CRUISHA MARTINEZ “Saan po siya, Tita Rose?” Akmang magsasalita na sana si Tita nang bigla na lang sumingit sa pag-uusapan nila. “She died because of an incompetent doctor.” Napalingon siya sa sinabi ng lalaking kararating lang at iyon ay si Craig na madilim ang anyo nito. Iba ang Craig ang nakikita niya ngayon. Hindi na mapaglarong Craig ang nakikita niya kung ‘di ang ibang version ng binata. “CRAIG!” Nagulat siya sa biglaang pagsigaw ni Tita Rose. Ngayon lang niya itong narinig na sumigaw. Biglang tumambol ng malakas ng pagtibok ng puso niya. Nakaramdam siya ng tensyon namamagitan sa mag-ina. Pinanlalakihan ni Tita Rose ng mga mata si Craig, pero nakikita niyang nanlalabo na ang mga mata nito dahil sa luha. “Ilang ulit kong sinabi sa’yo na hindi kinaya ng kapatid mo! Kahit anong g

