S h a n t e l l e
"Nagkakamali ka, hija. Hindi pa siya patay.."
Nagtigilan ako dahil sa sinabi ni Lola. Hindi ko makagawang makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya o ano. Masyadong imposible para paniwalaaan. Si Lucian.. matagal ko nang tinanggap na patay na siya.
Nanlalamot ang mga tuhod ko at puno ng emosyon ang mga mata ko nang balingan ko si Lola na halatang nag aalala sa'kin. Naiiyak na'ko dahil sa sinabi niya.
Malungkot akong napangiti bago nagsalita. "Masyado pong imposible, Lola. Siyam na taon na po 'yung nakakalipas at hindi ko na siya ulit nakita. Ang Ina po mismo ni Lucian ang nagsabi na naaksidente si Lucian at hindi ito nakaligtas.."sambit ko habang pinapunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
Tinapik ako ni Lola sa balikat bago ngumiti sa'kin. "Nakita mo ba mismo 'yung pangyayari noon? Hindi ba't hindi."
Doon ako napahinto sa pag iyak ko. Nakita ko nga ba? Hindi ba't bulag ako?
Parang gustong kong sumigaw ngayon. Masyadong imposible ang sinasabi ni Lola. Pero paano kung nagsasabi siya ng totoo? She was actually right. Hindi ko nakita ang nangyari noon. Anong gagawin ko? Should I believe her?
"Hindi ko po alam kung maniniwala ako sa inyo, Lola." pag amin ko. Pinipigilan ang sarili kong hindi maiyak. Sobrang bigat kasi sa dibdib.
Ngumiti ito sa'kin bago ibinaling atensiyon sa lumang bahay nila Lucian na gawa lang sa kahoy at nababalutan ng trapal.
"Tandang tanda ko ang nangyari noon, hija. Isang mayamang lalaki ang kumuha kay Lucian pagkatapos ng aksidente. Hindi ko na alam kung ang nangyari sa batang iyon. Basta ang alam ko lang.. buhay pa siya."
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na'to. Parang gusto ko nang maniwala sa kaniya pero may isang bagay na pumipigil sa'kin. Ayoko na kasing paasahin ang sarili ko. Sobrang dami nang nangyari sa loob ng siyam na taon. At kung totoong buhay nga si Lucian ngayon.. bakit hindi niya man lang ako hinahanap? Hindi na ako gano'n kaimportante sa kaniya? Nakakalungkot dahil hanggang ngayon, importante parin siya sa'kin. It will never change.
Magsasalita na sana ako tungkol sa sinabi ni Lola pero biglang may nagsalita mula sa likuran namin.
"Lola, milagros!" sambit ng isang babaeng sa tingin ko'y nasa 30's. Nasa labas ito ng bakuran ng bahay nila Lucian at papalapit palang sa'min. Alala itong lumapit kay Lola. "Ano ho bang ginagawa niyo rito? Kanina ko pa kayo hinahanap, Lola. Oras na ng pag inom ng gamot niyo."
Ngumiti ang matanda sa kaniya bago ibinaling ang tingin sa'kin. "Kausap ko ang anak ko, hija. Sandali, sino kaba?" tanong nito sa babaeng kausap niya.
"Ano ho bang sinasabi niyo diyan, Lola. Nandun po sa bahay ang anak niyo. Tara napo."sambit nito bago bumaling sa'kin at alanganing ngumiti.
Ako naman ay naguguluhan sa mga nangyayari.
"Ahh. Pasensiya kana, Miss. May sakit kasi itong si Lola kaya kung ano ano nalang ang sinasabi. Kung ano man 'yung sinabi niya sa'yo kalimutan mo nalang 'yon. Hindi 'yon totoo. So, paano mauuna na kami ha?"magalang na paalam nito sa'kin.
Wala naman akong nagawa kundi tumango nalang hanggang sa tuluyan silang mawala sa harapan ko. Naiwan akong nakatulala at naguguluhan.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko totoo ang sinasabi ni Lola. Pero may sakit siya gaya ng sabi ng babaeng kumuha sa kaniya kaya dapat ko nang kalimutan ang mga sinabi niya sa'kin. Pero bakit parang gusto kong maniwala? Nakakainis. Nasasaktan ako.
Nagbalik ako sa realidad nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nero texted me.
From: Nero
Hindi kapa ba nakakauwi, Shantelle? Do you want to fetch you there and get home? Ang sabi ni Yarah commute kalang daw. I'm worried.
Pinunasan ko ang luha ko at agad na nireplyan si Nero.
To: Nero
No need. I'm fine.
Inilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa ko at nilisan na ang lugar. Medyo dumidilim na. Hindi ako pwedeng masyadong magpagabi at mahihirapan akong mag hanap ng luwag na bus na masasakyan. Ayokong sumakay sa mga masisikip na bus. Masyadong hassle.
Tahimik akong naglalakad sa gilid ng kalsada at hindi parin maalis sa isip ko 'yung sinabi sa'kin ni Lola. Nakakainis, dapat kinakalimutan ko na 'yon eh. Pero patuloy parin na nagsusumiksik sa utak ko lahat ng 'yon. Sumasakit na ang ulo ko kakaisisp do'n.
Somehow, she actually have a point. Hindi ko naman talaga nakita 'yung nangyari dati. Ang sabi lang ng Ina ni Lucian patay na ang anak niya at itinuro niya lang sa'min ang libingan ni Lucian. Ina siya kaya bakit naman siya magsisinungaling tungkol sa pagkamatay ng anak niya 'diba?
"Hays." napabuntong hininga ako at napatingala."Dapat kalimutan ko nalang 'yon. That's not true."napatigil ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Walang pakialam kung may mga tao man na nakatingin sa'kin.
Hindi ko alam kung gaano katagal naba akong nakatulala sa may kalsada. Nawala lang ang atensiyon ko sa langit nang may biglang bumisinang truck sa harapan ko at masilaw nang husto ang mukha ko dahil sa head light ng truck.
Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makitang papalapit ito sa'kin habang patuloy sa pagbusina. Hindi ko ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang lutang ko. Naririnig ko na rin ang sigaw ng ibang tao sa paligid ko para sabihing umiwas ako sa track. Sobrang lapit na ng truck sa kinatatayuan ko, akala ko mababangga na ako at mamamatay ngunit nagulat ako nang may bigla na lamang humila sa'kin at itabi ako para hindi ako masagasaan.
Gulat na gulat ako sa pangyayari. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi makapaniwala kong tiningala ang lalaking humila sa'kin. He's still holding my hand, tight. But my eyes widened when I found out who's this man.
"H-Harris?!" gulat na sigaw ko.
Inirapan niya ako at agad na binitawan ang kamay ko. "Tanga kaba? What the hell are you doing in the middle of that f*****g road?" inis na tanong nito. Salubong ang makapal niyang kilay habang nakaturo sa daan kung nasaan ako kanina. Halatang frustrated. Nakapakunot naman ang noo. Nag aalala ba ang kupal na'to?
Narealize ko naman kung ano 'yung sinabi niya. "Sinong tanga ha?! I'm not stupid!"inis na sigaw ko. Ayoko ng tinatanga tanga ako 'no.
He rolled his brown eyes and looked at me in disbelief. "Tss. Kung magpapakamatay ka. Make sure that I'm not around." inismiran ako nito bago inilagay ang dalawang kamay bulsa ng hoodie niya.
Noon ko lang din napansin ang suot niya. He was wearing a black hoodie, black fitted ripped jeans and Nike white shoes.
Napailing iling ako. "Malay ko bang nandito ka?" inirapan ko siya. Ano ba kasing ginagawa niya sa lugar na'to? Hindi naman siya mukhang pormang porma. Ano siya namamasyal? Ang layo ng pasyal niya ha.
He sighed and glared at me. He turned his back and started to walk. Ako naman ay sinundan siya dahil sa pagkacurious ko. I told you, I hate ignoring my curiosity.
"Hey! Wait up!" habol ko sa kaniya.
Hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kaniya at tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Kahit na sobrang bilis niyang maglakad dahil sa haba ng biyas niya ay nagawa ko pa rin naman siyang abutan. Tumigil siya sa harap ng isang Cafe at pumasok doon. Pumasok din ako at sinundan siya hanggang sa makaupo siya.
"What the f**k?" inis na mura niya ng makita akong nakaupo sa harapan niya. Gaya niya tumitingin din ako sa menu nitong Cafe. Kakain pala siya hindi man lang ako inaya. Chos, alam ko naman makapal ang mukha ko sa mga oras na'to dahil hindi naman kami gano'n ka close. Gusto ko lang talagang makausap ang kupal na'to at magpasalamat narin dahil sa pagliligtas niya sa'kin last time.
Umorder siya ng chicken dumpling, milk brownie bing su, mango smoothie at honey butter toast. Ang takaw pala ng lalaking 'to. Bakit naman kaya ang layo ng lugar na gusto niyang kainan? Dito pa talaga sa Laguna? Eh marami namang expensive Cafe doon sa Manila.
Umorder lang ako ng croissant at caramel café mocha. Hindi naman ako masyadong gutom hindi katulad ng lalaking kaharap ko.
Umalis na ang waiter matapos malaman ang order namin. Abala si kupal sa pagpipindot sa iPhone niya habang ako naman ay nakatingin lang sa kaniya.
"Stop staring at me, miss." sambit niya nang hindi ako tinitingnan. Napakunot naman ang noo ko. Baka nakikita niya ako sa peripheral vision niya?
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nag isip kung anong una kong itatanong sa kaniya.
"Bakit ka nga pala nandito?" curious na tanong ko.
Tinapunan niya ako ng bored na tingin. "None of your business. Bakit mo ba kasi ako sinundan dito ha? Go away."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ayoko nga. Kakainin ko pa 'yung in-order ko."sambit ko."Bakit ka nga pala tumigil sa pambubully sa'kin ha? Nakonsensiya kana ba sa kasamaan ng ugali mo?"inirapan ko siya.
Tinataasan niya ako ng kilay. "Why? Do you want me to continue? Mabilis naman akong kausap."
I rolled my eyes. "May sinabi akong gusto ko?"
Smirk formed on his lips. "Suko ka pala, e. Kung hindi lang talaga dahil kay Nero I won't stopped."
Napakunot ang noo ko. So, dahil kay Nero kaya hindi na niya ako binubully? Kinausap siya ni Nero? Tss. Nakakainis, anong tingin niya sa'kin mahina?
Kahit na parang natapakan ang pride ko sa ginawa ni Nero ay hindi ko nalang iyon pinansin mas nag focus ako sa mga itatanong ko kay Harris. Masyado pa naman suplado ang lalaking 'to. Gwapo siya?
"Ano ka ba batas?" iritang sambit ko nang maalala na naman ang mga kawalanghiyaan niya sa University. Nang tumigil siyang i-bully ako ay isang lalaking transfer student naman ang pinuntirya niya dahil lang natapunan siya nito ng juice sa uniform niya. What a childish. Lumipat na tuloy 'yung student na 'yon kahit kakalipat niya lang sa Crescent High. Tss, napairap nalang ako kay Harris.
He glared at me and arched his brow. "It's none of your f*****g business."
Parang nairita ako sa sagot niya. Wala naba siyang ibang alam sabihin kundi 'yon?! Puro siya f*****g!
I let out a heavy sighed and I calmed myself. Hindi dapat ako magmaldita ngayon. Balak ko pa naman mag thank you sa kupal na 'to. He saved me, thrice. Pero nagdadalawang isip parin ako na pasalamatan siya. Ang sama kasi ng ugali niya, e!
"By the way, let me pay for the food. Gusto ko lang bumawi dahil iniligtas mo ako kahit labag sa loob mo. " I said in a sarcastic tone.
Tumigil naman siya sa pagkakalikot sa phone niya at tinaasan ako ng kilay. "Stop saying nonsense. I can pay."
Nonsense?! What the hell!
Nagsalubong ang kilay ko at nagdabog sa wooden table gamit ang braso ko. "Ako na magbabayad."
"No," he insisted.
"Ako na nga." pilit ko.
"I'm rich, I can pay." pagmamayabang niya.
"Sabing ako na, e!" sigaw ko. Napatingin tuloy 'yung ibang customer sa'min dahil sa pagsigaw kong iyon.
I heard him chuckled. "Okay," natatawang sabi niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nagpatalo siya o maiinis dahil mukhang nangaasar lang naman siya. Nakakainis 'yung tawa niya. Kanina lang pairap irap siya sa'kin. Tapos ngayon natatawa na siya? Bipolar lang?
"Here's your order, ma'am and sir. Enjoy your date po." nakangiting sambit sa'min noong waitress bago nag bow at tinalikuran kami.
"f*****g, date." he commented while sipping on his smoothie. Parang natatawa pa siya sa sinabi ng waiter sa'min.
Napairap nalang ako. Mukha ba kaming nagdedate ha?! We're not even sweet, we're not smiling at each other and holding hands. What the heck is she saying?
Kinalma ko ang sarili ko at inalis 'yon sa utak ko. Malabong malabong idedate ko ang isang lalaking katulad ng kupal na'to. Hindi siya ang ideal guy ko at napakasama pa ng ugali niya. Iniisip ko nga kung may pumapatol ba sa kupal na'to eh. Right! Marami siyang alipin na babae sa University. Kulang nalang sambahin siya. Anak ng tokwa.
"Stop glaring at the food."
Napatingin ako sa kaniya habang kumakain siya ng toast. Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa'kin. Tsaka ko lang din napansin na nakatitig lang ako sa pagkain ko.
"Bakit ko gagawin 'yon, ha?" iritang sambit ko at padabog na tinusok ng tinidor ang croissant na inorder ko. Tahimik lang akong kumain at hindi siya pinansin.
Maya maya, nagulat ako ng bigla na lamang siyang nagsalita.
"How's your head? Does it still hurt?"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Bakit naman bigla niyang itatanong 'yon? Napaka bipolar niya talaga!
Isang linggo na ang nakalipas kaya siguradong naghilom na ang sugat sa ulo ko. Araw araw naman akong naglalagay no'ng ointment na ibinigay sa'kin ng doktor. Medyo may kirot pa akong nararamdam pero hindi na gano'n kasakit.
"Oo, at wala kanang pakialam do'n." inirapan ko siya. Siya ang may kasalanan kung bakit ako nadamay, e.
"That's great." he sighed. "Next time, stay away from fights. Tinigilan na nga kita tapos makikipag away ka naman sa iba." he added.
Sumandal siya sa couch habang kinakain ang dumpling na hawak niya. Sumulyap siya sa glass window sa gilid namin kung saan makikita ang labas ng Cafe. Nagulat naman ako, umuulan na pala at ang lakas pa. Tss, sana tumila 'yan pagkatapos naming kumain.
Napatingin naman ako sa kaniya na tahimik lang. Mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko na talaga alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Hindi ko alam kung nag aalala ba siya sa'kin dahil sa mga tanong niya. Too impossible for him.
I shrugged my shoulders at itinuloy nalang ang pagkain ko. Mabuti nalang pala at nagsuot ako ng coat. Bukod sa umuulan ay naka bukas pa ang aircon dito sa Cafe. Naalala ko tuloy 'yung ginawa ko kay Harris doon sa Geneva's Cafe. Hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko no'n hanggang sa pag uwi ko, putek na 'yan.
"Anong nakakatawa?"
Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang magsalita siya. Agad akong umiling at inallis ang ngiti sa labi ko. "Wala!" tanggi ko. Pinipigilan ang sarili kong matawa dahil sa alaalang iyon.
"Crazy,"
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at binilisan na ang pagkain ko. Napasulyap kasi ako sa wrist watch ko kanina at napamura sa isip ko nang makitang 9pm na.
Nang matapos kaming kumain ay agad na lumapit sa'min ang waitress para iabot ang bill. Agad kong nilabas ang credit card ko dahil tumatanggap naman sila no'n. Nakita ko sa offers nila na nakapaskil sa may counter.
Lumabas na kami ni Harris nang shop pero nananatili kaming nakatayo sa labas ng shop. Ang lakas parin kasi ng ulan. Basa na nga 'yung laylayan ng pantalon ko dahil sa tilabsik ng ulan eh. Kainis naman, hindi komportableng umupo sa bus kapag basa ang pantalon.
Nilalaro laro ko ang patak ng ulan na nanggagaling sa bubong nitong shop habang nakatulala. Hinihintay na tumila ang ulan.
"Uhh.."
Napatingin ako sa kaniya dahil parang may gusto siyang sabihin sa'kin. Kunot noo akong tumingin sa kaniya at naghintay sa kung ano man sasabihin niya. Pero nananatiling tikom ang bibig niya kaya naman nairita na ako.
"Ano, may sasabihin ka baga?" inis na sabi ko. Ang tagal niya kasing magsalita, putek.
"Uh.. Do you want a ride?"
Hindi siya nakatingin sa'kin nang itanong niya 'yon. So, 'yun ba 'yung gusto niyang sabihin? Gusto kong pumayag pero naisip kong magkakaroon na naman ako ng utang na loob sa kaniya kaya umiling na lang ako.
"No. Hihintayin ko nalang na tumila ang ulan. Tapos tsaka ako mag aabang ng bus sa bus station. Okay lang ako. 'Wag kang masyadong mag alala sa'kin." tuloy tuloy na sambit ko. Tsaka ko lang din narealize ang sinabi ko kaya naman napatakip ako ng bibig ko.
I heard him laughed. "As if I care."
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala pala siyang pakialam e, bakit ba inaalok niya pa ako? Tanga ba siya?!
Inirapan ko nalang siya at tumingin ulit sa harapan. "Wala din akong pakialam sa'yo kaya manahimik kang kupal ka." mataray na sambit ko. Ang kapal kasi ng mukha niya. Tss.
"Wait here." nagulat ako nang bigla nalang siyang mawala sa tabi ko. Nakita ko siyang tumakbo papunta sa convinience store malapit sa'min suot ang hood ng hoodie niya.
Ilang minuto siyang nagtagal do'n. Paglabas niya may bitbit siyang payong at supot.
"Oh," abot niya sa'kin no'ng payong at supot na hindi ko alam kung ano ang laman.
Tinapunan ko iyon ng tingin. "Ano 'yan?" pang tangang tanong ko dahil alam ko naman na payong iyon.
I heard him sighed. "Payong? Ano nga ba 'to?" pamimilosopo niya kaya naman inirapan ko siya.
"'Yung supot kasi ang itinatanong ko. Ano bang laman niyan?"
"Don't ask. Just take it." pilit niyang iniabot sa'kin ang mga 'yon kaya naman kinuha ko na. Mapilit siya eh.
Isinabit ko sa braso ko ang itim na payong habang binubuksan ang maliit na supot. Napakunot noo ako ng makitang bonnet at disposable face mask ang laman no'n. Napatingin ako kay kupal na nagtatanong ang mga mata.
"Don't ask." ulit niya sa sinabi niya kaya nanahimik nalang ako. Ilang minuto ang nakalipas at tsaka ko lang naisipang mag thank you sa kaniya.
"Thank—"
"Shantelle!"
Naputol ang sinasabi ko nang biglang may tumigil na itim na Mercedes sa harap namin ni Harris at bumaba do'n si Nero. Napakunot noo ako sa biglaang pagdating niya. Pambihira, paano niya nalaman kung nasaan ako ngayon?!
Lumapit siya sa'kin na may nag aalalang mukha habang hawak ang isang puting payong. "Sorry, I'm just worried about you kaya pumunta parin ako dito para sunduin ka, Shantelle. May heavy rains ngayon hanggang bukas ng umaga kaya malabong makauwi ka."
Salubong ang kilay ko sa kaniya. "How did you know my exact location, Nero?"
Ngumiti siya at tumingin saglit kay Harris. "He told me. Anyway, hatid na kita? Baka magkasakit kapa. Anong oras na oh."
Tumango nalang ako sa kaniya bago binalingan si Harris. Walang reaksiyon ang mukha niya habang nakatingin sa'ming dalawa ni Nero. Kanina lang natatawa siya, ngayon wala na naman siyang reaksiyon. Bipolar talaga.
"Pre, salamat ha. Una na kami. Kaya mo na sarili mo, hahaha. I'm sure may dala kang sasakyan."sambit ni Nero kay Harris bago tinapik ang balikat nito. Harris just gave him a nod kaya naman hinila na ako ni Nero papasok sa sasakyan niya.
Nakatingin lang ako kay Harris mula sa loob ng sasakyan habang paalis na kami ni Nero.
Nakatayo parin siya at nakatulala lang habang nakalagay ang magkabilang kamay sa bulsa niya.
Wala siyang reaksiyon kaya hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Pero hindi ko maintidihan ang sarili ko kung bakit nag aalala ako sa kaniya. May sasakyan naman siya alam ko 'yun kaya makakauwi din siya ng ligtas.
"Pagod kana ba?"
Napatingin ako kay Nero na nakatingin sa kalsada habang nag da-drive. Naka suot lang siya ng black pull over, sweatpants at rubber shoes. Mukhang din siyang pagod.
I shooked my head. "I'm not. I think it's you. Bakit nag abala kapang sunduin ako? I told you, I'm fine. Kaya ko namang umuwi mag isa."
He shrugged bago binaba ng kaunti ang zipper ng suot niyang pull over. "I won't let that. I can fetch you and drive you home anytime. "
Napataas ang isang kilay ko. "At bakit? Ano ba ako sa'yo?" curious na tanong ko.
I saw him blinked twice. He took a deep breath before saying a word. Saglit niya akong sinulyapan. "Because I like you.."
Para na namang may nagkakarerahang mga kabayo sa loob ko dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko. I ignored it and looked seriously to Nero. "So what if you like me? Sapat nabang dahilan 'yon para mag effort ka ng ganito?"
Nagulat ako ng bigla niyang ihinto at itabi ang sasakyan. Wala parin humpay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Mukhang tama si Nero wala balak na tumigil ang ulan.
Para akong naestatwa sa kinauupuan ko nang tignan niya ako ng makahulugan. Parang may gusto siyang iparating sa'kin. Nakahawak sa manibela ang isang kamay niya. Hindi ko alam kung ano ba 'yung sasabihin niya pero parang kinakabahan ako. Bumuntong hininga ulit siya bago nagsalita.
"It's because I'm courting you.. Yes, I'm courting you without your consent. Hindi kita tinanong kung pwede, I'm sorry.. I'm just afraid, Shantelle.."
————