Chapter 14

3156 Words
Play the song "Your Guardian Angle" by Red Jumpsuit Apparatus while reading. Thanks! S h a n t e l l e "Kung sasabihin mo sa'kin ngayon na tumigil na'ko. Please don't. Tsaka nalang. 'Wag ngayon please, Shantelle. I know I'm wrong for courting you without telling.. I'm really sorry.. Damn, I'm sorry.." malalim ang bawat paghinga ni Nero habang hinahampas ang manibela.  Nakatigil parin ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada at umuulan parin. Nakayuko siya at hindi makatingin sa'kin ng diresto. Hindi ko alam kung ano bang nasa isip niya. Pero isa lang ang nakikita ko sa kaniya ngayon. Alam kong nasasaktan siya. Bigla tuloy pumasok sa isip ko 'yung sinabi sa'kin ni Yarah last time. Ang sabi niya mukhang seryoso naman daw itong si Nero sa'kin. Minsan naiisip ko na tama si Yarah. Kailangan ko din namang hanapin kung ano ang magpapasaya sa'kin. Hindi pwedeng palagi nalang akong matatakot na magtiwala ulit sa isang tao. Eh, ano naman kung maiwan nga ako ulit tulad ng ginawa sa'kin ni Lucian? Hindi ko naman ikakakamatay 'yon. Napabuntong hininga ako at hinawakan ang dibdib ko. Ang lakas parin ng t***k ng puso ko. Parang sasabog na'to dahil sa nakikita kong sitwasyon ni Nero ngayon. Honestly, nasasaktan ako na nakikita siyang ganiyan dahil sa'kin. Pero ano bang dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang papasukin na sa buhay ko kahit hindi pa ako sigurado?  "Ano kaba, Shan. Try to explore new things! Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan!" Explore?  But damn, Yarah is right. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Hindi rin ako malilinawan tungkol dito sa kakaibang nararamdaman ko kung hindi ko aalamin. I bit my lower lip and clenched my fist bago hinarap si Nero. Nakayuko parin siya at tahimik lang. Sinulyapan niya ako nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Malungkot ang mga mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nasanay kasi ako na palagi siyang nakangiti at tumatawa. "Please 'wag mo nang sabihin. Alam ko na. Busted na'ko. Please, ayokong marinig.." sambit niya bago umiwas nang tingin. Tumingin siya ng seryoso sa kalsada habang nakahawak parin sa manibela.  "Nero.." tawag ko sa kaniya pero hindi siya lumingon. "Ayaw mo ba talagang marinig ang sasabihin ko?"  He immediately shook his head without looking at me. Talagang nagtatampo. Napangiti naman ako ng may maisip akong magandang sabihin sa kaniya. "Pag lumingon ka, akin ka.." biro ko at pinipigilang matawa ng lumingon siya sa'kin. Nakakunot ang noo niya at nagtatanong ang mga mata. "Huh?" Napangisi naman ako. "O' bat ka lumingon? Gusto mong mapasakin ka?" pagbibiro ko ulit. Ngumiti rin siya pero halatang pekeng ngiti. Akala niya ata nagbibiro lang talaga ako. Hmm. Hatalang malungkot parin siya. "Wag mo nang pagaanin ang loob ko, Shantelle. Alam ko namang busted na ako." malungkot siyang napangiti. "May sinabi ba akong busted ka?" taas kilay na tanong ko kaya agad na lumiwanag ang mukha niya. Halatang naguguluhan parin siya sa sinasabi ko pero mas maayos na itsura niya ngayon kumpara kanina. "What do you mean?" he arched his brow. There's a question mark on his face. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. "Don't predict kasi agad, Nero. Wala naman akong balak na patigilin ka." natatawa kong sambit. "Kaya 'wag ka nang umiyak diyan. Hahaha. Hindi kita binabusted, tanga mo."sambit ko at hindi parin mapigilan ang tawa ko nang makita ang gulat sa mukha niya. Natulala lang siya sa kagandahan ko at hindi alam ang sasabihin. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. "Huy? Ano ka diyan?" "T-thank you, Shantelle.." nauutal na sambit niya. Napangiti nalang ako nang bumitaw kami sa yakap. Ewan ko pero ang gaan sa pakiramdam na makitang masaya si Nero. Siguro nga mahalaga narin para sa'kin ang lalaking 'to. Tama siguro ang ginawa ko. Ang bigyan siya ng chance na ligawan ako. "Para kang tanga diyan." I chuckled. "Tama na iyak, oy!" tinapik ko siya sa balikat nang makitang masaya na siya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at ilagay iyon sa dibdib niya. Naramdaman ko ang mabilis na t***k ng puso niya pati narin ang init na nagkakagaling sa katawan niya. "Beats only for you." makahulugan niyang sambit. Hindi ko alam pero bigla na lamang nag init ang mga pisngi ko. Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya at umiwas ng tingin. "It's getting late, Nero." sabi ko nalang para hindi niya makita ang pagba-blush ko. Nakakahiya. "Oh, right! Sorry haha." napakamot siya batok niya bago sinimulang i-start ang makina at paandarin ang sasakyan. Tumahimik nalang ako at hindi na nagsalita.  Napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko at pisilin iyon. "Thank you.." Parang may kumikiliti sa tiyan ko nang sandaling gawin iyon ni Nero. Nang hawakan niya ang kamay ko'y hindi na niya iyon binitawan hanggang sa makarating kami sa bahay. "Salamat sa paghatid." sambit ko at akmang tatanggalin na sana ang seatbelt nang unahan niya ako. "Huy, ano ba. May kamay ako." I protested but he just laughed at me. "Malakas ang ulan. Diyan kalang pagbubuksan kita ng pinto." nakangiting sambit niya at akmang bababa na sana dala ang payong nang pigilan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya bago nagsalita. "'Wag na. May payong ako. Masyado kanang gentlemen diyan." natatawa kong sambit at agad nang bumaba ng sasakyan niya. Binuksan ko ang payong bago kumaway sa kaniya. "Ingat ka." "Pasok kana. Aalis ako kapag nakita kitang nakapasok na. Haha, pasensiya kana. Ganito lang talaga ako." kakamot kamot sa batok na sambit niya tumango nalang ako at ngumiti bago siya tinalikuran at naglakad papasok ng bahay. Nang makapasok ako, nagulat ako nang makitang nasa sala si mom at may tinititigan siyang folder. Suot niya ang reading glasses niya at mukhang seryoso siya sa pagbabasa. "Mom? Kailan kapa nakauwi?" kunot noong sambit ko habang hinuhubad ang trench coat na suot ko.  Nag angat ito ng tingin nang makalapit ako sa kaniya. Parang nagulat pa ito nang makita ako. "Oh, anak? Saan ka galing?" "Sa mall po. Namasyal lang." I lied. "Where's dad?" tanong ko nang makitang wala si Dad. Usually kasi, pareho pa silang tumatambay dito sa sala after nang business trip nila abroad. Baka naman nasa kwarto na? Ngumiti si mom at tinanggal ang reading glasses niya. Itiniklop niya din ang folder at ipinatong iyon sa glass center table. "Nagpaiwan siya do'n sa US. May additional project kasi 'yong client namin do'n. I suggested na siya nalang ang maiwan. I also have a lot of important works here." Napatango tango naman ako. Sinulyapan ko ang folder sa glass table at napakunot noo nang makita ang pangalan ng hospital nila Nero nila do'n. Acosta Hospital. "Ahh, I see." ngumiti ako. "I'm kinda tired, mom. Akyat napo ako sa kwarto." paakyat na ako sa hagdan nang bigla siyang magsalita. "Wait, kumain kana ba anak? Do you want me to cook for you?"  Mabilis akong umiling. "No. Kumain napo ako kanina. You should just finish your work para makapag pahinga na kayo kaagad. Goodnight, mom." "Shantelle, anak." Napalingon ulit ako nang tawagin ako ni mom. Nakatingin lang siya sa'kin na para bang may gusto siyang sabihin. "Do you have something to say, mom?" kunot noong tanong ko. I heard her sighed. " Ahm.. Gusto ko lang sanang itanong sa'yo kung gusto mo nang kapatid." Natigilan ako sa tanong na iyon ni mom. Kapatid? Did I just heard it right? "Uhh. I think it's not a bad idea." I shrugged. "Pero nasa sainyo 'yon, mom. Kaya niyo pa bang magbuntis? Napag usapan niyo na ba 'yan ni Dad?" tanong ko. Okay lang naman talaga sa'kin kung magkaroon ako ng kapatid. Ang iniisip ko lang ay kung sino ang mag aalaga kung sakali. They're both busy on our business. They don't even have time for me, though. She smiled and shook her head. "Hmm, okay. Nevermind. You should sleep, anak. Goodnight." nakangiting sambit ni mom bago isinuot na ulit ang reading glasses at kinuha ang folder. Ngumiti rin ako at tumango bago umakyat papunta sa kwarto ko. Ipinatong ko ang coat ko kama at pabagsak na humiga.  Tumingin ako sa kisame at hindi mapigilan hindi isipin ang nangyari kanina. Napangiti ako, kinikilig. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Myghad. So, this is the feeling, huh? I placed my left hand on my chest. Pinakikiramdaman ang sariling t***k ng puso ko. Mas lalo pa akong napangiti ng mapagtantong anlakas parin ng t***k nito. "Do I like him now?" nakangiting sambit ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko nang umilaw iyon. Nakita ko ang notification sa taas at mapansing may message pala sa'kin si Nero. From: Nero Normal lang bang nakangiti ako habang nagdadrive? Taena, kanina pa ako nakangiti. Hahahaha. I can't help but to laughed. Naiimagine ko kasi siyang nakangiti sa loob ng Mercedes niya na parang tanga. To: Nero Stop thinking of me, then. And don't use your phone while driving. I smirked when I sent a reply. Assuming na kung assuming pero may kutob ako na katulad ko. Hindi rin siya maka move on. I laughed. Knowing him? Siguro ay traffic kaya nakakapag phone siya. From: Nero Maluwag na traffic. I'll chat you later when I'm home :> Ps. can't stop thinking of you. Sobrang lapad ng ngiti ko nang mabasa ang reply niya. Ang corny pero nakakakilig. Damn. Hindi na ako nagreply at baka magreply na naman siya habang nagda-drive. Sa halip, I decided to call Yarah. Kapag may nangyayari sa buhay ko siya kaagad ang una kong pinagsasabihan. "Girl, what's the flavor? Come on. Lumabas lang ako ng bar dahil nakita kitang tumatawag." Yarah rolled her eyes. Magkavideo call kami at kitang kita ko ang background kung nasaan siya ngayon. Nasa Young Bar na naman siya. Sobrang ingay parin sa paligid niya kahit nasa labas na siya. "Nililigawan na niya 'ko." pag amin ko. Agad namang nanlaki ang mga mata niya at nagtatalon sa tuwa. Nakakahilo tuloy ang itsura niya sa screen. "OMG! I knew it! Sabi ko na binigay karin, e! Pakipot kapa diyan!" humalakhak siya habang tinuturo ako. "Tss, I'm not like you." umiiling kong sambit.  She smirked bago nagsalita. "'Wag mo kalimutan 'yung mga bilin ko sa'yo ha, Shan? Dapat lagi kang presentable at mabango kapag-" "Yarah!" saway ko sa kaniya. Alam ko na kung saan na naman mapupunta ang usapan namin na'to. "What?" she chuckled. "Pinapayuhan lang kita." Umirap naman ako. "Hindi pa kami kaya itikom mo 'yang bibig mo." "Kill joy mo." natatawa niyang sambit. "O, paano? Babalik na ako sa loob ha. May friends are waiting for me, duh?" she flipped her hair and smirked. Napabuntong hininga nalang ako. "'Wag ka masyadong magpakalasing diyan hoy. Umuwi kana kaagad kapag 'di mo na kaya." paalala ko sa kaniya bago pinatay na ang tawag. Alam ko naman na kaya niyang i-handle ang sarili niya pero minsan hindi ko paring maiwasang hindi mag alala sa kaniya. She's a strong woman with a soft heart. Kung sino sino ang nakikilala niya sa bar kaya lagi ko siyang pinapalalahanan. Minsan gusto ko siyang pagbawalan. Pero tuwing naiisip kong doon siya masaya. Hinahayaan ko nalang. The next day, masyado akong busy sa pagrereview. Bukas na ang exam namin kaya naman todo review ako. Gusto kong makapasok sa DL. Transfer student kasi ako kaya kahit mataas naman ang grades ko sa card ay hindi nila ako isinama kaagad sa DL. I know that they want me to prove myself. Napatingin naman ako sa cellphone ko. Wala paring message sa'kin si Nero. Well, engineering siya kaya alam kong busy din siya sa pagrereview ngayon.  Nakakunot ang noo ko habang iniintindi ang nakasulat sa notebook ko. Nandito ako ngayon sa may benches habang hawak ang notebook ko. Nakapatong ang bag at iba ko pang gamit sa tabi ko. Ayoko kasing magreview sa classroom at may mga kaklase akong maiingay do'n. Distracted na nga ako kay Nero tapos magiging distracted pa'ko sa kanila. Nasa ganoong posisyon ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Yarah is calling.  "Ano? Nagrereview ako." bungad ko sa kaniya.  "Gaga, lunch break na. Where are you girl? Are you with your bibi?" she laughed over the phone. Tinutukoy si Nero. Bibi? Seriously? Napairap ako at napatingin sa taas ng screen. It's 12:45pm. Lunch break na nga. Muntik ko nang makalimutan kumain. "Nope. He's not showing. Busy pa siguro sa reviewers." I said. "I'm outside our building. Sa benches." Narinig ko naman ang pagtawa niya. "What? Ghosted agad? Ang bilis naman, Shan?" I rolled my eyes and sighed. "Ghosted? I said he's busy."  "Hahaha. Jokenings!" tumawa siya. "Wag kana magalit diyan, Shan. Nag aaral 'yon ng mabuti para sa future niyo, duh? Anyway, punta ka dito. I'll introduce you to my friends."  "Okay, where the hell are you?"  She chuckled. "Mcdo." Napakunot noo nalang ako bago pinatay ang tawag. Ano namang naisip ng babaeng 'yon at sa fastfood siya kumakain? I thought she's on a diet. Oh, well she's a scammer. Laging sinasabi na magdadiet na pero punta ng punta sa bahay namin para makikain. Pasalamat siya, hindi siya tabain. Tumayo ako at agad na niligpit ang gamit ko. Ngunit biglang umihip ang malakas na hangin kaya nilipad 'yung pahina ng notebook ko pati na 'yung nakasingit na maliit na papel do'n.  Napadpad 'yon sa malayo kaya binilisan ko nang ayusin ang mga gamit ko para kunin 'yon. Wala rin akong ideya kung ano ang nakasulat sa scratch paper na 'yon pero kukunin ko parin 'yon. Baka importante. Tumakbo ako para kunin 'yon ngunit nagulat ako ng may ibang pumulot no'n at titigan iyon.  Napakunot noo ako kay Harris. "Give it to me." sambit ko nang makitang titig na titig siya doon sa scratch paper at bahagya pang nakakunot ang noo. Tinapunan niya ako ng tingin bago nagsalita. "What's this?" kunot noong tanong niya bago ipinakita sa'kin iyong scratch.  'Yun pala 'yung papel na ibinigay sa'kin ni Yaya Felli. Nakasulat do'n 'yung address nang dating bahay nila Lucian. I raised my brow because of his question. "Ba't mo tinatanong? Akin na nga 'yan!" tinangka kong agawin sa kaniya 'yong papel pero itinaas niya 'yon. At dahil matangkad siya, lugi ako. Psh! "Why do you have this address? Is this the reason why you're in Laguna last time?" tanong niya. Salubong pa ang dalawa niyang kilay. Napairap naman ako. Ano bang pakialam niya, ha? Bakit niya kailangang itanong pa 'yon?! "Ano bang paki mo?" naiiritang sabi ko.  "I just want to know." he shrugged. "I thought you're following me." he laughed. Napakunot noo ako. I laughed sarcastically. "What the hell? Bakit ko gagawin 'yon?" He shook his head. "Nevermind. Anyway, review well." sambit niya bago kinuha ang kamay ko at inilagay do'n ang papel.  Magsasalita pa sana ako nang may babaeng tumawag sa kaniya.  "Babe!" sigaw ng isang babaeng papalapit sa'min. "Where have you been, Harris? Kanina pa kita hinahanap. Let's eat. I'm hungry." nakangiting sambit niya kay Harris at inilingkis pa ang mga kamay sa braso nito. I looked at her. She was wearing a corporate attire. Tourism uniform to be exact. She have brown long hair in soft curls, gorgeous face and a nice body. She's also taller than me.  Napaisip tuloy ako. Is she a model? She looks like one. Napatingin naman ito sa'kin at ngumiti kaya nag iwas ako nang tingin. Baka isipin niya pa jina-judge ko siya sa isip ko. "Hi!" she greeted. Nagulat naman ako. "Uhh, Hello." alanganin akong napatingin kay Harris na walang reaksiyon. Bakit wala siyang reaksiyon? His girlfriend is talking to me! "Are you friends with Harris? Do you want to come with us? We're going to eat in an Italian Restaurant outside." she smiled. OMG! She's so gorgeous! Bakit niya pinatulan ang kupal na si Harris? "Uhh.." napatigil ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung papayag ba ako dahil hindi naman kami close. Ngayon lang kami nag usap tapos iniinvite niya na kaagad ako na sumama sa kaniya? What the hell? "You don't want to?" nakangiting tanong niya. Napakamot naman ako sa kilay ko. Paano ko ba siya tatanggihan? Ayokong maging third wheel 'no! "Umm, honestly I-" I stopped when I felt a hand on my shoulder. "Andito kalang pala," Nero smiled at me then turned his glance to them. Mukhang nagulat pa siya."Oh, Elia?! Nakabalik kana pala?" nakangiting tanong ni Nero sa babae. Nagbeso pa sila dahil mukhang matagal na hindi nakita ang isa't isa. Napairap nalang ako. Ngumiti naman ito at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Harris na hanggang ngayon ay wala paring reaksiyon. Well, what can I expect? That's so like him. "Yes!" she laughed a little. "I'm done with my photoshoot in Thailand. And also.." she leaned closer to Harris. "I miss my fiance. How about you? Kamusta na pala? Do you have a girlfriend now?" Fiance? What? Hindi sila bagay! Harris is so rude! Nero chuckled. "Soon!" sambit niya at tinanggal ang pagkakaakbay sa'kin at hinuli ang kamay ko. Bigla namang nag init ang pisngi ko dahil do'n. Naramdaman ko ang init na nanggagaling sa palad niya. Napatingin naman si Elia do'n. She smirked at Nero. "Wow! Finally!" she chuckled. "God bless you, Nero." sambit niya bago tumingin sa'kin. "What's your name?" nakangiting tanong niya. "Shantelle." I smiled a little. "'Wag mong batiin at baka Hindi ako sagutin!" saway ni Nero sa kaniya. Natawa naman si Elia. "Why? Your a great guy!" nakangiti itong bumaling sa'kin. "You're blessed. Loyal at faithful itong si Nero. Proven and tested." she giggled. I just nodded and gave her a small smile. "Aurelia, I thought you're hungry?" Napatingin naman ako kay Harris na ngayon lang nagsalita. Ngayon lang siguro nagsent sa kaniya mga message. Mabagal siguro internet niya. "Yes, I am." she laughed. "Come with us, guys." yaya niya ulit. Balak ko na sanang magsalita nang pisilin ni Nero ang kamay ko. "No thanks! May pupuntahan pa kami, e." nakangiting sambit ni Nero at saglit akong sinulyapan. "Oh! Okay, maybe next time? So, paano una na kami ha? See you around, Shantelle! Good luck sa exam." she smiled bago siya tuluyang tumalikod at sumunod kay Harris na kanina pa pala umalis sa tabi niya. "Fiance niya?" kunot noong tanong ko kay Nero nang makaalis sila. Tumango naman siya at ngumiti bago inagaw ang bag ko sa'kin para siya na mismo ang madala. "Hey," sambit ko at sinubukang agawin ang bag ko pero hinuli niya lang ang mag bilang kamay ko at inilagay iyon sa parehong pisngi niya.  Ngumuso pa siya at bahagyang nagpa cute. "Na miss kita." Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. Pero agad din iyong nawala sa labi ko nang may maalala ako. "You haven't answering my message. Bakit ka nandito? I thought you were busy with your studies." I said. Sinusubukang hindi mag mukhang nagtatampo. Napataas naman ang kilay ko nang ngumisi siya. Binatawan niya ang kamay ko at maarteng inayos ang buhok niya. Parang tanga. "Tampo ka?" he chuckled. "Sorry na, kaya nga ako nandito, e." Nagcrossed arms ako. "Saan ba tayo pupunta? Yarah wants me to eat with them. Hindi ka kasi nagsasabi na pupuntahan mo ako. What kind of suitor are you?" naningkit ang mga mata ko. He pouted. "Sorry na. Madami lang talaga akong nireview. Haha. Tara na, puntahan na natin sila." aya niya sa'kin bago ako hinawakan sa kamay at hinila. "Sure ka? Akala ko may pupuntahan tayo?"  He stopped and smiled at me. "Mayroon nga. Pupunta tayo sa bahay namin mamaya. Sa ngayon, tara na muna sa mga kaibigan mo. I want to meet them. " Napatango tango nalang ako at nagpahila sa kaniya. Ngunit agad akong natigilan ng marealize kung ano ang sinabi niya. "We're going to your place?!" sigaw ko. My mouth formed an 'O' dahil sa gulat. Seryoso ba siya?! I heard him chuckled. "My mom wants to meet you. Tinanong niya kasi kung bakit nakangiti ako habang nagsasandok ng kanin, tangina." he laughed so hard. "Sinabi ko pangalan mo. Sabi ko dahil sa'yo." -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD