Chapter II

1827 Words
Sa hagdan, pababa sana si Arabella para kumuha ng maiinom sa kusina ng maulinigan ang pag-uusap ng kanyang mga biyanen. Hindi naman niya sinadyang mapakinggan ito pero nanlumo siya ng malamang wala na sa Pilipinas ang kanyang asawa. Kung tutuusin ok lang sa kanya na hindi niya makasama ito kasi lately lang niya itong nakita at nakasama, although attracted siya sa kanyang asawa noon pa man na picture lang ang kanyang nakikita pero ok lang naman na hindi niya ito makasama. Masama pati ang ugali nito at hindi maganda ang turing sa kanya. Pero masakit din pala ang sobrang mabalewala, yung tipong sa una palang feeling mo hindi ka nag- eexist. Dahan dahan siyang umalis sa kinatatayuan at bumalik na lang sa kanyang kwarto, kahit paano mukhang mabigat din sa pakiramdam na wala na sa Pilipinas si Tyron. Isang araw nababaan niyang busy ang lahat nga tao sa buong villa, bawat isa ay may kanya kanyang ginagawa. Maaga na rin siyang nagigising tuwing umaga at inako na rin niya ang pagdidilig ng mga halaman sa hardin ng villa. "Ate tulungan na po kita, ako nalang po ang magdidilig" saad niya sa isang kawaksi isang umaga. Gusto niyang malibang, dahil parang masisiraan siya ng bait lalo nat wala siyang ginagawa. "Buti naman nang magkaroon kayo nang silbi sa pamamahay na ito" patutsada ni Edna. Nakaismid pa ito habang tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Po?" saad niya, hindi na siya nabigla sa asal nito. Katunayan lahat nga tao sa bahay na ito, katulong man o hindi sa palagay niya ang liit liit ng tingin sa kanya. "Oh bakit? totoo naman ah, diba pinikot mo lang si sir Tyron kaya ka nag-aastang prinsesa? pasupladang dagdag nito at tigagal siya sa pinagsasabi nito. "Oh etong host, diligan mo lahat yan ng magkasilbi ka naman" padaskol na ibinigay sa kanya ang pagdidilig. "Sige po...salamat", mahinahong pahayag niya dito sa kabila ng pamamahiya nito sa kanya. Dapat nasanay na siya sa mga ganong asta ng mga taong nasa paligid niya, pero paminsan minsan kumukurot pa rin ang mga ito sa kanyang puso. Binalak niyang nagpaalam sa mga biyenan para babalik nalang siya sa maynila subalit nagalit lamang ang mga ito sa kanya. Katwiran ng mga ito, dito siya iniwan ni Tyron kailangan dito din siya nito madadatnan. Ang weird, ayaw na nga siya ng mga tao dito, ayaw pa din siyang payagang umalis. And sa case nila ni Tyron nawalan na rin siya ng pag-asa, at hindi na talaga siya umaasa. Ang gaan gaan sa pakiramdam kapag nasa hardin siya, dito parang wala siyang problema. Ang gaganda ng mga halaman, yung iba tanim niya at namumulaklak na rin kaya ang saya saya niya. Alagang alaga niya ang mga ito, kahit hapon nagdidilig din siya para mas lalong mamulaklak ang mga ito. Pagkatapos niya sa hardin ay nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng sariling kape. "Good morning po Ate Luz" nahihiya pa niyang saad ng madatnan ang matandang katulong sa villa na halos hindi magkanda ugaga sa ginagawa. Tiningnan lang siya nito at agad pinagpatuloy ang ginagawa. "May maitutulong po ba ako? anas niya sa matanda...at tinignan niya ito nang direcho. Si ate Luz ay matagal nang naninilbihan sa mga Alegre ayon sa naririnig niyang kwento, siya na din ang mayordoma sa villa. "Halika, tulungan mo ako dito...balatan mo etong mga patatas, lahat ito" turo niyo sa mga gulay na nakaumang sa malaking mesa. Nasiyahan siya sa matanda, tanging ito lamang ang may magandang pakitungo sa kanya kahit na ang alam ng lahat ay pinikot niya ang panganay na anak ng kanilang amo. "Sige po ate, ako po ang bahala sa pagbabalat ng mga ito...may okasyon po ba?" malambing niyang tanong sa matanda. " Salamat kung ganon ineng...oo may bisita ang villa mamayang tanghali, magsidatingan ang mga kamag anak nina sir mula pa sa mga karatig bayan". "Ganon po ba? Cge ho at bibilisan po natin ang paglilinis sa mga gulay na ito" nakangiting saad niya sa matanda. Nabigla pa siya ng iabot ng matanda sa kanya ang isang tasang kape. "Ai naku po ate, salamat...nakalimutan ko ito pala ang kukunin ko kaninang pumasok ako dito sa kusina...salamat po" " Walang anuman ineng, salamat din at may makakasama ako sa paghahanda sa mga ito" nakangiting sagot ng matanda at tuwang tuwa nang nararamdaman niya sa oras na iyon. Bago magtanghalian, isa isang nagsidatingan ang mga bisita sa Villa. Kitang kita sa galaw at pananamit ng mga ito ang sopistikasyon mapababae man o lalaki. "Hey, can you give me a glass of water?" habang abala sa paghahain ay napaigtad si Arabella nang may biglang tumayo sa kanyang harapan. Napakagandang babae ito, ang puti puti at parang barbie. " Bingi ka ba?!" angil nito mula sa pag iinspeksiyon niya sa napakagandang babae. " Ah e...cge, cge po ma'am. Wait lang po" " Make it quick, moron!" narinig niyang saad nito. Nag init ang kanyang tainga sa sinabi nito. " Hi iha, how are you? May kailangan ka ba? " mula sa kung saan ay malabing na boses ni Mrs. Alegre. "Hi tita, i miss you! Gusto ko lang uminom napagod yata ako sa biyahe" "Oh ok, ok iha...sandali lamang at ikukuha kita". " Dont bother tita, bagsabi na ako sa katulong ninyo..Oh, here it is...thank you!" agad na kinuha ng magandang babae ang dala dala ni Arabella na tubig. " Meron pala kayong bagong katulong tita, nung last na punta ko dito hindi ko pa siya nakita" narinig niyang saad ng babae sa kanyang biyenan. Ngunit sa halip na sagutin siya ng ginang ay ngumiti lamang ito habang iginagaya nitong lumabas sa kinaroroonan nila. Napagkamalan siyang katulong, at bakit hindi....ano ba nag kanyang suot, isang kupasing short at t-shirt na madalas niyang ginagamit. Nakaramdam siya ng awa sa sarili, hindi na pala siya nakakabili ng bago niyang damit, ng duster nang tshirt at short. Paano wala naman siyang pinupuntahang iba, kung hindi sa hardin ay sa kusina at kuarto lamang naman siya. Napailing siya sa kanyang sarili. " Hello everyone, kumusta kayong lahat?" dinig na dinig ni Arabella ang kumustahan at tawanan sa labas, ang saya saya nila. Wala man lang sa pamilyang Alegre ang nakaisip na yayain siya at ipakilala sa mga bisita. " Stupida" angil niya sa kanyang sarili. Sila sila lang naman ang nakakaalam na kinasal siya sa panganay na Alegre. " You know tita, nagchat kami ni kuya Tyron...uwing uwi na daw siya dito pero di niya maiwan ang girlfriend niya, mahal na mahal talaga ni kuya si Samantha ano? and bakit hindi, she is smart, ang ganda ganda niya, ang ganda pa ng career, kung hindi lang ako maliit siguradong supermodel na rin ako ngayon" dinig niyang pagbibida ng isa sa nga pinsan ni Tyron. Mas lalong nainsecure sa sarili si Arabella. Supermodel pala ang girlfriend nito, hindi katakatakang bumalik agad ito sa amerika. " She's the best for kuya Tyron, bagay na bagay talaga silang dalawa, haaaay!" kilig na kilig pang saad nito. " Kailangan talaga dito na magstay si TJ, mag-eexpand na naman ang shipping company hindi na kakayanin ni kuya Armando yun ate" "Kaya nga, napapagod na nga ang kuya mo...andami dami nang sakit na iniinda" si Mrs Alegre na nasa tono ang kakaibang lungkot " Sana umuwi na ang pamangkin mong yun" " Hayaan mo ate at kakausapin ko ang lokong yun, di bagay sa kanya ang supermodel, gagawin lang siyang alalay." saad ng kapatid ni Mrs Alegre at tawang tawa naman ang lahat sa sinabi nito. Para kay Arabella isang nakakapagod na araw ang araw na iyon, bukod sa linalamon siya ng sobrang insecurity dahil sa mga naririnig niya tungkol kay Tyron at sa girlfriend nito ay talaga nga namang napagod din siya sa pagtulong mula paghahanda at pagliligpit sa kusina. Maaga siyang nakatulog kinagabihan, pagdantay palang ng likod niya sa kama ay agad inaagaw siya ng antok. Kinaumagahan nagising siya sa malakas na komosyon sa baba. " Bilisan niyo, ang sasakyan dali..." dinig na dinig niyang palahaw ng kanyang babaing biyenan. Agad siyang bumaba at doon nakita niyang nakabulagta ang biyenang lalaki. " Tita...ano hong nangyari?" agad agad siyang lumapit sa mga ito. " Arabella bilisan mo, tawagan mo si Isko, dalhin natin ang daddy niyo sa ospital" palahaw ng kanyang biyenan at tarantang taranta si Arabella na hindi rin mawari ang gagawin. Maya maya pa ay dumating din ang kanilang driver. " Buhayin niyo ang sir niyo, bilis! Pakiusap...bilisan niyo dalhin natin siya sa ospital" "Opo ma'am, cge po" ang si mang Isko na nataranta rin sa nakitang lagay ng among lalaki. " Arabella, halika! Samahan mo ako, dalhin natin sa ospital ang daddy niyo." " Opo tita, cge po", lumulan din silang pareho sa sasakyan at agad pinaibis ni mang Isko ang sasakyan. " Tita, magpahinga po muna kayo...relax lang po kayo, wala pong mangyayari kay tito" si Arabella sa biyenan habang hinihimas ang likod nito. " Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa asawa ko" " Tita...wala po, malakas po si tito. Relax lang po kayo ok?" pag aalo niya sa matanda pero lalo lang itong umiyak. Nasa ganong eksena ang dalawa ng lumabas ang doctor. " Doctor, kumusta ang asawa ko?" agad na salubong ni Mrs Alegre sa doctor. " Naheart attack ang asawa niyo misis, buti nalang at agad niyong nadala sa ospital, kung nahuli lang kayo ng limang minuto baka maging lantang gulay na siya forever" saad ng doctor at di napigilan ng matanda ang mapaiyak. " Kumusta na ngayon ang asawa ko doc?" " He' s fine now, mild stroke lang ang natamo niya..wag kayong mag-alala makukuha naman sa therapy...pero iwasan muna natin siyang mapagod para maiwasan na maulit ang ganitong pangyayari" ang doctor at tumango tango naman ang matanda. Bakas na bakas sa kilos at pagmumukha nito ang matinding takot dahil sa nangyari sa asawa. "TYRON gustuhin mo man o hindi umuwi ka ngayon din!" halos dumadagundong ang boses ni Mrs Alegre ng makausap ang anak sa telepono. " Kung gusto mo pang makita ang ama mo, umuwi ka dito...kung hindi kalimutan mo nang mommy mo ako" pagbabanta pa niya sa anak. At this moment, kailangan nila ang presensiya ng panganay nilang anak. Hindi lamang dahil sa may sakit na ama kundi abg buong kabuhayan nila. " Mom! uuwi ako sa isang kondisyon, paalisin niyo sa pamamahay natin ang babaing iyon!" "Tyron! may sakit ang ama mo!" "I know! and i'm sorry to hear that...mom pls! i wanna go home, pls ayokong makita ang babaing yun!" " Anak pls...i'm begging you, come home!" naramdaman niyang gulong gulo ang ina, and he hates himself dahil sa pagmamatigas niya dito. "Ok mom, i'll be there!" suko niya sa kanyang ina. Mahal na mahal na ang kanyang mga magulang at nagagalit siya sa kanyang sarili kung bakit natitiis niya ang mga ito. He greeted his teeth lalo't umeksena sa isip niya ang babaing yun. " I swear, i"ll make your life miserable! pangako niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD