Napabaliwas si Arabella mula sa mahimbing na pagkakatulog, luminga linga sa paligid ngunit wala naman siyang nakita na kahit anino ng tao sa buong silid. Nanaginip yata siya, dumating daw si Tyron at galit na galit ang mukha habang pinagmamasdan siyang natutulog. Namaos bigla ang kanyang lalamunan sa isiping iyon. Agad siyang bumaba sa higaan at dumirecho sa kusina, kahit talaga sa panaginip ang sama pa din ng tingin ng lalaking yun sa kanya, para bang anu mang oras ay sasakalin siya. Binuksan niya ang ref at doon nagsalin ng isang basong tubig. Agad linagok iyon dahil nakakatuyo naman talaga ng lalamunan ang kanyang panaginip. Naglagay pa siya ng tubig sa kanyang baso, pinuno niya iyon bago isinara ang ref. Pabalik na sana siya sa kanyang kwarto ng bigla siyang bumangga sa kung ano.
" Ouch" ang lakas ng impact ng pagkakabangga niya at pakiwari niya titilapon siya kung hindi siya nahawakan ng kung sino.
" What the f***k", narinig niyang sambit nito ngunit hawak hawak pa niya ang kanyang dibdib sa pagkabigla. Hindi niya maaninag kung sino ang nakahawak sa kanya spaagkat di na siya nagbukas ng ilaw pagpasok niya sa kusina para kumuha ng tubig.
" Stupid girl!" galit pa ring sabi nito mula sa pagkakahawak sa kanya. Pinalaki niya ang kanyang mata na kaninay hindi masyadong nakabukas sapagkat kagigising niya at nakakaramdam pa ng antok. Hindi siya magkakamali sa boses nito, kahit limang buwan na hindi niya narinig ang boses nito ay hindi siya magkakamali.
"Hindi ito panaginip?" wala sa sariling sambit niya ngunit nabigla nalang siya nang mahanap ang sarili sa sahig. Binitiwan siya nang lalaki at naramdaman niyang sumakit ang balakang niya sa pagkakasalampak bigla.
" There, gising kana...ewan ko lang kung makakaakyat ka pa sa kuarto ng maayos", saad nitong naiinis sabay layo para buksan ang ref. Walang sabi sabing tinungga ang isang pitchel na tubig at agad ding isinara iyon.
"Help yourself!" saad nito at walang pakialam na lumabas na ng kusina.
Mula sa pagkabigla ay tumayo na rin ang dalaga subalit talagang malakas ang tama ng kanyang balakang kanina. Paika ika pa siyang lumabas sa kusina upang bumalik na sa kanyang kuarto.
Pagbungad niya sa may hagdan para umakyat sa kuarto nakita niyang nakatayo doon si Tyron, nakahalukipkip at sa pagkakalam niya sinadya nitong hintayin ang kanyang pag akyat. Naasiwa pa siya sapagkat wala itong damit pang itaas, ang hunk nito at gaya ng dati mala adonis pa rin ang kagwapuhan.
"Parang ngayon ka lang nakakita ng lalaking hubad ah, pasado na ba ako sa iyong standard?" nakataas ang kilay nito mula sa kanyang pagkakatigil.
"Aaah, hindi naman...i just can't believed that you are here", mahinag saad niya at paika ikang ipinagpatuloy ang pag akyat.
" Natural, this is my house and I can go home whenever I want",
" Sabi ko nga" sagot niya sa pagsusuplado nito ignoring ang napalakas na prisensiya nito lalo na ng dumaan siya sa harapan nito.
" I don't want you here around!" saad nito at parang nabingi siya sa narinig. Ang lakas pati ng kanyang kabog sa dibdib. Napatigil siya sa paika ikang paglalakad, parang may bumara sa kanyang lalamunan na hindi niya mawari. Liningon niya ito, at ewan niya kung saan nanggaling ang matapang nanpagharap niya dito. Nakipagtitigan siya dito pero nagbabaga ang mata ng lalaki, parang gusto siyang sunugin ng buhay.
" I hate..."
"I know!" mahinang putol niya sa sasabihin nito.
"Wala akong pakialam" matigas niyang turan sabay talikod dito. Namumuro na ang lalaking ito, nasanay na nga siya na walang pumapansin sa kanya ganon din sa galit ng lahat ng tao sa pamamahay na ito, ano pa bang hindi niya kayang iendure? Ngunit hinila siya nito bigla at malakas ang siyang tumilapon pabalik sa katawan nito.
" Don't dare turn your back to me!" gigil na gigil na saad ng lalaki at talagang pinilipit pa ang kamay nito.
" Bitiwan mo ako" halos magiyak ngiyak na saad niya.
" And if i don't?
'
" Your hurting me!"
"Who cares?" mas matigas na saad nito at napaiyak na siya. May plano yata itong baliinnang kamay niya.
"Plssss" halos dina niya marinig ang boses niya, masakit na masakit talaga ang kamay niya. Agad naman siya nitong binitiwan ngunit malakas din siya nitong tinulak kaya napasalampak siya sa sahig. Gusto niyang umatungal, hindi na niya alam kung ang kamay niya o balakang ang masakit.
Halos hindi maigalaw ni Arabella ang kanyang kamay paggising niya kinabukasan. Pati ang balakang niya ay nakikiayon din, sumasakit din ito kapag siya'y gumagalaw. Napapangiwi siya sa sakit na nararamdaman ngunit napabuntunghininga siya ng maalala ang engkwentro nila ni Tyron kagabi. Ang sama sama talaga ng lalaking yun, parang umuwi yata ito para siya'y saktan.
Tanghali na nang siya'y makababa, pinakiramdaman pa niya ang kanyang sarili kung kaya ba niyang tumayo at igalaw ang kanang kamay. Wala pa naman siyang alam kung saan dito ang may manghihilot. Medyo paika ika pa siyang lumabas sa silid at nagtungo sa komedor. Tanghali naman na at siguradong wala na siyang maabutan doon, magtitpla nalang siya ng kape at iinumin niya nalang sa hardin.
Pagpasok niya sa may komedor ay naroroon ang mag anak, Si Mrs Alegre na inaalaalyan ang asawa nakatatapos kumain at ang si Tyron na busangot ang mukha.
Agad siyang nagpreno at tatalikod nalang siya ng tawagin siya nga ginang.
"Arabella" maagap na tawag nito sa kanya. Napahinto naman siya sa paglayo at inihanda ang sarili sa pagngiti sa mga ito.
"Ah yes po tita?, sorry po kala ko po kasi wala na pong tao dito" agad niyang hingi ng paumanhin baka sabihin nila sinadya niyang makinig sa usapan ng may usapan.
" Its ok, halika at kumain kana" iginaya pa ng ginang ang kanyang kamay para paupuin siya.
" Thank you tita, kukuha lang po sana ako ng kape"
" No, dito kana kumain at magkape" saad ng ginang. Nakamasid lang naman ang naiinis na anak at ang asawa nito.
" Thank you po tita." magalang na saad niya sa ginang na din man lang tinapunan ng tingin ang nooy nagbabagang mata ng kasama nila.
" Iha...mag- impake ka nang gamit mo mamaya"
" Ho?" tama ba yung narining niya? mag-iimpake siya? papaalisin na ba siya?
" Lilipat na kayo nang tirahan, sa kabilang bayan lang naman..sayang naman yung bahay doon kung walang titira" paliwanag nito at unti unting pinakawalan ang kaninay nakabitin na paghinga.
" Ok lang po tita" mabilis pa sa alas kuatrong sagot niya. Sigurado mag- eenjoy siya doon, hindi kagaya dito feeling niya may atraso siya sa lahat. Idagdag mo ang masungit at walang awang lalaking ito na akala mo ay susunugin siya ng buhay kung makatingin sa kanya.
"Ano pang hinihintay mo, kunin mo na lahat ng gamit mo nang makalayas kana dito" hindi napigilang sabat ni Tyron. Ang sama ng dinig niya sa babaing ito, excited ata at lumiwanag pa ang mukha sa pagkakasabing lilipat sila ng bahay. He hates this woman very much, mukhang inosente kung magsasalita, goldigger naman. Sa isiping iyon mas lalo lang tumindi ang galit nito sa kanya, kung pwede lang pilipitin ang leeg nito ginawa na niya. Nginisian siya nito na akala mo hindi naapektohan sa ginawang niyang panlilisik ng mata. Magana pa itong kumain at lalong nais siya dito.
" Patay gutom" bulong nito at pinandilatan siya ng ina.
"Tyron!"
" O sungit! Kumain ka, magcelebrate ka dahil di mo na ako makikita" inilapit pa ni Arabella ang mga pagkain sa binata, sa katuwaan parang mas gusto na lang niyang hindi pansinin ang kasungitan nito.
"In your dreams" masungit pa ring saad nito ngunit mas lalo lang siyang napangiti.
" Pakialam ko saiyo, basta aalis na ako sa pamamahay na ito, malayo saiyo sungit!" pagmamalaki niya sa isip.
" Ah, iha...kayong dalawa ni Tyron ang lilipat doon" sa sinabi ng ginang muntik siyang mabilaukan. Ano daw? kasama niya ang lalaking ito? Tumaas ang kilay ng lalaki sa kanyang reaction.
" Napag usapan namin ng daddy niyo na...its better this way, at least we try...malay niyo magwork out",
" Mom! I told you.."
" Anak, napag usapan na natin ito!"
" But i don't like your idea, bakit ba pinipilit niyo gusto niyo" iritadong saad ni Tyron at kulang nalang mabasag sa kamay ang hawak na baso.
" Dahil yun ang nakabubuti para sainyo"
" That's not true! Ayaw niyo lang sa girlfriend ko kaya pinipilit niyong iwork out ang walang kwentang kasal namin ng babaing ito" galit na galit na saad ng binata at dina napansin na mas mataas na ang boses kesa sa mga magulang nito. Si Arabella ay nakamasid lang din sa mga ito, unti unti ay naliliwanag siya sa paghihimutok nito. Sa huli ay wala ring nagawa ang anak kundi nagpatianod nalang sa kagustuhan ng mga ito.