bc

CRAIG VELEZ

book_age18+
7.7K
FOLLOW
29.4K
READ
billionaire
revenge
possessive
CEO
twisted
bxg
like
intro-logo
Blurb

Cruisha Martinez is a twenty-seven-year-old woman who hopes to be the future CEO of Martinez Medical Center. She is working hard to get the position. Cruisha has no plans on giving up her dreams to be the head of the hospital. Unfortunately, hindi siya ang pinili kung 'di ang isang taong ang akala niya'y mamahalin siya ng totoo. Iyon naman pala'y ang gusto lang nito ay ang sirain ang isang taong mahalaga sa kanya at iyon ay ang ama niyang si Carlos Martinez.

Craig Velez is a thirty-two-year-old owner of one of the biggest pharmaceutical companies in the Philippines. He is a wealthy and successful bachelor of the country and is living his life to the fullest. He is a young man who works so hard to get revenge for his sister, who died seven years ago.

Paano kaya magtagpo ang mga landas nilang dalawa? Paano kung ang taong sinimulan mo ng mahalin ay ang taong magtatraydor sa'yo?

Ano kaya ang mananalo? Ang paghihiganti o ang pagmamahal?

Subaybayan po natin ang kwento nila Craig Velez at Cruisha Martinez.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
      Humahangos na tumakbo ang binata patungo sa hospital room ng bunso niyang kapatid na si Carey. Inatake na naman ito sa sakit nito sa puso. Natatakot na sila sa paulit-ulit na pag-atake ng sakit nito sa puso. Hanggang ngayon, wala pa ring nahanap na heart donor para sa kapatid niya. Hindi na nila alam kung saan sila kukuha. Sobrang kabog ng dibdib niya at puso niya dahil sa pangangamba na mawala si Carey sa kanila. Mahal niya ang bunso niyang kapatid at ayaw niyang mawala ito sa kanila. They treasured her so much, to the point na bini- baby na nila ito palagi. She's thirteen-years-old and will always be his baby sister. Kaya nga gumawa sila ng paraan para makahanap ng Donor at maoperahan na kaagad ang kapatid niya.       Kagagaling lang niya sa kompanya dahil nagsisimula na siyang turuan ng kanyang ama. Para gamay na niya kung paano patakbuhin ang kompanya. Ipapasa na kasi nito sa kanya ang kompanya. Kaya todo ang kanyang pagsisikap para matupad ang pangarap ni Carey. May pinagkasunduan kasi sila ng kanyang ama na kapag nalampasan niya ang mga pagsubok ng kompanya ay  papayagan nito ang kapatid na maging ballerina. Kaya nga gagawin niya ang kanyang makakaya na maresolba ang problema para makamit ang pinapangarap nito. Kaya heto nga, nalampasan nila ang pagsubok sa kompanya at bitbit na niya ang name plates kung saan, siya ay itinalagang CEO.       Napahawak siya sa kanyang tuhod at habol ang kanyang paghinga nang makarating siya sa tapat ng ICU/ INTENSIVE CARE UNIT. Marahang pagpunas ng kanyang noo gamit ang manggas ng kanyang polo. Napaayos siya ng tayo ng may tumapik sa kanyang balikat. Nakita niya ang kanyang ama na mugto ang mga mata.       Nagsisimulang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata at para siyang pinagbagsakan ng mundo nang makitang umiiling ito. Nanghihinang naglakad siya patungo sa tapat ng salamin kung saan nakikita niyang maraming mga nakasaksak na tubo sa katawan ng kapatid. Unti-unting tinanggal ng mga Doktor iyon.        Sabi kasi ng Doktor sa kanila kapag tinanggal ang tubo sa katawan ng kapatid niya ay hudyat na tumigil na ang pagtibok ng puso nito. Ang tubo lang din ang nakadagdag sa lifespan ng kapatid.       Umiiyak at nanginginig ang kanyang mga labing napatingin sa kanyang ama.      "P-pa, b-bakit ninyo hinayaang tanggalin ang tubo kay C-Carey? H-hindi pa patay si Carey, diba? B-buhay pa naman ang baby sister ko diba?" umiiyak na kumbinsi ng dalawampu't-limang taong gulang na si Craig Velez na buhay pa ang kapatid niya.           Hiniling niya na hindi totoo ang nangyayari ngayon. Isa lang itong panaginip. Pasimple niyang pinisil ang kanyang mga braso upang malaman niyang panaginip ba ito o hindi. "A-anak… w-wala na ang kapatid mo," nanlulumong sabi ng kanyang ama.     Marahas na tinabig niya ang kamay nito sa kanyang balikat. Pinukol niya ng masamang tingin, ang kanyang amang si Edward. "Paano ninyo nasabi na wala na ang kapatid ko?! Hindi pa patay ang kapatid ko, Papa! Buhay pa siya! Buhay pa s-siya! N-nagkausap pa kami kanina! Kaya imposible ang sinasabi mo!" sigaw niya sa ama dahil hindi siya naniniwalang wala na ang kanyang kapatid.     Tumakbo siya sa loob ng ICU at tinabig ang mga kamay ng Nurse o kung sino mang nagtanggal ng mga tubo sa katawan ni Carey. "Sir, kailangan na po naming tanggalin ang nakasaksak na tubo sa katawan niya dahil wala na po siyang buhay," pakiusap ng nars sa kanya, pero tinabig lang niya  ang kamay nito ng akma siya nitong hahawakan.   " Buhay pa ang kapatid kong si Carey! Kaya tumigil kayo sa mga ginagawa ninyo ngayon! Hindi pa patay ang kapatid ko!" pangumgumbinsi niya sa mga Doktor, pero napayuko ang mga ito at umiling sa kanya.    "Ano ba!"  nanggalaiting sigaw niya sa mga Doktor at Nars na nandito sa loob ng ICU. " Ilang ulit kong sinabi na b-buhay pa ang kapatid ko! Naintindihan ninyo?! Buhay pa siya!"        Hindi niya alam kung ang Doktor o ang sarili niya ang kanyang kinumbinsi na buhay pa ang kapatid niya.      Nakita niya na napapitlag ng mga ito sa pagsigaw niya. Tumutulo ang kanyang mga luhang iniisa-isa niyang tinitigan ang mga ito. Naaawang napatitig ito sa kanya at napaiwas kaagad ng tingin.      Bakit? Bakit ang dali nilang sumuko? Bakit hindi nila kayang ibalik ang kanyang kapatid?      Nadidismaya siyang napatitig sa mga ito at napailing. Tinalikuran niya ang mga ito at humarap sa kapatid niya. Nanginginig ang kanyang kamay na hinawakan ang kamay ni Carey at dinala sa kanyang pisngi upang maramdaman niya ang init na nagmumula doon.  "C-Carey, baby. N-nandito na si K-kuya kaya gumising ka n-na. P-pangarap mong maging Ballerina diba? M-matutupad muna ang pangarap mo dahil naging CEO na si Kuya," pakiusap niya sa kapatid.      Baka marinig nito iyon at magising ito sa mahimbing na pagtulog.     Alam niyang natutulog lang ito kaya imposibleng wala na itong buhay. Ramdam pa niya ang init na nagmumula sa kamay ng kapatid niya. Kaya imposible talaga na wala na ito. Nanginginig na kinuha ang kanyang business card sa kanyang bulsa.  Nahulog iyon sa sahig at akmang  kukunin niya sana ng naunahan siya ng kanyang ina. Tigmak ang mga luha sa mga mata nito ng inabot nito sa kanya ang business card. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata ng kanyang ina. Napailing na tinitigan niya ang kanyang ina at umiiyak na umiiling siya rito. "M-ma, p-pati b-ba naman kayo?" hindi makapaniwalang saad niya rito.      Nanlalabo na ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at walang-sabing hinila siya nito para yakapin. Bagsak ang balikat na napaiyak siya sa dibdib nito. "Anak, pagpahingahin mo na ang kapatid mo. Hindi na niya kinaya  ang huling gamot na naka-inject sa kanya,"    Umiling siyang umalis sa pagkakayakap nito at dismayadong nakatitig sa ina.  "M-ma, n-nangako sa akin si Carey na lalaban siya para makamit niya ang kanyang pangarap na maging Ballerina. Ma! Nagsusumikap ako para sa baby sister ko! P-pero--- pero ito ang nadatnan ko?"     Nanghihinang napasalampak siya sa sahig at napahagulhol ng iyak.      **** At the Funeral       Tulalang nakayakap ang binata sa larawan ng kapatid niyang babae. Hindi pa rin niya tanggap na wala na ito sa kanila. Sobrang sakit na ang pinakamalapit sa kanya ay bigla na lang nawala sa kanila. Kausap pa niya ito noong araw na iyon. Sinabi niya na may surpresa siyang hatid at magandang balita. Pero sa kasamaang palad ay wala na ito sa kanila.    "Carey, my baby…"        Napatingin siya sa unahan kung saan ang kanyang ina na nagsasalita na ngayon. Wala siyang maintindihan sa sinabi nito bagkus ang huling sinabi lang niya ang naintindihan niya. "Paalam,"   Tumulo ang kanyang luha sa huling sinabi ng kanyang ina. Akala niya, wala na siyang mailuha, pero heto siya umiiyak ngayon. Sunod-sunod ang kanyang pagluha hanggang sa napahagulhol na siya sa sakit. Naninikip ang kanyang dibdib dahil wala na ang kapatid niya. Iniwan na sila nito.       Nang hindi niya kinaya ay tumakbo siya papalayo sa libing ng kanyang kapatid. Rinig niya ang pagtawag ng mga magulang o mga kaibigan niya. Hindi siya huminto sa pagtakbo. Gusto niyang maibsan ang sakit na naramdaman niya ngayon. Gusto niyang maibalik ang buhay ng kanyang kapatid, pero imposibleng mangyari iyon. Dahil wala na ito at ito ang huling araw na ilibing na si Carey.      Napahinto na lang siya sa tapat ng punong kahoy at napatigil nang maramdaman niya ang pagpatak ng ulan. Napatingala siya at hinayaan ang patak ng ulan na tumama sa kanyang pisngi. Nakikisama ang langit sa kanyang naramdaman ngayon. Hindi niya lubos akalain na mawala ito sa kanila. Hindi niya tanggap ang nangyayari. Hindi maintindihan kung bakit ang kapatid pa niya ang nawala. Bakit hindi siya? Bakit ang walang kamuwang-muwang na kapatid niya ay nawala na lang sa kanila?        Inilayo niya ang yakap- yakap na litrato. Napaiyak na naman siya at hinaplos ang nakangiting mukha nito. Ang mabait, malambing at may mataas na pangarap ay nawala na sa kanila. Wala ng gumugulo sa kanya kapag gabi. Magpapatimpla ng gatas kapag hindi makatulog o 'di kaya ay sa madaling ay magigising na lang siya ng may nakadagan na mga binti nito sa kanyang katawan. Palagi siya nitong ginawang human pillow. Wala ng gagawa ng ganoon sa kanya. Wala na ang kapatid niyang si Carey. Ngayon pa lang, namimiss na niya ito ng sobra. "B-bakit mo kami iniwan, C-Carey?" garalgal ang boses na napatingala siya.       Napaluhod siya at niyakap niya ng mahigpit ang litrato ng kanyang kapatid. Patuloy lang siya sa pag-iyak habang yakap-yakap ang litrato nito. Napabaling ang kanyang atensyon nang marinig niya ang pangalan ni Carey. "Pare, bakit mo ginawa iyon kay Carey? Bakit mo nilagay sa dextrose niya ang bagong gamot na hindi pa sigurado na epektibo ba o nakakamatay na gamot? Tingnan mo ang batang si Carey na ngayon ay nasa kaba--"     Hindi na niya hinintay na tapusin ang sasabihin nito dahil lumabas na siya. Kuyom ang kanyang kamaong nagpakita sa mga ito. Nanlilisik ang mga matang tiningnan ang mga walang-hiyang Doktor na akala niya'y makakatulong sa kapatid niya. Kitang-kita niya ang pamumutla ng mga mukha ng dalawang Doktor, isa na ang nandoon ay ang head ng hospital. Walang iba kung 'di si Mr. Carlos Martinez. "M-masaya na kayo na wala na ang kapatid ko?! Masaya na kayo na nasa kabaong na siya?" hinaklit niya ang kwelyo nito at humigpit ang pagkakahawak niya roon,  "Bakit?! Bakit ang kapatid ko pa?!"    "Craig, huminahon ka muna!"     Napatiimbagang siya sa sinabi nito. "Paano ako maging mahinahon kung hindi maibalik ang kapatid kong si Carey?! Sabihin mo, paano ako maging mahinahon?! Iyong kapatid ko ngayon ay nasa kabaong! Ibalik mo ang buhay ng kapatid k-ko. Parang a-awa niyo na---”       Nawala na lang siya sa harapan ng Doktor ng may humila sa kanya papalayo rito. “Dude, stop! Please, calm down!" pagpapakalma sa kanya ni Ramm.      Malakas na tinulak niya ito at nanlilisik ang mga matang napatitig sa kaibigan niyang si Ramm. “Paano ako kakalma?! Sabihin mo paano ako kakalma kung iyang dalawang taong iyan…” turo niya sa dalawang Doktor na ngayon ay masama ang titig sa kanya. “Pinatay nila ang kapatid ko!”  -----            Almost seven months later, he still mourns his sister Carey. Siya lang ang tao na nasa bahay na hindi pa rin nagbabago ang takbo ng buhay  niya. Nandito siya ngayon sa opisina niya na abala sa kanyang tambak na trabaho.  Wala siyang ibang ginawa kung ‘di opisina at bahay lang. Ayaw niyang may bakanteng oras dahil ayaw niyang umukopa sa kanyang isipan ang kanyang kapatid. Hanggang ngayon, dala-dala pa rin ang galit niya sa kanyang dibdib ang walang hiyang mga Doktor. Nakatatak sa kanyang isipan ang pinag-uusapan ng Doktor na iyon. Gusto niyang paghigantihan ang pagkawala sa kanyang kapatid. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya maibagsak ang hospital na iyon. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para wala ng iresponsableng Doktor ang pumatay sa mga pasyenteng katulad ng ginawa sa kanyang kapatid. Pabagsakin niya si Carlos Martinez.    “Sir…”       Napaangat ang kanyang tingin at nakita niya ang kanyang Secretary na si Klein Ochoa. May bitbit itong mga papeles sa kamay nito at naglakad papalapit sa mesa niya.  “Here are the documents you needed and I want to remind you that you will be having a meeting. The guest will arrive at one o’clock in the afternoon,”      Napangiti siya sa kanyang narinig. May mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Nakita rin niya ang pagngisi ng kanyang Secretary. Alam nito lahat kung ano ang binabalak niya at ito lang din ang kanyang pinagkakatiwalaan na tauhan sa kompanya. Mahirap ng magtiwala sa ibang tao. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nila. Si Klein kasi ang anak ni Manang Lita na pinag-aral ng foundation ng kanyang Ina.  “What time is it?”       Napatingin ito sa relo bago siya nito sinagot. “Malapit na pong mag-ala una ng hapon kaya maghanda na po kayo,”  “Tinawagan mo na ba sila na maghanda na?” “Yes, Sir. Nasa conference room na sila naghihintay na lang sa pain,”      Tumango na siya rito at ito naman ay umalis na. Ipinagpatuloy na rin ang pagbabasa sa mga hindi pa niya natapos na trabaho. Kailangan niyang matapos ito para hindi siya matambakan ng trabaho. Nakakasawa bang maging CEO ng kompanya? Sa kanya, hindi. Nasa mga tao naman kasi iyan, kung gusto o hindi ang trabaho nila. May oras na nakakapagod, pero worth it din naman dahil nababayaran naman ang pagod mo kapag nakikita mong umuunsad na ang kompanya mo. Mas masarap ang pinaghirapan kaysa tumanggap ka ng madalian. Much better to work hard for yourself and to gain more knowledge about your profession.       Ilang minuto na siyang nakababad sa pagbabasa at pagperma ng mga dokumento ay hindi pa rin niya matatapos ang mga ito dahil ngayon ay may importante siyang meeting. Kasama ang mga taong makakatulong sa kanya.       Tumayo na rin siya ng may kumatok sa kanyang pintuan at pagtawag sa kanya sa intercom ni Klein. Hudyat na kailangan na niyang puntahan ang meeting. Kaya kinuha niya ang kanyang coat at lumabas na rin sa opisina niya.       Nagtungo siya sa Conference Room kasama si Klein na may bitbit na rin ng dalawang briefcase. May ngiti sa kanyang mga labi na naglalakad siya patungo roon. Ngayong araw na ito, sisimulan na niyang pabagsakin ang taong may kasalanan kung bakit nawala ang kapatid niyang si Carey. Hindi niya pwedeng hayaan na maging masaya ang mga Doktor na iyon. Nalaman niyang limang Doktor ang sangkot sa pagkamatay ng kapatid niya. Pinag-eksperimentohan para malaman kung i-epekto ba o hindi.             Pagkarating niya sa conference room ay nadatnan niya ang dalawang tauhan na naghihintay sa labas. Sa magkabilang gilid ng pintuan ay may dalawang nagbabantay. Sa tingin niya’y inaasahan talaga ng nasa loob na pwede itong mapahamak sa anong oras. Tumango ang isa at pinagbuksan siya ng bodyguard. Parang nagmamay-ari ng kompanya ang hayop. Nagdala pa talaga ng mga tauhan dito mismo sa kanyang teritoryo.                       Nang magbukas ang pintuan ay agad na napatayo ang dalawang lalaki na may malaking ngiti sa mga labi nang makita siya. Walang emosyon na tinitigan niya ang mga ito. Nakita niyang nawala ang ngiti ng mga ito nang maramdaman nitong wala siyang balak ngumiti.  “Nice to meet you, Mr. Velez,” bungad na tugon ni Mr. Santiago.       Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. Wala siyang balak na tanggapin ang pakikipagkamay dito. Ayaw niyang madungisan ang kamay niya. Baka mahawa pa siya.       “Not so nice to meet you, Mr. Santiago, and also you, Mr. Young,”          Nasisiyahan siyang makita ang tunay na ugali  ng nasa harapan niya ngayon. Nakita niya ang nagbago ang timpla ng mukha nito.  Seryoso niyang tiningnan ang dalawa bago niya sinenyasan niya ang dalawa na maupo. “So, Mr. Velez, bakit niyo pala kami pinatawag?”       Lumingon siya at tumango kay Klein. Lumapit ito sa kanila at nilapag ang dalawang briefcase. Binuksan nito ang isang briefcase kung saan may mga dokumentong kailangan niya.  Ang mga dokumentong bitbit nila ay kontrata na bibilhin niya ang posisyon ng dalawa. Gusto niyang paalisin ang dalawa sa hospital na iyon dahil alam niyang may illegal na transaction ang dalawang ito. Pinapasok ang illegal na gamot na hindi pa na-check o pasado sa FDA/ FOOD AND DRUG ADMINISTRATION. Talagang ginamit ang MARTINEZ MEDICAL CENTER para gawin ang illegal na balak.  “Ano iyan, Mr. Velez?” takang tanong ni Mr. Santiago. “Read it,”        Kinuha ng dalawa ang papeles na nakalapag sa harapan nito at sinimulan nang basahin. Napatitig siya sa ekspresyon ng dalawa na unti-unti ang paglaki ng mga mata at pagsinghap. Napailing na lang siyang pinagmasdan ang dalawa. Nag-angat nang tingin si Mr. Young-filipino-chinese businessman, pabagsak na nilapag ang hawak nitong papeles sa mesa. “Nahihibang ka ba?! Anong akala mo sa amin na mababayaran mo kami sa gan’yang halagang pera? Who do you really think you are? Gusto mong bilhin ang posisyon para makakuha ka ng malaking shares sa hospital?!” napatayo ito at nagagalaiting dinuro siya nito.      Napangisi siya sa klase ng pananalita nito. “Then, who do you really think you are, Mr. Young? A scumbag or a piece of a dirty old man na maraming inaabuso na babae? Pagkatapos mo silang pagsawaan ay itinapon niyo lang sa ilog? At ikaw din ang pasimuno ng lahat dahil pinapasok mo ang mga illegal na gamot sa hospital,”       Nanlalaki ang mga mata nito at bakas ang pagkabigla sa kanyang isiniwalat. Anong akala nito, hindi niya malalaman ang nilihim nito?          “A-anong---” pabagsak itong napaupo at napahawak sa dibdib nito.          Sa tingin niya’y aatakihin ito dahil sa rebelasyon niya. Mas mabuti ngang mamatay na lang para walang masamang damo dito sa mundo. “Oh, huwag kang mabibigla, Mr. Young. Dapat nga ako ang mabigla sa kahayopan na ginagawa mo. Paano ka nakatulog ng mahimbing? Kung marami ka ng inaabusong babae at pinainom mo pa sila ng droga na bawal sa Pilipinas. Kaya wala sila sa wisyo at hindi na nila alam ang kanilang ginagawa.” nakangiting saad niya at nandidiring nakatitig dito. “Ano? Peperma ka o iyong mga ebidensya na nakalap namin at isang usb na makakapagbagsak sa’yo ay ibibigay namin sa pulis?”       Sinenyasan niya si Klein na buksan ang isang briefcase kung saan may lamang pera. “Kung peperma ka, dalawampu’t-limang milyon ang ibibigay ko sa’yo. Kung hindi naman, sa police ang kinalalagyan mo,”      Nagkukumahog naman itong pumirma sa dokumento na nasa harapan nito. Bumaling siya kay Mr. Santiago na kita niya ang pangamba sa mga mata nito. “Peperma ka ba o isasama kita papuntang purgatoryo? Huwag ka na ring magsalita dahil kasabwat ka rin sa mga pinaggagawa ni Mr. Young. You are his business partner, a partner in crime,”      Natawa siya nang makitang hindi sila magkamayaw na pumerma. Inisa-isa nilang pinirmahan ang dokumento.      Ilang minutong paghihintay na matapos sila ay pumalakpak siya at nagsilabasan ang mga pulis na nakatago sa dalawang silid na connecting dito sa conference room. “What?! Ano ito, Mr. Velez? Akala ko ba---”       Pinutol niya ang sasabihin ni Mr. Young na gulat sa nangyayari sa paligid nila.  “Akala mo lang iyon, Mr. Young. Anong akala mo, makakatakas ka sa mga kahayopang ginagawa mo? Hell no! Dapat nga hindi lang kulong ang gagawin sa’yo  dahil sa demonyo kang tao,” Natatawang pinagmasdan niya ang dalawa na nagpupumiglas sa pagkakahawak sa mga pulis. “Ano ba! Hindi ito makatarungan ang ginagawa ninyo. Pakawalan ninyo kami!” “I need to call my attorney!”     Sunod-sunod na mura ang narinig niya sa dalawa, pero siya humalakhak lang siya sa kinahinatnan ng dalawa.       Bago umalis ang dalawa ay nagpakilala muna siya sa mga ito. “Oh! By the way, Mr. Young, you were asking me who do I really think I am? Ako lang naman ang kapatid na pinatay ninyo, seven months ago. Do you remember Carey Velez?”        Nakita niya ang pagkabigla sa mga mata nito. “Y-you---” hindi na natuloy ang sasabihin ni Mr. Santiago na hinila na ang dalawa papalabas ng conference room.        Ngiting tagumpay ang sumilay sa kanyang mga labi. “Two in hell and three shits to go,” ---           

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook