya na halos nakapaghina ng kanyang mga tuhod at nagpamanhid sa kanyang mga kamay.
SUNDAY MORNING. Mataas na ang tirik ang araw di pa ring nagawang bumangon ni Mirabella sa kanyang pagtulog. Nagising na lamang siya nang bumulagta si Chloe sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata. “Clo?” gulat na sambit kasabay ng pag-ahon niya mula sa pagkakahiga sa kanyang kama.
“Siya ba ang tinutukoy mo sa akin na crush mo?” bungad na tanong ni Chloe kay Mirabella dahilan upang di kaagad siya makapagsalita.