Y a r a h
"Syempre nakipag break na ko, after that. I just realized na hindi talaga siya ang tipo kong lalaki. Hahahaha." natatawang kwento ko kay Shantelle.
Nandito ako ngayon sa Acosta Hospital na siyang pag mamay ari ng pamilya ni Nero para bantayan si Shantelle. Well, ako ang pinaka paboritong pamangkin ni Tita Shea kaya palaging ako ang pinagbabantay niya sa maldita niyang anak. They're out of the country for some business matters as expected.
Shantelle laughed when she heard my story. "Hahahaha. Siraulo ka talaga, Yarah. Ano 'yon? Naging kayo for just 15 hours? Are you kidding me? Wala pang one day 'yon ah." hindi makapaniwalang tanong nito sa'kin habang natatawa pa. Pero hindi siya tawang tawa at baka bumuka iyong tahi niya sa may ulo niya. Tss, napabasag ulera kasi eh. Hindi baga gumaya sa'kin na paparty party lang. Duh?
Tinataasan ko ng dalawang kilay to say that I'm saying the truth. "Uh-huh. At sa pagkakatanda ko pang sampung boyfriend ko na siya for this fuckin' month. Well, anong gagawin ko? Nawalan ako ng gana sa kaniya after naming mag chukchak, e." I chuckled. "His thing is not my ideal size." humakhak ako pagkatapos sabihing iyon. I admitted it. I'm such a playgirl. I don't do serious relationship. At 'yung sinasabi kong long time crush ko na si Theo? Chukchak lang habol ko do'n hahaha.
Mas lalo akong natawa ng makita ang pag irap sa'kin Shan. Kahit kailan talaga againts siya sa Moto ko sa buhay. What should I do? This is me.
She shook her while reaching the center table to get some apple. Ginagatan niya ang apple na nakuha niya bago nagsalita. "Trust is the first step in any relationship." Ngumuya ito bago nagpatuloy. "If you just end your relationship with that guy then you probably still can't get over about your past. Am I right, Yarah?"taas kilay na tanong nito sa'kin bago muling kinagatan ang apple.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. I'm still can't get over about my past? Well, sa dami ng nangyari sa past ko hindi lang love life ko kundi pati sa pamilya ko malamang malabo na ngang magtiwala ako ulit. I think she was right. I can't moved on.
Dalawang tao lang naman ang sobrang nanakit sa'kin dati. Not physically but emotionally. That was my first love and my mom. It will take years to build the trust again.
I smiled at her and nodded. "You're right, Shan. You know me very well. Haha. That's right I can't moved on. Pero anong gagawin ko? Naging ganito ako dahil sa past ko. Tao lang din naman ako, Shan. At hangga't hindi nawawala ang peklat dito sa may gilid ng leeg ko. Mananatili akong ganito."seryosong sambit ko. Naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko. s**t, kahit kailan talaga ang babaw ng luha ko. Tuwing naaalala ko kung anong dahilan ng peklat ko sa leeg naiiyak nalang ako.
"It hurts a lot when you trust someone blindly. And that someone proves that you are actually blind.."sambit ni Shan bago ako inabutan ng tissue. She was bittersweetly smiling at me. "I know you are in pain, Yarah. Take time. That pain will disappeared someday. Tahan na haha. Mabubura 'yang liquid eyeliner mo. Sige ka."natatawang sambit nito sa'kin. Natawa nalang din ako bago ipinakita sa kaniya kung paano magpunas ng luha na hindi nabubura ang liquid eyeliner. Water proof 'to no.
Sa lahat ng pinsan ko si Shantelle lang talaga ang totoong nakakaintindi sa'kin. Pati narin ang dalawa kong kaibigan na sina Cassio at Khian. They know a lot about me. Silang tatlo lang ang pinagkakatiwalaan ko sa ngayon.
I'm really thankful at umuwi na nang bansa ang pinsan kong ito. Nakikita na niya narin ang kagandahan ko hahaha. After all those years. I'm really proud of this girl. Kinaya niya ang hamon ng life. Aba, parang ibang tao na siya ngayon hahaha. But honestly, I like her character now. After her treatment and operation in states for over two long years ay naging successful ang operation. She really changes a lot.
"Shan, may tanong ako." sambit ko.
"Ano?" kunot noong tanong nito sa'kin.
"Bakit kaya ang ganda ko-aray! How dare you?!" reklamo ko nang matamaan ng tangkay ng mansanas ang mukha ko. Binato ako ni Shan. Walangya talaga oh. Nadudumihan ang mukha ko eh.
Napangiwi ito."Puro ka talaga kalokohan diyan. Ano ba talagang itatanong mo?"
Tumikhim naman ako bago ngumiti. "Eh kasi gusto kong malaman kung bakit ka iniligtas ni Harris ng araw na 'yun. Hindi ba't magkaaway ang peg niyo? May bangayan portion pa nga kayo sa cafeteria eh."sambit ko. Punong puno talaga ako ng curiosity nang malaman ko mula kay Nero na si Harris mismo ang nagprisinta na magbuhat kay Shan papasok dito sa hospital. Wala talaga 'yon sa expectations ko eh. Mas bet ko pa naman si Nero para sa pinsan kong 'to. Ang hot kaya non. Kung hindi nga lang niya bet tong pinsan ko, baka magpapansin ako sa kaniya!
She sighed bago tumingin sa kisame."Napaka sama naman siguro ng ugali niya kung hindi niya pa ako ililigtas ano? Siya ang dahilan kung bakit nasa hospital ako ngayon eh. Malala inabot ko."salubong ang dalawang kilay nito nang sulyapan ako. "Siya ang nagbibigay ng problema sa buhay ko. Pero siya rin ang nag so-solve ng problema na 'yon."seryosong sambit niya.
Medyo hindi ko naintindihan 'yung huling sinabi niya kaya naman hindi ko na iyon pinansin at baka ma stressed pa ako. Haha. Ayokong mag hakot ng wrinkles ang fez ko. No way.
Nagkibit balikat nalang ako at tumango. "Well, yeah. Nga pala, Shan. Mag bebente kana girl hahaha. Kailan mo ba balak mag boyfriend ha? Isang oo mo lang ngayon bibigyan kita ng boyfriend ngayon din haha. I know a lot of handsome guys that you will surely like-"
"'Wag muna ngayon. Maybe, someday."sabat niya.
Agad naman akong napatayo. "Ano?! Hindi pwede, Shan! You need to explore. Ano kaba, girl? It's 2020 pero ayaw mo padin? Kailan pa? Kapag hindi kana maiglas gumalaw sa kama? Kung ayaw mong ireto kita sa mga lalaki pwes pansinin mo si Nero. I'm absolutely sure na gusto ka niya."I stated. Ayoko talagang makita ang pinsan ko na tumandang talaga. Sayang ang lahi namin. Kailangan naming magparami. Hindi ko naman siya pinagmamadali. But I think she's in the right age para magkajowa. She's a f*****g NBSB for Pete's sake. Hahaha.
Ang sabi niya nagkaroon naman siya ng ka-fling do'n sa states after her operation. But fling is not enough. Kailangan niya ng taong magpapasaya sa kaniya. And I think that is Nero. Halata sa sa mga tingin sa kaniya ni Nero na gusto niya talaga ang pinsan kong 'to. Well, sa tagal kong nag aaral sa Crescent High. Alam ko na ang ugali ni Nero dahil sikat siya sa school. Mabait siya at seryoso when it comes to relationship. 'Wag na kayo magtaka kung bakit marami akong alam. Chika is life hihi.
She glared at me."Pinagsasabi mo diyan? Ayan kana naman, Yarah. Lagi mo talaga akong pinipilit sa bagay na 'yan. At isa pa paano mo naman nasiguro na gusto nga ako ni Nero? Do you have any proofs?"kunot noong tanong nito.
Nagcrossed arms ako at pinanlakihan ko siya ng mata."Myghad! Shan! May pagkamanhid karin pala e', no? Alam mo unang tingin ko palang sa inyong dalawa ni Nero. I'm super duper sure na gusto ka talaga niya! Waaah! Ang swerte mo kaya!"
She blinked bago nagsalita. "Yarah. I'm not yet ready to be in a relationship. So, please? Stop saying that."
I pouted when I heard that. Palagi nalang niyang sinasabi 'yan. Hmmp!
I rolled my eyes. "So, kailan? Shan, believe me. Nero likes you and I guess this is the right time para sumaya ka naman. You suffered a lot back then because of loneliness. Ayokong malungkot ka, Shan. Ngayong nakakakita kana, dapat simulan mo nang hanapin kung ano talaga 'yung totoong magpapasaya sa'yo. Explore new things. Hindi 'yung kung ano 'yung nakagawian mo, diyan ka nalang habambuhay. And besides, hindi naman tututol ang parents mo eh. Sa totoo lang gusto rin nila na magjowa kana."
Inalis niya ang tingin niya sa'kin at ibinaling sa katabi niyang bintana. I heard her sighed. Ilang minuto ang lumipas pero wala na akong nakuhang sagot sa kaniya. Malamang sa alamang, tumatak diyan 'yung sinabi ko. Haha! Hahayaan ko na muna siyang mag isip.
"Nga pala, mamaya pwede ka nang lumabas ng hospital, Shani girl. Nakausap na 'yong doctor. Hahaha. Tara noms?" natatawa kong biro sa kaniya. Nagbibiro lang talaga ako dahil hindi pa naman pwede at alam kong hindi masyadong mahilig uminom si Shan. Nainom siya pero pa konti konti lang. Mababa ang tolerance niya sa alak. Unlike me. Kahit maka ilang glass pa ako ng matapang na alak hindi agad ako tatamaan.
Nagulat ako ng lingunin ako nito at tumango. "Sige, after ko maipasa 'yung drawing ko. Sasama ako."
My eyes widened when I heard that. Bihira kasi talaga pumayag itong si Shan eh. Tumayo pa ako at tumalon talon. "Sige, yes! Waaah! Hahaha. Mag papareserve ako bukas sa Young Bar. Sama ka ha? Gusto mo tulungan na kitang tapusin 'yung drawing mo?"
Agad nag salubong ang mga kilay niya dahil sa sinabi ko. "As if naman na marunong ka? Ba't hindi mo na lang gawin ang sa'yo?"
I shook my head. "Hahaha. Nah-ah. Kayang kaya kong tapusin ang requirements ko in just one day. May week ends pa naman. May time management ako."
Napabuntong hininga na lang siya bago nagsalita. "Tss, mag aral kang mabuti Yarah. Graduating tayo. Hindi kita sinusuway diyan sa pag landi mo pero sana 'wag mo rin pabayaan acads mo ha."
"Yes, ma'am!" nakangiti kong sambit. Natutuwa talaga ako kapag nagiging mapangaral ang pinsan kong 'to sa'kin. Gustong gusto ko 'yung ugali niyang 'yan. Well, wala naman kasing ibang mag aalala sa'kin kundi siya lang. My mom hates me a lot. I also hate her. Walang dahilan para hindi ko siya kamuhian. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin. Kung hindi lang sana siya malandi.
Umiling iling ako para maalis 'yon sa isip ko. I should stop thinking about negativity. May pangako ako sa sarili ko na tuwing lalabas ako ng bahay namin ay nakangiti ako at walang mababakas na lungkot. So far, araw araw ko siyang ginagawa. It helps me lot.
"Yarah.."
"Yeah?"kunot noong tanong ko. Hindi siya sa'kin nakatingin ngayon kundi sa mansanas na kakakuha niya lang mula sa side table nitong kwarto. Naubos niya na 'yung kanina at kumuha na naman siya. Hilig niya talaga sa fruits.
Seryoso siyang bumaling sa'kin bago nagsalita. "I miss him.. Hindi ko na siya nadadalaw lately. I'm busy. Baka magtampo na siya sa'kin." natatawang sambit ni Shan. Alam ko na naman kung sino 'yung tinutukoy niya.
"Edi dalawin mo siya, Shan. Malayo ba dito ang puntod niya?"
Tumango siya. "Yeah. Malapit 'yon sa dati naming tinitirhan. Sa Laguna."
"Shocks ang layo nga. Kailan mo ba balak pumunta?"
"I don't know. Maybe, after ko gawin 'yung mga kailangan kong ipasa. Wala pa rin akong review. Hindi ko pa nga nasisimulan 'yung lay out ko eh. Sa Monday na deadline."
"After prelim? Sige, go. Samahan kita sa Laguna. Sama ko narin sina Cassio at Khian. 'Yung mga kaibigan ko. I'm pretty sure makakasundo mo sila."sambit ko.
Nagulat ako ng umiling siya.
"I'll go by myself."
Agad akong napakunot noo. "Huh? No. Sasamahan kita. Mamaya mapaano ka naman, e."
Ngumiti siya bago nagsalita. "Okay lang ako. Tsk. Hindi na ako bata. I can handle myself. Ang mabuti pa'y mag hangouts nalang kayo ng mga kaibigan mo after prelim. At tsaka may pupuntahan din ako do'n. Wag kana sumama."
I pouted. "Hmmp! Damot! Sino ba kasing pupuntahan mo do'n ha? Bukod kay Lucian? May iba pa ba? Baka naman may imi-meet kang pogi do'n. Tapos hindi mo sinasabi sa'kin. Tampo na'ko!"pagmamaktol ko. Bigla naman siyang tumawa.
Magsasalita pa sana siya lang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Nero. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya. Maski si Shan at nagulat din. May dala siyang dalawang paper bag. Pawisan pa siya. Saan kaya galing 'to?
"Oh Nero?" tanong ko.
Ngumiti ito sa'kin. "Hello," bati niya bago naglakad papunta kay Shan. "Hi, Shantelle! Sorry, ngayon lang ako nakadalaw sa'yo. Busy sa training, e. Kamusta pakiramdam mo?"
Napangiti ako sa kanilang dalawa ni Nero. Napaka sweet talaga niya. Ini- inform niya si Shan. Hehe. Bagay sila.
"Eto oh. I brought some foods."
"Nero, Hindi kana dapat nag abala-aray! Yarah?!"
"Hehe. Alis na'ko, Shan." lumapit ako kay Shan para bumulong. "Treat him well. Hihi."
Nagpaalam ako sa kanila at lumabas na ng room ni Shan. Iiwan ko munang silang dalawa do'n. Masyado akong maganda para maging third wheel ano.
S h a n t e l l e
Tahimik lang akong nakatingin kay Nero habang nakaupo siya sa monoblack chair sa tabi ko at nagbabalat ng orange. Natungo siya sa'kin. Kahit saang anggulo tingnan ang lalaking 'to talagang gwapo siya. I wonder kung bakit siya dikit ng dikit sa'kin. May ilang dahilan akong naiisip pero ayoko magmukhang tanga kaya iniiwasan kong mag assume. I won't ask him either. Hahayaan kong siya ang magpaintindi sa'kin about sa pakikitungo niya sa'kin.
Dapat sabihin niya ng mas maaga para hindi na ako ma confuse. Ang sakit kaya sa ulo. Maya't maya kong naiisip 'yung mga pinaggagawa ng lalaking 'to sa'kin. I never been in a relationship kaya wala akong idea kung anong magandang gawin. Kaya nga, sinabi ko kay Yarah kanina tigilan niya pang dedemonyo sa utak ko eh. Hahaha. Ewan ko sa babaeng 'yon. Palagi akong pinipilit. Alangan namang magjowa ako kahit wala akong nararamdaman 'di ba? Mukhang akong tanga no'n. Ayoko pa naman ng may naasa at naghihintay sa'kin.
Alam ko naman ang point ni Yarah kaya niya ako pinu-push na magkajowa. I will okay. May balak akong magjowa. Ayoko namang tumandang dalaga, sayang naman ako. Ganda pa naman ng genes ko. Hahaha. But not now. Kapag siguro gusto na ng puso ko. Ayokong sumugal kapag hindi pa sigurado. Makakasakit lang ako.
Napasinghap naman ako nang mag angat ng tingin si Nero sa'kin at ngumiti. "Hehe, eto Shantelle. Kain ka ng orange. Matamis 'yan lahat. Magaling akong tumingin ng quality ng mga pagkain." sambit niya habang inaabot sa'kin ang plate na may lamang binalatan na orange at mansanas.
Naningkit ang mga mata ko sa kaniya pero agad ko rin namang tinanggap ang fruits na inaalok niya. "Hindi ka na dapat nag abala pa. You should be in your place at nag rereview. Prelims are coming."sambit ko sa pagitan ng bawat pag nguya ko. Napatingin ako sa isang paper bag na dala niya. Mukha kasing hindi pagkain ang laman no'n. "Anong laman no'n?" kunot noong tanong ko.
Napatingin din naman siya do'n. "Ah eto ba? Mga pamalit kong damit. Bumili ako kanina kasi sa condo ko ako uuwi ngayon malapit dito sa Hospital ni Dad. Para mabantayan kita. Wala kasi akong masyadong damit do'n kaya nagdala ako ng comfy clothes." paliwanag niya. Napatango tango nalang ako. Pero nagpakunoot noo ako ng marealize ang sinabi niya. Bakit ba napaka effort niya? I shrugged. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.
Later on, nagsalita ulit siya. "Kamusta pakiramdam mo? Maayos naba? Sobrang nag aalala talaga ako sa inyong dalawa ni Harris. Buti nalang at malapit ang abandoned house na 'yon dito sa Hospital."seryosong sambit niya
Napakunot noo ako. Pinipigilan ko talagang huwag magtanong pero talagang nako-confuse na ako sa mga sinasabi niya. He's confusing me so much. Pati tuloy ako nalilito na sa nararamdaman ko. Well, there's this weird feeling in me na palagi kong nararamdaman tuwing nakikita ko ang lalaking 'to. Don't tell me.. Naattract na ako sa lalaking 'to?
"Why are you like this, Nero? You're confusing me. Itigil mo na 'yan." kunot noong sambit ko.
He shook his head bago ngumiti. "Am I? Haha. I'm sorry, Shantelle. Pero kahit ako ay hindi rin Alam ang nararamdaman ko. Pero isa lang ang malinaw sa'kin..."He blinked before stating a word. "I think I like you.."
Nagulat ako ng sabihin niya iyon. Naiisip ko narin talaga na may gusto siya sa'kin. But I didn't expect na aaminin niya iyon ng ganito kabilis. He's so straightforward kind of person. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o hindi. What should I say? Should I say something? Agh! Hindi ko rin tuloy maiwasang maramdaman ang pag iinit ng pisngi ko. What the hell?
Ngumiti ulit siya bago nagsalita. "Don't force yourself hahaha. Gusto ko na talagang umamin sa'yo no'n. Lagi mo lang talaga akong hindi pinapansin hahaha. But I'm expecting it. Hindi mo naman ako gusto at ako lang ang may gusto sa'yo."
I stared at him for while before I uttered a word. Hindi ko lang talaga alam ang dapat na sabihin. "If that the case then, why are you still doing this? I mean, alam mo naman palang wala akong gusto sa'yo. Are expecting for something?"taas kilay na sambit ko. Kanina pa malakas ang t***k ng puso ko. And I hate this feeling. I just met him two weeks ago and then ganito na? Ano ba'to? Nakakainis.
Agad siyang umiling sa sinabi ko. "No, I'm not expecting anything. I just want to express my feelings. Pero kung bibigyan mo ako ng chance to prove my self to you. Then I guess I would really be happy. Pero tulad ng Sabi ko 'wag mong pilitin ang sarili mo na gustuhin ako pabalik. I won't like it. Gusto ko magustuhan mo ako dahil 'yon ang sinasabi ng puso mo. Handa naman akong maghintay kahit gaano pa katagal.. Ngayon ko lang maramdaman 'to, e."
***