KABANATA 31
Sa Coffee Shop naman ng Amsedel ay abala pa rin ang magkapatid sa kaniya-kaniyang ginagawa at syempre katulong pa rin ang tatlong kasamahan nito na helper nila sa kanilang munting tindahan pero palaki na ng palaki. Nag-a-arrange si Einna ng mga cup sa estante habang si Mariare naman ay busy sa kaniyang kalkulasyon sa pag-inventory ng kanilang produkto. Maya-maya ay natanong ni Einna kay Mariare.
“Kumusta na kaya si Sten doon ‘no?” Napalingon naman si Mariare sa kapatid at ibinaba nito ang suot na sunglasses.
“Bakit pa kasi iniwan mo ‘yon doon na hindi niya alam? Tuloy, napag-iwanan mag-isa ang pamangkin ko. Baka magtaka ‘yon dahil siya lang mag-isa ro’n?” Patuloy pa na mga tanong
ni Einna sa kapatid na si Mariare. Napabuga ng hangin si Mariare at tila napipikon sa mga itinatanong sa kaniya ni Einna.
“Puwede ba. Matalino naman siguro iyong pamangkin mo ‘no at alam naman siguro niya na kapag wala tayo, ibig sabihin ay nandito tayo sa Coffee Shop,” hinahong tugon ni Mariare kay Einna kahit na na nagpipigil ito sa kapatid.
“Ang sa ‘kin lang ay hindi tayo nakapagpaalam. Ikaw iyong huli kanina pero hindi mo napagbilinan,” komento pa talaga ni Einna sa pahayag na iyon ni Mariare sa kaniya.
“Alangan naman na isturbuhin ko ang mahimbing niyang pagtulog? Alam mo naman na ngayon lang nakapagpahinga ng matagal si Sten dahil sa bago lang natapos ang eskuwela niya at bakasyon na. Ayokong madisturbo ang pahinga no’ng bata. Saka malaki na ‘yon at may isip naman siguro, ano?” iritang sabi niya sa kapatid. Ngunit pigil pa rin sa kaniyang emosyon.
Tiningnan lamang siya ni Einna at iniba na ang usapan.
“Naku! Tila uulan pa yata,” aniya na ini-akto pa ang tila panlalamig na kahit hindi pa naman.
Napatingin naman si Mariare sa labas ng kanilang Coffee Shop.
Sa tahanan naman ng mga Amsedel...
Nakatayo na si Chardee habang nakapamulsa pa. Nakatayo siya sa harap ng bintana ng kuwarto ni Sten. Umuulan na nang napakalakas kaya naman tila nakatanaw si Chardee sa labas at tila malayo ang kaniyang tingin. Habang si Sten naman ay nakatulog at nakabalot na ng kumot ang kaniyang katawan maliban sa bandang dibdib niya. Nakatulog si Sten matapos ang naging pag-uusap nila ng kaniyang kababatang si Chardee. Pinatulog siya ni Chardee dahil alam niyang masama ang pakiramdam nito at nagpabilin na lamang na babantayan siya nito habang natutulog kaya naman naabutan nang napakalakas na ulan na hindi na ni Sten namalayan dahil nakatulog na ito ng mahimbing. Ang tanging ginagawa na lamang ni Chardee ay ang libangin ang sarili sa pagtanaw sa labas ng bintana habang umuulan at patuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Nasa isip niyang nag-motor bike lang siya kaya kung patuloy pang uulan hanggang mamayang gabi ay rito na siya matutulog kina Sten. Napangiti siya sa isiping iyon. Hindi na kasi siya susunduin ni Kuya Jaymi niya dahil napagbilinan na niya itong huwag na huwag siyang susundan.
Pagkatapos ay nilingon niya ang natutulog na si Sten. Nasa isip niya na tila hindi si Sten lubos na nagsasabi sa kaniya ng mga nangyari rito no’ng wala siya. May inilihim kaya sa kaniya ang kaniyang kaibigan o sadyang naiilang lang itong magsalita dahil naninibago sa kanilang dalawa ngayon. Imposible naman na kahit tahimik at mahinhin si Sten ay likas itong madaldal din sa tuwing magsasalita na ito. May gusto pa sana siyang alamin sa kaibigan pero napakahirap naman magsalita kapag kaharap niya ito. Matipid lang naman ito kung magsalita kaya hindi niya mawaring kailangan pa ba niya itong tatanungin pa nang tatanungin. Kung sabagay, dati ay nagagawa nilang mag-usap nang mas malalim pa pero iba na ngayon. May pagbabago na. Tiningnan niya ang kaniyang suot na Leather Watch. Bandang alas-singko ‘y medya na ng hapon, malapit nang mag-ala-sais at patuloy pa rin ang buhos ng malakas na ulan.
Muli niyang binalingan si Sten pagkatapos ay inilang-hakbang niya lang ito para lapitan. Umupo siya sa tabi nito at inilapit ang kaniyang mukha rito. Napangiti pa siya. Aminin man niya o hindi, attracted siya sa kaniyang kaibigan. Hindi rin niya akalaing napakaganda nito nang lumaki na. Kung mas tataba nga lang ito ay mas maganda tingnan. Ang mukhang niyang napaka-inosenti at napakahinahon pagmasdan kapag natutulog ay talagang kakaiba ang hatid niyon sa kaniyang pakiramdam. Akma niyang hahawakan ang pisngi ni Sten ngunit bigla iyon hindi natuloy at napakuyom na lamang siya sa kaniyang kamay. Nagpipigil siya. Ayaw niya ang ganitong pakiramdam. Nasa stages pa sila nang pag-aaral at may misyon pa siyang dapat na unahin kaysa sa ganitong bagay. Alam niyang labis niyang masasaktan si Sten pero patawarin sana siya nito sa kaniyang gagawin. Kung iyon ay tama rin siya sa nararamdaman nito. Paano naman kung hindi? Nakakatuwa. Baka sa bandang huli ay siya lang ang may hangaring gano’n. Nakakatuwa nga talaga.
Medyo gumalaw si Sten at umungol. Malamang ay nakaramdam ng lamig kaya kinumutan pa niya ito hanggang sa may balikat nito at tanging ulo na lang nito ang nakita. Napangiti siyang muli habang pinagmamasdang mabuti ang maputing mukha ni Sten. Gusto niyang hawakan ito kaya lang ay baka magising niya ito kaya napagdesisyunan niyang huwag na lang. Hahayaan na muna niya itong matulog.
Tumayo na siya’t lumabas ng kuwarto. Nagpunta siya sa may kusina’t naghanap ng puwede niyang lulutuin. Marahil ay matatagalan pa ang ina ni Sten at ang Tita nito dahil sa napakalakas pa na ulan kaya ipagluluto niya sila ng hapunan. Kahit papaano at matakaw pa rin naman siya sa pagkain at kahit mayaman sila ay marunong pa rin siyang magluto. Nakukuha niya lang ang guidelines sa pagluto sa pagtingin pa lang nito kaya nasasaulo na niya. Napakadali lang para sa kaniya. Kaya naman ay walang sabing sinimulan na niya ang pagluluto ng makakain sa hapunan.
LASNER MANSION (Lasner Residence)
Nasa terrace ng ikalawang palapag ng Mansion si Jaymi at humihigop ng kaniyang tinemplang kape habang nakatanaw sa tanawin sa labas na inuulanan ang buong paligid.
“Jaymi!” Tawag sa kaniya ni Pinky, ang Mommy ni Chardee. Patungo ito sa kaniyang direksyon.
Muntik pa siya masamid sa paghigop ng mainit na kape dahil nabigla siya sa biglang pagtawag nito sa kaniyang pangalan.
“Ano po ‘yon, Tita?” sa wakas ay kaniyang tanong dito nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. Naupo ito sa magkaharap na upuan.
“Si Chardee, alam mo ba kung saan nagpunta ‘yon? Wala siya sa kaniyang silid eh, hindi ko napansin na lumabas,” tanong sa kaniya ni Tita Pinky niya. Kung gano’n ay hinahanap pala nito ang kaniyang Unico Hijo. Napaubo pa siya sa tanong na iyon ng Mommy ni Chardee. Pinagtakhan naman siya ni Pinky.
“Eh, kasi Tita...hindi ko po alam eh,” pagsisinungaling pa niya. Unang beses niyang ginawa ito sa kaniyang tanang buhay.
“Talaga bang wala kang alam?” paniguradong tanong ulit sa kaniya ng Mommy ni Chardee.
“Wala po talaga Tita. Sa pagkakaalam ko po ay umalis iyon sakay ng kaniyang motor bike,” tanging mahinahon niyang sagot dito. Napaisip pa ng ilang segundo si Pinky saka nagsalita.
“Baka may praktis ‘yon,” ang nasabi na lamang ni Pinky kay Jaymi.
“Siguro nga po, Tita.” Sabay abot sa kape nito at muling hinigop.
“Napakalakas pa naman ng ulan ngayon,” ang pag-alalang sabi ni Pinky.
“Oo nga po. Hayaan mo Tita at aabangan ko siya pag-uwi niya. Ako na po ang bahala sa kaniya,” ang suhestiyon na lamang ni Jaymi sa kaniyang Tita Pinky. Kaya nang mapalagay ito at tumayo na ito sa pagkakaupo.
“Sige, Jaymi. Ikaw na bahala sa alaga mong iyon huh, at magpapahinga na muna ako. Ngayon lang ako makapagpahinga nang ganito kahaba dahil wala akong pag-alalahanin dahil nasa work meeting ang Tito mo. Kapag nandito siya napa-praning akong talaga,” pahayag ni Pinky kay Jaymi sabay hawak pa sa sintido nito. Napangisi pa nang bahagya si Jaymi sa tinurang iyon ni Pinky.
“Sige po at ako na po ang bahala,” sagot naman ni Jaymi.
“Sige, mauuna na ako.” Paalam nito sa kaniya at tuluyan nang umalis. Sinundan na lamang ng tingin ni butler Jaymi ang kaniyang Tita Pinky. Pagkatapos ay napailing na lamang siya saka itinuloy ang pag-inom sa kaniyang mainit pa na kape.