Chapter 6

2253 Words
S h a n t e l l e Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa gate ng Crescent High, isang lukot na papel na kaagad ang bumungad sakin. It hit my face and fell on the floor. Nakita ko kung sino ang gumawa 'non. Naikuyom ko ang kamao ko dahil nanggigigil ako. Agang aga, binu-bwiset nila ako. Damn! Pinulot ko ang lukot na papel at binuksan iyon. 'Get lost'  That's what is written on the crumpled paper. I just shook my head. Why am I leaving? They have no right to evict me from here.   Matalim kong tinitigan ang mga babaeng estudyante na nagbato ng papel sa'kin. Mabilis naman silang nagsitakbo ng titigan ko sila. Sa totoo lang gustong gusto kong ipakain sa kanila ang papel na ibinato nila sa'kin. Pero dahil may natitira pa naman akong pagtitimpi sa katawan ay hindi ko lang ginawa ang gusto ko. They're just a typical high school girls na may gusto siguro sa Harris na 'yon kaya nila 'to ginagawa. Wala ata silang taste? Marami pa naman sigurong mas maayos na lalaki rito. Laban naming dalawa ito ng Harris na 'yon kaya naman hindi ko sila papatulan. Kapag siguro sobra na sila. Papalampasin ko nalang muna ito. Tsk. I need to calm myself down. I threw the crumpled paper in the near trash can and started to walked. Baka malate pa ako. My Prof will kill me. As I walked along the hallway, I remembered my conversation with Yarah yesterday. "Shantelle Jinn, gaga ka talaga!" "And your problem is?" "Tsk. Yung kanina! Kahit kailan ang tapang mo talaga. Hindi mo dapat ginawa 'yun." "Yarah, you know I was a victim of bullying before, right? I just don't want that to happen again. Tsaka hindi ko naman binugbog 'yung lalaking 'yun, e. Sa susunod nalang-Aray! Para saan 'yun?" "Para ka talagang gangster! Shan, alam ko naman 'yun e. Kaya lang kasi dapat hindi mo talaga ginawa 'yung kanina!" "Psh. Why? I dont  f*****g like his attitude! Akala mo kung sino." "Shan, eto ha. Makinig ka sakin. Si Harris ay si Harris. Hindi siya basta si Harris at hindi siya basta kung sinu-sino-'" "Alam mo ang gulo mo. Eh kung direktahin mo na kaya?" "Err. I mean. Si Harris ay ang pinaka sikat na estudyante sa Crescent High, pinaka gwapo para sa karamihan, Except sakin ah? Ayokong magtaksil kay Theo e. Hehe! Pero eto na nga. Si Harris din ang Captain sa basketball team dito sa campus at higit sa lahat Rank one siya sa lahat ng estudyante dito pagdating sa academics. Ay eto pa pala! Ang mga magulang din niya ang may pinaka malaking shares sa school na'to, kaya naman iginagalang siya ng lahat. So, if I we're you!-" "Gusto mong galangin ko rin siya, ganon ba?" "Uhh. Not really, just stay way from him and don't mind his business. Mapapahamak kalang." "Tsk. No. Nakita mo ba 'yung kanina? Wala siyang manners." "Shantelle, minsan kailangan mo din bawasan yang pagiging palaban mo kasi isang salita niya lang, Expeled kana dito." "E 'di ma-expel. Ayoko ng ganon, 'yung tinatapak-tapakan ako. Hindi ako kalsada." "Tsk. Basta sa ayaw at sa gusto mo, iiwasan mo siya, Shantelle. At siya nga pala ihanda mo na ang sarili mo bukas kasi tino-totoo niya lahat ng sinasabi niya. 'Wag kang mag alala, nandito lang ako palagi sa tabi mo." 'Tsk, wala ka namang naitutulong.' Napabuntong hininga ako ng makarating ako sa tapat ng classroom ko. Mayroon din kayang eepal sa classroom? Dahan dahan kong pinihit ang door knob upang makapasok. Nang mabuksan ko ito'y bumungad sa'kin ang matalim na titig ng guro na nasa unahan. Pati ang mga estudyanteng kaharap niya ay nasa akin narin ang atensiyon. Kunot noo akong napatingin sa relo ko. What the? Late lang ako ng isang minuto ah? Ang aga naman niya masyado. Excited siya ako hindi. "Ma'am I'm--" "And why are you late, Miss Arceo?" mataray nitong tanong sa'kin. Nakataas pa ang isang kilay nito. "Well, I--"err, what should I say? Dapat ko rin ba siyang tanungin kung bakit sobrang aga niya? Nako, hindi pwede lalo niya akong hindi papapasukin sa klase niya. Tss, History of Architecture pa naman ang subject niya. The hell. "Go out! I don't need irresponsible students inside my class." sigaw niya. "Go to gym and accept your punishment." dagdag pa nito bago binuklat ang record book niya. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Sa Gym? Anong gagawin ko do'n? Tss, this is so unfair! I didn't even get a chance to explain to her why I was late. And yet, she wanted me to leave? Oh god! "But ma'am-" "I said go out!" Napapikit ako sa sigaw niyang iyon kaya naman wala akong nagawa kundi lumabas ng classroom. Minasahe ko pa ang dalawang tainga dahil pakiramdam nabingi ako sa sigaw niyang iyon. Tss, kung maka sigaw naman siya. Duh? One minute lang ako na-late. I sighed when I heard my classmates laughing about me. Go out daw? Eh, hindi pa nga ako nakakapasok sa loob. So, ganito pala ang sistema sa University na 'to? Kapag ginawa mo ang tama paparusahan ka? How annoying. Dapat siguro magtransfer na ako-no! Why would I? I haven't done anything wrong here. "Just be well prepared.." Nagpantig ang dalawang tainga ko ng maalala ang sinabing iyon ng kupal na si Harris. Parang gusto ko nang sumigaw sa galit pero hindi pwede dahil class hours ngayon. Baka ma guidance pa ako kapag nag ingay ako dito. Problema pa 'yon. Napasimangot nalang ako bago sinunod ang sinabi ng mataray na Prof na 'yon. I went to gym and I was really surprised when I found out what was my punishment. After an hour.. I could feel my sweat as I continued to clean this entire gym with a mop. I'm done cleaning the women's CR, 'yung CR nalang ng mga lalaking ang hindi pa. Tss, mabuti nalang at walang gumagamit nitong gym dahil kung meron mas mahihirapan akong linisin 'to. Baka paghahampasin ko lang sila ng mop kapag nainis ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa e, dapat natutulog ako sa klase ngayon! Pero 'syempre joke lang 'yun. Gusto ko talaga mag aral e'. Damn, all of them are so annoying! "Hays," nagpunas ako ng pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad ko. "Tss. Kung alam ko lang na lilinisan ko itong gym, edi sana 'di nalang ako pumasok. Badtrip." reklamo ko. Asar na asar talaga ako ngayon. Sino bang matutuwa dito?! "Kaasar, tag hirap ba sa school na'to at ako ang inatasang maging janitress?! Hindi naman ako pumasok para dito! Damn!" ibinalibag ko ang mop dahil sa labis na inis. Nakakainis na talaga. I'm really sure na 'yung Harris na 'yon ang may gawa nito. Tss, humanda siya sa'kin. Gagantihan ko siya sa ibang paraan. Pinahid ko ang pawis na tumulo sa noo ko. "Badtrip talaga. Wala pa akong dalang towe-" "Shantelle, eto oh." Nagulat ako nang isang towel ang lumantad sa mukha ko. Tiningala ko kung sino ang may hawak no'n at naningkit ang mga mata ko ng makita ko siya. Ano namang eksena niya dito? 'Wag mong sabihing pinadala siya ni Harris para magkalat dito para mas mahirapan ako? "Anong ginagawa mo dito?" iritang tanong ko bago hinila ang sa kamay niya ang towel. Hindi ako pwedeng tumanggi sa towel. Kailangan ko nito eh. Pawisin pa naman ako. Siguradong magagalit si Yaya Felli pag nakita niyang pawisan ako pag uwi. He chuckled."Grabe, wala man lang bang thank you diyan?" sambit niya habang nagpapa-cute. Tss, nakuha pa talaga niyang magpa cute? I glared at him while wiping my sweats. "Tigilan mo nga 'yan. Hindi uso sakin 'yun-Teka para sa'kin din ba 'yang bottled water na hawak mo?" tanong ko ng makita ang hawak niya bottled water. Sobrang tuyot na ang lalamunan ko. Tumango naman siya. "Ahh. Oo, eto oh. Inom ka muna."iniabot niya sakin ang bote ng naka ngiti. Agad ko naman itong tinanggap at uminom. Grabe, uhaw na uhaw ako. "Mukhang uhaw na uhaw ka ah?"tanong niya bago umupo din sa sahig ng gym katulad ko. "Mukha nga. Pero bakit ka nga ba nandito? Wala kabang klase?" tanong ko. Madalas ko kasi siyang makita. Sinusundan kaya ako ng isang 'to? At kung oo, bakit naman niya 'yon gagawin? Ano bang kailangan niya sa'kin? Itinuon niya ang mga siko niya sa hita niya at nanglumbabang tumingin sa'kin. "Lunch break na kaya nagpunta ako sa classroom mo para yayain kang mag-lunch, pero wala ka dun at ang sabi nila dito kita puntahan. That's why I'm here." nakangiti niyang sambit. Ang hilig niya ngumiti e 'no? Mukha siyang masayahin. Sana all. Sana naman maisipan niyang hawaan ng kasiyahan 'yung kupal na si Harris. Napakunot noo ako nang marealize ang sinabi niya. "And why would you do that?"napataas ang isang kilay ko. Naku-curious na talaga ako sa pagiging friendly ng isang 'to sa'kin. Hindi naman kaya... Don't tell me- crush niya ako? Haha! Imposible. Alam ko ang mga tipo ng isang lalaking katulad niya. "Ang yayain kang kumain?" he chuckled. "Wala. Gusto ko lang. Masama ba? Gusto kitang kaibiganin e." nahihiya niyang sambit habang nagkakamot ng batok. He turned his glance around the gym before speaking. "Tapos kanang bang linisin itong gym?" "Hindi pa nga, e." sambit ko sabay inom ng tubig. Bigla naman siyang tumayo at kinuha iyong mop. "Tulungan na kita para mabilis kang matapos. I'm really sorry, Shantelle. I know you're tired. Just sit there and relax. Ako na ang tatapos nito para sa'yo." nakangiti niyang sambit bago sinimulan ang pag ma-mop. Nagtataka man ako sa ginagawa niya'y hinayaan ko na lang siya. Pinanood ko nalang siya habang nagma-mop. Sa totoo lang gwapo ang lalaking ito. Cute siya na maamo 'yung mukha. 'Di tulad nung Harris na 'yun, palaging nakasimangot! Parang pasan pasan niya 'yung buong Mundo dahil sa pagkagusot ng mukha niya tuwing nakikita ko. Aish. Napa iling iling ako. Nairap nalang ako bago nagsalita."Do what you want. Basta walang kapalit 'yan ha." I said while fixing my ponytail. I saw him frowned."Luh, e' niyayaya nga kitang kumain e'. Treat ko naman, Shantelle. Sige na pleaseee?"pinagdikit niya pa ang kanyang mga palad na parang humihiling. Nakasangat tuloy 'yung mop sa pagitan ng mga binti niya. Aish, seriously. What's with this guy? May hidden agenda ba siya na hindi ko ma-figure out? "Ayoko nga. Maglinis ka nalang diyan-" "Nero!" natigil kami sa pag-uusap at napatingin sa nagsalita. Tss, ano namang eksena ng lalaking 'yan dito? As I've expected, wala na namang ekspresyon ang mukha niya. Napaka cold niya. "Oh, Harris. Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ni Nero. Naitigil niya ang ginagawa dahil sa pagdating ng friend niyang pinaglihi sa sama ng loob. "I should be asking you the same question, what are  you doing here?" taas kilay na tanong ni kupal. Hays, makita ko lang ang lalaking ito nagkakaroon ako ng dahilan para sumimangot. Mukhang nahahawa na ako sa kaniya. "Ahh, wala naman. Tinutulungan ko lang 'yung kaibigan kong si Shantelle."napa taas kilay naman ako. Kailan niya pa ako naging kaibigan? "Kaibigan? Hindi ka man lang ba marunong pumili ng matinong kakaibiganin, Nero? Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa sakin ng babaeng 'yan."mariin niyang sambit. Tss, ako talaga sinisisi niya ah? Kapal ng kalyo sa mukha. Ay wala pala siyang kalyo. Clearskin siya eh. "I know, pero Harris? Hindi naman siya sakin may ginawang hindi maganda e'. Sa'yo. Tsaka pangako hindi siya makakaapekto sa barkada." seryosong sambit ni Nero. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Ano ba kasing problema niya at dikit siya ng dikit sa'kin? Nagagalit tuloy si kupal. "Tss. It's your choice then. Basta wag mo akong pipigilan sa mga plano ko sa babaeng 'yan. I'm not yet done with her. She needs to learned her lesson." seryosong sambit ni kupal. He turned his back after saying those. Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Learned my lesson daw. Ano ba siya, batas?! "Pero Harris hindi naman-" "At isa pa, huwag mo siyang tulungan diyan. That's her punishment." agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatayo ako dahil sa sobrang inis."Sabi ko na ikaw may pakana nito 'no?!"sigaw ko. Napalingon naman ito sakin. "Ako? Mga iresponsableng estudyante lang ang pinapagawa ng ganyan. So, kung ginagawa mo 'yan malamang iresponsable ka." giit niya. "Kaasar. Napakayabang mo talaga!" inis kong sigaw sa kanya sabay bato ng walang lamang bote ng tubig. Nagawa naman iyong iwasan. "Simula palang 'yan tapos ganiyan kana? Alam mo, pwede ka namang sumuko eh. Just apologize to me. Proper apologize."nakangising sambit nito. "Paanong hindi? Eh napaka unfair niyo! I haven't done anything wrong kasi ikaw 'yung may nagawang mali. Why are you putting all those blames to me? Ginawa ko lang 'yung alam kong tama!" galit na sigaw ko. Nag e-echo 'yung boses ko sa buong gym. "I don't care. Kung ayaw mong napaparusahan. Then you're free to drop out in this University. Go, and take your stupid ass." sambit nito bago nagsimulang maglakad. Umakyat naman ang inis sa buong sistema ko kaya naman agad kong nilapitan si Nero at mabilis na inagaw sa kaniya iyong mop. Susugudin ko sana ang kupal na 'yon para hampasin siya ng mop pero pinigilan ako ni Nero. Tuluyan na tuloy makalabas ng gym si kupal. "Ano ba, bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko. Nakawala naman ako sa kaniya dahil hinuli ko ang braso niya pagkatapos ay ibinalibag ko siya sa sahig ng gym. "Aray..." daing niya habang namimilipit sa sakit. Nakahiga parin siya sa sahig. Agad ko siyang nilapitan dahil medyo nakokonsensiya ako. "Ayos kalang? Tss, hindi mo kasi dapat ako pinigilan. Nasaktan ko pa tuloy, stupid." napairap nalang ako. Nagulat naman ako ng biglang tumawa. Gumalaw siya at sinubukang maupo. "Grabe, Shantelle. Nakakabilib ka! Paanong mo nagawa 'yon? Nanakit ang likod ko do'n ha." natatawang sambit nito habang hinhimas ang likod niya. Napakunot noo ako. Nasaktan na siya pero nakukuha pa niyang tumawa? Sabagay may mga ganitong tao talaga, e. Pinipilit paring maging masaya kahit nasasaktan na. I took a deep breath before I offered my hand to him. "Tumayo kana diyan." sambit ko habang hinihintay ang kamay niya abutin ang kamay ko. Kahit medyo rude ako may natitira pa namang konsensiya dito sa loob ko. Ngumiti siya at agad na tinanggap ang kamay ko. Inalalayan ko siyang makatayo. "Salamat, Shantelle." "Che."sambit ko bago inilagay ang isang braso niya sa may batok ko. Masakit ang pagkakabalibag ko sa kaniya kaya alam kong hindi siya makakalakad agad ng ayos. This is my fault so I should take him to the clinic. After this, we're quits. Sana naman 'wag niya na akong guluhin. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD