Q

1637 Words
TODAY IS my wedding day. Ikakasal na ako sa aking 2-year boyfriend na si Jonathan. He's gonna introduce me to his family this time. Balak niya lang kasing ipakilala sa pamilya niya ang babaeng sure siya na makatuluyan niya. 'Di ko tuloy mapigilang 'di kiligin. Jonathan is my ideal man. Maalaga ito at mabait. Sobrang haba rin ng pasensya at understanding. Grabe, minsan, mapapatanong na lang ako kung ano ang nagawa kong mabuti at binigay ng Diyos si Jonathan sa akin. Iniintindi niya rin kapag minsan, hindi ako makakapag-bonding sa kanya dahil gagala kami ni Valerie. Valerie has been my best friend ever since college. Sa unang tingin, akala mo maldita. Valerie has sharp features. Mapanuri ang mga mata nito at on fleek ang kilay. But once you get to know her, you'll surely love her as I do. Napatingin ako sa aking wedding dress na suot pa ng mannequin. Ball gown ang style nito. The upper part is covered with lace at may manipis na nude leotards kung saan nakadikit ang flower laces. Sobrang ganda. Umusbong ang mainit na emosyon sa aking dibdib at nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. God, I still can't believe it. I'm going to marry the man of my dreams today. It still feels surreal. Totoo ba talaga 'to? Ikakasal na ako sa lalaking mahal ko? Pinahiran ko ang mga luha na dulot ng tuwa. Buti nga hindi pa ako nag-apply ng eye shadow. For this day, I want to be the one to put a make-up on myself. 'Yong make-up artist na na-hire namin ay minemake-up-an 'yong bridesmaid na nasa kabilang room. I let out a sigh and sat in front of the mirror. In front of me is a lady with a heart-shaped face, big brown eyes, and plump rosy lips. Kitang-kita ko ang tuwa na nakaukit sa aking mga mata. It was as if I glow. I giggled and opened the make-up kit. Nakaayos na rin ang aking buhok. It was tied into a messy bun na style and the hairstylist purposely let some strands of my hair to fall, emphasizing my neck. Napangiti ako nang malawak. Ang ganda ko! Bumaling ang aking tingin sa make-up kit at kinuha ang brush na para sa mata. I applied a brown and grey smokey eye shadow. Na-inspire akong mag make-up dahil kay Valerie. Parati kasi ako nitong niregaluhan ng make-up no'ng college pa kami kahit na hindi ko alam kung paano gumamit. I taught myself by watching make-up tutorials. Kapag make-up kit ang wedding gift niya sa akin, lagot talaga siya. Napahagikhik ako sa isipang iyon. Pagkatapos kong malagyan ng eyeshadow ang isang mata ko ay napatingin ako sa sariling repleksyon. It's perfect! Mas lalong na-emphasize ang kulay kayumanggi kong mata. Napangiti ako at muling kinuha ang brush. I was about to put on an eyeshadow on my other eye when my phone vibrated. Napatigil ako at tiningnan iyon. It's Shane, a cousin of mine. Bakit niya naman kaya ako papadalhan ng mensahe sa oras na 'to? May problema ba? Binuksan ko ang convo at binasa ang kanyang mensahe. "Jonathan ran away with Valerie, Nathalie and Jonathan's friends and family didn't come. Hindi niya pinadala ang invitation cards. What the f**k was that?" Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ang mensahe ng pinsan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at namanhid ang aking buong katawan. Paulit-ulit ko iyong binasa at naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib. Hindi. . . hindi maari 'to. This must be a joke, right? Shane sent a video of Jonathan running away with Valerie, my bestfriend. f**k. Anong ibig sabihin nito? Are they cheating behind my back? Konti lang ang nakakaalam ng relasyon namin ni Jonathan because he wants to keep it private and lowkey. We have been together for two years already. Ito ba ang rason kung bakit niya ako itinatago? Hindi niya rin ako pinapakilala sa pamilya niya. He said he wants to surprise his parents on his wedding day. Ako namang si tanga, pumayag. Kaya pala. May Valerie pala siya. Tinraydor nila ako. Tumulo ang luha sa aking mga mata, mga luha ng galit, sakit, at hinagpis. Bakit ganito? Sa pagkakaalala ko'y wala naman akong ginawang masama sa kanila. I was a good friend and a lover. Bakit ganito ang isinukli nila sa akin? Tuluyan akong napahagulhol. Wala akong pakialam kung magkalat man ang eyeshadow na inilagay ko sa aking mga talukap. f**k. Parang pinupunit sa sakit ang aking dibdib. Now, what would people say? What would my family say? Hindi dapat ako mapapahiya nang ganito. I wiped away my tears and stood up from my seat. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ko sa mga oras na iyon. I opened the door and pulled inside the first man that I saw. Kita kong natigilan siya sa aking ginawa. Ang kanyang mga mata ay naglakbay sa buo kong pagmumukha. His thick eyebrows furrowed and his gray eyes stared at me with confusion. Kumibot-kibot ang kanyang mapupulang mga labi. He's handsome, but I'm not in the mood to appreciate his features. "Marry me," walang kagatol-gatol kong sabi. Bahagya pa siyang nagulat at natigilan. Muli niyang sinuri ang buo kong pagmumukha. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Basta, ayaw kong mapahiya mamaya. Natahimik siya nang ilang segundo at nang masiguradong seryoso ako, he massaged the bridge of his nose and stared back at me. Matiim na nakatitig sa akin ang mga abuhing mata nito. He lets out a sigh and nods his head. "Yes." Umawang ang aking mga labi sa kanyang isinagot. Seryoso siya? What made him agree on my proposal? Sinuri ko ang kanyang kabuoan. He's wearing a black tuxedo. Kumunot ang aking noo. "Are you, perhaps, Jonathan's bestman?" tanong ko sa kanya. Jonathan's name tasted bitter in my mouth. Muling umusbong ang galit sa aking puso. Tangina niya. Tangina nila ni Val. Kita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata. He sighed. "Look, miss. I don't know you. I don't even know who the heck is Jonathan. I just had a conference in the main hall, if that's the reason why you're confused as to why I am wearing a tuxedo," lintaya nito at inayos pa ang tuxedo. Oh, so that's why? Humalukipkip ako at tiningnan siya. "Hindi ka ba natatakot na ma-trap sa kasalang ito?" panghahamon ko. Tumaas ang kanyang kilay sa narinig. "Surely, you won't process the papers, will you? And from the looks of it, I think your groom just jilted you. Poor bride." Pumalatak pa ito at napailing-iling. Biglang kumirot ang aking puso sa narinig. Jilted bride. Ayaw kong magmukhang gano'n. Panigurado, people will look at me with pity. Kaya nga ginagawan ko ng paraan upang hindi mangyari ang bagay na iyon. Bumaling ang tingin ko sa lalaki at nakita kong sinuri niya ako. "He must have found someone better in bed or someone who sucks better." Nanlaki ang aking mga mata. What the f**k is he saying? Parang sinasabi nitong nagalaw na ako ni Jonathan. Ew! Napaismid ako nang muli siyang maalala. May konting kirot pero mas nangingibabaw ang pagkamuhi. He's a f*****g trash. Magsama silang dalawa ni Valerie sa impyerno. I looked at the man in front of me boredly. He doesn't deserve a single ounce of my explanation. "Think what you want to think. Basta, marry me today. I won't legalize our marriage and after that, you're good to go." Tinalikuran ko na siya at isasara na sana ang pinto nang bigla niya itong hinarangan. "Don't turn your back on me, woman. I'm still not done talking. Where am I supposed to go?" Muntik ko nang matampal ang aking noo dahil sa katangahan. Right. Dumako ang aking tingin sa bouquet ko. It's a bouquet of white roses, symbol of purity, love and faith. Love and faith. Mapakla akong natawa sa aking isip. Love and faith, my ass. I plucked a rose and cut its stem. Nilagyan ko ng ribbon ang dulong bahagi at lumapit sa lalaki. Habang ginagawa ko iyon ay nakatitig lang siya sa pinanggagawa ko. I didn't mind him. Lumapit ako sa kanya nang 'di siya tinitingnan sa mga mata at idinikit ang rosas sa bandang puso ng tuxedo nito. Lumayo ako at pinakatitigan siya. Kunot-noo siyang tumingin sa flower at saka bumaling sa akin. "And?" ani pa nito na tila naghihintay sa kung anong susunod na gagawin ko. Muli kong naalala ang sinabi ni Shane kanina. Jonathan's friends and family didn't come because Jonathan didn't send the invitation letters. Walang kaalam-alam ang mga pamilya nito na kasal ng anak nila ngayong araw. Walang kaalam-alam ang mga ito na may nasaktan at niloko itong babae. Ang masaklap, ako ang babaeng iyon. I closed my eyes and let out a breath upon feeling the pain creeping up into my heart. I shouldn't let Jonathan's actions affect me. At least, hindi niya ako iniwan talaga sa tapat ng altar kung saan mas marami ang makakakita. Probably, dahil ayaw niyang madamay si Valerie. Damn it. Binuksan ko ang aking mga mata at tiningnan ang lalaki. Walang emosyon itong nakatitig sa akin na para bang hinihintay ang sasabihin ko. "Call a friend of yours or anyone na pwede mong maging best man. Afterward, go to room 204. Aasikasuhin kayo ng stylists," I told him. Napangisi siya at tumango-tango. Tumalikod siya at hahakbang na sana palabas nang bigla siyang huminto. My forehead knotted. What? May itatanong pa ba siya? He looked over his shoulders ngunit ang kanyang mga mata ay nakatingin sa baba. "See you at the church, my bride." Nahigit ko ang aking hininga sa narinig at tila napako ako sa kintatayuan. Hanggang sa makalabas na siya at mawala sa aking paningin, hindi pa rin mawala-wala ang rumaragasang emosyon sa aking puso. I hope I made the right decision.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD