W

1538 Words
2 months later "NAT, MAY bago raw tayong boss," saad ni Hill sa akin, isa sa mga ka-close ko na lalaki. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Wala naman yatang sinabi si sir Javier sa akin? Sir Javier Mendoza is our boss and I'm his secretary. I've been working under him for a year already. Close ko na nga rin pati ang misis nito na si miss Wyette, eh. Tumunog ang aking cellphone kaya kaagad ko iyong kinuha. It's a text from sir Javier, telling me to come early tomorrow. Nagkatinginan kami ni Hill. He raised his thick eyebrow at me. Ang kanyang tsokolateng mga mata ay parang nagsasabing, 'Told yah'. Napairap na lang ako. "Pero bakit naman? At sino kaya?" I curiously asked. Balak na bang mag-resign ni sir? Grabe, ang bait pa naman nito sa akin lalo na si miss Wyette. Sana naman, kasing bait ni sir Javier ang bagong boss namin. "Sa narinig ko mula kay May, anak daw ni sir. Ewan," Natasha said bago tinungga ang baso na may lamang alak. Pinadaan niya ang mga daliri sa buhok niya na hanggang leeg ang haba. Bumaling sa akin ang tsinita niyang mga mata. "Nga pala, si Valerie two months na palang buntis?" Parang may kung anong pait na gumuhit sa aking puso. s**t. Valerie. Natasha and Hill knew what happened two months ago. Kilala rin nito si Val at Jonathan at minsan na rin kaming nagkasama kaming lima. Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Natasha. Valerie is two months pregnant which only means one thing: Jonathan is screwing her while we were still together. Kaya siguro sila tumakas dahil buntis si Val. Ipinilig ko ang aking ulo at dire-diretsong tinungga ang laman ng aking baso. Hearing that name brought back a lot of bad memories. Naramdaman ko ang pagtapik ni Hill sa aking balikat. "Woah, easy," natatawang wika niya. Si Natasha naman ay sinuri lang ang aking reaksyon. Napahilot siya sa sentido at naiiling "Masakit pa rin ba?" May mga pagkakataon talaga na ayaw ko sa mga tanungan nitong si Natasha, eh. Talagang isasampal nito sa iyo ang katotohanan. Sobrang straightforward ng pisteng yawa. I made a gesture by putting my index finger and thumb close to each other. "Slight." I sighed. Bumuga ako ng hangin. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanila. Halo halo, eh. Naroon ang galit at sakit. Akala ko, wala na akong pakialam but deep inside me, gusto kong malaman ang rason kung bakit nila nagawa sa akin 'yon." Mapakla akong napangiti. Hindi ko kasi inakalang magagawa nila sa akin 'yon. Two people who were close to my heart. One was my lover and the other one was my best friend. "Gusto mong malaman ang rason kasi alam mong hindi mo deserve ang ginawa nila. You deserve an explanation, Nat." Muling tinapik ni Hill ang aking balikat. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at napaisip sa kanyang sinabi. Could be. "Hay, anong oras na? Baka bukas, papasok tayong tatlo na lasing, ha," pabirong ani ni Natasha na ikinatawa namin. "Ikaw lang, Asha. Baka magkaka-hangover ka bukas. Kanina ka pa inom nang inom," natatawang wika ni Hill kay Natasha. It's true. Kanina pa talaga siya umiinom. Mataas kasi ang tolerance niya sa alcohol. "Sus! Ako? Papasok na merong hangover? Ha! Never!" confident pa na sabi ni Natasha at muling uminom ng alak. Nagkatinginan kami ni Hill at sabay na napailing. "GOD, ANG sakit ng ulo ko. Parang hinampas ng sampung titi." Marahang minasahe ni Natasha ang kanyang sentido. Napahalakhak naman ako sa kanyang sinabi. Ayan kasi, inom nang inom kahapon. Confident pa na hindi siya magkakaroon ng hangover. 'Yan tuloy. "Sinabihan ka na namin ni Hill, bwiset ka." Sabay kaming pumasok sa elevator. Napahawak pa siya sa dingding at dumaing. "Tangina. Hindi na ako iinom pa ako," wika niya na ikinatawa ko nang malakas. Rinig ko ring nagpigil ng tawa ang mga taong kasama namin. Ano raw? Hindi na siya iinom, iinom pa siya? Abnormal talaga 'tong boang kahit kailan. Marahan kong hinampas ang kanyang balikat. "Dahan-dahan lang, baka bigla kang mabuwal dito, ha. Wala pa si Hill upang saluhin kang abno ka." Sumimangot lang siya at sinandal ang kanyang ulo sa dingding ng elevator. "Paano naman napasok si Hill sa usapan natin?" I shrugged. Hindi siguro nito naalala no'ng nahimatay ito sa kalasingan ta's si Hill ang sumalo at naghatid sa boang sa condo nito. Hahays. "Ewan ko sa 'yo. Dahan-dahanin mo kasi ang pag-inom, giatay ka. Baka bukas, wala ka ng atay." Humalakhak lang si Natasha sa aking sinabi at tumayo nang maayos nang marating na namin ang floor nito. Ako naman, nasa top floor since I'm the secretary. "Kitakits na lang mamaya," paalam ni Natasha habang nakayuko pa rin at hawak ang sentido. Hindi na lang ako nagsalita nang makitang pasara na ang elevator at ako na lang ang mag-isa. Napanguso ako. Gano'n na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang may kamay na humarang sa elevator upang hindi ito tuluyang magsara. Putangina! Akala ko kung ano na! Shet naman. Aatakehin yata ako sa puso nang wala sa oras nito, eh. Tuluyan nang bumukas ang elevator at laking gulat ko nang makita kung sino iyon. Holy s**t? Kita ko rin ang gulat sa kanyang mga mata pero kaagad napalitan ang emosyong iyon. Nang makabawi sa pagkabigla, he playfully stared at me and smirked. What the f**k is he doing here? "Hey, wife. So, my wife works here, huh?" Tuluyan na siyang pumasok sa elevator. Dahil sa liit ng space, amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Muntik na akong mapapikit. s**t. Nostalgic. Ito ang pabangong ginamit niya sa araw ng kasal-kasalan namin! Pilit kong huwag ipahalata sa kanya na naapektuhan ako. I crossed my arms over my chest and matched his gaze. "Yep, I do. So, what is my husband doing here?" Parang naaliw siya sa narinig. Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi nang marinig ang sinabi ko. Kaagad nag-react ang aking katawan nang makitang papalapit siya sa akin. What the f**k? Napaatras ako hanggang sa napasandal sa dingding. Nanlaki ang aking mga mata no'ng inilagay niya ang magkabilang braso sa aking gilid. He's trapping me! Nahigit ko ang aking hininga at mas lalong nagwala ang aking puso sa kanyang ginawa. s**t! s**t! s**t! Anong trip nitong gago? Napahawak ako sa bakal na nasa aking likod. Napatalon ako nang maramdaman ang lamig nito pero kahit gaano pa kalamig dito sa loob ng elevator, namuo pa rin ang pawis sa aking noo. Anong binabalak niyang gawin? "You'll know later, my wife," he huskily said. Dahil sa lapit ng mukha nito, amoy ko ang kanyang mouthwash na nakakapaghumaling sa akin. It was as if that scent is tempting me to pull his nape and crash my lips against his. Why the f**k am I thinking this way? I don't even know this man! Hindi na rin ako nag-abalang tingnan ang buong pangalan niya sa papeles namin dahil sa sobrang occupied ko noon! "Y-Y-You're too close," I breathed. Napalunok ako. Hindi ko alam kung naghuhumerentado ang puso ko dahil ba sa kaba, o baka sa pagiging uncomfortable ko. Naiilang na ako sa sitwasyon namin. Mas lalo niyang inilapit ang kanyang mukha. Kita ko ang pagtingin niya sa aking mga labi. "You only let me kiss you on your cheek. Today, I'll finally claim what I meant to claim two months ago." Hindi pa ako tuluyang nakahuma ay naramdaman ko na ang kanyang mga labi sa akin na ikinalaki ng aking mga mata. Mas lalong nagwala ang aking puso sa kanyang ginawa lalo na no'ng pumasok ang kanyang dila sa loob at ekspertong hinagod ang loob ng aking bibig. Automatikong napapikit ang aking mga mata. Yawa, this man is so good in kissing. But, no! This is so wrong! So goddamn wrong! He's a total stranger! Kahit gusto ko pa maramdaman ang kanyang mga labi at pailalimin ang halik namin, buong lakas ko siyang itinulak. Nanlalaki ang aking mga matang tiningnan siya and my chest is rising up and down. Did we just freaking kiss? Pakiramdam ko, namamaga ang aking mga labi and my heart is still beating too fast! Para na akong malalagutan ng hininga. I stared at him. Kita ko rin ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. He stared at me for a brief moment before he fixed his necktie without taking his eyes off me. Wala pa ring nagsasalita ni isa sa amin and it seems like the atmosphere is growing heavy. "Later, hon. Male-late na tayo," natatawang ani niya habang inaayos ang buhok pagkatapos ay malamig ako nitong tinitigan sa repleksyon ng elevator. Sinuri niya ang aking kabuoan na ikinailang ko. "Fix yourself. I don't want people to think of anything about us. I don't want them to think that their new boss is f*****g a mere employee." Pagkatapos no'n ay tuluyan na siyang lumabas. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Parang may kung anong sakit ang gumuhit sa aking puso. Natuod ako sa aking kinatatayuan at parang kinurot ang puso ko sa sakit. A mere employee. Wow, tawag siya nang tawag ng 'wife' sa akin kanina ta's ngayon, mere employee? Well, damn him to hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD