Shantelle
Sabado ngayon at naiinis ako sa sarili ko kung bakit pumayag akong lumabas ngayon kasama si Nero. Oo, pumayag ako. Si Yarah kasi napakamapilit!
Napasulyap ako sa cellphone kong nakapatong sa side table ng marinig ko itong mag vibrate.
Tinatamad ko itong dinampot. Malamang si Nero lang 'to. Oo alam niya ang number ko dahil hiningi niya ito kay Yarah. Bwisit na babae 'yun, binigay.
From: Nero Pogi
Napairap ako ng mabasa ang pangalan niya sa cellphone ko. Papalitan ko nalang mamaya.
'Hello, Shantelle! Good morning! Hindi na kita susunduin dahil ayaw mo, hehe. Pero kung magbabago isip mo pwede naman kitang sunduin diyan. Anyway, kung ayaw mo talaga. Sabihin mo nalang sa akin kung saan tayo magkikita, okay?'
"Tss." I rolled my eyes while typing.
To: Nero pogi
Ikaw na ang mag isip.
Pinatay ko na ang cellphone ko ng nang mareplayan ko si Nero. 10:30 daw kami magkikita. Teka, anong oras naba?
"Oh god! 10 am na!"sambit ko at tinatamad na bumangon sa kama upang kuhanin ang tuwalya. Bwisit naman kasi, masakit pa likod ko e'.
***
Dahil tinatamad akong magdrive, nagpahatid nalang ako kay mom. Nakakainis nga dahil pinag-pipilitan ni mommy na date daw ang gagawin ko ngayon kahit hindi naman psh. Mabuti nalang at may oras siyang ihatid ako kung hindi baka nag commute pa ako. Wala pa akong sariling license at kotse kaya bihira ko lang hiramin 'yung kotse ng parents ko.
Kasalukuyan na akong naglalakad papunta dun sa Korean Bang. 'Yun kasi ang pangalan ng Korean resto na 'yun. Okay lang naman sa'kin dahil trip ko rin naman kumain sa gano'n.
"Hays, Dun pa nga pala sa isang kanto 'yun. Bakit ba dito ako nagpababa kay mom?" tinampal ko nalang ang noo ko bago nagpatuloy sa paglalakad.
Napatingin naman ako sa suot ko. Black fitted jeans, pink plunged neck drawcord top, red na sling bag at white pair on sandals. Mukhang gagala lang sa kanto haha. Well, mahilig kasi ako sa mga comfy na damit. Super hate ko 'yung mga fitted na damit kagaya ng mga laging sinusuot ni Yarah. Fitted na nga ang ikli pa.
Masyadong simple ang suot ko ngayon but it doesn't really matters to me. Kakain lang naman kaming dalawa nang Nero na 'yon. Sa totoo lang kaya okay lang sa'kin na kumain kaming dalawa ngayon ay dahil sobrang bait niya sa'kin. Lagi siyang nasa tabi ko at pinagtatanggol ako sa mga gustong mantrip sa'kin sa school at lalo na sa kupal na Harris na 'yon. Feeling ko nga crush talaga ako ng Nero na 'yon eh. I laughed. Sana okay lang siya, maldita kaya ako.
Napabuntong hininga ako nang matanaw ang signage ng Korean restaurant na 'yon mula sa kabilang kanto ng daan kung nasaan ako ngayon. Okay, isang kanto nalang naman at-
"f**k you all idiots! Argh!"
I automatically stopped when I heard that scream. It was a man and his voice was so familiar. Nagpalinga linga ako sa paligid ko para malaman kung saan nanggagaling 'yung sigaw. He keeps on screaming. Wala akong makitang kahit na anong nagkakagulo malapit sa'kin. Kakaunti lang din ang mga taong nakikita ko ngayon pero dahil patuloy sa pagsigaw ang lalaking iyon ay natukoy ko kung saan nagmumula iyon. I can't really ignore my curiosity. Curiosity kills kaya.
My curiosity brings me in the back of an old abandoned house. Habang naglalakad ako papunta sa nagkakagulong mga sigaw na 'yon ay napasulyap ako sa relo ko. I still have 10 minutes bago kami magkita ni Nero. At tsaka hindi naman ako magtatagal. Sisilip lang hehe. And besides, iba talaga ang kutob ko sa sigaw na iyon eh.
Sinigurado ko na walang nakapansin sa'kin o sumunod nang makapunta ako likod ng lumang bahay na ito. Tumigil ako sa likod ng mga malalaking kahon at mula sa kinatatayuan ko'y rinig na rinig ko ang mga boses ng mga lalaki. Ikinubli ko ang sarili ko sa likod ng mga malalaking kahon at iginalaw ang ulo ko para sumilip ng kaunti.
My eyes automatically widened when I saw what's going on. There's a group of ugly dirty guys who makes a man suffer. And guess what? That man is Harris. He was wearing a striped dress shirt na naka tucked in sa black maong pants. His clothes we're on a mess. Gusot ito at may bahid pa ng kaunting dugo.
"Argh." daing niya bago ininda ang braso niyang may malaking pasa. He was standing in front of those ugly dirty guys doing nothing but to endure the pain on his arms. What an idiot.
I rolled my eyes while raising my left eyebrow. Tss, what the f**k is he doing? Bakit wala siyang ginagawa? He was covered of scratches and wounds. Pero bakit parang hindi siya lumalaban? Baliw ba siya? Magpapakamay ata siya eh. At kung magpapakamay man siya dapat wala akong pakialam. What the hell I am doing here, anyway? I'm not supposed to be here.
Napatango tango ako at tatalikuran na sana sila pero natigilan ako nang may ma-realize ako. Kasabay ng paglingon ko ang sunod sunod na pag ubo ni Harris. Sumilip ulit ako at pinagmamasdan ang hitsura niya. Tama, tama ang naiisip ko. I knew it. He looks so pale and tired. Halatang may sakit siya. At kung may sakit nga siya ano bang ginagawa niya sa lugar na'to at nakikipaglaban ng mag isa? Bobo ba siya? Tss.
"Ano na, Harris Dela Fuente. Mamatay kana ba? Ang bilis naman haha."nakita kong sambit nung lalaking malaki ang katawan na nasa gitna. May hawak itong kahoy habang tumatawa. Ang pangit niya, putek. Maitim siya at kasing itim niya ang gilagid niya. Eww.
Napairap ako ng marinig iyon mula kay pangit. Tss, tanga ba siya? Lima sila na halos lahat eh malalaki ang katawan tapos mag isa lang si kupal. Tangang tanga na yata siya na mas lalo pang nagpapakatanga eh. Well, malaki rin naman ang katawan ni kupal, I admitted it. Pero hindi siya uubra sa kanilang lima. Plus, he also have a fever. Isa pa siyang tanga eh.
"Gago ka, Brando!" Harris irritatedly said then he wiped the dry blood on his lips.
Nasapok ko nalang ang sarili ko. Sige Harris, galitin mo sila para mas lalo ka nilang mabugbog diyan. Tss..
I sighed bago inilabas ang cellphone ko. Ang mabuti pa'y tumawag na ako ng pulis. Konsensiya ko pa kapag may nangyaring masama sa kupal na 'yan at nanood lang ako dito. I was about to dial the number when Nero calls.. Nabitawan ko ang cellphone ko sa sobrang gulat. Tss, wrong timing!
Mabilis ko iyong kinuha at labis na kaba ang naramdaman ko nang isang pares ng mga paa ang nakita ko sa harapan ko habang nakatungo. Mabilis akong nag angat ng tingin at nagulat ako ng makitang may isa sa mga pangit na lalaki ang nasa harapan ko at nakangisi ng wagas sa'kin.
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ngayon. Nagawa ko namang itago ang cellphone ko sa likuran ko bago ko magawang mag salita. Sinigurado ko na nasagot ko iyong tawag ni Nero bago ko iyon ihagis sa kung saan. Bahala na.
"Ahh. Masyado palang komplikado dito boss, sige alis na'ko ah." kakamot kamot sa ulo na sambit ko. Umaasa ako na hahayaan niya akong makaalis pero syempre akala ko lang 'yun.
Tumawa siya ng nakakaloko bago ako marahas na hinatak paalis sa likod ng mga kahon at dalhin sa iba pa. "Boss, tingnan mo oh. Swerte may chix akong napulot hahaha."halakhak ng pangit na'to bago ako binitawan at tinulak papalapit kay Harris. Tss. Napulot? Anong tingin niya sa'kin basura?! Gago pala siya, e!
Kinalma ko ang sarili ko bago sinulyapan si Harris. Saglit kaming nagpalitan ng masamang tingin ni kupal. Tss, kahit kailan talaga malas lang ang nakukuha ko kapag kasama ko ang lalaking 'to badtrip. Sana pala umalis na talaga ako kanina. Bakit ba kasi nagtatlong isip pa ako? Haist. Isa rin naman ako akong tanga, e.
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko bago initinuon ang tingin sa limang pangit na'to. Kailangan matapos na'to.
Ngumisi sa'kin 'yung isa kanina na humatak sa'kin dito bago nagsalita. "Sa tingin ko magkakilala sila, boss. Iba sila mag palitan ng tingin eh. Hahaha. Siguro mag jowa 'yang dalawang 'yan. Buti nalang pala at nahuli ko 'yong babae. Balak pa atang tumawag ng pulis." umiiling iling si pangit habang tinititigan ako mula ulo hanngang paa. Napangiwi ako. Napakalaswa kasi ng klase ng pagtingin niya sa'kin. Bwisit! Nanggigil ako.
Inirapan ko si pangit."Paano mo nasabing tatawag ako ng pulis ha? Fortune teller kaba? Kung oo, well. Ang pangit mong Fortune teller ka." I said while raising my eyebrow. 'Di sila uubra sa'kin pagdating sa pang aasar. Mag seminar muna sila.
Nagulat ako nang tumawa silang lahat dahil sa sinabi ko. Lalong napataas ang kilay ko. Balak ko na nga sanang paabutin ng Jupiter eh."What's so funny? Natatawa ba kayo sa pangit niyong mukha? Baka gusto niyong mas papangiti ko pa 'yan?" Nakangising sambit ko.
Tumigil sila sa pagtawa at matalim akong tinitigan lalo na iyong pinakapangit nilang boss na si Brando mukhang aso na may peklat pa sa may kilay. Eww. Sobrang sama ng titig niya sa'kin, kulang nalang ay lamunin niya ako ng buhay. Well, I don't really care. I can protect myself. I'm used being like this.
Saglit akong napasulyap kay kupal nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Problema ng kupal na'to? Kanina pa siya nakalupagi diyan. Galaw galaw at baka ma-stroke.
"Tss. Ang talas ng dila mo ha? Tingnan natin kung makapagsalita kapa kapag inalis ko 'yan sa bibig mo. Putangina." nakangising sambit ni pangit habang hinimas ang kahoy na hawak niya. Mukhang mapapalaban na naman ako ng bongga nito ah. Medyo masakit pa katawan ko gawa no'ng isang araw. Kung hindi nga lang siguro tunay na doktor ang gumamot sa'kin no'ng isang araw malamang nanlalambot pa ako ngayon. Well, thanks to this kupal besides me. I should thank him in my dreams haha. Kidding. Hindi parin ako naniniwala na hindi siya ang may pakana ng pag bugbog sa'kin ng mga coloring book na 'yon.
"Kakaiba pala ang babaeng 'yan, boss. Isali kaya natin 'yan grupo natin." naningkit ang mga mata ko ng marinig ko iyon. Gago lang ang sasali sa grupo niyo, mga tanga.
"Tumahimik ka nga, Franco." Inis na sambit ni Brando bago bumaling sa'ming dalawa ni Harris. Alam mo Dela Fuente, walang kang taste eh. Bakit naman pumatol ka sa ganiyang klase ng babae? Wala man lang kadating dating. Pangit na nga hindi pa sexy. Tss. Low class."umiiling iling na sambit ni Brando. Parang nagpantig ang dalawang tainga ko ng marinig ang lahat ng sinabi niya. Hindi ko matanggap. Syempre hindi ko talaga matatanggap! The f**k?! Tinawag niya akong pangit at isang low class!! Who the hell is he to called me that way?! Sinong pangit ha?! Wala lang akong ayos ngayon! My god!
I clenched both my fist in anger. I was about to say something when Harris laughed. He laughed so hard. Kulang na ng lang ay mapunit na ang bibig niya kakatawa. I gave him a death glare. So, ano? Kampi kampi sila pagdating sa pang aasar sa'kin? Eh kung etong kupal na lang na'to ang isali nila sa grupo nila? Tss.
Tumigil siya sa pagtawa bago ako binalingan ng tingin at si Brando. "What the f**k? Hahaha. Pinapatawa mo'ko, Brando. Sa'yo narin mismo nanggaling na low class ang babaeng 'to. So, do you think papatulan ko siya? Tangina, I'm not out of my mind hahaha."natatawang sambit ni kupal. Mukha namang nagulat sina Brando sa sinabi ni kupal. Magpoprotesta na sana ako dahil sa sobrang pag kaasar at nayuyurakan na ang pagkatao ko nang magsalita pa siya. "Hindi kami magkakilala, Brando. Kaya labas siya dito. Let her leave then pwede niyo na akong bugbugin."seryosong sambit niya.
Nagulat ako sa sinabing iyon ni Harris. Now, I understand. Sinabing niyang hindi kami magkakilala para hindi na ako madamay pa. Hindi ako makapaniwala. Si Harris ba talaga ang kasama ko ngayon? Mabait siya ngayon, e.
Nagulat kaming dalawa ni Harris nang biglang pumalakpak sina brando. Nakangisi sila."Alam kong magkakilala kayong dalawa, Dela Fuente. Hindi ako tanga. Kahit na ano pang sabihin mo damay na siya rito. Ang mabuti pa'y ihanda niyo nalang 'yang mga sarili niyo. Pumapatol ako sa kahit na sino. Maski babae."maangas na sambit ni Brando.
"Pero boss, babae parin siya."giit ng katabi niya.
"Tumahimik ka diyan, Wilbert. Maghanda na kayo. Susugod na tayo."sambit ni Brando bago ngumisi. " Ano handa naba kayong-"
Hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin ng mga pangit na'to dahil agad kong sinugod ang nasa gitnang lalaki at ginawaran ng high kick sa mukha. Hindi niya iyon inaasahan kaya naman napaupo siya sa sementadong sahig habang nakahawak sa mukha niyang sinipa ko.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mukha lalo na iyong sinipa ko na si Brando. Agad namang napalitan ng pagkainis ang ekspresyon ng mukha nito. Nawala ang ngisi sa labi nito.
Narinig ko ang pagtawag sa'kin ni kupal but I ignored him. Kung ayaw niya akong tulungan, tumahimik siya.
"Magbabayad kang babae ka! Ang lakas ng loob mong gawin 'yun ah!"sigaw niya pero tinawanan ko lang siya. Ang weak niya. Isang sipa ko lang taob agad siya? Puro lang pala siya yabang, e.
"Mga pangit puro kayo dada!"sigaw ko sa kanilang lahat. Nakatayo na si Brando ngayon mula sa pagkakasipa ko kanina at lahat sila ay matalim na nakatitig sa'kin. I placed a smirked on my lips to pissed them off. Mukhang effective naman dahil para na silang nag aapoy sa galit. Nabasa ko ang mga galaw nila at alam kong sabay sabay silang susugod sa'kin.
Agad kong hinila si Harris at tinuunan ang likod niya na alam kong ikinabigla niya upang masampal ko 'yung mga pangit sa mukha gamit ang mga paa ko. Pero kainis dahil tatlo lang ang tinamaan ng paa ko. Sayang nadumihan pa ang sapatos ko. Tumalsik silang tatlo sa lupa at tumama sa pader. Serves you right, Assholes!
Tumayo ako at nagpagpag ng mga palad ko. Napansin ko naman ang gulat sa reaksiyon ni Harris. Parang gulat na gulat siya sa ginawa ko. Dahan dahan siyang tumayo at sinamaan ako ng tingin.
Napairap na lamang ako sa kaniya. Nagulat naman ako ng bigla siyang sumugod sa direksiyon ng mga lalaki at nakipag suntukan. I sighed. Mabuti naman at naisipan niyang kumilos. Akala ko hahayaan niya akong lumaban ng mag isa, e.
Napangisi nalang ako nang mapansing lamang kami sa laban. Susugod na sana ako ulit para tulungan si Harris pero nagulat na lamang ako nang may biglang sumugod sa may likuran ko. Tinangka ko pang lumingon pero hindi ko na nagawa dahil sa pagtama ng isang matigas na bagay sa ulo ko. Naramdaman ko ang labis na sakit dulot no'n kaya naman naupo ako sa lupa. f**k!
Napahawak ako sa parte ng ulo kong hinampas at nagulat ako ng makitang may dugo. Ang sakit..
Nahihilo man ako ngayon ay pinilit kong tumayo. Ilang minuto na ang nakakalipas ng sagutin ko ang tawag ni Nero pero bakit hanggang ngayon ay wala parin siya? Nasaan na ba ang lalaking 'yon?
Nagulat ako ng hampasin ulit ako ng matigas na bagay. This time sa likod ko naman. Nanghina ang buong katawan ko at napaubo ako ng dugo habang nakatuon ang magkabilang braso ko sa lupa. Ang daming dugo na tumutulo mula sa ulo ko pati narin sa bibig ko. Nanlalabo narin ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong mapahiga sa lupa. Nakita ko pa ang lalaking umatake sa'kin na hahampasin ulit ako ng bakal pero nagulat ako ng suntukin siya ni Harris. Iniharang niya ang sarili niya sa'kin.
Pinaulanan niya ng mga suntok ang mga lalaking lalapit sa'min. Wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan ang likod niya habang nakahiga ako sa lupa. Pinagmasdan ko siyang makipagsuntukan mula sa likuran.
Napangiti ako. Hindi kapani paniwala pero sa pangalawang pagkakataon naramdaman ko ulit na ligtas ako. Ligtas ako dahil pinoprotektahan niya ako. Ligtas ako dahil nandito siya kasama ko.
***