ANG PAGKAKILALA
KABANATA 1
Tumunog na ang bell kung kaya't dali-dali ang pitong taong gulang na batang si Sten Marie Amsedel papunta sa waiting shed kung saan ang kan'yang ina ay naghihintay sa kaniya. Ayaw niyang sunduin pa siya ng kaniyang ina kung kaya naman ay kusa na niyang tinutungo ang tagpuan nilang mag-ina. Malayo pa ay tanaw na niya ang kaniyang ina na ngiting kumakaway sa kaniya.
"Mama, nandito na po ako," sabi ni Sten pagkuwan ay nagmano. Kinurot naman ng kaniyang ina ang kaniyang pisngi.
"Mama, uuwi na po ba tayo?" ang tanong ni Sten sa Ina.
"Oo, magluluto ako ng ma-meryinda mo pagdating natin sa bahay, gusto mo ba 'yon?" ngumiti ng pagkalapad ang ina ni Sten. Animo'y nahulaan ng anak ang ibig niyang sabihin at walang salitang tahimik na umalis silang dalawa pauwi.
Umaga na at tutungo na naman sa paaralang kaniyang pinapasukan si Sten. Payat, mahaba ang buhok at laging nakaipit ang maliit na pang-ipit niya sa kaliwang bahagi ng kaniyang buhok sa bandang gilid ng kaniyang noo.
"Mama," malambing na tawag ni Sten sa kan'yang ina.
"Ano 'yon Sten, anak?" tanong naman ng kaniyang inang si Mariare.
"Aalis na po ba tayo? Baka po kasi mahuli ako sa klase, pinapulot pa naman kami ng teacher namin ng basura kapag late kami sa klase niya," sabay busangot ng kan'yang bibig sa harap ng ina.
"Oo naman aalis na tayo. Pasensiya ka na ha may pinagkaabalahan lang sandali ang iyong Mama pero aalis na tayo," paliwanag ng kaniyang ina. Agad naman na tumayo ito at kinuha ang gamit nilang mag-ina at tinungo na ang pintuan.
Pagdating sa school ay sa waiting shed ulit ang tambayan nilang mag-ina.
"Sten, hihintayin kita ulit dito ha," paalala ng kaniyang ina. Paulit-ulit iyon kahit na alam na niya at natatandaan ang tagubilin nito sa kaniya parati.
"Opo, Mama!" sabi niya sa kan'yang siglang boses sabay kindat nito sa ina.
Tanaw na lamang ni Mariare ang anak nitong si Sten na papalayo habang pinagmamasdan niya ito na kahit na payat, tanging ang mahaba at maitim nitong buhok ang animoy nagpapatingkad ng kagandahang taglay mayroon ang anak. Manang-mana siya sa ama niyang matagal ng sumakabilang-buhay. Naramdaman na lamang ni Mrs.Mariare ang mainit na likidong biglang dumaloy sa kan'yang maputlang pisngi. Sa anak niyang si Sten naalala ang namayapa na niyang kabiyak. Kamukha kasi nito iyon maging sa ugali at gawi ng anak. Likas pa nitong matalino at maraming talento na gustong gawin ng kaniyang anak. Napangiti siya tuwing naalala ang mga isiping iyon.
Samantala...
"Oh! Chardee, I'll wait you here son, sa waiting shed," sabi ni Pinky sa unico hijo nito. Tanging tango lang ang naging sagot ng batang si Chardee sa kaniyang Mommy Pinky.
Ni minsan ay hindi nagawang sumigla ng batang si Chardee. Si Chardee Lasner ay isang batang lalaking may pagka-chubby, may dalawang malalim na biloy, singkit ng kaunti ang mga mata, napakatalino at sa madaling salita, ito ay napakaguwapo. Nag-iisang anak ng isang LASNER TYCOON. Bagong lipat ito sa paaralang pinapasukan ngayon ni Sten. Kakagaling lamang nila sa bansang Korea at dito na siya ipinagpatuloy ng pag-aaral ng kaniyang mga magulang sa kadahilanang nailipat dito ang pamamahala ng kaniyang ama sa LASNER ARTS ESTABLISHMENT BUILDING Inc. na isa sa pagmamay-ari ng pamilya nila Chardee. Masigla at palatawa naman siyang bata kaya lamang ay nais niya ang magkaroon ng kaibigan na mahigpit naman na ipinagbawal sa kaniya. Kaya kadalasan, palagi'y wala siyang imik kapag ang kaniyang mga magulang na ang naging kaharap. Ika-nga ay matamlay siya at parang walang gana.
Recess time na at dumami na ng kaunti ang mga magulang ng mga bata na nakaupo sa kahabaan at magkaharap na upuan sa waiting shed, isa na roon ang Ina ni Sten na bahagya pa nito napapansin ang isang mala-chinita na babaeng nakaupo sa isang sulok na diritso lang ang tingin sa di-kalayuan at hindi man lang kumikibo. Maputi ito at mukhang mabait naman sa tingin niya...ayon sa pagsusuri ng kaniyang mga mata kaya't walang anu-ano'y nilapitan niya ito at kinausap.
"Magandang umaga sa 'yo," ngiting bati ni Mariare sa babaeng parang kasing-edad lamang niya.
"Oh, hello!" nagulat man ay ginantihan din siya ng babae ng isang pagbati at ngumiti.
"Ngayon lang kita nakita rito, may anak ka rin ba na nag-aaral dito?" tanong ni Mariare sa babae.
"Ah, oo. My son is a transfer student here," sagot nitong ngumiti saka ipinagpatuloy ang sinabi. "Kaya nandito ako at inaabangan ang unico hijo ko. Ayaw ko naman na hayaan siyang mag-isa kasi bago pa siya rito't baka matakot, alam mo na ang bata mahiyain sa simula."
Tanging paliwanag ng babae na ikinangiti ni Mariare.
"Naku, pareho pala tayo. Hindi ko rin maiwan ang anak ko kahit alam na alam na niya ang kaniyang gagawin sa edad na syete." pagkabahalang tugon ni Mariare pagkuwan ay...
"Siya nga pala, ako pala si Mariare. Nakalimutan ko tuloy magpakilala sa 'yo," sabay kawala niya ng mahinang tawa at sumabay na rin sa pagtawa ang babae.
"I'm Pinky, Pinky nga pala ang name ko," inilahad nito ang kamay para maka-shake hands si Mariare.
Wala namang pag-alinlangan na kinuha iyon ni Mariare at nakikamay. At iyon na nga ang simula nang pagkakaibigan ni Mariare na ina ni Sten at Pinky na ina ni Chardee.
Palagi lang nasa waiting shed silang dalawa, ang kapwa magulang nila Sten at Chardee. Nag-uusap, nagkukuwentuhan at panaka-naka ay sabay na nagmi-meryinda kahit pilit pa tanggi ni Mariare dahil nahihiya itong si Pinky ang sumasagot sa kinakain nila. Hindi nagtagal napagtanto nitong si Mariare na mabuting tao at mapagbigay si Pinky dahil hindi ito katulad ng ibang mayayaman na nasa mataas ang estado sa buhay ay mapangmataas na sa kapwa nilang mababa ang uri. Kaya't isang araw niyon, kinahapunan ay nag-uusap sila sa waiting shed area habang hinihintay nila kapwa ang kanilang mga anak.
"Mariare, siya nga pala matanong ko lang...I haven't seen your daughter yet?" takang tanong ng kaibigan ni Mariare na si Pinky.
"Ay oo nga pala, hindi kasi tayo palaging nagkatagpo dahil nauuna ang anak mo sa pag-uwian," ngiting sagot naman ni Mariare.
"Oh yes," sabay tawa ni Pinky.
Para bang kumportable na sila sa isa't isa.
"Hindi ko rin napansin. Kapag uwian na kasi sa klase ng mga bata ay nagiging abala na ako pagkatapos sa kadahilanang may inaasikaso pa ako tungkol sa paintings para sa Exhibit ng Company ni Chorein."
Si Romy Chorein ay ang husband ni Pinky.
"Sige bukas kapag nagkaroon tayo ng pagkataon at wala ka ring gagawin ay ipakilala kita sa anak ko", ang sabi ni Mariare.
"Yeah, sure!" sagot naman agad ni Pinky sa siglang boses.
"At ipakilala ko rin sa daughter mo ang unico hijo ko para naman maging magkaibigan din silang tulad natin, ano ba sa tingin mo?" tugon naman ni Pinky na nagtanong sa kaniyang huling salita.
"Magandang ideya nga 'yan. Mabait naman ang Sten ko kaya magkakasundo sila ng anak ko," ngiti na merong pagkasabik sa boses ni Mariare. Nang walang sabing...
"Oh! Nariyan na pala ang unico hijo ko. Buti naman at kusa na niya ako rito pinuntahan, hindi na niya ako hinintay pa na puntahan siya sa kanilang classroom," wika ni Pinky.
Napatingin naman si Mariare sa batang lalaki na papalapit na animo'y walang ganang naglakad patungo sa kanilang kinaroonan. Pagkalapit ni Chardee sa kaniyang Mommy ay niyakap siya ng Mommy niya at dali-dali siyang pinaharap sa kaibigang si Mariare.
"Hey son, look who she is? She is your Mommy's best friend," sabik na paliwanag ng Mommy ni Chardee sa kan'ya.
Nagtataka namang napatingin ang bata kay Mariare at tipong isina-sa utak pa ang sinasabi ng Mommy niya. At bigla ay ngumiti si Mariare sa kan'ya at hinawakan ang kaniyang matabang pisngi.
"Kumusta ka? Ako pala ang kaibigan ng Mommy mo. Napakaguwapo mo palang bata...nagmana ka sa mga magulang mo 'no dahil kahit chubby ka ay napakaguwapo mo pa rin lalo na ang maliit mong biloy sa pisngi," mahabang turan ni Mariare sa anak ni Pinky.
Bigla naman napangiti ng wala sa kan'yang sarili si Chardee. Napangiti siya kay Mariare. Bigla naman iyon pinagtakhan ni Pinky at ikinibit-balikat na lamang at pagkuwan ay...
"Son, she also has a child. Do you also want to meet her daughter?" yumuko ang Mommy ni Chardee para magpantay ang kanilang mukha ng anak.
Tila nag-iisip pa ng malalim si Chardee at takang umarko ang kan'yang maitim na kilay.
"By da way Mariare," pamukaw na wika ni Pinky sa saglit na katahimikan.
"See you tomorrow na lang ha at mauna na kaming uuwi. Bukas na bukas ay ipakikilala natin sila," excited ang boses nitong saad.
"Oo naman. Walang problema," ngumiti si Mariare't kinurot muli ang pisngi ni Chardee. Nagtaka naman ulit ang batang si Chardee subalit nagagaanan niya ng loob ng Ginang. Pagkatapos ay nagpaalam na sa isa't isa ang kapwa magulang nila Sten at Chardee.
Sa loob naman ng kotse habang nakasakay na sina Chardee at Pinky...
"Mom, when did you meet her?" sa wakas ay unang tanong nito sa kaniya ng anak.
"Ah. That woman? I meet her there in the waiting shed. She was very kind and friendly so I like her. I hope we also get to know her daughter. Naramdaman ko na napakabuti rin no'n dahil napakabait rin ng kaniyang ina," mahabang sabi at paliwanag ni Pinky sa anak.
"Is being good enough to be trusted?" may pagka-iritable ang sabi niya sa kaniyang Mommy.
"Chardee!" bigla siyang binulyawan ng kaniyang Mommy.
"How could you say that?"
"Don't yell at me, mom. I just said...I mean I didn't say that I don't like Mrs-" hindi nito alam ang pangalan kaya naputol ang kaniyang sasabihin.
"Aunt Mariare. Just call her Tita Mariare," singit na sabi ng Mommy niya.
"Don't even think about it, okay, tomorrow you will meet her daughter. I hope you will be friends like your aunt Mariare and I."
Pinal na sabi ng Mommy niya at hindi na siya umimik pa at itinuon na lang ang kaniyang paningin sa labas ng bintana ng sinasakyan nilang kotse.
Kinagabihan sa bahay nila Sten Marie Amsedel...
"Anak. Sten matulog kana, gumising ka na lang ng maaga para sa pagsasaulo mo ng mga iyan. Bawal ang magpuyat. Mas makabubuti kung maaga ang tulog at maaga ang gising," mataas na pahayag ni Mariare kay Sten.
"Opo. Mama," maikling sagot ni Sten.
"Teka lang anak, naalala mo 'yong kinuwento ko sa 'yo? 'Yong tungkol sa kauna-unahang parents na nakilala ko na mayaman pa," salaysay sa kaniya ng ina subalit pinagtakhan niya lang ito.
"Ano po ba ang gusto mong sabihin mama?" diritsong tanong niya sa ina.
"Ah, a-ang ibig kong sabihin gusto kasi kitang ipakilala sa anak ng kaibigan ko. Mabait 'yon. Kakilala ko lang sa kaniya
kanina," ngumisi si Mariare. Nag-alinlangan pa siya sa magiging reaksiyon sa kaniya ni Sten.
"Sige po," diritsong sagot lang ni Sten.
Kaya hindi na nag-isip pa ng ano pa man ang ina ni Sten at pumanhik na sila sa kanilang kuwarto upang matulog.
Kinaumagahan, maagang pumunta ng school sina Sten at ang kaniyang Mama. Ipinapaalala na naman nito na ipakilala siya sa anak ng kaniyang kaibigan. Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon sa ina.
Dumating ang dapit-hapon at uwian na ng mga bata para sa huling araw ng isang linggo, ang araw ng biyernes. Naroon ang ina ni Sten at ina ni Chardee na nag-aabang sa kanila na dumating. Pagkuwa'y wika ng ina ni Sten kay Pinky.
"Ngayon lang nagtagal ang mga bata, bakit kaya?" parang takang tanong ni Mariare sa kaniyang sarili.
Nadinig naman siya ni Pinky.
"Oo, nga 'no. Siguro pinalinis pa sila ng kanilang classroom kapag gan'tong huling araw na ng kanilang klase," sagot ni Pinky habang may tinatanaw sa malayo.
"Naku!" bigla napasigaw ang ina ni Sten.
"Nandiyan na pala ang anak ko."
Pagdaka ay napatingin naman ang Mommy ni Chardee kung saan nakatuon ang paningin ni Mariare.
"Ito na pala siya," ngumiti ang ina ni Sten pagkakita sa kaniyang anak.
"Mama!" tawag naman ni Sten sa kaniyang ina.
"Sten, anak. Ito nga pala si Tita Pinky mo. Siya 'yong kaibigan ko," pagpakilala ng kaniyang ina.
"Hello! How are you? You are beautiful!" malawak na ngiti ang ipinakita ni Pinky kay Sten.
Ngumiti naman si Sten dito at nagmano. Nagulat naman si Pinky sa ginawa ni Sten sa kaniya.
"Naku, napakagalang mo naman pala na bata...no wonder you are just like your mom. You are both kind and very polite."
Yumuko si Pinky para magpantay sila ng bata saka pinakatitigan ang mukha ni Sten na hinaplos-haplos pa ng kaniyang mga palad ang mahaba at bagsak nitong buhok.
"Kumusta po kayo? Kinuwento po kayo sa akin ni Mama. Salamat naman po at naging magkaibigan kayo ni Mama. Mayroon na siyang kaibigan," mahabang sabi niya.
Ang dalawang Mrs. ay tumawa ng makahulugan.
"Mom?"
Agad naman silang tatlo napalingon nang may biglang bumoses sa kanilang likuran at saglit ay napagtantong...
"Oh! Hijo, there you are," hinila ni Pinky ang anak paharap sa mag-inang Mariare at Sten.
"Son, this is-" napatigil ito sa kaniyang sasabihin sana. Hindi pa pala alam ni Pinky ang pangalan ni Sten .
Napansin agad iyon ni Mariare kaya dali-dali naman niya ipinakilala ang anak sa mag-inang Lasner.
"Sten, Sten Marie Amsedel ang buong pangalan ng anak ko," ngiting sabi ng ina ni Sten.
At ang Mommy naman ni Chardee ay...
"Hijo, please be kind to her, she's the one I'm telling you. She is Sten, the daughter of your aunt Mariare," pahayag ng kaniyang Mommy.
Saglit pa ay hindi nagkaimikan ang dalawa at nagtitigan lamang. Parang naninibago silang dalawa sa isa't isa dahil ngayon lang sila nagkakilala kaya naman ay...
Si Sten na ang unang nagsalita.
"Hello! Kumusta? Ako pala si Sten Marie, ikaw?" diritsong sabi ni Sten sabay tingin sa mukha ni Chardee at inilahad ang kaniyang kamay rito.
Tiningnan na muna ni Chardee ang kamay ni Sten at pagkatapos tiningnan niya ito sa mukha. Para pa siyang nagtaka at kumunot ang kaniyang noo pero nang ngumiti si Sten ay agad din iyon nawaglit at nakikamay na rin kay Sten sabay sabing...
"Chardee. I'm Chardee."
Umarko naman ang isang kilay niya bagamat napalitan iyon ng ngiti.
Nang makita ng dalawang Mrs.Mariare at Pinky na parang pagpapalagayan ng loob ang ginawa ng dalawang bata sa harap nila ay napangiti na rin sila nang makita nilang pareho ang naging reaksyon ng dalawang bata.
Habang takang-taka man silang dalawa sa isa't isa ay nagkatinginan na lang sila na parang ang mga mata na nila ang siyang nag-uusap.