Chapter 16

4604 Words
S h a n t e l l e "Huh?" Naguguluhang tanong niya. Salubong ang mga kilay niya at halatang naguguluhan sa sinabi ko. Kahit din naman ako, naguguluhan sa sarili ko. Ewan, basta sinabi ko 'yon kasi gusto ko. Dala narin siguro ng curiosity ko.  Binitiwan ko ang kamay niya. Bahagya akong tumango at ngumiti. Nahihiya parin ako sa sinabi ko pero hindi ko na 'yon mababawi. "Didn't you heard it? Gusto mo bang ulitin ko?" He immediately shook his head. He gulped. "N-narinig ko. Ano lang.. 'W-wag mo nang ulitin." nauutal na sambit niya. Umiwas siya ng tingin habang kinakamot ang ulo niya. Napansin kong namumula ang tainga kaya napangisi ako. Mukha rin siyang hindi mapakali. Hindi ko tuloy alam kung gusto ba niya o ayaw niya. "Uhh, ayaw mo ba?" kunot noong sambit ko. Nakaupo parin ako dito sa kama niya at nakatingala sa kaniya dahil nakatayo siya. Sinulyapan niya ako at mabilis na umiling. Mukhang siyang nahihiya, haha.  "Uhh, ano kasi.." he scratched his nape. He took a deep breath bago nagsalita. "Gusto.. Pero hindi pa naman tayo, e." nahihiyang sambit niya. Mag iisang buwan na siyang nanliligaw sa'kin at hanggang ngayon ay hindi ko pa napag iisipan kung kailan ko siya sasagutin. The heck, first time ko 'to. Kailangang pag isipan kong mabuti dahil baka magsisi ako sa huli. Pero ngayon nakapag desisyon na'ko. Ang dami ko nang nasayang na panahon sa buhay ko. Kakaunting bagay palang ang nasusubukan ko dahil sa kapansanan ko dati. I need to stop wasting my time. Seryoso kong tinitigan si Nero. I swallowed my pride. "Eh kung sagutin na kita ngayon?" "Ano?!" gulat na sigaw niya. Napaluhod pa siya sa harapan ko para lang tignan kung seryoso nga ako. Tulala siyang nakatingin sa'kin habang nakanganga pa. Parang sira, haha. "Anong ano? Ayaw mo din?" naguguluhang tanong ko. "Anong ayaw?! Sinabi ko bang ayaw ko?!" natatarantang tanong niya. Tumayo pa siya at tinalikuran ako. Ginulo niya ang buhok niya bago muling lumingon sa direksiyon ko. "Seryoso ba?" I chuckled. "Oo nga." "As in ngayon?! Teka! Anong bang date ngayon? Kailangan ko din malaman ang oras!" natatarantang sambit niya bago kinuha ang cellphone sa bulsa ng uniform niya. Yeah, naka uniform pa kaming dalawa ngayon dahil hindi pa  naman ako nakakauwi at hindi pa siya nakakapag palit ng damit. Dahil sa sobrang taranta niya, nahulog pa tuloy 'yung cellphone niya sa kamay niya. Hindi ko naman mapigilang matawa habang tinitignan ang cellphone ko. "June 11, 2020. 6:48 pm." natatawang sambit ko. Natigilan siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagulat nalang ako ng bigla siyang ngumiti at lumapit sa'kin para yakapin ako.  "T-thank you.. Shantelle.. I love you." he whispered while hugging me. Sa sobrang dikit niya sa'kin, naamoy ko na ang pabango niya. Manly scent. Ang sarap sa ilong. Pero mas masarap pakinggan 'yung sinabi niya. Napangiti naman ako bago siya niyakap pabalik. Parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang ang luwag. Hindi ko maexplain, basta masaya ako ngayon. "Asan na 'yung kiss ko?" natatawang tanong ko. Bigla tuloy siyang bumitaw sa pagkakayakap at tinitigan ako ng seryoso sa mata. He gulped bago nagsalita. "Seryoso ka ba? Gusto mo talaga ng kiss?" hindi makapaniwalang tanong niya. I frowned. "Yeah." I answered. "Do I have to ask thrice?" Nahihiya na akong manghingi ng kiss ah. Paulit ulit nalang siya. Hindi niya ba alam kung gaano ako nahihiya ngayon? He bit his lower lip and I found it.. uhh, sexy? Damn. Nag iiba na takbo ng isip ko. I sighed and looked away. Nagulat naman ako ng bigla siyang hawakan ang baba ko at pilit na iniharap sa kaniya. I stared at his eyes. We stared at each other's lips. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko sa mga oras na 'to. At mas lalo pang lumakas ang t***k ng puso ko nang sandaling ilapat niya ang labi niya sa labi ko. Natigilan ako at natulala. Nararamdam ko ang malambot niyang labi sa'kin. Hindi siya gumagalaw. Nakadikit lang ang mga labi namin sa isa't isa. Napapikit nalang ako. Ang sarap, ang sarap pala sa pakiramdam.. "Sweet," sambit niya.  Napamulat nalang ako ng mata at nakitang nakangiti na siya sa'kin at hindi na magkadikit ang mga labi namin.  Napahawak naman ako sa mga pisngi ko nang maramdaman kong nag iinit ang mga iyon. I looked away at pinaypayan ang sarili ko. Ang init! Ba't bigla nalang uminit dito? Bukas naman ang aircon, ah?! "Oy, na k-kiss na kita.. Wala ka man lang bang sasabihin diyan?" kulbit niya sa'kin. Nakaupo na siya ngayon sa tabi ko. I looked at him and smiled. "You stole my first kiss." pagbibiro ko. Ngumisi naman siya ng nakakaloko bago sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. "First kiss mo pala 'ko? Parang ang sarap pakinggan." he chuckled. Nag iwas ako ng tingin para itago ang kilig ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "Uuwi na'ko." Tumayo din naman siya at pumunta sa harapan ko. He smiled. Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko at halikan ako sa noo. "Tara, hatid kita. Pero bago 'yon.." napatingin ako sa kaniya nang may bigla siyang kalikutin sa phone niya. Ngumiti siya sa'kin bago itinapat sa mukha namin ang phone niya. "Picture muna tayo, hehe."  Natawa nalang ako bago tumango. Nag peace sign ako at ngumiti pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong halikan sa cheek ko kasabay ng pag click niya sa camera. "Delete mo 'yon." utos ko pero tumawa lang siya at mabilis na itinago ang phone niya. "Cute mo kaya, ba't ko ide-delete." he laughed. Napabuntong hininga nalang ako at wala ng nagawa. Bahala siya sa buhay niya! Lumabas na kami sa kwarto niya at dumiretso sa kotse niya na nasa labas ng bahay. Hindi na ako nakapag paalam pa sa mommy niya dahil hindi pa iyon umuuwi. Hinatid niya ako hanggang sa gate namin. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto kahit sinabi kong may kamay naman ako. Hays, hindi lang talaga ako sanay na may gumagawa no'n para sa'kin. I think, kailangan ko nang sanayin ang sarili ko. Myghad. May boyfriend na ako. Parang hindi parin ako makapaniwala. "'Di mo'ko papapasukin?" nakangiting tanong niya. Napasimangot naman ako. "Why? Do you want me to introduce you to them as my boyfriend? I told you, hahanap pa ako ng—" He chuckled. "Joke lang, e. Sige na. Pumasok kana. Goodnight, baby." nakangising sambit niya. Bigla namang nag init ang mga pisngi ko. "G-goodnight.." sambit ko bago siya tinalikuran. Narinig ko pa ang pag sigaw niya ng baby pero masyado na akong kinikilig kaya hindi ko na siya nilingon pa.  Baby, huh? Patay na ang lahat ng ilaw pagkarating ko sa tapat ng frond door. Hindi ko alam kung gising paba si mom o kung nandito ba siya ngayon. Madalas naman silang wala dito eh. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob nang makapasok ako. Pero muntik na akong atakihin sa puso nang makita ko si Yaya Felli sa likuran ko. May hawak siyang vacuum cleaner. "Omayghad! Y-yaya Felli? Kailan kapa nakabalik?" kunot noong tanong ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang gulat. "May naiwan lang akong gamit, Shantelle. Babalik din ako sa probinsiya maya maya. Hinintay lang talaga kitang makauwi. Saan kaba galing?" nakangiting tanong niya. Pero ang weird niya kung makangiti sa'kin. Sana naman mali ang iniisip ko. Sana wala siyang nakita, jusko. Nag iwas ako ng tingin. "Kina Yarah lang, Yaya." I lied. Nagulat naman ako ng ngumisi siya sa'kin. "Nasa birthday party si Yaya ngayon. Dumaan siya dito kanina para ayain kang sumama." Pilit akong ngumiti kay Yaya. Kainis, ang bulok ko talaga magsisinungaling! Nakakainis din si Yarah. Dapat nag text muna siya sa'kin kung pupunta siya dito sa bahay! "Hmm, sino 'yung lalaking naghatid sa'yo, Shantelle? Boyfriend mo 'no?" kinikilig na sabi ni Yaya. Nanlaki naman ang mga ko at sinenyasan siyang tumahimik. Nagpalinga linga pa akong sa buong bahay dahil baka may makarinig. "Shhh, Yaya. Ano bang sinasabi mo?" Tinaasan niya ako ng kilay at nag crossed arms pa. "Asus! Ikaw ha! Dalaga na talaga ang alaga ko!" She laughed at kinurot pa ako sa tagiliran kaya napangiwi ako at sinamaan siya ng tingin. "'Wag kang mag alala. Nag text sa'kin ang parents mo. Mamaya pa uwi nila kaya ako lang ang nakakita sa inyo ng boyfriend mo. Infairness, ang gwapo ha! Classmate mo ba 'yun?" Napabuntong hininga nalang ako. Kahit kailan talaga wala akong kawala kay Yaya. Kilalang kilala niya na ako. "Yaya. Hindi pa 'yon alam nila mom and dad. Isusumbong mo ba ako?" malungkot na tanong ko. Ngumiti naman siya. "Balak mo naman siguro siyang ipakilala sa parents mo 'diba?" I nodded. "Edi, hindi kita isusumbong. Baka sabihin mo pa pinangungunahan kita sa love life mo, e." natatawang sabi niya. "Basta 'wag kalang gagawa ng kalokohan kasama ng jowa mo. Baka isumbong kitang bata ka. Pero, Shantelle anak.  Kung may problema ka ngayon. Nandito lang ako ha? Laging akong nandito. Kahit busy ako sa pamilya ko ngayon kaya parin naman kitang asikasuhin. Para narin kitang tunay na anak, e." Napangiti nalang ako bago niyakap ng mahigpit si Yaya. "Love you, Yaya." sambit ko. Nakakagaan talaga ng loob pag si Yaya ang nagsalita. Mas magulang pa ang tingin ko sa kaniya kaysa sa parents ko. Hays, "Che!" I heard her laughed. "Teka. Kumain kana ba? Kung hindi pa, ipagluluto kita. Mamaya pa naman ang luwas ko. Maaasikaso pa kita." Bumitaw ako kay Yaya at nag isip. "Siopao. Gusto ko ng siopao, Yaya." Ngumiti naman siya. "Sige, mag shower ka muna at magpalit ng damit. O-order na ako." Tumango ako at umakyat na sa kwarto ko. Pabagsak akong huminga sa kama ko. Tsaka ko lang napansin na suot ko pa ang shoulder bag ko kaya mabilis ko iyong inalis sa katawan ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko nang marinig ko itong tumunog. Nero sent a photo.  Agad akong napangiti nang makita ang sinend niyang picture sa IG. It's a screenshot of his contact list. May bilog ang number ko doon at 'love' ang nakapangalan. Inedit na niya pala ang kaagad.  nero.elvis : Hi, love. Hahahahahaha. Nakauwi kana ba? Uy, grabe ang saya ko.  Nakangiti na naman ako ngayon! Hahaha. Paano ba 'to?  I bit my lower lip to stop myself from smiling. The heck, kapag talaga nababasa ko ang  messages ng lalaking 'to napapangiti nalang ako. May messages siya sa IG at may text din. Hindi ko tuloy alam kung alin ang rereplyan ko. But then I decided na i-text nalang siya. From: Nero Uy, Paltan mo nadin name ko sa contacts mo hehehe. Gawin mong 'Love ko'to' Hindi ko na mapigilan ang tawa ko ng mabasa naman ang text niya. Love ko 'to? Really? I laughed. Ano siya mcdo? Hahaha. Napangiti nalang ako bago in-edit ang pangalan niya sa contacts ko. Ginawa kong Boyfriend ang name niya.  I giggled while staring at it. Hindi parin talaga ako makapaniwalang may boyfriend na ako. Damn. Nakakakilig pala. To: Boyfriend Tama na kakangiti. Nakakangawit ng panga 'yan. Just sleep. Wala pang sampung segundo nakapag reply na agad siya. Hanep. From: Boyfriend Sige tulog na tayo. Pero may ibibigay muna akong app sa'yo, baby. Hihi Napakunot naman ang noo ko sa reply niya. App? What app? At bigay talaga? Hindi pasa? I laughed. To: Boyfriend What? What app? From: Boyfriend App-elyido ko. HAHAHAHA I love youuu. Goodnight, sana kiligin :> Sobrang laki ng ngiti ko ng mabasa ko 'yon. Kahit kailan ang corny niya. Hahaha. Pero, kinilig ako. Infairness. To: Boyfriend Corny, haha. Goodnight, I love you too.  Ipinatong ko na ang cellphone ko sa side table bago kinuha ang tuwalya ko at pumasok na sa bathroom para mag shower. I took a hot shower for 30 mins. Matagal talaga akong maligo. Nag suot lang ako ng printed na pajama at puting t-shirt. Sinuklay ko ang buhok ko at lumabas na ng kwarto dahil tinatawag na ako ni Yaya para kumain. Hindi pa talaga ako matutulog dahil tatawagan ko pa si Yarah. Gusto ko lang na maagang matulog si Nero. The next day, nagulat ako ng makitang nasa kusina sina mom and dad. Naka apron si mom habang naghahanda ng agahan habang si dad naman ay nag babasa ng diyaryo at kumakain ng french toast. The usual picture, I guess. Pero anong oras kaya sila umuwi? Hindi na silang nag abalang gisingin ako. "Good morning, anak. Come here, eat with us. I heard ngayon ang exam niyo? Are you prepared, honey?" nakangiting tanong sa'kin ni mom ng makita niya akong binubuksan ang ref. "Morning, anak." Dad also greeted me. "Morning," tipid na sagot ko bago kumuha ng fresh milk sa ref at nilagok iyon. "Yeah, nag review napo ako kahapon." pinunasan ko ang labi ko bago lumapit sa dining table. "Anong mayroon? Bakit nagluto kayo? At kailan papo pala kayo nakauwi?" sunod sunod na tanong ko. Napansin ko din kasi na ang daming nakahayin sa lamesa. Mom smiled at me. "We have a new client. Sobrang laking project ang ibinigay niya. That project worth  millions." tuwang tuwang sambit ni mom. Si Dad naman ay nag thumbs up lang sa'min. I also smiled, but that smile disappeared when I realized something. "Where? Saan location ng project, mom?" Tulad ng sa'kin, nawala din ang ngiti sa labi ni mom. "Singapore." I just nodded. Masaya ako para sa bago nilang project. Para rin naman sa'kin 'yon. Nakakalungkot, but I have nothing to do with it. Dapat nga masaya pa ako dahil hindi ko na kailangang problemahin pa ang future ko. I'm their only heir. Someday, ako na ang hahawak sa kompanya namin. After ng breakfast, umalis na sila mom para pumasok sa company. May business meeting padaw sila. As usual. Ako naman ay bumalik na sa kwarto para maghanda. Naligo ako at nag bihis na. Nagdala lang ako ng kaunting gamit dahil exam lang naman. First examination. "Shan!" Nagulat ako nang makita si Yarah na nasa labas ng mansion namin at nakasakay sa Silver Porsche niya. Edi siya na may kotse. Right, kailangan magkaroon nadin ako.  "Kamusta lovelife, girl?" nakangising tanong niya ng makasakay ako sa sasakyan niya. Sa shotgun seat ako umupo para hindi siya mapagkamalang driver ko haha. Inirapan ko siya. Alam na niya ang tungkol sa'ming dalawa ni Nero dahil nag video call kami kagabi. Palagi siyang updated sa mga ganap ko sa buhay. Samantalang siya, bihira lang kung mag update. Tss. Unfair. "Okay naman. Masaya ako." sagot ko. I heard her laughed while driving. Ngayon ko lang din napansin na nakapang nurse siya ngayon. Nurse uniform ng Crescent High. Mukha siyang malinis na babae ngayon, hanep. Pero bakit nakalugay pa siya? Dapat naka pusod na ang buhok niya. "Really? Masaya ka?" taas kilay na tanong niya. I immediately nodded. "Oo nga. Thanks to you. Sinunod ko sinabi mo na mag explore." Humalakhak naman siya bago nagsalita. "Syempre! Ako paba! Expert ako diyan, e." mayabang na sambit niya. Isinangat niya ang buhok niya sa tainga niya at nagpabebe. Dahil sa ginawa niya nakita ko tuloy 'yung leeg niya. Agad namang napakunot ang noo ko ng may mapansin ako do'n. "Myghad, Yarah. Hindi ka man lang nag abalang i-conceal ang hickeys mo." kunot noong sambit ko bago binuksan ang bag ko at inilabas ang concealer ko. Mahina naman siyang tumawa. "Duh. Nakalimutan ko, e. Pero sige mamaya. Lagay mo nalang 'yang concealer diyan sa bag ko. Mamaya ko gagamitin. Mag aayos pa naman ako sa washroom, e." natatawang sambit niya. "Sino bang bago mo ngayon?" curious na sambit ko. Alam ko kasing paiba iba siya ng lalaki. Hindi na 'yon bago sa kaniya. Sanay narin ako.  Napansin kong napataas ang kilay niya. "What? Are you curious?" "Yeah, sino nga?" Tumawa siya bago nagsalita. "Yes. May bago ako." kinikilig na sambit niya. "Model tapos Culinary Student." sambit niya tapos kumindat pa sa'kin. Napangiwi naman ako dahil sa kaartehan niya. "Culinary? 'Yon naba mga type mo ngayon? Bakit hindi doktor? For sure maraming gwapong doktor sa department niyo." I commented. She shook her head while smirking. "Nah, I just realized na mas masarap talaga ang culinary student. Masarap na nga mag luto, masarap pa sila." "Gross. Kung gano'n natikman mo na agad 'yung bago mo? Unbelievable." hindi makapaniwalang sambit ko at nag crossed arms. "Name drop, Yarah." Ngumiti naman siya at saglit akong sinulyapan. "You know him, nakwento ko na siya sa'yo. Duh? Nakalimutan mo na?" My brows furrowed. "Sino do'n? Sa dami ng ikinuwento mo hindi ko na alam kung sino sa kanila." She chuckled. "He's Theo Cael Fernandez. 'Yung nai-kwento ko sa'yo dati." Naningkit naman ang mga mata ko. Pilit kong inaalala kung sino ba 'yung tinutukoy niya.  Okay, naaalala ko 'yung name. Pero 'yung itsura ng taong 'yun never ko pang nakita. Tumawa naman si Yarah. "Get my phone. 'Yun parin passcode 'di naman ako nagpapalit. May pictures siya sa gallery ko. Take a look." Tumango naman ako at sinunod ang sinabi niya. Nag browse ako ng pictures ng lalaking 'yon sa gallery niya at nagulat dahil may sarili pa itong album. Very important person? "What do you think? Gwapo 'no?" Napabuntong hininga nalang ako bago ibinalik ang cellphone niya sa bag niya. "Pwede na." tipid na sagot ko. "Luh? Anong pwede na? Hoy, model 'yan ah!" pagrereklamo niya.  Natawa nalang ako bago nagsalita. "Mas gwapo pa si Nero sa kaniya, e." Yarah rolled her eyes. "Malamang jowa mo 'yun, e. Gaga ka. Porque may jowa ka diyan. Bakit nga pala hindi ka sinundo ng jowa mo?" Nagsalubong naman ang kilay ko. "Hindi pwede. Makikita siya ng parents ko." "Tss, 'yan ang hirap kapag secret relationship, e." umiiling na sambit niya. "Ang hirap kayang magkiss ng patago." Agad namang namula ang magkabilang pisngi ko nang marinig ang salitang kiss. Myghad. Eto na naman 'yung feeling!  I looked away para hindi niya nakitang nagbablush ako. Alam rin ni Yarah na nagkiss na kami ni Nero. Yes, pati 'yon nai-kwento ko sa kaniya. "Good luck sa exams." sambit ko bago bumaba ng kotse niya. Nasa parking lot na kami ng Crescent High. "Ikaw din. Hingi ka muna ng kiss sa jowa mo para may motivation ka." natatawang sambit niya pero inirapan ko lang siya. "Nga pala, manlilibre si Keanna mamaya sa Bar. Do you want to come?" Nakurap naman ako. Right, hindi ko pa natutupad 'yung promise ko sa kaniyang sasama ako mag bar. Well, hindi naman kasi talaga ako party girl, e. Baka ma out of place lang ako do'n. I hate dance floors and crowded places. Pero dahil may promise ako sa kaniya sige papayag na ako. "G ako."  Nakangiti naman siyang tumango.  "Okay see 'you later, girl!" Tumango ako at nagkaniya kaniya na kami ng way ni Yarah papunta sa building namin. Malayo ang building niya sa'kin dahil Med Student siya. Katabi ng department namin ang sa Engineering department at ang Law Department. Hindi naman ako kinakabahan ngayon. Exam lang 'yon. Magaling pa naman ako pagdating sa memorization. Iyon ang isang bagay na gusto ko sa sarili ko. Natapos ang tatlong oras at tatlong subject din ang na take ng buong klase.  Vacant na, napabuntong hininga ako bago isinukbit ang bag ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng uniform ko nang maramdaman ko itong mag vibrate. Malamang nag text na ang boyfriend ko. From: Boyfriend Kamusta exam, baby? Vacant na. Tara lunch! I'll wait here infront of your building. I miss youuu :> Napangiti nalang ako nang mabasa ang text ni Nero. He never fails to make me smile. "Uy, Shantelle! Tara lunch?" Napatingin ako sa kay Lira at sa isa pa naming kaklase na si Darius. Nakangiti si Lira sa'kin habang sukbit din ang bag niya at dala ang isang manipis na libro.  "Kakain kami sa bagong bukas na Japanese Restaurant sa labas nitong University. Would you like to come?" nakangiting tanong naman nitong si Darius. Close friend siya ni Lira. Palagi ko rin silang nakikita na magkasama. I immeditely shook my head and gave them a small smile. "Sorry hindi ako pwede. Kayo nalang." "Ano ba 'yan." Lira pouted. Kaagad din siyang tumango bago nagpaalam sa'kin at hinila si Darius palabas ng classroom. Pagkalabas ko ng building nakita  ko kaagad si Nero na nakasandal sa may puno sa gilid at kunot noong nakatingin sa cellphone niya. Nakabukas ang tatlong butones ng uniform niya at wala rin siyang suot na blazer. Hinahangin ang kulay itim niyang buhok, and I just found it.. Attractive. Napabuntong hininga si Nero habang nakatitig mabuti sa cellphone niya. Right, hindi pa nga pala ako nakakapag reply sa kaniya. Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at type ng reply sa kaniya. Naisip kong biruin siya. To: Boyfriend I'm sorry. Kasama ko friends ko, e. Pinanood ko siyang basahin ang text ko at natawa ako ng mahina ng makita ang paglungkot ng mukha niya. Para siyang inagawan ng laruan. Bagsak din ang magkabilang balikat niya. Hahaha. Nagsimula na siyang magpipindot sa cellphone niya kaya na tinignan ko narin ang cellphone ko. From: Boyfriend Okay lang. Aayain ko nalang sila Harris at Silver na maglunch. Enjoy your lunch with your friends. Mas lalo akong natawa nang sipain niya ang bato malapit sa kaniya. He scratch his nape a little, turned his back and started to walk away. Mukhang tampo na. I giggled. I tied my hair into a ponytail and ran towards him to surprise him. Humarang ako sa harapan niya at natawa ako nang mabuo ang gulat sa mukha niya. Shocked was all over his face. "Akala ko kasama mo friends mo?" he pouted. I smirked and leaned closer to him to pinch his nose. "I lied." natatawang sambit ko. His brows furrowed but then he smiled. I was surprised when he grabbed my waist and took my pony tail away. Mabilis na umakyat ang inis sistema ko nang marinig ko siyang tumawa at magtatakbo palayo sa'kin. "Tss. Bumalik ka rito!" inis na sabi ko bago tumakbo para habulin siya. Pero dahil basketball player siya at matangkad siya sa'kin, nahirapan akong habulin siya. Nakarating na kaming dalawa sa labas ng University bago siya tumigil sa pagtakbo. Hinihingal ako nang maaubutan ko siya. Stupid me, bakit ko nga ba kasi siya hinabol?! Natatawa siyang lumapit sa'kin bago inabot ang  bottled water. "Eto, oh. Mukhang napagod ka." he laughed. Inis ko iyong kinuha at mabilis na nilagok. "Give me back my ponytail, you jerk." sambit ko nang makakalahati ang bottled water at iabot 'yon sa kaniya. Natawa siya bago pumunta sa likuran ko at inipon ang lahat ng buhok ko. Inipitan niya ako. Hindi ko alam na marunong pala siyang mag ipit. "Marunong karin ba ng braid?" curious na tanong ko pero tinawanan niya lang ako bago kinuha ang bag ko sa'kin at siya na mismo ang nagdala no'n. He always do that. I just let him. Gentleman daw siya, e. He shook his head and gave me a small smile. "Pag aaralan ko, para sa'yo." he said then he held my hand. "Tara na, mamaya na ladian. 2 hours lang vacant, e." Inirapan ko nalang siya. Siya 'yung malandi dito, e. Dinala niya ako sa isang Japanese Restaurant. At kung kamalas malasan nga naman nandito sina Lira at Darius! "Sa iba nalang kaya tayo kumain?" aya ko. "Huh? Ayaw mo ba dito? Friend ko kasi anak ng may ari nito kaya baka maka discount tayo." he winked at me at inabala ang sarili niya sa menu. Napansin ko naman na nakatingin sa direksiyon namin sina Lira at nakangisi pa sa'kin. Argh! For sure, kukwentuhin na naman ako ng babaeng 'yan mamaya. Haist. She's so talkative. I ended up ordering the same food that Nero ordered. He ordered takoyaki and ramyun. I decided to ordered some dumpling para naman ganahan akong kumain. Mabilis ko iyong kinagatan. I heard him laughed so I glanced at him with a confusing look. "What? Eat your food." "Tangina siopao na naman." he chuckled habang hinahalo ang ramyun niya. "Na naman?" my brows furrowed. Ngayon lang ako kumain ng siopao sa harapan niya kaya anong sinasabi niyang nananaman? "Wala. Si Harris kasi nakain din ng siopao kanina sa Little House noong iniwan ko sila. Nagdadamot pa ang gago e, hindi naman ako hihingi." natatawang sambit niya. "Little house?" "Oo, 'yung hide out namin sa loob ng University. Pinasadya talaga 'yun ng mommy ni Harris para sa'ming tatlo nila Silver. Minsan dadalhin kita do'n. Ipe-flex kita sa kanila. Iinggitin ko 'yung kupal na si Silver." he brushed his hair using his fingers while smiling. Tumango tango naman ako. Napatingin ako sa kaniya ng may maalala ako. "Inaya ako nila Yarah mag inom mamaya sa bar. Do you want to come?" He raised his brows. "Nag ba-bar ka?" I nodded. "Yeah. Pero minsan lang. Masyadong mapilit si Yarah, e." I explained. He took a deep breath. "Malamang sasama ako. Bar 'yon, e. Ihahatid kita sa inyo mamaya tapos magbihis ka muna. 'Wag kang pupunta do'n ng naka uniform, bawal 'yon. Nga pala, anong oras ba? At saan?" I rolled my eyes. He sounds so protective at hindi ako sanay. "I don't know. I'll asked Yarah about it later." He just nodded and continue eating. Hindi ko narin napansin ang presensiya nila Lira at Darius dahil sa sobrang kadaldalan nitong si Nero. Ang dami niyang kwento. Kulang nalang gawin niya na akong Diary niya ha. "Sige na, punta kana sa room mo. Sunduin kita mamaya." he gave me a soft kiss then pinched my cheeks. Tumango ako naman ako at ngumisi bago siya mabilis na hinalikan sa pabalik. Smack kiss. Ganti ganti lang. Haha. "Ikaw ha. Marunong kana ng mga moves." he smirked. "Gumanti lang ako. Sige na, I'll see you later. Baby." sabi ko at tinalikuran na siya para pumasok sa building ko nang tawagin niya ko ulit. "Ano?" kunot noong tanong ko. He smiled. "Isa pa ngang baby diyan. Ang sarap pakinggan, e." I rolled my eyes and didn't even bother to do what he was asking. Kinindatan ko lang siya bago ako mabilis na pumasok sa building. Narinig ko pa ang pagtawag siya sa'kin pero hindi ko na siya pinansin. Mabilis na natapos ang tatlo pang subjects na in-exam namin ngayon. Palabas na ako ng room ko ng harangin ako ni Lira. Hindi niya kasama ngayon si Darius. "Step aside, Lira. You're blocking my way." She playfully smirked at me. "Ihh, ikaw ha? Ano 'yung kanina, Shantelle? Kayo naba? Kwento ka naman diyan!" I took a deep breath before nodding. "Yeah. He's now my boyfriend. Any problem with that?" I raised my brow. Kahit kailan talaga napaka usisera nitong si Lira.  Tumawa siya na parang kinikilig. "Ano kaba! Bakit naman ako magkakaproblema do'n? Taray mo talaga. By the way, stay strong sa inyo, ah!" Tumango nalang ako at nagpaalam sa kaniya. Habang naglalakad ako sa corridor napakunot ang noo ko nang makita ko si Harris na nakatayo sa may bintana at may kausap sa phone. He looks so serious. Nakalagay ang isang kamay niya sa bulsa ng uniform niya at nakakunot ang noo. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kaniya at tumigil sa may vending machine sa likod niya para makichismis. Magandang excuse ang vending machine para makichismis. "Detective Cuevas,  gathered all the information, please. Hand it over, tomorrow afternoon.. Yes, I am. I'm going back to Laguna tomorrow morning just to check it myself. Yeah, I can manage. Just send me the address. Don't tell anyone about this. Lalo na kay Dad. That bastard, doesn't want me to know about my past. Yeah, thanks. I need to hang up..." Napakunot noo ako habang binubuksan ang wallet ko upang kumuha ng pera. He called his dad a bastard, why? At siya pupunta ng Laguna? Anong gagawin niya do'n? Inihulog ko ang barya sa machine at pinindot ang Sprite. Agad ko iyong kinuha ng lumabas na iyon. Napasinghap ako at muntik nang mapatalon sa kinatatayuan ko ng lumingon sa'kin si Harris. Nakataas ang isang kilay niya habang naglalakad papalapit sa'kin. "Eavesdropping?" My brows furrowed when I heard what he said. Bahagya pa akong tumawa ng sarkastiko bago nagsalita. "Yeah," I shrugged. "But I don't really care." sabi ko bago nagsimula nang maglakad habang binubuksan iyong Sprite. Lumingon ako sa likuran ko at hindi ko na siya nakita. Hindi na niya ako sinundan. At bakit naman niya gagawin 'yon? Napabuntong hininga nalang ako nang makalabas ako ng building. I sat on the bench while waiting for Nero. Napatingin ako sa hawak kong Sprite at napangiwi. Dahil sa lalaking 'yon napainom tuloy ako ng soft drink ng wala sa oras, hays. Napakunot noo ako. Ano nga kayang gagawin niya sa Laguna at kinailangan niya pang mag hire ng detective? Laguna is my home town kaya naku-curious ako. Baka mamaya pareho pala kami ng Harris na 'yon, e. Baka Laguna rin ang home town ng kupal na 'yon kaya nakita ko siya do'n, last time. "You're so mysterious, Harris. Bakit ba palagi nalang akong naku-curious sa'yo? What's with you?" ———————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD