This is my room, doon ka sa kabilang kuarto. Never ever to come inside my room!" pagalit na utos ni Tyron sa kanya ng makarating sila sa kanilang lilipatan. Isang up and down na bahay, may dalawang malawak na kuarto, may sala, kusina, laundry area at marami pang iba. Kompleto na rin sa lahat ng gamit kaya mga damit lang ang dala dala nil sa paglipat. Pakiwari niya ay may palaging pumupunta doon upang mamaintain ang kalimisan nito.
" Narinig mo ba ako? ugali mo pa naman ang pumasok sa may kuarto ng may kuarto" sarkastiko pa nitong pahayag.
" Of course not! Saiyo lang ang kuwarto mo" inis din niyang pahayag at dali dali niya itong iniwan hilahila ang mga gamit.
" Really? baka mamaya hindi ko mamalayan nakitabi ka kana naman" malakas na pambubukaska nito at tinaasan niya ng kilay ito. Tumawa ba iyon? nambubuska ba?
" Ngekngek mo!" sabi na lang niya at malakas na sinara ang pinto ng kanyang silid.
Agad inaayos ni Arabella ang mga dalang gamit, pinaglalagay niya ito sa mga lagayan. Pagkatapos nito ay humiga siya sa kama upang ipahinga ng konti ang katawan. Naidlip ang dalaga at nagising siya sa andar nang sasakyan palabas. Sinilip pa niya ito ngunit nakalabas na ito sa kanilang bakuran. Bumaba siya para tignan nang maigi ang kabuuan ng bahay. Tuwang tuwa naman siya dahil kompleto lahat ng kagamitan, punom puno pa ang ref nang kanyang pagbuksan.
Dahil hapon na naghanda na siya ng lulutuin, nagugutom na rin siya dahil nakatulog siya kaninang magtanghali kaya hindi siya nakakain ng tanghalian. Pinakaramdaman din niya ang buong bahay, ni kaloskus ng kasama ay wala ngunit pinagkibit balikat niya lang iyon. Ano ba sa kanya kung nandiyan o wala ang sungit na lalaking yun? wala naman itong gagawin kundi magalit sa kanya nang walang kadahilanan. Nakumpirma niya kinabukasan na wala pala siyang kasama, wala kasi ang kotse ng lalaki kaya siguradong wala ito sa kuarto niya. " E di wow" nangingiti niyang saad sa sarili, dahil malaya siya sa kahit na anong gawin niya kapag wala ito.
Halos mag iisang buwan na siya sa bahay ngunit ni anino ni Tyron ay hindi niya nakita. Masaya naman siya, parang bumalik lang ang dati niyang buhay na walang nagagalit sa kanya.
Pumunta siya sa kabayanan para mamili ng mga kailangan niya, unti unti na kasing nauubos ang kanyang stocks. Buti nalang hindi niya ginagalaw ang allowance na binibigay ng mama ni Tyron noong nasa villa pa siya.
" Ate! ate! palimos po, pangkain lang po", isang batang pulubi na may karga kargang bata na sa tingin niya ay hindi pa nakakalakad. Ang dungis din ng mga ito, payat na payat at halatang kulang sa nutrition ang mga pangangatawan.
"Sige na ate pls...nagugutom na po kami" pagmamakaawa pa nito. Tinignan niya ang paligid, may nakita siyang Mcdo sa malapit.
" Halika doon tayo" turo na sa fastfood, biglang sumigla ang bata at tumalon talon pa habang nakasunod sa kanya.
"Oops! bawal kayo dito" ang security guard sa kainan, isinara pa ang hawak hawak na stick.
" Kuya kasama ko sila" pahayag niya sa sikyu. May pag aalinlangan pa ito ngunit napakamot nalang itong tinanggal ang stick sa pintuan.
" Anong gusto niyong kainin?" nakangiti niyang tanong sa bata.
" Ate gusto ko po ng spaghetti at ice cream, tapos fries daw po kay bunso" agad na sagot ng bata habang namimilog ang mata.
"Ok sige, hintayin niyo ako dito ha? paalam niya dito para mag order.
"Ate pwede po take out? nasa kabilang kanto kasi ang dalawa ko pang kapatid, tapos si tatay din po hindi pa nakain" tumungo ang bata at napansin niyang biglang nalungkot ito.
' Oo naman, anong oorderin natin para sa kanila?" masiglang sagot niya dito. Agad nagtaas ng mukha ang bata na parang hindi makapaniwala sa pagpayag niya.
"Talaga po ate?"
" Oo, cge na anong oorderin natin para sa kanila?"
" ahhh para kay Dennis chicken, peyborit niya po, si Andy burger na lang po at si tatay chicken na rin po, siguradong matutuwa yun"
" o sige, antayin niyo ako dito ha?" saad niya dito bago pumila sa counter at masayang tumango tango naman ito.
" Ate maraming salamat ha? nabusog po kami, nakatulog na ata si bunso sa pagkabusog" natatawang saad ng bata habang palabas sila sa Mcdo.
"Wala yun, mag-ingat kayo ha?"
"Thank you ate, ang bait niyo po at ang ganda pa" nakangiting saad nito at walanh sabi sabing ginulo niya ang buhok nito.
" Binola mo pa ako, oo na...iuwi mo na ang kapatid mo inaantok na"
" Sige po ate, salamat ulit...God bless po" paalam nito at pakaway kaway pa siya habang papalayo ang mga ito.
Pagkatapos naman niyang makuha ang pakay sa kabayanan ay agad din siyang umuwi sa bahay. Pagdating niya doon ay agad din siyang nagluto para sa sarili, sinigang na hipon ang gusto niyang ulamin kaya halos naubos niya ang one fourth kilo na niluto niya. Pagkatapos kumain ay nagtungo siya sa garden para taniman ang mga pinamili niyang plastic kanina.
" Ate! ate! " pagbaba palang niya sa taxi ay may kumakaway ma sa kanya. Pagtingin niya dito ay narecognized niya ang batang babae, halos patakbong lalapit sa kanya at may mga kasama.
" Kumusta kayo?' bati niya sa mga ito.
" Ok lang din ate, matagal ka pong hindi naparito?" saad ng batang babae.
"Oo may bibilhin lang...ay siyanga pala eto kunin niyo, niluto ko yqn para sainyo"
" Woow! talaga po?" halos di makapaniwala sa tuwa ang mga bata at tumango siya. Sinadya niya talagang magluto para sa mga ito ewan ba niya at hindi na nawaglit sa isip niya ang mga bata, awang awa siya sa mga ito.
" Sabi ko na sainyo ang bait bait niya" pagbibida ng batang babae at nagpalakpakan ang mga kasama nito.
" Meron din kanin diyan, kumain na kayo" saad niya sa mga ito, sinigang na baboy ang niluto niya para sa mga ito. Dinamiham na rin niya para sa buong mag anak.
" Thank you ate, bait bait niyo po talaga...ano pong pangalan niyo?" saad ng batang babae.
" Ako si ate Belle"
" Ang ganda naman po pangalan niyo, kasing ganda niyo po" ang batang lalaki naman na mas bata sa babae.
" Ako naman po Ana, si dennis naman ito,siya naman si Andy at si bunso naman ay si Marco.'" pagpapakilala ni Ana sa mga kasama.
" Ikinagagalak kong makilala kayong lahat" nakangiti niyang pahayag.
"Kami din po ate"
" May asawa na po kayo?"
" Ah eh..."
"Wala yan, dalagang dalaga eh" sabad ng batang si Dennis at napatawa siya.
" Ito talaga...saan po kayo nagtatrabaho ate? "
" Siyempre doon" si Dennis sabay turo sa mga naglalakihang gusali. " Lahat ng magaganda doon nagtatrabaho...kaya ikaw bawal ka doon pangit ka kasi" buska pa nito sa kapatid at inismiran naman ito ni Ana.
" Wag po kayong maniwala diyan ate, nambubuska lang yan" paghingi ni Ana ng paumanhin sa inaasal ng kapatid.
"Hoy! tirhan mo si tatay', saad pa nito sa kapatid dahil sa katakawan. Napatawa lang ang dalaga habang natutuwa aiyang nagustuhan ng mga ito ang kanyang niluto.
" Bakit si tatay lang? Asan ang nanay niyo? "
" Sumama sa ibang lalaki, walang kwenta" mabilis na sagot ulit ni Dennis at napalo siyansa kamay ni Ana.
" Opo ate, simula nang maaksidente si tatay at hindi na makatayo ay umalis na rin si nanay sumama sa iba" pagsang ayon din naman nito. Nalungkot siya at nahabag para sa mga ito. Sa murang edad ay ganito na ang nararanasan nila. Parang may bumaon na matalim na bagay sa kanyang puso para sa mga ito. Hinawakan niya ang kamay ni Ana, pinisil pisil iyon.
" Alagaan mo ang mga kapatid mo ha? saad niya dito at tumango tango naman iyon.
" Hayaan niyo kapag napunta ako dito ulit magdadala ulit ng pagkain niyo ha?" agad niyang pahayag na pinasigla ang boses.
" Yey!"
" Umuwi na kayo, hetong two thousand bumili kayo ng pagkain niyo at gatas ng tatay niyo ha? sabay abot sa dalawang libong. piso at nagtatalon ang mga bata sa tuwa.
" Wag din kayong nagpapasaway sa ate niyo ha? Good boy dapat kayo" baling niya sa dalawang nakababatang kapatid nito at tumango tango naman ang mga iyon.
Bago pa siya pumunta sa lakad niya ay tinulungan pa niyang ilagay ng maayos sa supot ang tinira ng mga ito para sa kanilang tatay.