Sa may di kalayuan ay nakakunot naman ang noo ni Tyron habang nakatingin kay Arabella kasama ang mga batang lansangan. Kung hindi niya sana kilala ito ay napahanga na siya sa pagbibigay ng nito ng pagkain sa mga bata. Tuwang tuwa kasi ang mga bata at ibang iba ang kasiyahan na nakikita niya sa mga ito. Lalo siyang napakunot noo, its been a month na hindi niya nakikita ito, pero parang ok lang naman ito. Mukha pa ngang nagliwanag ang aura nito, maganda naman ang asawa niya kuno, very simple pero fresh na fresh kahit walang nakalagay na kolorete sa mukha. Shes cute in her own way, parang school girl lang nakasimpleng black tshirt at white denim short lang ito na pinarisan ng simpleng sandal. Nakaponytail din lang medyo may kahabaang buhok. Its an effortless beauty and sa tingin niya ay walang man lang insecurities sa katawan dahil sa kasimplehan.
" Hey bro, are you alright? " tapik ni Marco sa kanyang balikat. Kaibigan niya ito and at the same time business partner sa iba nilang negosyo."Yeah! may nakita lang ako diyan"
" I know, yung babaeng nandiyan sa katapat na park kanina kasama ng mga batang lansangan?" may halong panunuksong saad nito at napataas kilay siya sa tindi ng pang amoy nito.
" Kanina ka pa nakatingin doon ui, kulang na lang matunaw na parang ice cream" humalakhak pa ito at inismiran niya ang kaibigan.
" Ngayon ko lang nalaman, chismoso ka rin pala"
" Well...sabihin mo lang kung gusto mo siyang makilala"
" Of course not! Shes not my type!" agad niyang saad sa suwestiyon nito at napahalakhal ng malakas ang kaibigan.
" Arabella hindi ko macontact si Tyron, agahan niyong pumunta sa party mamaya" si Mrs Alegre sa kabilang linya.
" Saan po yan tita? wala po kasi siya ngayon dito"
" Oh, kaya naman pala, anyway nasabihin ko na kaninang umaga, don't forget to come" sàad pa nang ginang. Welcome party daw para kay Tyron ang magaganap bilang new CEO nang A& A Corporation. Magreretiro na ang matandang Alegre at ang anak na nito ang papalit sa kanya.
" Ok po tita, cge po" hesitant pa niyang tugon sa ginang bago ito mawala sa kabilang linya.
Nagtatalo ang kanyang isip, pupunta ba siya o hindi? Sa gilid gilid lang naman siya pag aattend siya, for sure walang may gusto sa presensiya niya. Napabuntunghininga ang dalaga, ayaw naman niyang biguin ang ginang since eto lang ata ang nagpapakita ng maganda at malasakit sa kanya.
Isang above the knee na puting dress na may mahabang manggas ang napili niyang damit. Linugay ang lagpas balikat na buhok na inipitan lang ng clip sa may side. Naglagay din lang siya ng liptint at konting press powder sa mukha. Tinignan niya ang reflection sa salamin, mukha siyang school girl na dadalo sa isang teenage party. Natawa siya sa sarili, although presentable ang kanyang nakikita, napangiwi dahil pakiwari niya ay malayong malayo ang itsura niya sa pagiging sopistikada at elegante. Last touch ay ang pagsusuot niya sa pinakaborito niyang hikaw na perlas tuwing umaattend siya sa mga salo salo.
" Arabella, you're here! wheres Tyron? si Mrs Alegre na pinasadahan muna siya mula ulo hanggang paa.
" Galing kaba sa simbahan?" walang kaabog abog na saad nito at lihim siyang napahiya. Sa ganda ng gown nitong kulay purple walang kasing ganda ang ginang lalo na sa mga suot na mamahaling alahas. She is so perfect, kahit matanda na ito sopistikada pa rin itong gumalaw at eleganteng manamit.
" Ah...oo nga po eh" halos mamula mula nalang niyang tugon.
" O siya cge, asan na ba ang batang yun" ang ginang na agad luminga linga.
" Hello there mother, nag aalala kana naman ba sa mahal mong anak" mula sa kung saan ay sumulpot ang hinahanap. Ang lawak ng pagkakangiti at malambing na hinalikan ang ama't ina.
" You ok dad? " sabi pa nito sa ama at tumango tango nan ang ama na kasalukuyang nasa wheelchair. Gayun paman makikita parin ang kakisigan sa matandang Alegre kahit may katandaan at nasa silyang de gulong.
" Of course iho, kanina ka pa namin hinihintay...napakaimportante ang gabing ito, this party is for you"
" Ok! Ok...mom i'm here na...oh anyway, i would like you to meet this beautiful lady beside me, Ms. Christine Santos...and of course this is my caring and loving mother, Mrs Alegre and my idol who is more handsome than me, my father Mr. Armando Alegre" pagpapakilala ni Tyron sa napakagandang babae na kasama niya. Christine is a perfect description of what a lady is...para ito beauty queen.
" Nice to meet you tito and tita, how are you po" sweet na sweet nitong bati sa mga magulang ni Tyron habang binigyan ng besobeso si Mrs. Alegre. Halatang nabigla na parang ewan ang mga magulang ngunit nagpatianod nalang ang mga ito para sa anak.
" Anak pakiassist si Ms Christine sa bulwagan" malambing na utos ng ina kay Tyron at agad naman itong tumalima. Hinalikan ulit ang ina at iginaya na ang bisita sa bulwagan ng party.
Agad naman umatras pakubli sa isang malagong halaman si Arabella ng dumaan ang mga ito. Kahit natalikod na ay nakatnaw parin siya sa dalawa. Bagay na bagay ang dalawa, ang ganda gandang babae at ang halatang ang yaman yaman base sa mga galaw at pananalita. Si Tyron naman ay napakagwapo lalo na sa suot nitong Black Tuxedo. Maging sa galaw nito, sa paglakad, pagkiling, pagtawa at kung ano ano pa ay talaga namang agaw atensiyon lalo na sa mga kababaihang nandoon. Lalo palang cute ito kung nakangiti at nakatawa. Napailing siya sa sarili, ano ba ang ginagawa niya para siyang high school na nakatanaw lang sa crush niya.
" Hello manang, kumusta po kayo" masayang bati niya nang mahanap sa kusina ang matandang mayordoma.
" Ok lang naman ineng, kumusta ka naman sa bagong tirahan mo?
" Ayun po marami na po akong tanim" nakatawa niyang sagot dito. Totoo naman dahil halos ang mga halaman sa hardin ang araw araw na pinakakaabalahan niya.
" Mabuti kung ganon ineng, naku tiyak kong magandang maganda ang hardin niyo ngayon, magaling ka sa mga halaman eh"
" Mejo po, ano pong ginagawa niyo? tulungan ko na po kayo"
" Eto nagtitimpla ng punch, alam mo naman mas gusto parin ni ma'am ang homemade na inumin sa mga ganitong party" saad nang matanda at tumango tango naman siya.
" oh ok po, ano pong maitutulong ko? prisinta niya.
" Eh tapos na ire, dalhin mo nalang sa labas itong isang ito at pakilagay sa mga lagayan ng mga inumin sa bulwagan."
" Ok, cge po' mabilis naman siyang tumalima sabay buhat sa punchbowl. Pagbaba palang ng kanyang karga ay agad may lumapit na sa kanya.
"Miss ano yan?"
" Punch po sir"
" One glass pls" ang isang bisita at itinapat pa ang hawak na wine glass para pakargahan sa kanya. Hindi pa man nakakalayo ang humingi sa kanya ay isa isa nang lumapit ang ilan at kumuha rin ng inumin sa kanya. Nagmukha na tuloy siyang serbidora sapagkat siya na ang naging taga lagay ng inumin sa mga glass ng mga ito.
" One glass of punch serve to the table of Ms Christine Santos" baritonong boses na nakapagpaangat sa mukha niya mula sa kanyang ginagawa. Bulls eye! Nasalubong niya ng tingin ang lalaking napakalalim ang pagkakatitig. Hindi niya mawari, parang nang aarok.
" Nagsuot kana rin sana ng uniform ng catering?" mapang uyam itong saad. "Nasa party ka, wala ka sa perya" painsulto pa nitong pahayag habang tinignan siya mula ulo hanggang paa. Pinilit naman niyang nginitian ito na parang wala siyang narinig
.
"Right away sir, one glass of punch to Ms. Christine is coming" agad niyang nakuha ang composure, kumuha siya ng isang glass ng inumin at inilagay sa tray. Iseserve nalang niya ang inumin ng bigla nitong kinuha ang glass sa tray. Nabigla siya sa ginawa nito lalot bigla siya nitong hinila palabas at padaskol na binitiwan.
" Why are you here? iniwan na kita sa house diba?" galit na sabi nito, bigla naman siyang pinangatugan ng tuhod dahil sa nakikita niyang nakarehistrong galit sa mukha nito.
" Hindi kasi, tunawag ang mommy mo at pinapunta tayo dito"
" And do you think I believed that?" maanghang nitong saad. Para siyang maiiyak, hindi niya alam kung sa sobrang takot or sama ng loob.
" Sorry kung hindi mo nagustuhan ang pagpunta ko dito"
"Leave! " hindi pa man niya natapos ang sasabihin ay matigas ang boses na utos nito habang nakaturo sa gate. Hindi niya namalayang tumulo ang luha niya, pasimple niya itong pinahid. Tatakbo na sana siyang lalabas sa gate na bigla siya nitong hinila, tumilapon sa katawan nito at namalayan nalang niyang nakadikit na ang labi niya sa labi nito. Napatda siya, at halos lumaki ang mata niya sa pagkabigla. Hindi siya ready at wala sa isip na gagawin ni Tyron ang ganito. For the first time in her life, and ganito pala ang feeling parang may kinukuryente ang buong katawan habang nakaumang ang labi ng lalaki sa kanya. Para pa ngang tumigil ang kanyang mundo kasabay ng panginginig ng buong katawan. Habang na sa state of shock ang dalaga ay binitiwan ni Tyron ang knayang labi at marahas na itunulak kasabay ng matinding pagbagsak niya sa damuhan.
" Now Leave! I don't want to see your face here" walang kasintigas na saad nito sa kanya habang walang pakialam kung bumagsak siya o hindi.
Sa kabiglaan bigla naman siyang tumayo at patakbong lumabas aa villa. Paglabas ng gate ay nahapo ng dalaga ang dibdib, umupo sa gilid at kinalma ang sarili. Hindi niya mawari ang nasa isip, sari sari ang nandoon at sariwa pa ang ginawa nitong paghalik sa kanya, pero napakasakit din sa kanya ang pagpapalayas sa kanya. Nasabunotan niya ang sarili, who cares kung pinalayas siyang parang aso hindi paba immune sa pag uugali ng lalaking iyon? Anot bakit siya ay hinalikan nito?
"Damn" pagmumura niya sa sarili, ganon nalang ba siya nito kamuhi?
Nasa ganong ayos ang dalaga ng biglang may lumabas na sasakyan sa villa at di nagtagal ay huminto sa tapat niya.
"Ineng halika na at ihahatid na kita sa bahay niyo" si mang Isko iyon. Agad naman siyang tumalima, binuksa ang saksakyan at agad siyang sumakay dito. " Salamat ho manong" mahinang saad niya at ngumiti iyon.
" s**t! s**t! s**t!" galit na galit na pinag tatadyak ni Tyron ang mga grasses sa lawn. Hindi niya mawari kung para kanino ang galit niya, kay Arabella ba or para sa sarili niya. Why can't he control himself pagdating sa babaing iyon, gustong gusto niya itong tirisin, tadtarin ng pinong pino at ipakain sa aso. Parang automatic na bigla kukulo ang dugo niya kapag nakikita niya ito. Pero ok lang ba iyon? did she hurt nang itulak niya ito ng malakas at mapaupo sa lawn? Parang nakita niyang may kumislap mula sa mata nito kanina, did she cry? " Damn!" malakas niyang bulalas sa sarili. "Why the hell I care? kahit mamatay siya wala siyang pakialam!
" Sir, ok lang po kayo?" mula sa di kalayuan ay natawag niya ng pansin ang guard. Agad naman siyang nahimasmasan at tumango siya dito.
" Pakitawagan si manong Isko, pakisabi sundan niya si Arabella sa labas at ihatid sa aming bahay" utos niya dito bago pa siya bumalik sa bulwagan.
"Opo sir, masusunod po" narinig pa niyang pahayag ng guard ng lisanin niya ito.