Chapter 11

1742 Words
S h a n t e l l e "Ayun! Shooting star! Tara na, Shantelle. Let's make a wish!" tuwang tuwang turo ni Nero sa shooting star.  Natawa nalang ako sa kaniya. Para siyang bata. Pumikit naman ako at tahimik na nag wish. Gano'n ang sa tingin ko'y ginawa niya dahil nang imulat ko ang mata ko'y nakapikit parin siya. Pinagmasdan ko siya habang nakapikit at magkadikit ang mga palad. Parang seryosong seryoso siya. Ang gwapo pala ng side profile nito. I shook my head at inilis ang tingin sa kaniya nang magmulat siya. Baka isipin niya pang nagu-gwapuhan ako sa kaniya. "What did you wish for?" I asked while looking at the sky. Ang sarap pala sa lugar na'to. I feel so comfortable.  "Sasabihin mo din ba 'yung wi-nish mo 'pag sinabi ko 'yung sa'kin?" taas kilay na tanong niya. Tumango ako. Pero wala talaga akong balak sabihin hahaha. Gusto ko lang malaman 'yung sa kaniya. Ibinaling niya ang atensiyon sa mga bituin sa langit at ngumiti. "Hiniling ko na sana matupad 'yung wish mo." Nagsalubong ang dalawang kilay ko at napaharap ako sa kaniya. "What? Dapat ang hiniling mo ay 'yung para sa sarili mo. Nakakainis naman 'to." asar na sambit ko. So, parang ako lang pala ang nagwish? He shook his head. "Wala na naman akong gusto pa, bukod sa'yo."nakangiting sambit niya. Para na naman akong naestatwa sa kinauupuan ko dahil sa biglaang banat niya. Kung hindi lang siguro madilim sa lugar na ito ay malamang, nakita na niya ang namumula kong mukha. Kainis, bakit ang bilis kong magblush? "Tell me yours, Shantelle." he smiled. "Anong hiniling mo?" kulbit niya sa'kin bago inabot ang lata ng beer na binili niya kanina dito. Nasa ibabaw kami ng nakalatag na mat sa lupa habang pinagmasdan ang view mula dito sa terrace. I glared at him. "I won't tell it to you." Bigla naman siyang nagpout. "Haist! Andaya mo naman! Pero sige, okay lang. I will give you some privacy." sambit niya bago nilagok ang laman ng lata ng beer na kakabukas lang niya. Kinuha ko ang inaabot niyang beer sa'kin at gano'n din ang ginawa. Wala kaming ginawa ni Nero kundi magkwentuhan tungkol sa kung ano anong bagay habang nakatingin sa langit at kumakain ng pagkaing tinake out niya kanina sa drive thru. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kaniya at mga kwento niya. Napaka masayahin niyang tao. At lahat ng ikinuwento niya sa'kin ay tungkol sa kabataan niya at kung paano niya nakilala si Harris at Silver. Seven years na pala silang magkakaibigan. "Si Harris, bakit gano'n ang ugali ng lalaking 'yon?" sambit ko. Medyo nakakaramdam na ako ng hilo kahit isang lata lang naman ng beer ang nainom ko. Mababa lang kasi talaga ang tolerance ko pagdating sa alak. "What do you mean? Mabait si Harris." sambit ni Nero habang kumakain ng burger. Napairap nalang ako. "Syempre kaibigan ka niya, e. But when it comes to other people, ang sama ng ugali niya." Nero chuckled before drinking. "Just understand him. Sobrang dami na niyang pinagdadaanang problema sa ngayon. Ayaw narin niyang magpapasok ng panibagong tao sa buhay niya. Dahil pakiradam niya'y iiwanan na naman ulit siya. He's a bit scared of trusting people again." Napakunot noo ako sa sinabi niya. "What? That's it? Honestly, ang babaw ha. Pwede naman siyang makitungo ng maganda towards other people without trusting them. Ang tiwala sa tao at pagkikitungo sa tao. That's very different." napatango tango pa ako matapos kong sabihin ang opinion ko. Naiinis lang ako dahil kaya niya ako pinagtripan ay dahil hindi niya ako pinagkakatiwalaan. What the? Ang dami ko kayang pinagdaanang sa kamay niya. Parang hindi ako mapakali lagi sa University dahil pakiramdam ko'y anong mang oras ay mababagsakan nalang ako ng kung ano anong bagay. O kaya naman ay may biglang tatalapid sa'kin. Tumawa si Nero bago nagsalita. "Just try to understand him, Shantelle. Maiintindihan mo siya kapag ikaw ang nasa lugar niya." Nagkibit balikat nalang ako. "Okay, how about his problems? Ang sabi mo marami siyang pinagdadaanang problema ngayon. Like what?" Tumigil si Nero at saglit na nag isip. "Hindi kana naman iba sa'kin kaya sasabihin ko na sa'yo. Can I trust you, Shantelle? Harris don't like talking about his life. Siguradong bugbog ako do'n kapag nalaman niyang pinagkakalat ko." tumawa siya bago nilukot ang lata ng beer. Tatlo lang ang binili niya. 'Yung isa binigay niya sa'kin. I shrugged. "Dont tell it to me then. It's someone's privacy." "No, I will tell you. Malaki ang tiwala ko sa' yo, e." he smiled. Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan siyang magkwento. "Si Harris anak siya sa labas ng Daddy niya. Nakilala ko siya at naging kaibigan namin siya ni Silver when we we're 13. Sobrang weird niya at hindi siya palasalita. Ang sabi ng ni Auntie Hera, his stepmom. Harris, currently experiencing depression. He can't remember anything, even his name." malungkot na saad ni Nero. Tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya at hindi nagsasalita. I don't know what to say. He sighed then continue. "Ang sabi ni Auntie, Harris survived from a car accident. Matindi ang nangyari sa kaniya. Nabagok ang ulo niya kaya wala siyang maalala na kahit na ano. Except for one thing. Guess what it is?" natatawang tanong sa'kin ni Nero. "Siopao. Hahaha. Tangina, sa lahat ng pagkain siopao pa talaga ang nais. Natatawa parin ako kapag nakikita ko siyang kumakain no'n eh. Akala laging aagawan, e hindi naman ako mahilig do'n." Hindi ko alam pero bigla nalang din akong natawa sa kwento ni Nero about Harris. Siopao? Seriously? I remembered, no'ng umorder siya sa cafeteria noong araw na nag away kami. Kinuha ko 'yung mga pagkaing binili niya at ako mismo ang kumain. Sobrang natutuwa nga ako eh at pareho kami ng taste ng kupal na 'yon pagdating sa pagkain. Napatango ako. Maybe, Nero was right. Gano'n din naman ang pakiramdam ko kay Harris eh. I feel like he's a good person. Kung hindi siya mabait, bakit niya ako ililigtas ng dalawang beses 'diba? So, weird. Baka crush lang ako no'n eh. Haha, joke. "What happened then?" curious na tanong ko. "Sobrang na trauma daw si Harris sa car accident na 'yon. Matagal bago namin siya nakausap. Close ang mga magulang namin ni Silver sa mga magulang ni Harris. Natatandaan ko pa, madalas akong isama ng parents ko kila Harris para sa business. I end up talking to that punk. Hahahaha, so far he's okay now. Naka recover na siya. Tingnan mo nga, ang lakas nang mangtrip ngayon."tumawa siya ng tumawa bago napasukyap sa wrist watch niya. "Shocks! Anong oras na." gulat na sambit niya at napatayo. Tumingin ako sa wrist watch ko at napatayo nadin. It's 1:00 am. Sa sobrang daldal nitong si Nero hindi na namin namalayan ang oras. "s**t! Sorry, Shantelle. Tara na, ihahatid na kita. May klase pa tayo mamaya." aligagang sambit niya bago nililigpit ang mga pinagkainan namin. "It's okay." sambit ko pero umiling siya at tumawa. Natatawa nalang din siyang napakamot sa ulo niya. "Sorry talaga. Baka malate ka sa klase mo mamaya dahil sa'kin. Ang tanga ko talaga."  I shrugged at tinulungan siyang magligpit. "It's okay because I enjoyed it. I enjoyed your company." Bago kami tuluyang umalis sa tagaytay ay bumili muna si Nero ng kape sa starbucks at nagtake out narin ng breakfast para sa'kin. "Ano kaba, I can eat breakfast in my place. Bakit binilhan mo pa ako?" Ngumiti siya bago sumimsim ng kape. Nasa labas kami ng sasakyan niya at nagkakape. "Pagod kana. Mas maganda kung pag uwi mo, kakain ka nalang. At tsaka bayad ko 'yan sa'yo dahil sinamahan mo akong makita 'yung meteor. Ang saya ko kaya." I glared at him before sipping my coffee. "Tss, you're doing too much. Baka masanay ako." He shrugged his shoulders. "Masanay ka. Dahil araw araw akong may gagawing effort para sa'yo.." My brows furrowed. "Stop confusing me, Nero." "What? I'm not confusing you. I'm just doing what my heart says. Everything is real, Shantelle. Sorry kung nalilito ka but I assure you. Everything is real, I'm real." Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sumakay na kami sa Mercedes niya para makauwi. Alas dos na nang madaling araw ng kakarating kami sa bahay ko. Itininuro ko sa kaniya ang daan. "Thanks," sambit ko at tatalikod na sana nang magsalita siya. "Gusto talaga kita, Shantelle." seryosong sambit niya. Nasa labas kaming pareho ng sasakyan niya at nasa tabi ng fountain nitong bahay namin. Natigilan ako at hindi alam ang sasabihin. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong lapitan at guluhin ang buhok ko. Ngumiti siya sa'kin. "Stop being confuse. Just trust me." Nagpaalam na siya sa'kin at sumakay sa Mercedes niya. Ilang Segundo bago akong nakatulala bago ako mapakurap kurap. Naglakad na ako paakyat sa staircase ng bahay namin. Like what I've expected, walang tao. Naka dim lights lang lahat ng ilaw. Wala ang lahat ng katulong namin dahil hindi naman sila stay in dito. Si Yaya Felli lang ang stay in. 5am tsaka dumadating ang lahat ng katulong namin dito para magtrabaho. So, ngayon. Mukhang mag isa lang ako. Hindi ko alam kung kailan ang uwi ng mga magulang ko galing US. Well, sanay na naman ako na wala sila. Pumunta ako ng kusina, binuhay ang ilaw at ipinatong ang paper bag. Ito 'yung binili ni Nero sa'kin kanina sa starbucks. Napabuntong hininga. Tama si Nero, pag uwi ko ng bahay nakaramdam ako ng pagod. Mabuti nalang pala at tinanggap ko itong breakfast na binili niya. Wala pa naman si Yaya Felli dito para ipagluto ako. Hays. Pagkapatapos kong kumain, niligpit at hinugasan ko 'yung pinagkainan ko bago ko pinatay ang ilaw at umakyat sa kwarto ko. Nag hot shower ako at nagbihis pantulog. Pabagsak akong humiga sa kama at kinuha ang cellphone ko. May text galing kay Nero at may notification sa i********:. From: Nero Goodnight, Shantelle! Thank youuu. Sleep well. See you tomorrow :> Nireplyan ko siya ng 'goodnight' bago nagpunta sa i********: account ko. nero.elvis started following you Napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Nero. Napaka stalker niya ah. Paano niya nalaman ang username ko sa IG? Hindi ko nalang 'yon binig deal at tiningnan ko nalang ang profile niya. 57 post, 6745 followers, 21 following "Famous naman si koya." sambit ko. Nag scroll ako at tiningnan ang mga post niya. Wala naman. Puro pictures niya lang kasama sina Harris at Silver. May isang babae akong nakitang nakayakap sa kaniya sa isang picture pero hindi ko na 'yon inusisa pa at tinignan nalang ang story niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang ako 'yon. Picture ko habang nakapikit at nagwi-wish. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Paano niya ako napicturan eh pareho kaming humihiling sa shooting star?  Binasa ko ang maliit na caption sa ibaba at nagulat ako. 'Wish granted' ———
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD