Chapter 18

5108 Words
S h a n t e l l e "Shang!"  Napalingon ako kay sa pinanggagalingan ng boses na tumawag sa'kin. I know it was Lucian. "Cian? Why are you shouting?" kunot noong tanong ko. Hindi ko nakikita ang ekspresiyon ng mukha niya. Tumawa siya. Narinig kong hinila niya ang silya sa harap ko. "Ang sabi kasi ni mama, kapag nag aral daw ako nang mabuti baka magkaroon din ako ng madaming pera at malaking bahay katulad nitong sa inyo! Kaya nga mag aaral akong mabuti at magpapayaman!" tuwang tuwang sabi niya. Napangiti naman ako. "Talaga? Tapos? Ano nang gagawin mo kapag mayaman kana?" Kinurot niya muna ang pisngi ko bago nagsalita. "Papakasalan kita!" Hindi ko maitago ang ngiti ko nang marinig ko 'yon sa kaniya. "Promise? Kapag malaki na tayo at kapag mayaman kana papakasalan mo na ako?" "Oo naman! Promise ko sa'yo 'yan!"  ginulo niya ang buhok ko at tumawa. "Kaya dapat mag aral tayong mabuti! Dapat wala ding iwanan!" "Oo. Walang iwanan, Cian." "Cian.." Nagising ako nang maramdaman ang mainit na likidong naglandas sa gilid ng mata ko. Pag mulat ko nasa pamilyar na lugar naman ako. Sa  kwarto ko. I slowly got up and leaned my back on the headboard of my bed. Napahawak agad ako sa noo ko nang makaramdam ako ng hilo. Napanaginipan ko na naman si Lucian.. Naging malaking parte rin naman siya ng buhay ko kaya siguro ganito. Pinunasan ko ang munting luha ko gamit ang likod ng palad ko. Napahawak ako ulit sa noo ko nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Damn, ang huling naaalala ko nasa bar ako kagabi. Umaga na ngayon kaya paano ako nakauwi?  Who brought me home? Si Yarah kaya? I glanced at the table beside my bed. There's a glass of water and a hangover remedy. I immediately took it and drank the water. "Oh my gosh! I'm so fresh-- Shantelle!" gulat na sigaw ni Yarah na kakapasok lang ng kwarto ko. She was only wearing a black camisole and pink dolphin short. Her hair was still wrapped on a towel. Halatang kakatapos lang niyang maligo. My eyes narrowed when I realized that she's wearing my clothes. "Anong eksena mo? Bakit dito kana naman naligo, ha? Hindi kana naman nagdala ng sarili mong damit." mataray na tanong ko sa kaniya. She always like barrowing or using my stuff. Even my showel gel. Kulang nalang pati undies ko hiramin niya. She laughed first then she sat down infront of my vanity table that is just next to my bed. She raised a brow on me. "Hindi lang ako naligo dito, girl. Dito rin ako natulog 'no!" natatawang sambit niya habang kinukuskos ang basang buhok niya gamit ang tuwalya ko.  My brows furrowed. "Ikaw ang nagdala sa'kin pauwi? Wow. Ang buong akala ko sumama kana do'n sa boyfriend mo, e." hindi makapaniwalang sambit ko. Ang natatandaan ko kasi ay umalis siya sa table namin para makipagkita sa jowa niya. Napakalandi talaga ng gaga. Yarah just chuckled while brushing his hair using my hair brush. "Oh god, Shantelle! Ayan inom pa. Hindi ako ang naghatid sa'yo rito 'no! 'Yung jowa mo kaya. At sinong boyfriend ko ang sinasabi mo? Si Theo? Nah-ah. He's not my boyfriend." she said while shaking her head. Napakunot naman ang noo ko. Naguguluhan sa  sinabi niya. "He's not your what?!"  "He's not my damn boyfriend because he's my f*****g boyfriend." Yarah smirked. Mas lalo naman akong naguluhan. What the hell is she saying? I let out a deep sigh before speaking. "If he's not your boyfriend, then why the hell are you having s*x with that guy?! Baliw kana ba?" hindi makapaniwalang sambit ko. Tumaas narin ang boses ko. "I  told you he's my  f*****g boyfriend." Yarah chuckled. She licked her lower lip  while tucking her hair in the back of her ear, and I find it very.. Disgusting.  Agad kong ibinato sa kaniya ang unan na nasa gilid ko. "Tangina, itigil mo nga 'yan. Ang landi mo." naiiritang utos ko sa kaniya.  Mabilis naman siyang tumayo habang natatawa parin. Kung tumawa siya parang nang aasar pa. Parang siraulo lang. Agang aga, binubwiset ako. "Kung ako sa'yo hindi na ako makikichismis sa love life ng iba. Aayusin ko nalang 'yung sariling  love life ko. Well, I heard you left your jowa last night at the bar. What happened ba, girl? Nag away ba kayo? Siya ang nag uwi dito sa'yo, e. Hindi ako. He just called me and asked if I could accompany you here in your damn house." she rolled her eyes. "Nasa condo ako  ni Theo that time, e. Kainis nga, malapit na sana akong--" "I know, 'wag mo na ituloy." I sighed. Alam ko na kung anong kabastusan ang balak niyang sabihin. Pambihira talaga siya. Tinapunan ko si Yarah ng makahulugang tingin. "What happened to Nero then? Where did he go after taking me home? At 'yung babaeng kausap niya last night.. Where's that woman? Magkasama ba sila?" sambit ko. Halata parin ang pagseselos sa boses ko nang maalala ko kung anong nangyari kagabi. I saw him with a woman. Nakikipagtawanan siya. Tss. Yarah's eyes widened when she heard that. Tinaasan niya ako ng isang kilay at namay-awang pa sa harap ko. "Who? Anong sinasabi mo? Sinong babae? Si Serene ba?" kunot noong tanong ni Yarah sa'kin. I crossed my arms when she mentioned a name. "Serene? Sino naman 'yon?" Yarah shrugged. "Well, I also saw him talking to a girl last night in the restroom. And that girl is Serene, his cousin. Why?" she raised a brow. Natigilan naman ako nang marinig ang sinabi ni Yarah. Pinsan? Pinsan niya pala 'yon? Ugh. What the hell! Kung totoong pinsan niya nga 'yon.. Nakakahiya dahil pinag isipaan ko silang dalawa ng masama!  I shook my head, I faked my smile. "Nothing," Yarah nodded. She put the towel over her shoulder and placed my hair brush on the vanity table. "Kung gano'n, bumangon kana diyan. Maligo kana din. Nagluto ako ng breakfast. Oo nga pala, bakit wala si Yaya Felli dito? Did she quit?" Napairap ako kay Yarah dahil sa tanong niya. "Ofcourse not. She just left for two weeks to be with her family in the province. Matagal na siyang walang leave kaya pinagbigyan ni Dad." Napatango tango naman si Yarah. "Gano'n ba? Kawawa naman si Yaya Felli, hindi ka parin niya magawang iwan kahit na malaki kana."  she laughed and went out my room. Kumakanta kana pa siya habang naglalakad. Napabuntong hininga nalang ako. Tama si Yarah. I removed the blanket from my body. I pursed my lips when I realized that I was still wearing my clothes yesterday. "Uhh, kadiri." nakangiwing sambit ko. Tumayo ako at sinuot ang indoor slipper ko na pusa ang design. Nakasimangot kong kinuha ang tuwalya ko bago dumiretso sa bathroom. Humarap ako sa sink's mirror at kinuha ang toothbrush ko. But my brows furrowed when I realized that I'm not wearing a make up anymore. I leaned closer to the mirror to be sure. I even touched my face.  "How? Wala akong maalalang naghimalos ako o nag skin care. I'm not even able to changes this damn clothes because of drunkenness so how?!" iritang sambit ko. Binato ko ng tissue ang repleksiyon ko sa salamin dahil naiirita ako. Naiirita ako kay Nero dahil hindi niya sinabi sa'kin na pinsan niya 'yon! Pero mas naiirita ako sa sarili ko dahil hindi ko siya pinakinggan. Ugh!  Padabog kong hinubad ang lahat ng suot ko at ibinato iyon sa laundry basket. Itinali ko ang magulo kong buhok bago lumapit sa bath tub na wala nang kahit na anong suot. I grabbed my raspberry scented shower gel at nilagyan ang bath tub. Binuhay ko ang gripo at hinayaang mapuno ng tubig ang bath tub bago ako sumalampak doon.  Baka sakaling mawala ang pagkainis ko kapag nakaligo na ako. Hays, I still don't how to face Nero. Nakakainis naman kasi siya, Sadya! Bakit hindi niya kaagad sinabi sa'kin? 40 mins akong nag tagal sa  bathroom. Paglabas ko, I sat on the wooden violet chair infront of my vanity table wearing a bathrobe. Nag skin care muna ako bago sinuklay ang buhok ko. Hindi na ako maglalagay ng make up dahil nasa bahay lang naman ako ngayon. Nagsuot lang ako ng white na head band bago tumayo papunta sa closet ko. I decided to wear a yellow loose shirt and black dolphin short. Sinuklay ko ulit ang basa kong buhok bago ako lumabas ng kwarto. Napataas ang isang kilay ko nang maabutan ko si Yarah na nakasalampak sa sofa namin habang kumakain ng ice cream at nanonood ng netflix. Naka messy bun ang buhok niya at halatang seryosong seryoso sa pinapanood. Sarap buhay ah? Napairap nalang bago ako dumiretso sa kitchen para kumuha at magbuklat ng makakain. Magaling magluto si Yarah kaya ayos nadin na nandito siya dahil hindi naman ako  marunong magluto. Bumalik ako sa sala dala ang fresh milk at ang pinggan kong may kanin at sinigang na baboy. Namiss kong kumain ng lutong ulam kaya marami akong kinuhang kanin. At isa pa, ayos na ayos 'to para mawala ang hang over ko. Sumalampak ako sa sofa at tinapunan ng tingin ang TV. Sumubo muna ako bago nagsalita. "Anong palabas 'yan?" tanong ko dahil parang pamilyar iyong mga artista. Hollywood movie ata. Yarah smirked while holding the remote. "Fifty shades darker, Shan. Maganda  'yan maraming s*x-- hoy! 'Wag mong ilipat!" sigaw ni Yarah dahil mabilis kong inagaw sa kaniya ang remote. I glared at her badly before looking for another movie. 'Yung matinong movie. "'Yan nalang, A Whiskey Away." sambit ko nang makakita ako ng anime na movie. Mukhang bagong labas lang. "Hay, ayoko niyan. Anime naman 'yan. Kainis ka talaga." she rolled her eyes. Nakaupo na siya ngayon at naka crossed legs habang kumakain parin ng ice cream. Pag talaga nandito siya hindi nabubulok ang mga pagkain namin. Patay gutom siya, e.  "Kung gusto mo manood ng kabastusan do'n ka sa guest room. O' kaya gumawa ka ng sariling mong account sa netflix. Adik ka talaga, paano kapag biglang dumating ang parents ko, ha?" "Oo mamaya manonood talaga ako  sa guest room." she chuckled. Inilapag niya ang tupper ng ice cream sa glass table. "Nga pala, bakit madalas atang wala sina Tita at Tito?" "Hindi kapa nasanay sa kanila. Palagi naman silang busy sa trabaho. Hindi ko nga alam kung may anak paba sila, e." sambit ko habang ngumunguya. "Ang alam ko may bago silang project sa singapore. Why?" Yarah nodded. "Gano'n ba? Hmm, ewan para kasing nakita si Tito Jared na lumabas ng hotel noong isang araw, e. May kasama siyang babae." "Maybe it's his employee or his secretary." I shrugged. Matagal ko nang kilala ang secretary ni Dad na babae at wala namang ganap sa kanila. I mean, wala silang ginagawang masama. Kung mayroon man, si mom ang unang makakaalam no'n dahil nagtatrabaho sila sa iisang kumpanya. Mas nakabased nga lang si Dad sa company namin sa abroad. Yeah, that's probably the reason why he's always not home compared to mom. Nasa kalagitnaan na kami ng panonod ni Yarah nang may bigla akong maalala.  "Yarah, I have  something to say." sambit ko. Tapos na akong kumain at nakapatong na sa glass table ang plato ko pati ang kahon ng fresh milk. "Ano 'yon? Hindi ba ako aatakihin sa puso diyan?" she said without looking at me. Kinuha ko ang remote para hinaan ng kaunti 'yung TV. Napabuntong hininga nalang ako. "Ofcourse not. It's about my bestfriend, Lucian." Sinulyapan niya ako saglit. "Oh? What about him?" Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Binisita ko siya sa Laguna last time 'di ba? Hindi lang 'yung puntod niya kundi pati narin 'yung dati niyang tinitirhan." "What? Bakit mo ginawa 'yun? 'Di ba sa squater area nakatira 'yung childhood friend mo. Paano kung napahamak ka, ha?" galit na sambit ni Yarah. Parang nanghahamon ng away ang titig niya sa'kin. I blinked. "'Wala namang nangyari sa'kin. Pero may nakausap akong matanda doon. May kakaiba siyang sinabi sa'kin.. " I bit my lower lip. "Ang sabi niya buhay pa si Lucian.." Nanlaki ang mga mata ni Yarah dahil sa sinabi ko. Her mouth formed an 'O' while looking at me with confusing eyes. Ilang segundo siyang hindi naka imik. Napailing iling siyang tumitig sa'kin. "That's imposible!" bulalas niya. Umayos siya ng upo bago nagpatuloy. "I mean.. 'Di ba nanay narin niya mismo ang nagsabing kalimutan mo na ang friend mo na 'yon dahil patay na daw? Kaya imposible ang sinasabi ng matandang nakausap mo. Ikaw ba? Do you believe her?" Nagkibit balikat nalang ako. I clenched my fist. "Idon't know.. Hindi ko rin naman kasi nakita mismo ang katawan ni Lucian." Yarah took a deep breath. Tinitigan niya ako ng seryoso bago nagsalita. "Shantelle, look. Matagal nang nangyari lahat 'yon. Bakit hindi mo nalang kalimutan? Iba na ang sitwasyon ngayon." Matagal akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi ni Yarah. Mahalaga si Lucian para sa'kin kaya naman mahirap na basta nalang siya kalimutan. He was the only person who was with me when I was alone in the dark world. So how can I  forget him? "Yarah.. It's not that easy." tinitigan ko siya ng makahulugan. "Ano kaya kung alamin ko kung ano ang totoong nangyari noon--" "What for?" Yarah crossed her arms while raising a brow. "Anong gagawin mo kung sakaling buhay nga siya? Pwede ba Shantelle, isipin mo naman 'yung sitwasyon ngayon. May boyfriend kana. Hindi mo dapat binabalikan ang nakaraan. Matagal nang tapos 'yun, e. At tsaka 'di ba ayaw ng parents mo kay Lucian?" I couldn't speak. I'm out of words. I didn't know what to do. At some point, Yarah is right. I must forget what happened before. But every time I try to forget, it hurts me. It's really unfair for Lucian. After all that he had done for me before, kakalimutan ko nalang siya ng gano'n gano'n? And besides, I'm really curious about what happened before because when Lucian died we suddenly moved here in manila. 'Yung bahay namin sa Laguna balak na iyong ibenta ng magulang ko. Ang dami kong memories sa bahay na iyon kaya tutol ako na ibenta 'yon. Pero hindi ko naman sila mapipigilan sa gusto nilang gawin. It hurts but I can't do anything. Pareho kaming napatingin ni Yarah sa front door nang biglang tumunog ang door bell. Umalingawngaw iyon sa buong bahay. Kunot noo kaming nagkatitigan ni Yarah. "Do you have a visitor?" I asked her.  She immediately shook her head. "Wala 'no. 'Di ko naman bahay 'to. Baka bisita mo 'yan. Ikaw na tumingin, masakit ang puson ko, e. Magkakaroon na ata ako." Napairap nalang ako bago tumayo. Andami niya pang dahilan pwede namang sabihin nalang niya na tinatamad siya. Tss. "Sino ba kasing pupunta rito nang-- Nero! A-anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ko sa nang makita siya sa labas. He was wearing a black striped short sleeve shirt, gray short partnered with Adidas Stan Smith. He was also wearing a black bucket hat and silver watch. Ang gwapo at ang bango niya pa! "Hi, good morning." he greeted. Halos malaglag ang panty este ang panga ko nang ngumiti siya sa'kin. "Uhh.. ano--" hindi ko naman nagawang ituloy ang sinasabi ko nang bigla niya akong lapitan. Akala ko yayakapin niya ako hahalikan sa noo pero nagulat ako sa ginawa niya. "May kanin, alisin ko lang." natatawang niyang sambit habang hawak ang buhok ko. "Ang ganda mo kahit wala kang make up." he whispered. Natigilan naman ako. My eyes widened when I realized what he had said. I immediately covered my face and turned away because of embarrassment. Ugh!  "Hey baby.." naramdaman ko ang kamay niya balikat ko kaya agad akong umiling. "Don't look at me. Tss, ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit hindi ka man lang tumawag?" I asked without looking at him. Ayokong ipakita sa kaniya ang morning face ko. Kainis talaga. I heard him sighed. "Anong hindi? Tinawagan kaya kita, ilang beses pa. Nakapatay ata ang cellphone mo. Galit kaba sa'kin?" malungkot ang tono ng pananalita niya. Kahit nakatalikod ako sa kaniya naiimagine ko ang mukha niya na malungkot. Bigla tuloy akong nakosensiya dahil sa ginawa ko kagabi. Humarap ako sa kaniya nang nakatakip parin ang mukha. Bahagya pa akong yumuko. "I'm really sorry, Nero." "Sorry saan?" I clenched my fist. Nakayuko ako at nakatitig lang sa sapatos niya. "Last night." I sighed. "Pinag isipan kaagad kita ng masama without listening to your explanation. I'm really sorry.. I didn't know it was your cousin. I feel like a fool--" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang bigla na akong yakapin. "Shhh, 'wag mong sabihin 'yan. Mahal mo lang talaga ako kaya nagkaganoon kagabi. Naiintindihan ko naman. At tsaka hindi ko magagawang magloko. Gwapo ako pero hindi ako manloloko." natatawang niyang sambit habang hinahaplos ang buhok ko. Matangkad siya sa'kin kaya ang sarap sa feeling ng yakap niya. I feel secure. "So, are we okay now?" tanong ko nang bitawan niya ako. "Anong okay? Bakit nag away ba tayo? Ikaw lang naman ang nang away sa'kin, e. Ako hindi kita inaaway diyan." he chuckled. Napairap nalang ako. "So, back to my question. What are you doing here in this hour? Pormang porma kapa. May pupuntahan kaba?" kunot noong tanong ko. He smiled genuinely. "Hindi lang ako, tayo. May pupuntahan tayo." he said then he gave me a soft kiss on my forehead. "Mag bihis kana. Amoy kang sinigang, ah." he laughed so I glared at him. "Edi 'wag mo akong yakapin,"  Tumawa muna siya bago nagsalita. "Joke lang. Ang bango mo nga, e. Amoy mamahaling strawberry." he smiled. "Sige na magbihis kana." Nakangiti akong tumango at niyaya siyang pumasok. Agad niyang binati si Yarah na abala sa panonood ng TV. Hinayaan ko muna silang magkwentuhan. Umakyat na ako sa kwarto ko para mag ayos.  As I entered my room I immediately faced the mirror to see what I looked like. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang ayos lang ang itsura ko. Natural bare face lang with rosy cheeks. Medyo magulo lang ang buhok pero naka head band naman ako. I took a quick shower because I didn't want Nero to wait for too long. Naligo ako ulit dahil gusto ko mabango ako kapag kasama ko si Nero. Nakakainis kasi, amoy daw akong siningang?  Mabilis akong nag make up at isinuot ang napili kong dress. I decided to wear a floral printed bell sleeve skater dress partnered with beige ankle strap sandals and a gray sling bag. Nagpabango ako at dali daling lumabas ng kwarto dala ang cellphone ko. Naabutan kong nagtatawanan sina Yarah at Nero. "Hanapan mo naman ng jowa 'yung friend kong si Keanna, Nero. Siguradong marami kang kilalang hotties." natatawang sambit ni Yarah. Napataas naman ang kilay ko. Si Keanna ba talaga ang gusto niyang hanapan o sarili niya? Para paraan din ang isang 'to, e. Nero chuckled. "Sige, tamang tama at naghahanap ng bebe si Silver, e. Irereto ko 'yang kaibigan mo." Tumikhim ako kaya napatigil sila sa pagkukwentuhan at tumingin sa'kin na kakababa lang ng hagdan. Napanganga si Nero nang makita niya ang itsura ko. Hindi ko alam kung nang aasar ba siya o talagang nagagandahan lang sa'kin dahil bigla siyang ngumisi. Si Yarah naman ay nakataas ang isang kilay sa'kin, parang tanga lang. "Let's go?" aya ko kay Nero. Inayos ko ang pagkakasukbit ko sa sling bag ko nang tumayo siya at lumapit sa'kin. Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at bumulong. "Bakit ang ganda mo?" he whispered. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang hininga niya sa tainga ko. Agad ko siyang itinulak at sinamaan ng tingin. Ang aga aga ang cheesy niya, ha? "Hay. Langya, respeto naman sa mga single dito oh." natatawang sambit ni Yarah habang nakatingin sa'min ni Nero. Natawa naman si Nero sa sinabi niya habang ako tinaasan ko ng kilay si Yarah. "Anong oras ka aalis Yarah?" Sinulyapan naman niya ang cellphone niya at nag isip. "Hmm.. Kapag tinext na ako ni Theo. O' kaya kapag wala na sa bahay 'yung stepsister ko." Napatango tango naman ako. Ayaw na ayaw talaga ni Yarah sa step sister niya dahil maldita daw iyon at maarte. Nang mamatay kasi ang Dad ni Yarah, which is si Tito Samuel. Nag asawa ulit ang nanay niya na si Tita Amelie at nagkaanak. "Sige, sabihin mo sa mga katulong dito 'wag tatanggap ng bisita hangga't wala sina mom at dad. Marami ring pagkain dito kaya hindi ka mabobored." paalala ko sa kaniya. Tumango tango lang siya kaya inaya ko na si Nero at lumabas na kami ng bahay. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niyang nakaparada sa labas ng gate. "Ayos pala ang punta ko ngayon, e. Wala 'yung parents mo. Nasaan ba sila? Hindi ba sila masyadong umuuwi dito?" tanong ni Nero habang inaayos ang seatbelt ko. Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan niya. "Yeah, like what I've said they're always busy with work. May bago silang project ngayon sa Singapore kaya baka mawala ulit sila ng matagal. Ngayon, nasa company ata sila para ayusin 'yung project." I explained. Nero nodded before starting the engine. "Kaya pala kagabi no'ng inuwi kita dito, walang katao tao. Nakakatakot. Ang laki pa naman ng bahay niyo. Ikaw ba? Hindi ka natatakot?" sambit niya. Ang atensiyon niya ay nasa kalsada. I shook my head. "Hindi na. Dati oo, noong bata ako. Pero ngayon sanay na akong mag isa. Sinanay nila ako." malamig na sambit ko. Nero looked at me for a moment, there's a sadness in his eyes. Ibinalik din niya kaagad ang atensiyon sa kalsada. "Bakit? Bakit gano'n sila? Hindi ako makapaniwala iniiwan ka nila ng mag isa sa bahay." he said while shaking his head. Halatang ang pag pagaalala sa mukha niya. Napangiti nalang ako. I held his hand and caressed it softly. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya saglit niya akong tinignan. "Hayaan mo na. I'm used to it. I can handle myself now. And besides, you're with me. Hindi na ako mag isa." nakangiti kong sambit. Natawa naman ako ng biglang mamula ang tainga ni Nero. "Tama na, kinikilig ako, e."  Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. I leaned closer and gave him a kiss on his cheek. 'Yung tainga niya mas lalong namula. Hindi ko na tuloy mapigilan ang tawa ko. Hahaha. His brows furrowed while looking straight on the street. It's 11 am in the morning kaya nasisinagan pa ng araw ang mga mukha namin. Hindi naman siya masakit sa balat. "Mamaya ka sa'kin," he licked his lower lip. "Pakiss din ako mamaya," he added. Natatawa akong tumango. "Adik sa kiss!" pang aasar ko sa kaniya. He chuckled and fixed his hair. "Nakakaadik pag ikaw ang kinikiss, e. Mamaya ha?" nakangiting sambit niya.  "Oo na, pumayag na ako 'di ba? Kahit ilan pa." His eyes widened. "Talaga kahit ilan? Pwede bang kahit saan din?" nakangising sambit niya habang taas baba ang mga kilay niya.  Naramdaman ko naman ang pag iinit ng mga pisngi ko kaya agad ko siyang hinampas sa braso. "Ang bastos mo." inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako. "Anong bastos do'n? Gusto lang naman kita halikan sa noo, sa ilong, sa pisngi, sa kamay at sa labi. Bastos ba 'yon?" kunot noong tanong niya. Hindi ako umimik kaya napalitan ng ngisi 'yung ekspresiyon niya. He licked his lower lip bago nagsalita. "Iba siguro ang iniisip mo." he chuckled. "Siguro may iniisip kang bastos ano?" he teased. "Ofcourse I'm not! Ano bang sinasabi mo?" pagdepensa ko sa sarili ko. Pero hindi parin nawawala ang ngisi sa labi niya. Nakakaasar. He laughed while shaking his head. "Grabe grabe, naiinitan ako. Change topic na. Hindi ako interesado pag usapang bastos, e." I raised a brow on him while crossing my arms. "Hindi ako interesado pag usapang bastos, e." I mocked him, trying to teased him. Pero hindi naman siya naasar. Tinawanan niya lang ako at nagfocus na sa pagdadrive.  Tumingin ako sa kalsadang dinadaanan namin at napakunot noo. Hindi ko pa nga pala alam kung saan ako dadalhin ng lalakig ito. "Where are we going, by the way? Okay lang ba itong suot ko sa pupuntahan natin?" I asked curiously. Nero chuckled and nodded. "Oo naman. Maganda ka, kahit nga hindi kana magdamit-- aray! Joke lang, e." sambit niya nang bigla ko siyang hampasin sa braso. Inirapan ko nalang siya at inabala ang sarili ko sa kalsada. Maya maya, nagsalita ulit siya. "Sabi mo sa'kin bulag ka dati 'di ba?" Napataas ang isang kilay ko nang itanong niya iyon. "Yes, what about it?" "Ibig sabihin, marami ka pang lugar na hindi napupuntahan.." he smiled. "Dadalhin kita sa lahat ng lugar na hindi mo pa napupuntahan. Gagawa tayo ng mga masasayang alaala. 'Yung mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Gagawin natin 'yon ng magkasama..." he looked at me and smiled. "I want to make a precious memories with you, baby." he looked at me with expressive eyes. Pero dahil nagdadrive siya hindi niya ako pwedeng tingnan nang matagal. Tumango ako at ngumiti. "Me too.. I want you to be with me in every pictures and every chapters of my life.. I love you, Nero." Ngumiti lang siya sa'kin ng makahulugan. Nag focus na siya sa pagdadrive kaya nilabas ko nalang ang cellphone ko. Pinicturan ko ang side profile niya at nilgyan ng cute na IG filter. Nilagay ko sa story ko at nilagyan ko ng caption.  'I've found my happiness.'  Naka hide sa parents ko lahat ng story kaya hindi nila makikita. At isa pa may IG account lang sila pero hindi sila active. "We're here in taguig!" masayang sambit ni Nero matapos maiparada ang kotse niya sa parking lot nitong mall. He removed his seatbelt and quickly got off the car to open the door for me. Binuksan niya narin ang backseat para kunin ang shoulder bag niya. Bumaba ako ng sasakyan niya at pinagmasdan ang buong lugar. "Venice Grand Canal.. Mall?" kunot noong tanong ko dahil hinid naman mukhang mall ang lugar na'to. This place looks like a museum.  Nero smiled and held my hand. "Let's head inside," hinila na niya ako papasok sa loob at parang excited na excited na ipakita sa'kin ang loob ng lugar na'to.  Halos lumuwa ang mata ko nang makarating kami sa loob. Napanganga nalang ako. This place is amazing because it's looks like a museum on the outside but a mall on the inside This place is pretty cool. Ngayon lang ako nakapunta dito. May ganito palang lugar dito sa pilipinas?  Hinila ako ni Nero papasok sa elevator. Paglabas namin, hinila na niya ulit ako. Hinayaan ko nalang siya, siya ang may alam dito, e. Naglakad pa kami hanggang sa makarating kami sa gitna ng mall. May malaking space sa gitna ng mall kung saan napakaraming tao na nakadungaw. My eyes widened when I saw a bridge. "What the hell? Is that a bridge?" kunot noong tanong ko kay Nero habang nakaturo doon sa bridge na nasa harapan namin.  Pero mas lalo akong napakunot noo nang mapansing kong may pool sa ibaba. "A-and a pool?" gulat na tanong ko. How come? Bakit may pool sa loob ng mall?! Nagulat naman ako nang bigla siyang tumawa. Natulala ako. My  god, bakit ang gwapo niyang tumawa?! This is illegal! Sumandal siya sa handrail habang nakangiti sa'kin. Nakatalikod siya sa view. "Canal 'yan. Hindi pool." natatawang wika ni Nero. Tinanggal niya pa ang suot niyang bucket hat, inayos ang buhok niya at ibinalik ulit ang bucket hat sa ulo niya. "What? Canal? This is my first time seeing a large canal inside a mall. At may boat pa." hindi makapaniwalang sambit ko. I laid my arms on the hand rail and smiled while looking at the view below. We are upstairs. There's also a lot of people here. Some are a complete family. Sana all. "Gusto mo ba sumakay diyan?" turo ni Nero sa bangka na nasa pool. May mag jowang nakasakay do'n at abala sa pagpipicture. Napangiti naman ako. "Pwede?" Nero chuckled before pinching my cheeks. "Oo, naman. Pero nirerentahan 'yan. Ngayon kalang nakapapunta dito ano?" "Obvious ba?" "Oo." he laughed. "Mas maganda nga 'yan, ayos na ayos pala 'yung nasa listahan ko." My brows furrowed. "Anong listahan?" Ginulo niya ang buhok ko bago nagsalita. "Bucket list, may plano na ako." he smiled. "Pag naka one year na tayo, magbakasyon kaya tayo sa ibang bansa? Ano sa tingin mo?" Napangiti nalang ako. "I like your idea, but before that. Kailangan muna kitang ipakilala  sa parents ko.  They may not allow me to leave the country just because of a vacation. I need a stronger reason." "Sige, G ako diyan. Basta sabihin mo kung kailan mo ako ipapakilala ha? Kahit gaano pa katagal 'yon." natatawang niyang sambit. Napabuntong hininga nalang ako bago nagsalita. "Hind ko naman masyadong patatagalin. I don't want a secret relationship. I'm sorry if I can't introduce you to them for now.." "Shh, okay lang ano ka ba. Kaya ko naman maghintay." he smiled and leaned closer to me and gave me a soft kiss on my forehead.  Nagpicture taking kami ni Nero kung saan saang parte ng buong mall para daw may remembrance. Ang sabi niya magiipon daw siya ng picture naming dalawa at magtatayo ng photography room sa loob ng condo niya. I feel excited about it. Nang mapagod na kami kakapicture nagdecide kami na maupo muna sa may benches na may table din malapit terrace kung saan kita pari iyong canal sa ibaba. Marami pang nakapila sa boat kaya mamaya na daw kami sasakay doon. "Gutom kana ba? Gusto mo na kumain?" he asked.  I slightly nod. "Okay, but I don't want heavy foods. Kumain na ako sa bahay, e." sambit ko. Marami kasi akong nakain kaya hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Napasarap ang kain ko sa luto ni Yarah. Kung hindi nga lang dumating itong si Nero babalik pa ako  sa kusina, e. "Osige, ako na bahala. Hawakan mo muna 'to, bibili lang ako ng pagkain natin." sambit niya bago hinubad ang shoulder bag niya at ipinatong sa table. Ibinigay niya rin sa'kin ang cellphone niya. Paalis na siya nang pigilan ko siya. "Bakit? May gusto kang ipabili?" I shook my head. "Wala, naisip ko lang na ang unfair sa'yo. Ikaw ang nagbabayad ng kinakain natin sa tuwing lumalabas tayo. Let's be fair with anything." His brows furrowed. "Sigurado kaba? Kasi okay lang naman sa'kin na ako lahat ang--" "No. It's not okay. It's unfair." umayos ako ng upo. "Ganito nalang, you'll pay for the food and i'll pay for the boat's rent." Tumango naman siya at ngumiti ."Sige, sabi mo'y. Ikaw ang masusunod, boss. Dito ka muna balik ako kaagad sa feeling mo." he smirked. I nodded and let him go to buy some food. I looked at his phone. I turned in on and smiled when I saw his wallpaper. Our first picture together inside his room. Napatingin ako sa oras at narealize na 2:30 pm na pala. Ang bilis talaga ng oras kapag kasama ko si Nero. My eyes widened when I realized the date today. Three days nalang monthsarry na namin. Nakakatuwa naman. Time flies so fast. Ilalagay ko na sana ang cellphone ni Nero sa loob ng bag niya ng bigla itong tumunog. Tinignan ko kung ano, may nag text pala sa kaniya. My brows narrowed when I realized that text was from a girl. Monthsarry namin ang passcode ng cellphone niya kaya nabuksan ko. I read the text because of curiousity. From: Kylie What's up, Elvis? Tagal na nating hindi nagkikita hahaha. I miss you. Daan ka naman dito sa condo ko minsan. Kulang kana sa practice drummer boy. -------- Late update, enjoy reading :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD