S h a n t e l l e
"Sino kausap mo—"
"s**t!" mura ko nang bigla nalang sumulpot si Nero sa harapan ko. Muntik pa akong mapatalon sa sobrang gulat at maibato 'yung Sprite sa mukha niya. Langya!
"Hala, nagmumura."
Inirapan ko nalang siya. "Bakit kaba kasi sumusulpot bigla? My god, muntik na akong atakihin sa puso ha." Sabi ko bago ibinato 'yung lata sa malapit na trash can.
"Paano 'yung atake?" natatawang sabi niya bago kinuha ang bag ko sa'kin. These past few days, mas nagiging clingy na si Nero sa'kin at palabiro. I think, pinapakita niya lang talaga sa'kin kung ano talaga siya.
"Ewan ko sa'yo," I shrugged. Tinawanan niya lang ako kaya naman nag cellphone nalang ako dahil narinig ko iyong tumunog. May message na sa'kin si Yarah. Sinabi ko kasi sa kaniya na mauna na sila at i-text nalang sa'kin ang location ng bar dahil isasama ko si Nero.
"Sino 'yang ka-text mo, ha?" taas kilay na tanong niya.
Tumayo na ako at hinila siya palabas ng school. Hindi naman na siya umangal.
"Sa labas ng village mo nalang ako ihatid, Nero. Baka mamaya nasa bahay sila mom, e." sabi ko ng makasakay kami sa Mercedes niya.
"Sige, pero kiss muna." he pouted.
Pinagsingkitan ko siya ng mga mata. "Just drive. What the hell? Nanghingi lang ako ng kiss sa'yo last ime tapos gusto mo nang maya't mayain?" hindi makapaniwalang tanong ko at nag crossed arms sa harapan niya.
He chuckled while starting the engine. "Grabe ka naman sa maya't maya, oy." he bit his lower lip to stop himself from laughing.
I just shrugged. Maya maya nagsalita na naman siya. He suggested to drop by in a drive thru dahil nagugutom daw siya. Tumango nalang ako.
"Love, anong gusto mo?" he asked.
Nag isip naman ako. "Uhh, cheese burger deluxe nalang tsaka fries." I answered.
"'Wag na drinks."
"Huh? Pero mas mapapamahal ang order kapag walang drinks. Magiging alacart lang kasi sila pareho."
Napakunot naman ako noo ko. 'Yung crew naghihintay lang sa'min na maka order. Mabuti nalang at walang nakapila sa likod namin.
"What do you mean by alacart? Ano 'yon?" kunot noong tanong ko. Seriously, I don't have any idea. Lahat ng pagkain na kinakain ko ay hindi ako ang bumibili. May utusan ako. Besides, I don't like ordering in a drive thru.
I heard Nero's laughed so I glanced at him and raised a brow.
"Oy, seryoso hindi mo alam 'yon?" he grinned. Parang nang aasar pa!
Napairap nalang ako. "Itatanong ko ba kung alam ko, ha? Just add a coke in my order para matapos na'to."
Tumawa ulit siya bago binalingan 'yung crew na sobrang laki ng ngiti habang nakikipag usap sa boyfriend ko. Tss.
Pinaandar niya ang sasakyan niya para kunin 'yung order sa kabila at para magbayad narin. Nakangising niyang ibinigay ang paper bag sa'kin.
"Ano ba, Nero? I already told that I was once blind, so marami akong hindi alam. Stop smirking at me. Nakakaasar." inis na sambit ko habang masamang nakatingin sa kaniya.
"'Yung alacart, solo order ang ibig sabihin no'n." he laughed. "Pero pag sa Jollibee ka umorder tapos sinabi mong alacart hindi ka nila maiintindihan. Sa mcdo lang kasi ginagamit 'yung alacart, e." paliwang niya.
Napatango tango nalang ako. Talagang pinaliwanag niya pa, ha? "Okay, thanks sa knowledge." sambit ko bago inalis ang burger wrap at kinagatan iyon.
"Oy, pakagat naman." sambit niya. I looked at him. Mukha siyang naiinggit dahil nagdadrive siya ang hindi makakain. Natawa nalang ako bago inilabas 'yung burger niya at inilapit iyon sa bibig niya.
"Oh," sabi ko pero napakunot ang noo ko nang umiling siya.
"Ayoko niyan. 'Yung sa'yo ang gusto ko. Pakagat." he winked at me. "Nanlalambing lang." tumawa siya.
Napabuntong hininga nalang ako bago inilapit sa kaniya ang burger ko. Napaka choosy, 'yung akin pa talaga ang gusto. Edi sana gan'to rin inorder niya 'diba? Hays.
Like what I've said he stopped his car outside the village. Ang sabi niya uuwi rin muna siya para magpalit ng damit dahil pareho pa kaming naka uniform. Malapit lang naman daw ang condo niya kaya hindi hassle. Tumango nalang ako at naglakad na papasok sa village.
As I entered the house I saw my mom in the living room in front of her laptop. She was wearing her reading glasses while scanning some papers that she was holding.
"I'm home."
She glanced at me and smiled. "How's your exam, anak? Uhh, are you hungry?"
I shook my head. "Exams went well and I'm not hungry. I'm going out tonight, mom. Yarah invited me for a drink." pagpapaalam ko. Okay lang naman sa parents ko na umiinom ako basta madalang lang dapat. At tsaka hindi na ako bata para pagbawalan pa.
She raised her eyebrow. "Anong oras ka uuwi? Sinong kasama niyo ni Yarah?"
"Uhh, her friends. I'll be home at.." tumigil ako sa pagsasalita upang tingnan ang wrist watch ko.
"Nevermind, anak. Basta umuwi kapag hindi mo na kaya. You know, you have a low tolerance. Walang maghahatid sa'yo pauwi. Wala ding mag aasikaso sa'yo pag uwi mo dahil may pupuntahan akong hotel mamaya para umattend ng meeting. Baka do'n na ako matulog."
I smiled and gave her a nod. Sanay na naman ako na wala sila ni Dad. Paakyat na ako ng hagdan nang may maalala ako. "Mom? I think I need a car."
Inalis niya ang tingin niya sa laptop niya at inilipat iyon sa'kin. "Why? You don't have a license."
"Well, I'm having a hard time commuting everyday. I'm sure nahihirapan din kayo. Kailangan niyo pa kasi akong ihatid sa school kahit busy kayo." I insisted. Trying to please her.
She took her glasses off. Saglit itong nag isip bago bahagyang tumango. "Okay, I'll buy a new car. I'll gave you my car once you have a license. I will hire someone to take care of your papers. Marunong kana namang magdrive kaya madali na 'yon. Just wait."
The corner of my lips lifted up when I heard that. Hindi ako makapaniwala, may kotse na ako!
"Thanks, mom." I smiled. "Anyway, where's Dad?" my brows furrowed. Palagi nalang si mom ang nakikitang kong umuuwi dito sa bahay. Si Dad parang minsan lang talaga. I wonder why.. Pareho lang naman sila ng field at company na pinagtatrabahuhan. Pero si Dad mas mukha siyang busy kumpara kay mom. To the point na one a week ko lang siya kung makita.
I heard my mom deep sighed. Ngumiti siya sa'kin, but I felt something stranges with her smile. I can't explain. Basta.
"Anak.. ano'ng gagawin mo kapag nagkaroon ka ng kapatid?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng marinig ang tanong niya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa hand railings ng hagdan. Hindi ko kasi ma gets, I'm asking about Dad pero tungkol naman sa ibang topic ang itinanong niya. 'Yung tanong ko pinatungan niya rin ng tanong.
"Why? Are you pregnant?" naguguluhang tanong ko. Well, I doubt it. Masyado na silang busy sa work para mag honeymoon. You know. Hindi ko nga sila nakikita na sweet sa isa't isa, e.
She laughed a little then tucked her hair in the back of her ears. "No. Ofcourse not, honey. I'm just asking you what if's."
Napabuntong hininga nalang ako. "Like what I've said before.. it's fine. Okay lang sa'kin magkaroon ng kapatid. It's your choice."
She gave me a half-smile. "Okay then. Go upstairs. Baka malate kapa sa hang out niyo."
I just gave her a light nod. Tinalikuran ko na siya at umakyat na sa kwarto ko. Pag pasok ko, napasandal ako sa pintuan ng kwarto ko. Nakakunot ang noo. Bakit? Kasi hindi ko magets si mom. Last time tinanong ko din siya kung nasaan si Dad tapos bigla nalang niya akong tinanong kung gusto ko ng kapatid. Seriously, what's with her? Kung gusto nilang mag anak ulit. Just go. I'm not against it, anyway. Mas mabuti pa nga 'yon. Para bumalik sila sa dati. Workaholic na sila ngayon, e. May magulang nga ako pero hindi ko naman mahagilap kapag may problema ako.
I shook my head. I put the shoulder bag I was wearing on my bed and removed my blazer. I grabbed my towel and went straight to the bathroom.
After shower, nag ayos ako sa harap ng vanity table ko wearing a bath robe. I just applied light powder foundation and powder liptint. Rosy cheeks na ang cheeks ko kaya hindi ko na kailangan mag lagay ng blush on. Sinuklay ko ang mahaba at itim kong buhok.
I just wore a peach brushed fleece sleeve top tucked-in with black fitted ripped jeans, partnered with my black pair of sandals and red sling bag. Wallet, cellphone, lipstick at hand sanitizer lang ang laman ng sling bag ko. Nang masipat ko ang sarili ko sa salamin, agad na akong lumabas ng kwarto ko. Baka kanina pa naghihintay si Nero sa labas ng village. Nakakahiya naman.
"Mom, alis na ako." paalam ko.
She just nodded and didn't even bothered to look at me, so I kept going out of the house. Kung kay Yaya Felli ako nagpaalam, hindi 'yon papayag na aalis ako na walang towel sa likod. Pawisin pa naman ako.
Pagkalabas ko ng village, natigilan ako nang makita ko si Nero na nakaupo doon malapit sa kotse niya. Natigilan ako dahil itsura niya. Ang gwapo niya!
He was wearing a mandarin collar open placket black shirt, gray pants and white rubber shoes. He was also wearing a black cap na mas lalo nag pa gwapo sa kaniya. Langya, ang lakas ng dating. That's probably the reason why other women are looking at him. At mukha naman naman siyang walang pakialam. Hindi man lang niya tinatapunan ng tingin 'yung mga babaeng dumadaan sa harapan niya.
I gulped while walking towards him.
"Hoy." tawag ko.
Nag angat siya ng tingin at kaagad na ngumiti nang makita ako. "Ganda mo naman. Girlfriend ba talaga kita?" sabi niya bago tumayo at inakbayan ako. "Tara na, saan daw ba kayo iinom?"
"Sa Young's Bar. " I answered.
"Ahh, sa Bar pala nila Theo." sagot niya nang makasakay kami sa Mercedes niya.
My brows furrowed. "You know him?"
He glanced at me and slightly nod. "Oo, tropa kami no'n.. Dati." he laughed. "Pero hindi na gano'n ka-close ngayon." dagdag pa niya bago nagsimulang paandarin ang makina.
Napakunot noo naman ako. Dati?
"What happened?" I asked curiously.
"Dahil sa babae," he shrugged. "Pero matagal na 'yon, e. Bati na kami pero hindi lang nag uusap ng madalas."
Napairap nalang ako. "Ahh, pinag agawan niyo 'yung ex mo dati?" I raised my brow. Iyon kaagad ang pumasok sa isip ko. Well, babae daw, e. I looked at the window. Naningkit naman ang mga mata ko nang marinig ko siyang tumawa. Ano namang nakakatawa? I glanced at him.
"Ano? Syempre, hindi." he chuckled. "Hindi siya sa'kin nakipag agawan. Kay Harris. 'no. May gusto kasi si Theo kay Melody. 'Wag kana magselos diyan." natatawang sabi niya.
Inirapan ko nalang siya. "Whatever," sambit ko. "Anyway, alam mo ba ang daan papunta sa Young's Bar? Hindi ko alam, e."
He nodded. "Oo naman, madalas din ako do'n, e. No'ng single pa ako."
"Ah, edi madalas kang mag party-party? I wonder kung ilan na ang naging ka fling mo or nakahawak sa'yo do'n." sambit ko bago inayos ang buhok ko at nagcrossed arms. Naiinis akong isipin na nag ba-bar siya dati. Well, alam nating lahat kung anong mga bagay ang nangyayari sa mga bar. Tss.
"Oo, madalas. Maliban nalang kung may exams at laro. Sina Harris at Silver kasi, e. Palaging nag aaya. Pero 'wag kang mag alala kasi naka VIP room kami palagi." he explained. Nagulat naman ako nang bigla niyang hulihin ang kamay ko at pisilin iyon. "Walang ibang babaeng humawak sa'kin, maliban sa ex ko."
I shrugged and rolled my eyes. I know there's nothing to be jealous of, but I just feel annoyed. Tss, sometimes I just don't understand myself.
"So, what's her name?" kalmado kong tanong.
He glanced at me for a moment. Nagtatanong ang mga mata. Pero ibinalik din naman niya ang atensiyon sa kalsada. "Sino? 'Yung ex ko?" kunot noong tanong niya.
I just nodded. "May iba kapa bang naging ex?"
He immediately shook his head. "Wala na. Pero bakit gusto mong malaman ang pangalan niya? Past is past na, e."
"I just want to know. Bakit ayaw mong sabihin? Baka naman may feelings kapa sa kaniya?" naningkit ang mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin iyon.
His jaw dropped. He blinked twice bago nagsalita. "Ano kaba, matagal nang tapos 'yun. Ano bang sinasabi mo diyan, love? Ikaw na ang mahal ko ngayon."
"Edi kung ganoon sabihin mo sa'kin ang pangalan niya." pamimilit ko pa.
Napabuntong hininga nalang siya bago nagsalita. "Oo na. C-Claudelle.. Claudelle Han."
Tumango naman ako. "Ah, may lahi siya?"
"Oo. Half Korean, half beef." tumawa siya ng nakakaloko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya sa pagtawa. He fixed his throat. "Half Korean, Half Filipino." he smiled. Nagulat pa akong nang hawakan niya ang kamay ko. He intertwined our fingers together. "Let's not talk about her anymore.. Ikaw na ngayon ang present ko, dapat sa'yo lang maubos ang lahat ng oras ko.. Mahal kita, e." he said sincerely.
Napangiti nalang ako. Tama siya, bakit nga ba kung ano ano nalang ang iniisip ko?
He stopped his car in front of a bar. He quickly removed his seat belt to get out of the car and opened the door for me.
"Mahal kita," he said while smiling. I was surprised when he gave me a soft kiss on my lips. "Tara na sa loob love." hindi na ako nakapag react pa ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako papasok sa loob ng bar.
"Shan!"
Napatakip ako ng ilong habang naglalakad kaming dalawa ni Nero papunta sa couch kung nasaan sila Yarah, Keanna at Cassio. Kalat na kalat sa buong bar ang amoy ng alak at halo halong pabango ng mga tao dito kaya masakit sa ilong. Hawak ni Nero ang kamay ko habang papunta kami kila Yarah.
"Late ka ng 5 minutes ha! Ano'ng ginawa niyo sa kotse ng jowa mo ha?" turo niya sa'ming dalawa ni Nero bago tumawa. Yarah was wearing a ruched floral midriff top, partnered with black skirt and white two inches heels. Her hair we're on a messy bun.
Napairap nalang ako. Sa table nila andaming nakalagay na alak. Iba't iba pa ang brands. Wala akong ideya kung ano ang lasa ng mga 'yon. Sa buong buhay ko, beer at vodka palang ang natitikman ko. Napilitan pa ako sa vodka na 'yun ha.
"Hi, Shan! Hi Nero! Upo na kayo dito!" nakangiting aya sa'min ni Keanna.
She looks so stunning sa itsura niya ngayon. She was wearing off shoulder ruffle trim maroon dress ended above her knees, black heels, diamond earrings. Her lips we're on blood red shade lipstick. Nakalugay ang chestnut brown short hair niya at nakasangat sa isang tainga para makita ang hikaw niya.
Hinawakan ko ang kamay ni Nero upang hilahin siya at makaupo na kami.
"Hi, Shan! Hi Nero!" Cassion greeted us.
She also looks good on her outfit tonight. Beige cutaway crop top, partnered with high waist maong pants and brown sandals. Her lips we're on nude shade. Naka ponytail ang mahaba niyang buhok, bagay na mas lalong nagpaganda sa kaniya.
We greeted them back. Nag simula na silang mag bukas ng alak na nakapatong sa table at sinalinan kaming dalawa ni Nero sa wine glass namin.
"Thanks," Nero said.
"Okay guys. Cheers! Para sa bago kong Bebe at para kay Keanna na single na ulit! Wooo!" masayang sigaw ni Yarah. Mukha na siyang naka inom ng konti dahil sa paraan ng pagsasalita niya. Grabe talaga siya.
Isa Isa naming itinaas ang wine glass namin para mag cheers. Walang tigil sa pagtawa sina Yarah at Cassio habang inaasar si Keanna. Pareho kaming clueless ni Nero sa nangyayari dahil mukha kaming newly recruit dito. Well, mas lalo naman ako. Hindi ko first time sa mga bar pero dito sa bar na'to, first time ko. Maganda naman dito, halatang classy at mayaman ang may ari.
Patuloy lang sila sa pag aasaran at pagtatawanan. Paminsan minsan ay nakikisabat kami ni Nero. Naubos na ang alak sa table kaya naman agad na nagtaas ng kamay si Yarah para mag order pa. Halos lumuwa ang mata ko ng makita kung gaano kadami ang inorder niya. Doble ng kanina, pambihira talaga. Gusto niya yatang magpakalunod kami sa alak katulad niya.
"Yarah. I think this is too much." komento ko ngunit tinawanan niya lang ako. Mabilis niyang kinuha ang isang bote at binuksan iyon. Tuloy tuloy niyang nilagok ang laman no'n na parang sanay na sanay.
"Love, punta lang ako ng rest room. Naiihi na ako. Dami ko na nainom." natatawang bulong sa'kin ni Nero.
Tumango nalang ako kaya mabilis na siyang tumayo para pumunta sa rest room. Napatingin naman ako sa hawak kong wine glass nang makaalis siya. Nakakadalawang baso palang ako pero medyo nahihilo na ako. Mabuti nalang pala at beer lang ang napili kong inumin ngayon.
"Shan! Anong ginagawa mo? Inom kapa! Libre ko naman! At tsaka, walang pasok bukas!" nakangiting sabi ni Keanna bago inagaw sa'kin ang wine glass ko at ibinalik iyon sa'kin na may laman na. Black label ata 'yung hawak niyang bote. 'Yun 'yung inilagay niya sa glass ko.
"Oo, go lang, Shan. Mayaman 'tong si Keanna. Kayang kaya niyang maging sugar mommy!" natatawang sambit ni Cassio na mukhang lasing na. Mabilis siyang binatukan ni Keanna pero patuloy parin siya sa pagtawa at pag inom. Sugar mommy? Ano kayang ibig sabihin ni Cassio do'n?
Maya maya nagulat ako nang biglang tumayo si Yarah. Umisod pa ako ng kaunti para makadaan siya.
"Yarah, where are you going?" kunot noong tanong ko. Medyo marami na ang nainom niya kaya delikado para sa kaniya na umalis dito sa table namin.
"Hahanapin ko 'yung Bebe ko. Nag text na sa'kin, e. Tapos nadaw photoshoot niya. Goodbye girls! Babe time na!" nakangising sambit siya at nag flying kiss pa. Anak ng, mukhang lasing na nga.
Cassio and Keanna just raised their middle finger to Yarah. Nang makaalis si Yarah si Keanna naman ang tumayo. Nilagok niya muna ang isang bote bago nagsalita.
"f**k! 'Di ko na kaya!" sambit niya.
My brows furrowed. "Why Keanna? Do you want to vomit? Pwede kitang samahan sa—"
"'Di ko na kaya kasi kailangan ko ng lalaki." natatawang sambit niya na ikinagukat ko. Inayos niyang ang damit at buhok niya bago nagpaalam sa'ming dalawa ni Cassio. "Bye ghorls. Dito muna kayo Cassiopeia and Shantelle. 'Di ako papatalo kay Yarah. Kailangan ko rin maka score ngayon 'no!" she chuckled and left.
Napatingin nalang ako kay Cassio. Naguguluhan. Agad siyang ngumiti sa'kin. "Don't mind them, babalik din ang mga 'yan kapag nakuha na ang gusto. Lalaki lang ang gamot sa sakit nila." natatawang sambit niya bago nilagok ang laman ng boteng hawak niya.
I shrugged. "How about you? Hindi kaba maghahanap katulad nila?"
Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko. Tinungga niya niya ang bote ng beer na hawak niya bago nagsalita. "Hindi pwede, e."
"And why?"
She took a deep breath before answering. "Because I already have a fiance." she smiled.
Napatango tango nalang ako. Loyal pala siya. Ngumiti nalang din ako at hindi na inusisa pa ang lovelife niya. Baka isipin niya pa chismosa ako, e. Kahit na naku-curious ako'y 'di na ako nagtanong pa.
"Mababa tolerance mo sa alak?" tanong siya. Napansin niya siguro na kanina ko pa tinititigan 'yung black label sa glass wine ko. I'm afraid of its taste.
Bahagya akong tumango. "Oo. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko baka malasing ako kaagad, e." tumawa ako ng bahagya.
"Kaya pala, mukhang inaantok kana, e. First time mo ba sa bar?"
I shook my head. "It's my 3rd time."
"Oh, kaya pala. Pero try mo 'yang black label. Matapang pero masarap. Kumagat ka nitong lemon para mawala agad 'yung pait sa bibig mo." nakangiti niyang sambit sabay turo sa lalagyan na puno ng hiwang lemon.
I took a deep breath and grabbed my wines glass. Tulad ng sinabi niya, tinikman ko nga. Unang higop ko palang hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa sobrang sama ng lasa. Pero dahil sa pagchi-cheer sa'kin ni Cassio sinubukan kong ubusin 'yung nasa wine glass ko.
"Ang pait," kunot noong sambit ko. Agad akong kumuha ng lemon at mabilis na sinipsip iyon. Nakahinga naman ako ng maluwag nang unti unting mawala ang pait sa bibig ko. Pero 'yung tiyan ko naman ang naapektuhan. Ang init sa pakiramdam, parang kumukulo.
Cassio just laughed. "Sa una lang 'yan," sambit niya bago sinalinan ulit ang baso ko. "Try mo pa. 'Di ko kayang ubusin 'to lahat, e."
Nakaisang baso pa ulit ako bago ako mapasandal sa head board ng coach. Napapikit nalang ako dahil sa tindi ng hilo na nararamdaman ko. Pero agad din akong nagdilat ng mata nang maalala ko si Nero. Kanina pa siya umalis pero hanggang ngayon hindi parin siya nakakabalik! Tss, where the hell is he?!
Agad akong tumayo kaya napatingin sa'kin si Cassio.
"I'm going to look for my boyfriend," nakangiti kong sambit.
"Hey, kaya mo ba? Gusto mo samahan kita, Shan?" nag aalalang alok ni Cassio pero mabilis akong umiling.
I chuckled. "I'm fine, k-konti lang naman nainom ko, e."
Bakas parin sa mukha ni Cassio ang pag aalala pero tumango nalang siya. She asked for my number before letting me leave. Incase daw na hinid nila ako makita. I just laughed at it.
Nahihilo akong naglakad papunta sa dance floor. Pinag singkit ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin ko sa mga taong sumasayaw sa gitna. Sobrang nahihilo na talaga ako pero pinipilit kong itayo ang sarili ko. I need to find Nero. That guy, saan ba kasi siya nagsuot?! Sabi niya sa restroom lang pero inabot na siya ng kalahating oras, ah!
"Aray! Magdahan dahan ka naman," iritang sambit ko nang may lalaking bumunggo sa'kin. Muntik pa akong matumba. Buti nalang ay napakapit ako sa bar stool na malapit sa'kin. Kaasar. Tss, nakakainis talaga sa mga ganitong lugar. Ang ingay na nga, ang clumsy pa ng mga tao!
"Sorry, Miss. Ayos kalang ba?" tanong niya. Tinangka niyang hawakan ang braso ko pero mabilis ko iyong inalis sa bar stool. Dahilan para mapaupo ako sa sahig. Geez! My legs.
"Ano ba! Let me go!" sambit ko dahil hinawakan parin niya ako sa braso at tinulungan akong makatayo. "Wag mo akong hawakan dahil may boyfriend na ako!" sigaw ko.
My brows furrowed when I heard him chuckled. He fixed his dress shirt. Ngayon ko lang din napansin ang itsura niya. He looks a bit familiar. He was wearing an elbow sleeve dress shirt and black short, partnered with white converse shoes. Blonde rin ang buhok niya. Kitang kita kahit naka dim lights lang ang bar. He looks like a freakin' playboy.
"Okay, sayang." he laughed. "Nero is your boyfriend, right? I think I saw him in the rest room. May kausap siya sa phone."
Mas lalo pang naging salubong ang kilay ko. Ngayon ko lang din narealize kung sino siya. Siya 'yung kasama ni Nero at Harris sa picture niya sa kwarto. Silver.. Yeah, I remembered now. Siya nga 'yon. Pero teka! Ano 'yung sinabi niya? Sino 'yung kausap ni Nero sa phone, huh?
Hindi ko na sinagot pa ang lalaki at nilagpasan nalang siya. Pakapit kapit parin ako sa kung saan saan para makalakad lang ng ayos. Kainis kasi, bakit ba ang tapang ng alak na 'yon?! Nakakainis!
Hinihingal ako nang makarating ako sa may rest room. Sa corridor. Hinihingal ako dahil feeling ko napagod akong pilitin ang sarili kong maglakad. Plus, andami pang bumunggo sa'kin, Kaasar!
Nag angat ako ng tingin nang may marinig akong nagtatawanan. Ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Nero. May kausap siyang babae! Akala ko ba sa phone siya may kausap?! Ang saya saya pa niya dahil nakangiti siya habang kausap 'yung babae! May paghaplos pa siya sa dibdib ni Nero at paghawak sa kamay! My god!
"Nero," I whispered. Hindi ko magawang sumigaw dahil excited 'yung luha ko. Kahit kailan ang babaw. Hindi ko alam pero naiiyak nalang ako ngayon. Hindi naman ako ganito pero dala siguro ''to ng alak. f**k liquors!
I was surprised when Nero looked in my direction. The smile on his face disappeared when he saw me, crying. Agad niyang binawi ang kamay niya do'n sa babae para lapitan ako.
"Love, it's not what you--"
Hindi ko na pinakinggan pa ang sinabi niya at tinalikuran ko na siya. Hindi ko alam pero parang nawala ang pagod sa katawan ko. Nahihilo parin ako pero nagawa kong maglakad ng mabilis para makalabas ng bar. Naiinis akong makita siya na nakikipag ngitian sa ibang babae. Selos.. Ganito pala ang pakiramdam ng nagseselos. Tangina, ang sikip sa dibdib.
Nagpunta ako sa smoking area at naupo doon. Mabuti nalang at walang ibang tao dito maliban sa'kin. Ikinulong ko ang mukha ko sa mga palad ko at tahimik na umiyak. Ang babaw pero naiiyak lang talaga ako ngayon. Kainis.
Bakit naman kasi siya gano'n. Sana ipinaalam niya sa'kin kung mayroon siyang kakausaping babae 'diba? Papayagan ko naman siya. At sa may restroom pa talaga sila nag uusap. Bakit do'n ha?
I wiped my tears using the back of my hand. But I was surprised when someone threw a handkerchief on my lap. Natigil ako sa paghagulhol at nilingon kung sino siya.
"Harris?!" my eyes widened. "What the heck are you doing here?!" I asked. I just realized that he was holding a cigarette. Hindi pa nakasindi.
"To smoke?" sarkastiko niyang sabi. Inilabas niya ang mamahaling lighter sa bulsa ng suot niyang slacks. Ngayon ko lang din napansin na naka pang formal attire siya. Button down sleeve shirt, black slacks at black leather shoes. Wala nga lang siyang suot na blazer at neck tie. Naka brushed up din ang buhok niya. Napa isip tuloy ako. Saan kaya siya galing? Imposible namang sa Laguna dahil bukas pa siya pupunta do'n.
"Don't." sambit ko nang mapansing balak na niyang sindihan ang hawak niyang sigarilyo. "Pakilunok ng usok kung maninigarilyo ka sa tabi ko." dagdag ko pa.
Tinaasan niya muna ako ng kilay bago siya natawa sa sinabi ko. Bahagya siyang tumango bago itinapon ang hindi pa nasisindihang sigarilyo sa basurahan. Ibinalik din niya ang lighter sa bulsa niya.
My brows furrowed. "Why did you threw it? Sana sinabi mo nalang na umalis ako, tss." reklamo ko.
He took a deep breath. Inayos niya muna ang buhok niya bago nagsalita. "I'm rich. Kaya kong bilhin ang buong cigarette's factory kung gugustuhin ko." he smirked.
I just rolled my eyes. Kahit kailan talaga napaka yabang niya! Hindi parin siya nagbabago. At mukhang hindi na siya magbabago pa. "Tss, ang yabang mong kupal ka promise." natawa nalang ako.
"What happened? Did you guys, fought?" he raised a brow.
Napataas din naman ang kilay ko. Bakit naman niya biglang tinanong? "Why? Are you worried about me?" I asked. Kumakapal ata ang mukha ko kapag nakakainom ng alak.
His eyes widened. Napakurap kurap pa siya bago nagpakawala ng tawa. He shook his head. Natatawa parin. "Hindi sa'yo. Kay Nero."
I just glared at him. Hindi ba wala siyang emotion pag nasa University? E, bakit tawa siya nang tawa ngayon? Nang aasar ata siya, e. Kinuha ko ang panyo sa lap ko at ibinato sa mukha niya. Nasalo naman niya 'yon ng walang kahirap hirap.
"Go, comfort him. I-comfort mo 'yung kaibigan mong nakikipag ngitian sa babae kanina!" I yelled.
He chuckled. "Selos ka?"
"Yes! Ano pa ba?!" I pursed my lips. Tumayo ako para makalanghap ng sariwang hangin. Kainis kasi. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Lumabas nga ako para mapag isa, e!
"Talk to him. Listen to his explanation first before making a scene here, drunk woman."
I glanced at him in irritation. Wala akong oras para sa mga sermon niya. Maglalakad na sana ako paalis nang bigla siyang magsalita.
"It's nice to see you again, Shang.."
***