Chapter 15

3842 Words
S h a n t e l l e "Shan! Girl!" nakangiting kumaway sa'kin ang pinsan kong si Yarah nang makita niya kaming pumasok dalawa ni Nero dito sa Mcdo. "Uy, si Yarah." nakangiti din namang kumaway si Nero sa kanila. Napairap nalang ako. Kahit kailan talaga napaka hyper ng pinsan kong 'to. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ang dami niyang kaibigan at kakilala. Sobrang laki ng kaibahan namin ni Yarah pagdating sa pakikisalamuha. 'Di ko nga alam kung bakit magkasundo kami. She's one of my closest cousin, though.  "Omyghad! Bagay na bagay talaga kayo, girl." parang namamanghang sambit ni Yarah nang makaupo kaming dalawa ni Nero sa harap nila.  She's sitting between the two girls. Sa kaliwa niya nakaupo ang isang babae na naka ponytail at kanan naman niya nakaupo 'yung babaeng may short chesnut brown hair. They're both look gorgeous. 'Yung nasa gitna lang ang hindi. Charaught. "Girls, I want you to meet my dearest cousin." she laughed a little. "Her name is Shantelle. The handsome man beside her is Nero Acosta. I'm sure kilala niyo na siya." natatawang sambit ni Yarah. "Shantelle, these are my frennies. Cassio and Keanna." Napatango tango naman ako. So, the girl in left with a ponytail is Cassio and the girl in the right is Keanna. "Hello," I greeted. "Hi, Shantelle! Uhh, hi Nero!" nakangiting bati Cassio sa'kin pati narin kay Nero. "Hello! Shan! Palagi kang nakukwento sa'min nitong pinsan mo." she smiled. "You're so pretty. By the way, ang haba ng hair mo." she laughed then turned her glance to Nero. "Hi, Nero!" "Hi, nice to meet you ladies!" masayang sambit ni Nero at nakipag shake hands sa kanila kaya gano'n nalang din ang ginawa ko. Parehong madaldal ang mga kaibigan ni Yarah isama pa siya. Madaldal din si Nero kaya naman medyo natagalan pa bago kaming lahat naka order. Hindi pa pala kasi sila nakaka order nang dumating kami. They're waiting for us. "OMG! Meet the parents na agad!" kinikilig na sambit ni Yarah matapos malaman na pupunta kami ni Nero sa bahay nila mamaya. Hanggang ngayon kinakabahan padin ako. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Nero is kind. Sana katulad niya ang mama niya.  Napasinghap naman ako nang hawakan ni Nero ang kamay ko na nasa ilalim ng table.  He smiled and turned his glance to them. "Yeah!" he chuckled. "Mabilis ba?" Yarah and Keanna immediately shooked their head. They're both smiling at us. While Cassio is looking at her cellphone, texting I guess. "Ofcourse not!" sambit ni Yarah. "It's a part of courting. Maigi nga 'yan para makilala na kaagad nila si Shantelle." tumingin si Yarah sa'kin at ngumisi. "Ikaw, Shan? Kailan mo balak ipaalam kina Tita at Tito ang tungkol sa panliligaw sa'yo ni Nero? You Should've to tell them." Natigilan ako at bahagyang nag isip. Right, I should tell my parents about this. Pero 'wag na muna ngayon. Masyado pa silang busy sa business namin. Madalang na nga lang sila kung umuwi sa bahay. Baka magulat lang sila kung basta basta ko nalang sasabihin sa kanila. Tsaka nalang. "Yeah, Ofcourse." I said. "I haven't thought about it yet." "Ipakilala mo si Nero sa parents mo kapag ready kana, Shan." Keanna smiled. I also smiled at her. Napatingin naman ako kay Nero. He just nodded and smiled at me. He's still holding my hand under the table.  After namin maglunch sa Mcdo bumalik na kami sa Crescent High at nagpunta sa kaniya kaniyang building. May klase pa ako for only 1 hour. Exam na kasi bukas kaya naman shorten ang lahat ng klase ngayon at mahaba ang oras ng vacant. Professors want us to spend our vacant in reviewing. "Chat kita mamaya after ng klase namin. 'Di muna ako aattend ng practice." Nero chuckled then gave me my bag. My brows furrowed when I realized what he just said. "May practice pala kayo, e."  May practice sila tapos inaaya niya kong pumunta sa kanila. Unggoy pala 'to eh. Baka mamaya mapagalitan pa siya ng coach nila kapag 'di siya umattend. "Okay lang naman na 'di umattend paminsan minsan 'no." he smiled. "At tsaka ando'n naman si Captain Harris at si Silver. Salo na muna nila sermon ni coach." he laughed.  Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay ko. "I-cancel mo na muna 'yung pagpunta natin sa inyo. May ibang araw pa naman. Your training is important, I think." Lumapit siya sa'kin at ginulo ang buhok ko. "Hindi pwede, e. Alam na ni mom na pupunta tayo sa bahay. Mag pe-prepare 'yun ng dinner for sure." natatawang sambit niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Sige na, go to your class. Baka magalit kapa sa'kin kapag na-late ka." Napabuntong hininga nalang ako. I gave him a light nod before entering my building. Architecture Department. Tahimik lang akong nakikinig sa Prof sa unahan while he was discussing. Hawak hawak ko ang pamphlet na ibinigay ng Prof namin para sa reviewer namin sa subject niya. Bukas na ang exam kaya naman kailangang hindi ako masyadong magtagal kila Nero.  Damn, I'm nervous. Iniisip parin kung anong klaseng ugali mayroon ang mom ni Nero. I heard she's a doctor. Infact she's the one who owned the Acosta Hospital. I've been confined there before but I didn't had the chance to meet her. Ibang doctor ang naging in-charge sa'kin. I was in the middle of my thoughts when I heard a knock on my table. Napatingin ako sa katabi ko. Mahina lang ang katok niya sa table ko, sapat lang para marinig ko. I raised my brow while looking at her. She's Allira. Natatandaan ko ang pangalan niya dahil palagi niya akong kinakausap. Palagi kaming magkatabi sa subject na'to. Madaldal talaga siya to be honest. "I've got something to ask," she said while smiling. My brows furrowed. "What is it? May Prof pa tayo sa unahan, Lira." I whispered. Mabuti nalang at nasa likuran kami. Hindi kami mapapansin na nag uusap. "There's a rumor that.. Nero Acosta is dating you. Is that true, Shan?" kinikilig na sambit niya. Napabuntong hininga naman ako. "Where did that rumor came from?" Hindi ko pa nga sinasagot si Nero tapos may chismis na agad? Tss, kaya ayokong dumidikit sa mga sikat na tao eh.  Nangalumbaba siya bago tumingin sa'kin ng makahulugan. "Don't mind the rumor." she said. "He's a nice guy, Shan. Don't waste a chance." Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Anong point niya at sinasabi niya 'yan? Kilala ba niya si Nero? Well, hindi ko alam. Wala akong ideya kung bakit niya sinasabi 'yan. Baka naman magkakilala nga sila ni Nero. Weeks palang naman kaming nag uusap nitong si Lira kaya hindi ko pa siya gano'n kakilala. She approached me first. Besides, mukha naman siyang mabait. She's an officer in this class. After ng huling klase ko. Lumabas na ako ng classroom at nagpaalam kay Lira. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinignan kung may message. Nakita kong may message nga si Nero pati narin mom. Bubuksan ko na sana ng IG ko para replyan si Nero ngunit napakunot ang noo ko ng may mapansin akong kakaibang text. Agad kong binuksan ang messaging app ko at nagulat sa nabasa ko. 'How are you, Shang?' Natigilan ako at nabitawan ang cellphone ko sa sobrang gulat. Galing ang text na iyon sa isang unregistered number.  Tulala ako at hindi alam ang gagawin. Isang tao lang ang tumatawag sa'kin ng Shang. At 'yon ay si Lucian. Patay na siya. Kaya sino ang nag text sa'kin?! Who the f**k is that?! Sari saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Naihilamos ko ang isang palad ko sa mukha ko dahil sa labis na kaba. I bit my lower lip bago yumuko upang kunin ang cellphone ko pero may naunang kumuha no'n sa'kin. "N-Nero?" hindi makapaniwalang tanong ko.  "Hi, eto oh nahulog mo." nakangiting sambit niya bago kinuha ang kamay ko at inilagay ang cellphone ko doon. "T-thanks," I gave him a small smile bago inilagay ang cellphone sa bulsa ng uniform ko. Kinalma ko ang sarili at pinilit na ngumiti. "Are you out?" "Oo, kakatapos lang. Iniwan ko na sila Harris at Silver do'n. Inaaya akong uminom, e after ng training. Bahala sila sa buhay nila." he chuckled while fixing his hair. I gulped when I realize how perfect he is. Perfect figure. Ba't ngayon ko lang 'yon napansin? Ngumiti nalang ako at tumango.  He was about to hold my hand but he stopped. Tinitigan niya ako ng mabuti at kinapa pa ang noo ko. Kunot noo akong napatingin sa kaniya. "A-ano ginagawa mo? I'm not sick, kung 'yon ang iniisip mo."  "Are you okay? Ang putla mo. May nangyari ba?" nag aalalang tanong niya. Tumango ako at umiwas ng tingin. Ayokong sabihin sa ang dahilan dahil wala naman siyang alam do'n. Wala siyang alam sa bagay na 'yon. "Nothing," I answered. "I think.. I'm just h-hungry." I tried to smile. Ayokong mag aalala siya sa'kin. "Sigurado kaba? Kung gusto mo daan muna tayo sa clinic, Shantelle." I shook my head. "No need. Your mom is waiting for us. We should go. I'm excited to meet her." ngumiti ako. "Ano bang ugali ng mom mo?" Ngumiti naman siya sa'kin bago kinuha ang bag ko ang hinawakan ang kamay ko. "She's great." Isang modern large house ang sumalubong sa'min ni Nero pagkababa namin sa Mercedes niya. Namangha ako sa laki ng bahay nila at sa style nito. Puro glass window. Dalawang palapag ito at may grass sa harapan at mga halaman. Ang color palette ay white, green, peach, gray. May maliit na chandelier sa may front door. Tapos may lamp sa magbilang poste.  Ngumiti si Nero sa'kin bago ako hinila papasok sa loob. Kung namangha ako sa itsura ng bahay nila sa labas. I'm more amaze sa interior design nitong bahay. Color white ang pintura ng dingding, maraming nakalatag na painting bawat pader. May kulay gray na sofa at babasaging bilog na center table. Sa likod ng sala set may spiral na staircase na gawa sa stainless. May aquarium din sa gilid at napaka astig ng style no'n. Parang nakadikit kasi sa pader 'yung aquarium. "Asan si mom?" tanong ni Nero sa isang katulong na abala sa paglilinis sa sa may sala. "Good evening, Sir Nero. Nasa kwarto niya po si Ma'am Nerissa. Pababa nadin po 'yun." nag bow ang katulong bago ipinagpatuloy ang paglilinis. Hindi ko naman mapigilang hindi kabahan. Nanlalambot na ang mga tuhod ko sa nerbiyos. Paano kung hindi ako nagustuhan ng mama ni Nero? Wala pa nga kaming nasisimulan, patitigilin na agad? To be honest, this is my first time. I haven't been in a situation like this before. Wala pa naman kasi akong nagiging boyfriend.  Napabuntong hininga nalang ako. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Nero sa kamay ko. "Relax kalang. Tara maupo." alok niya bago nagtungo sa sala kaya sumunod nalang ako. Kahit na nakaupo na ako ay panay parin ang paglilibot ng mata ko sa buong bahay. Well, malungkot kasi ang pakiramdam ko dito sa bahay nila Nero. Malaki pero kakaunti ang nakikita kong nandito. This house looks empty. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaisip tungkol sa kung ano anong bagay. Like, nasaan ang dad niya at kung may kapatid ba siya na nakatira rin dito. I'm curious. "Pababa na si mom, Shantelle. Chill kalang, wait do you want me to get you a glass of water or anything?" I immediately shook my head. "Okay lang ako, Nero." Napabuntong hininga nalang siya at pinaglaruan ang kamay ko na kanina niya pa hawak. Ilang sandali pa ang lumipas at pareho kaming napalingon sa staircase ng makadinig kami ng sunod sunod na mga yabag. Tunog ng heels na sumasampal sa kahoy na palapag ng hagdan. At habang lumalakas ang mga yabag na 'yon mas lalo akong kinakabahan. "Oh, Nero anak!" nakangiting sambit ng isang magandang babae na kakababa lang ng hagdan. She was wearing a white jump suit, expensive earings and a pair of black two inches heels. Light lang din ang makikitang make up sa mukha niya, maikli rin ang itim niyang buhok na nakasangat sa magkabila niyang tainga. Pareho kaming napatayo ni Nero nang lumapit siya sa'min. She looks so simple but elegant. Halatang may edad na siya pero ang ganda padin niya. Niyakap niya si Nero pero nang makita niya ako agad siyang bumitaw. Tinignan niya ako mula hanggang paa kaya naman bigla akong kinabahan. Nagulat ako ng akbayan ako ni Nero at ilapit sa kaniya. Napataas tuloy ang kilay ng mommy niya.  "Mom, si Shantelle. Siya 'yung sinasabi ko sa inyo." nakangiting sambit ni Nero.  Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at nag bow ako sa mommy niya.  "Uhh, good evening po, Ma'am.." pinilit kong ngumiti upang maalis ang kaba sa dibdib ko dahil mukhang mataray ang mom ni Nero. Pero nagulat ako ng bigla siyang tumawa. My brows furrowed. "B-bakit po?" "Mom, kayo talaga. 'Wag niyo na siyang pakabahin." Nero chuckled.  "You're so pretty, Shantelle! You look so adorable!" she laughed. Nagulat pa ako ng hawakan niya ang magbilang kamay ko habang tumatalon. Katulad niya ng ugali si Nero. Napangiti nalang ako. Gosh, akala ko mataray siya pero mabait naman pala siya. Phew! She smiled at me. "Let's go, I prepared something! Excited narin akong makipag kwentuhan sa'yo, darling. Hihi." tuwang tuwang sambit ng mommy ni Nero at mabilis akong hinila papunta sa dining. Nag thumbs naman si Nero sa'kin kaya tuluyan ng nawala ang kaba ko. "Anong course mo, hija?" nakangiting tanong niya sa'kin matapos uminom ng apple juice. Sa kapag kainan, nakahayin ang carbonara, vegetable salad, buttered chicken at kanin. Pati pagkain mukhang kumikinang sa ganda at ayos ng plating. Hindi ko alam kung bakit pati 'yon ay napapansin ko.  "Uhh, architecture po ma'am—" "Tita Eri nalang hehe. Nakakatanda ang ma'am." sambit niya bago tumawa. "Hmm bakit architecture ang napili mo?" I smiled bago inalala kung bakit nga ba iyon ang napili kong course. Parehong architect ang mga magulang ko kaya siguro may skills din ako sa gano'n. Pareho silang busy sa work. I took architecture para patunayan sa kanila someday na kaya ko parin asikasuhin ang magiging pamilya ko kahit architect ako. Ayokong matulad sa kanilang dalawa na sobrang workaholic. "My parents are both architect po, Tita Eri. We have a company overseas and here in the Philippines." I answered. Mukha naman siyang na-amaze sa sinabi ko. Kinuha niya ang bowl ng salad at nilagyan ang pinggan ko.  "Oh, family of architects! That's great hehe." ngumiti pa siya at nag thumbs up sa'kin. Nakakatuwa siya. "Pero alam mo, hija. Okay lang sa'kin kahit na anong estado mo sa buhay. As long as my son is happy to be with you. Right, Nero?" Pareho kaming napatingin kay Nero na nakangiti lang sa'min habang hawak hawak ang tinidor niyang may nakaikot na carbonara. He gave us a nod bago isinubo iyon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaisip. Silang dalawa lang kaya ang nakatira dito? May iilang katulong pero wala pa akong nakikitang mukhang kapamilya nila. How about his dad? "Uhh, pwede mo magtanong?" She just smiled and nodded. "Kayo lang po bang dalawa ang nakatira rito?" curious na tanong ko. Bigla naman siyang nagulat, kalaunan ay ngumiti din siya at tumango. "I'm a single mom. May dalawa pa akong anak. Natalia and Nathan. Si Nathan which is the eldest, nasa ospital. He works there. While Natalia the youngest, nasa camping siya. Hmm, why did you asked?" "Uhh, madami po kasing nagsasabi sa'kin that Nero is a nice guy. So I thought he came from a complete and happy family." She chuckled. "Sinong nagsabi? Hindi  siya gano'n ka nice." natatawang sambit niya kaya napakunot noo ako. "Mom." saway ni Nero sa mommy niya. Napataas naman ang kilay ng mommy niya at napangisi. "Why? Shantelle needs to know. Dapat niyang malaman na makalat ka sa gamit at kung saan saan mo—" Hindi ko na narinig pa ang sinabi ng mommy niya ng takpan ni Nero ang magbila kong tainga. Napasimangot ako kaya naman agad niya iyong tinanggal. Parang nahihiya pa siya. Haha "Mom, naman. Nililinis ko na po ang kwarto ko. Nag bago na'ko." paliwanag ni Nero. Her mom just laughed. "You are? Eh, bakit kanina galit na galit kana kasi hindi mo makita 'yung favorite mong medyas?" "Tama na, mom. Promise aayusin ko na kwarto ko. Nakakahiya kay Shantelle. Baka i-busted na'ko." malungkot na sambit ni Nero kaya naman natawa nalang ako. Nagpatuloy pa ang mommy ni Nero tungkol sa pagkukwento tungkol sa anak niya kaya wala akong ibang ginawa kundi tumawa ng tumawa. Grabe lang, sobrang sayang kausap ng mommy niya. Sobrang kalog at masiyahin. Ibang iba kay mom. Matapos naming kumain ay nakatanggap ng tawag mula sa ospital ang mommy ni Nero kaya naman mabilis siyang umalis. Emergency daw. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Nero sa sala. Tahimik lang kaming dalawa. Nagpapakiramdaman. Naalala ko tuloy 'yung mga kwento ng mommy niya kanina. Napangisi naman ako at kinulbit siya. "Hey," Mabilis niya akong nilingon. "Tama na, Shantelle. Nahihiya na talaga ako." nag iwas siya ng tingin bago tinakpan ang buong mukha niya kaya hindi ko napigilang hindi matawa. Umisod naman ako papalapit sa kaniya bago isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman kong nagulat siya. "Ano kaba, it's fine. Okay lang sa'kin kahit pakalat kalat ang brief mo sa sahig. Okay lang din kahit kinakausap mo 'yung langgam dati, okay lang din kahit—"  "Tama na haha, ano kaba. Past is past!" natatawang sambit niya. "Bata pa ako no'n." Umalis ako sa pagkakasandal sa balikat niya at ngumisi. "Really? Sige nga, patingin ako ng kwarto mo " panghahamon ko. He immediately shook his head. "Ayoko! Tsaka nalang!" Natawa naman ako bigla. "Why? Okay nga lang sa'kin kahit ano pang makita ko do'n. I will accept everything." Tinitinigan niya ako at bahagyang nag isip. "Uhh, okay. Sige na nga. Tara." Tumayo siya at hinila ako paakyat ng hagdan hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto niya. Kulay puti ang pinto no'n. Napabuntong hininga siya bago ako hinila papasok. Tulad ng inaasahan ko, medyo makalat nga. Sa sahig, may nagkalat na mga damit at libro. Nasa sahig din ang gitara niya. 'Yung bed sheet niya magulo at hindi nakatiklop ng ayos.  Pero kahit na makalat sa kwarto niya, mabango naman ang amoy. Kaamoy ng pabango niya. "Ano ayos na? Nakita mo na." napakamot siya sa batok niya.  Napangiti naman ako bago naglakad papunta do'n sa mga nagkalat na damit at libro. Pupulutin ko na sana ang mga iyon nang pigilan niya ako. "'Wag. Gamit na'to e. Baka amoyin mo pa." nakanguso niyang sambit bago inilagay ang mga damit na 'yon sa lalagyan ng mga gamit na damit. I chuckled. "Alam ko. Tutulungan na nga kita maglinis e." "Ano?" kunot noong tanong niya. "Ano kaba, hindi na. Tara na sa baba. Baka bumalik na si mom."  Mabilis akong umiling bago umupo sa kama niya. Dinampot ko ang nakapatong na libro do'n. It's a comic book. Nagbabasa rin ako minsan ng comic kaya alam ko. Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. Pero hindi tabing tabi sa'kin. "Kapag tapos na ako mag aral. Nagbabasa ako ng comics. Nakaka baliw kapag puro numbers ang nasa utak ha." natatawang sambit niya. Sabagay, engineering nga pala ang course niya. Natawa din ako bago maayos na inilagay sa bookshelves niya 'yung comic. Dahil do'n napansin ko tuloy 'yung mga picture frame na nasa taas ng study table niya. Picture kung saan kasama niya sila Harris at Silver. At picture kung saan may kasama siyang isang magandang babae. "She's pretty." sambit ko. "Sino— ah siya ba." napaiwas siya ng tingin kaya naman napakunot ang noo ko. "E-ex ko siya." pag amin niya. Hindi siya makatingin sa'kin ng sabihin niya iyon. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Bakit hindi siya makatingin? Wala namang masama kung nagkaroon na siya ng ex. It's normal. Maliban nalang siguro sa'kin na bago palang nag eexplore ng mga bagay bagay. "Hey look at me." utos ko. Nilingon naman niya kaagad ako. He took a deep breath then he gave me a small smile. "Sorry, nakita mo pa 'yun. Nakakalimutan kong itabi 'yon e." "Ano kaba okay lang. It's normal." I chuckled. Itinuon ko ang magbilang kamay ko sa kama bago tumingin sa kisame. Ngumiti ako. "Nero, do you want me to tell you something?" sambit ko. "Huh? Ano naman?" I turned my glance to him and smiled. "I was once.. Blind." Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Mukhang nakakita ng multo. Umayos siya ng upo bago nagsalita. "Seryoso ba?" I laughed. "Oo, hindi ako nag jo-joke dito. I've had an operation in states before. Maayos ang naging resulta kaya nakikita kita ngayon." Nagulat ako ng lumapit siya sa'kin at titigan ang mga mata ko. "Nakikita mo'ko? Malinaw ba?" curious na tanong. Natatawa akong tumango. "Oo nga." "Hmm. What do you think.. Gwapo ba ako?"  I chuckled at parang hindi makapaniwala na itatanong niya 'yon. "Oo, kaya nga ako pumayag na ligawan mo'ko e." pagbibiro ko. He pouted and crossed his arms. "Ahh, importante sa'yo looks? Paano kapag hindi ako gwapo?" "Edi, lalayuan kita." "Aray!" sambit niya. Umakto pa siya na parang nasasaktan kaya mas lalo akong natawa. Hinampas ko siya sa braso. "I'm just kidding. Lol. Hindi ko alam na maniniwala ka do'n. Hindi naman ako sa looks bumabase. May nagustuhan nga ako no'n kahit wala akong nakikita e." paliwanag ko. Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko. Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "May nagustuhan kana dati?" I nodded. "Yeah. A childhood friend. Don't worry, he's dead." malungkot akong napangiti. "Sorry." I tapped his shoulders and smiled. I leaned closer to him para maisandal ko ulit ang ulo ko sa balikat niya. "Past is past sabi mo. Sinabi ko sa'yo kase tanggap ko na. Ang tagal na no'n e. 9 years ago. How about you? Wala kang iku-kwento about your past?" I looked up to see his reaction.  He sighed. "Ahm, about sa ex ko. We've been together for 4 years. Mahal namin ang isa't isa pero dumating 'yung time na kinailangan niyang mamili. Me or her career. She's an actress by the way. She choose her career over me." malungkot siyang napangiti. "Sikat na siya ngayon. At masaya ako kasi pinili niya 'yung career niya. May closure kami at maayos naming nag break." "Is it hard? To forget someone you loved?"  "Oo, first girlfriend ko 'yun e. Siya lahat ng first ko." sambit niya. "But my rear-view mirror has officially fallen off. No more looking back!" he chuckled. "Past is past na." Umalis ako sa pagkakasandal sa balikat niya at sumimangot. "Oh, bakit?" curious na tanong niya. "Nakaka inggit e." He laughed. "Ha? Alin?" "Her. She's your first." I pouted. Napalingon naman ako ng bigla siyang tumawa. My brows furrowed. "May nakakatawa ba?" He shook his head, trying to stop himself from laughing. Tumigil siya sa pagtawa at ngumisi naman. Ginulo niya ang buhok ko kaya mas lalo akong napasimangot. "Ang saya." "Anong masaya?" "Makasama ka." Natigilan ako sa sinabi niya. Nakangiti siya sa'kin at mukhang sincere ang sinabi niya. Napatitig tuloy ako do'n sa lips niya. Agad akong napalunok at umiwas ng tingin. Naku-curious ako sa kung anong feeling nang mahalikan. Pero pinipilit kong kalimutan ang curiousity ko. Hindi tama. Hindi ko pa siya boyfriend. "Tahimik mo." he chuckled. "Hindi ka man lang kinilig diyan, hays. Wrong move." napakamot nalang siya sa ulo niya bago tumayo. "Tara na, medyo gumagabi na e. Baka hanapin kana sa inyo. 'Wag mo nang hintayin si mom. Mukhang mamaya pa siya makakauwi." sambit niya. Akmang maglalakad na siya ng hawakan ko ang kamay niya. Napatigil siya at napatitig sa kamay niyang hawak ko. Nagtatanong ang mga mata niya. "Uhm.." I gulped. Iniisip kung paano ko sasabihin. Napayuko ako, searching for the right words. "Bakit?"  Nilakasan ko na ang loob ko at nilunok lahat ng hiya ko. I looked up to see his face. He look so clueless. I bit my lower lip and clenched my fist. "Nero, can I asked for a.. k-kiss?" ——————— Sorry late update! Next chap nalang daw sila magki-kiss hahaha -silentfurrycat 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD