S h a n t e l l e
Days after.
Tahimik lang akong nakikinig sa Prof na abala sa pagpapaliwag ng kailangan naming ipasa na requirements sa kaniya. Mag iisang buwan na pala halos ako sa University na'to. Maraming nangyaring hindi ko inaasahan.
Si Harris na binubully ako dati ay tumigil na ngayon. I don't know what he was thinking. Pero ang ginawa niyang pagtigil sa pang titrip sa'kin ay nakatulong. Nakaka aattend na ako ng maayos sa klase. Naipasa ko na rin 'yung ginawa kong layout ng isang resedential building. Wala nang mga nanggugulo sa'kin. Except for one guy. Nero.
Napatingin ako sa ini-sketch ko sa maliit na scratch paper kanina pa. Mukha 'to ng batang lalaki. Lucian to be exact. Well, nahawakan ko na ang mukha niya dati at ini-sketch ko lang ang sa tingin ko'y itsura niya.
Napabuntong hininga ako. Nang makalabalik ako dito sa pilipinas a month ago, isang beses ko palang nadadalaw si Lucian sa Memorial Park na pinaglibingan sa kaniya. Malamang nagtatampo na 'yon sa'kin ngayon.
Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman ang eksaktong puntod ni Lucian ay dahil iyon kay Yaya Felli. Kasama ko siya palagi kapag magkalaro kami ni Lucian. Sayang nga at wala kaming kahit na isang picture dati. Nakakainis. Hindi ko tuloy alam ang itsura niya.
Nasa gitna ako ng pag iisip nang isa isang magsitayuan ang mga kaklase ko. Napatingin ako sa unahan at nakitang wala na do'n ang Prof namin. Class dismissed na pala. Wala man lang akong ma recall sa utak ko kung ano ba 'yung pinaliwanag ng Prof na 'yun kanina. Itatanong ko lang siguro sa class president namin.
Tumayo ako at iniligpit ang gamit ko bago isinukbit ang shoulder bag kong itim at tuloy tuloy na lumabas ng classroom. Nagugutom na ako.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko bago i-dinial ang number ni Yarah pero muntik ko nang mabitawan ang phone ko nang mag ring ito. Nero is calling.
"Kailangan mo?"
"Grabe ka sa'kin," I heard him chuckled. "Sungit mo agad!"natatawang sambit nito sa kabilang linya.
"Ba't ba? May kailangan kaba?" kunot noong tanong ko. Simula nang umamin siya sa'kin sa hospital bago ako madischarge ay talagang hindi na niya ako tinantanan. Makulit ang lalaking 'to sa totoo lang.
He laughed. "Ikaw. Ikaw ang kailangan ko.
I rolled my eyes. "What the hell? Puro ka biro. Bababaan kita diyan eh."
"Nooo! Please hindi na. Ahm, do you have any plans after class?"
I sighed at saglit na nag isip. "Yes. Why?" sambit ko kahit wala naman talaga akong plano at pupuntahan. Nakakainis lang kasi minsan ang kakulitan nito ni Nero. Araw araw niya akong ginugulat sa Hallway. Lalagyan ng chocolate 'yung locker ko. O' kaya naman ay bigla nalang tatabi sa'kin na may dalang pagkain kapag nakaupo ako ng mag isa sa bench. Grabe, level up na siya. Dati pakaway kaway lang siya sa'kin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya. Mukhang nalungkot siya sa naging sagot ko. "Hmm. May pupuntahan kaba? Magtatagal kaba, Shantelle? Ahm kasi may gusto akong ipakita sa'yo, e."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ano naman 'yun?" curious na tanong ko. Sa lahat, ayoko ng naku-curious ako. It gives me a damn headache.
"Busy ka naman, e. Tsaka ayokong sabihin sa'yo. Wala nang thrill kapag gano'n. Tara na kasi, para malaman mo." he laughed.
Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko. I fixed my hair using my fingers. "Tss. Oo na. Nasaan kaba?"
"Wohoo! Yes! Sasama na siya! Nandito ako sa likod mo hehe."
Nagulat ako at lumingon sa may likuran ko. Nasa likod ko nga siya. Nakasandal siya sa may puno at nakangiting kumakaway sa'kin.
"Shantelle!" sigaw niya bago lumapit sa'kin. "Na miss kita."
Hindi ako sumagot at pinaningkitan lang siya ng mata.
"Anong tingin 'yan? Haha. Don't worry. Magugustuhan mo 'yung pupuntahan natin." he smiled.
I just nodded. "Dami mong alam. Saan ba kasi 'yon, ha?" irita kong tanong. Medyo nagugulat ako lately sa mga pakulo ng lalaking 'to.
Tumawa siya bago nagsalita. "Let's go?"
Hindi na ako umangal pa at um-oo nalang sa kaniya. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko kung sakaling may mangyaring hindi maganda. At isa pa, mabait naman itong si Nero. Napaka kulit nga lang talaga. Pareho sila ni Yarah.
Sumakay kami sa Mercedes niya. Nakangiti lang siya habang nagdadrive at paminsan minsa'y nagkukwento ng kung ano anong bagay. Wala naman akong ibang ginawa kundi tumango nalang. Ang daldal niya.
Tumigil siya sa isang drive thru at nag order ng mga pagkain para daw may makain kami mamaya sa pupuntahan namin. Kanina ko pa siya tinatanong kung saan kami pupunta pero laging you'll see' ang sinasabi niya. Hays, bakit ba kasi ako sumama in the first place? Hindi pa naman kami gano'n ka-close ng lalaking 'to. Napaka feeling close lang talaga niya.
Naisipan kong i-text si Yarah para sabihing mauna na siyang umuwi. Palagi kasi kaming sabay umuwi dahil sa iisang village lang naman kami nakatira. Okay lang din naman na gabihin ako ng kaunti dahil wala naman sila mom and dad sa bahay. They're out of country. No'ng umuwi ako dito sa pilipinas a month ago. Maluwag ang scheds nilang dalawa sa trabaho kaya palagi silang nasa bahay ni Dad. Pero naging busy ulit sila kaya naman palagi ulit akong mag isa sa bahay. Wala din si Yaya Felli sa bahay ngayon at nag leave siya for two weeks dahil namimiss na siya ng pamilya niya. Napakatagal na niyang naninilbihan sa pamilya namin at parang ina narin ang turing ko kay Yaya Felli. Mas ina pa ang turing ko sa kaniya kumpara kay mom. Siya kasi ang nagpalaki sa'kin. Hanggang ngayon nasa tabi ko parin siya.
"Shantelle sorry ha."
Napatingin ako kay Nero na diretso lang ang tingin sa daan. "Bakit ka nagsosorry diyan?" sambit ko at sinulyapan ang langit. Malapit nang kumagat ang dilim.
He smiled. "Eh kasi, baka nakukulitan kana sa'kin. Sorry talaga. Sinusunod ko lang ang puso ko. 'Diba sabi nga 'Chase your hearts?'"
Muntik ko nang maibuga ang kakahigop ko lang na Sprite. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi niya. "It's Dream not Hearts. Chase your dream, gano'n." paliwanag ko habang natatawa pa. Pero pwede rin naman na heart. Kaya lang dream talaga ang original haha.
Narinig ko naman siyang natawa din at saglit akong sinulyapan. "Hahahaha. Ay! Sorry na. Kaya pala sabi ko parang may mali. Pero sige, I will chase you padin. Pangarap kita, e."
I saw him smiled genuinely while driving. And there's this weird feeling again inside my stomach. Butterflies?
"You.." turo ko sa kaniya habang umiinom ng sprite. "You're confusing me so much. Ugh, stop it. Wala kang aasahan sa'kin."
He gulped and look at me for a second. "I know." seryosong sambit niya. Naguguluhan talaga ako sa kaniya. "I know but.. I'm happy when I'm with you or just seeing you. Please, just let me do this. I mean, wala akong pakialam kahit wala akong matanggap na kapalit mula sa'yo. Hayaan mo lang ako na gawin 'to. Hayaan mo lang ako na gustuhin ka."
Napangiti ako nang makarating kami sa sinasabing lugar ni Nero. Sinalubong ko ang malamig na simoy ng hangin dito sa tagaytay. Honestly, nakapunta na ako dito dati dahil isinama ako ni Daddy for some gatherings matter. But I didn't had a chance to see the place because I'm blind. Ang alam ko lang ay nasa tagaytay kami noon.
"Ang ganda pala dito."nakangiting sambit ko habang nilalanggap ang malamig na simoy ng sariwang hangin. Sobrang fresh ng air. Unlike, cities. I wonder kung bakit ako dinala ni Nero dito. Nakahawak ako sa mga braso ko dahil sa sobrang lamig. Kung alam ko lang na dito niya ako dadalhin edi sana nagdala ako ng makapal na jacket. Ang ginaw, e.
"Enjoying na view?" he laughed a little.
Napasulyap ako sa kaniya na nasa tabi ko na at nakahawak sa railings katulad ko. Nililipad ang buhok niya ng malakas na hangin. Tapos na siguro siyang makipag usap doon sa staff na in-charge dito sa lugar.
"Why did you bring me here, anyway?" naguguluhang tanong ko. Hanggang ngayon wala parin akong idea.
"I heard the news earlier. Magkakaroon daw ng meteor shower mamaya. Gusto kong makita 'yon at mag wish kasama ka." nakangiting sambit niya bago tinanggal ang suot niyang coat at isinuot sa'kin. Ang gentleman ha. Konting moves pa, nakaka score kana. Charaught.
I glared at him "Ganiyan mo ba ako ka gusto? Hmm, sabihin mo nga sa'kin Nero. Anong nagustuhan mo sa'kin?"
Tumigil siya at nag isip saglit bago ngumiti sa'kin. "Wala."
Napakunot noo ako sa sinabi niya. Wala?
"Huh?"
He chuckled at ginulo ang buhok ko. Inilipat niya ang atensiyon sa view ng mga ilaw ng kabahayan sa ibaba. "Wala akong dahilan. Kailangan ba mayroon? Basta ko nalang talaga naramdaman na gusto kita."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Naestatwa ako dahil sa mga pinagsasasabi niya. Parang nag iinit ang magkabilang pisngi ko kaya naman inismiran ko siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanahimik nalang ako. Maya maya ay nagsalita na naman siya.
"Let's head inside. Nagpareserve ako ng place. Mag i-star gazing tayo!" excited na sambit niya at hinila na ako papasok. Hindi na naman ako umangal at sumunod nalang sa kaniya. Nandito nadin naman ako, e. At isa pa, gusto ko rin mag wish sa meteor. Palagi kaming nag wiwish ni Lucian noon. Hindi nga lang natupad 'yung wish ko.
Ang makasama siya ng matagal..
***