Story By Neth Daquipil
author-avatar

Neth Daquipil

ABOUTquote
I'm really inspired by this; "DO YOU TRUST ME WHEN MY ANSWER IS TO WAIT?" _GOD πŸ˜‡πŸ’œ Hello! I'm Tonessa, and I've been passionate about writing since I was nine years old. In the year 2021, I decided to take a leap and pursue publishing my work. Although I may not be well-known yet, I would greatly appreciate your support! I write novels that range from soft themes to more intense ones, and I invite you to check out my writing. Your feedback and encouragement mean a lot to me, and I'd love for you to follow my journey as a writer. Thank you so much! Love lots, Gomawo/Xiexie ^^. I am the Author of the different Genre Books πŸ“š 1. DEAR HEART which is now Destiny's Desire πŸ“Œ(Thanks to my Mars Zia Rose for helping me change the title of my novel book) 2.You Are What I Asked For 3.Doctor's Goal To The Actor or DGTTA 4.BROKEN RINGS, (SPG/R18🚫) 5.Lord of DEMONS: DIRCE GREED 6.Princess, The Pirate's Consort
bc
Deceive Me, Mr. GRAYSON
Updated at Apr 19, 2026, 08:09
Galing sa isang mayamang pamilya si Isabelle Fagestrom ngunit iba ang naging trato sa kaniya ng sarili niyang pamilya. Sa kabila ng mga pinagdaanan niya, matagumpay pa rin niyang natapos ang pag-aaral hanggang kolehiyo at nagkaroon ng pormal na trabaho sa mataas na posisyon. Isang gabi, naibigay ni Isabelle ang buong pagkatao niya sa isang estranghero noon lang niya nakilala. Sa kawalan ng simpatiya at pagmamahal, hinahanap na ni Isabelle ang pagniniig nilang iyon ng lalaki. Ang hindi alam ni Isabelle na nakabangga niya ang pinakamayaman sa bansa na si Warde Grayson. Lilinlangin siya ng kaniyang pangungulila sa nakakaakit na karisma ng guwapong lalaki. Hanggang saan aabot ang patagong tagpo nilang iyon gayong umiibig na si Isabelle kay Warde Grayson.
like
bc
Destiny's Desire
Updated at Apr 18, 2026, 09:09
Naging matalik na magkaibigan ang ina ni Sten at ina ni Chardee na naging daan upang maging magkaibigan ang dalawang bata. Sa pagdaan ng panahon, naging mas malapit sila sa isa't isa subalit susubukin sila ng tadhana nang sila ay nagkahiwalay. Sa pagkikita nilang muli ay hindi aasahan ni Sten na ang daranasin niya ang namuong pagmamahal para sa kaniyang kababata. Nagtiis siya sa sakit na kaniyang naramdaman mula rito. Umaasa si Sten na balang araw, hindi maging bulag ang kababata sa mga bagay na hindi nito nakikita at nararamdaman. Ginawa ni Sten ang lahat mabaling lang ang atensiyon ni Chardee sa kaniya. Isa si Chardee Lasner sa pinakamayaman na anak ng isang Lasner Tycoon. Sa kan'yang paglaki ay naging istrikto ito at hindi na maintindihan ang ugali. Bukod sa nagbago na ito, nag-iba na rin ang naging pakikitungo nito kay Sten Marie Amsedel na lihim pala niyang iniinig. Susubukin sila ng tadhana lalong-lalo na ang mga kasinungalingang labis na pinagsisisihan ni Chardee sa huling sandali ng pamamaalam ni Sten.
like
bc
BROKEN RINGS (SPG/R18!) : Evil Husband Series #4
Updated at Jan 1, 2026, 23:56
Ang puso bang nasaktan ay dapat na paghigantihan? Nabigo man si Levi Huxley sa pag-ibig, patutunayan niyang walang katapat ng kahit ano pa man ang pagmamahal na inalay niya noon sa nag-iisang babae sa buhay niya, si Amberleigh Mortelle. Makalipas ang sampung taon, hindi niya kailanman kinalimutan ang dalaga subalit ang tiniis niyang pananabik dito sa mahabang panahon, nagbunga ng wala sa plano. Pinakasalan niya si Amberleigh subalit sa kanilang pagsasama, iba na ang kaniyang pakikitungo at naging malupit siya rito. Dahil sa pagpapahirap niya kay Amberleigh, umalis ito ng hindi niya inaasahan. Sa muling pagkakataon, inalayan niya ito ng pagmamahal. Tatanggapin bang muli ni Amberleigh ang pag-ibig ni Levi upang mabuo ang nawasak nilang pagsasama? o hahayaan na lang dahil sa masakit na kasinungalingang nalaman nito. Sino ba ang patuloy na kakapit upang manatili?
like
bc
Doctor's goal to the Actor
Updated at Mar 5, 2024, 00:54
Siya si Loisa na nagmula sa isang pangkaraniwang pamilya lamang. Bunsod ng isang kahirapan ang siyang nagtulak sa kaniya para maging isang Doktora. Ang propesyon na gustong-gusto niyang makamit. Hindi nagtagal, ang pagsisiskap ni Loisa na maging isang Doktora ay kaniyang napagtagumpayan. Pero paano kung meron pa pala siyang ibang gustong makamtan? Kaya ba niyang makuha ang isang tao na sa telebisyon niya lang dati nakikita at pinangarap ngunit pagtatagpuin sila sa tamang panahon pero sa hindi magandang paraan. Ang pinakasikat na artista sa South Korea, si Dam Reun. Siya ang tinaguriang pinakaguwapo, pinakamayaman, at mahal niya ang kaniyang mga tagasuporta, pero kabaligtaran ang kalidad nang pagpapakita niya ng maayos. Mahuhulog kaya si Dam Reun sa isang Doktora? O susuko na lang si Xandria Loisa Gementiza sa isang sikat na aktor? Mawawalan na ba ng pag-asa si Loisa sa kaniyang pangalawang layunin at isakripisyo na lang ang kaniyang personal na damdamin dahil mahal na mahal na niya ang walang emosyon at manhid na si Dam Reun?
like
bc
Lord of DEMONS: Dirce Greed
Updated at Feb 9, 2024, 09:12
Ang labanan sa pagitan ng mabuti at masasamang lahi ay ang uri ng Glacier na hindi mo naisip na umiiral hanggang sa modernong panahon. Sa modernong panahon ang sumunod na hari ay nabuhay ng isang libong taon. Siya ay si Dirce Greed, ang Panginoon ng lahat ng Demonyo (Dog Demon). Isa siya sa pinakamayaman bukod sa kaniyang kaguwapuhan dahil sa kaniyang batang hitsura at nagmamay-ari pa ng unibersidad kung saan nagtagpo ang landas nila ni Aloera Fabiana na iniligtas niya sa hindi kilalang nilalang na sumalakay rito. Ang magandang relasyon nina Dirce at Aloera ay napalitan ng pangit na tingin dahil sa pakikialam ni Euryale, ang bagong hakbang na nagbubunyag ng magandang nakatago sa kaalaman ni Aloera ay kabaliktaran ng lahat. Hanggang saan kaya masusukat ang pagkatao ni Dirce ng isang magaling na kalaban na nagpapanggap lang? At siya ang nangunguna at maging ang babaeng mamahalin niya sana. Malalaman kaya ni Aloera ang katotohanan, ang katotohanan tungkol sa personalidad nina Dirce at Euryale? Sa pangalawang pagkakataon, muling sumiklab ang labanan sa pagitan nila ng parehong angkan.
like
bc
Bridging the GAP
Updated at May 28, 2022, 08:21
Si Howell Alzol Sullivan ay isa sa pinakamayamang tao na nagmana ng malaking kayamanan mula sa kaniyang mayamang pamilya pagkatapos ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Ipinagkatiwala sa kaniya ang pamamahala sa lahat ng kanilang mga ari-arian. Sa kan'yang mga araw sa kolehiyo, si Howell ay nakorner sa isang sapilitang pagpapakasal sa isang babae dahil ito ay napagkasunduan ng magkabilang panig ng kanilang pamilya na hindi niya nalalaman. Wala siyang choice kun'di ang sumunod. Natakot siya sa salita ng kaniyang ama na mapangalagaan nito ang kanilang pangalan at reputasyon. Nagpakasal siya sa babaeng hindi niya pinangarap na makasama. Si Howell ay gumugol at nagsumikap upang pamahalaan ang negosyo ng kaniyang pamilya habang binabalanse ang kaniyang trabaho at mga pangarap. Sa huli, nagpasya siyang pumasok sa larangan ng pulitika. Ang kaniyang katalinuhan at reputasyon sa mundo ng negosyo ay nanalo sa puso ng maraming mamamayan na humanga sa kan'yang husay. Gayunpaman, sa kaniyang mga abalang araw sa pulitika, ang kaniyang asawa ay nagkasakit ng malubha at hindi na magamot. Tinanggap ni Howell ang kaniyang kapalaran at hinarap ang buhay ng mag-isa. Sa kabila ng kaniyang kabataang hitsura, may edad na siya at matagumpay na nakatapos ng tatlong termino sa serbisyo publiko. Dahil sa pangangailangan sa kaniya bilang isang public figure, natagpuan niya ang kaniyang sarili na muling makibahagi sa serbisyo publiko matapos italaga bilang lokal na punong ehekutibo. Sa panahong ito, nakilala niya ang isang binibini. Isang hamon ngayon para sa kaniya na makuha ang kaniyang puso sa kabila ng malaking agwat ng edad nila ni Mara Abiera Soldevilla.
like