The Past Battle between One Kind of Race
Episode 1
“Hindi ka na muling makapanakit pa ng iyong uri. Alam mo ang kahahantungan ng iyong kataksilan at paglaban mo sa sarili mong uri!” galit na sigaw ng Hari ng Glacier.
Napakuyom sa kaniyang kamao ang may katandaan ng lalaki. Nagbalik ito sa kaniyang sariling anyo matapos ito maging isang kulay puting-abuhin. Nakaluhod na ito at grabi na ang natamong sugat. Nagpupuyos ito sa galit sa naramdaman ang pagkabigo mula sa demonyong hari ng Glacier.
“M-marahil n-natalo mo ‘ko, pero hindi pa i-ito a-ang huling pagkatalo namin!” nabubulol nitong wika na nahihirapan.
Kampanteng ngumisi lamang ang Hari saka buong tapang na sinabi ang katagang ito na...
“Ang tulad ninyong mas masahol pa masasamang demonyong halimaw ay hindi nararapat sa lahing ito. Hindi tayo nilalang na masama, alam mo iyan! Ngunit ang iyong kataksilan na kamtin ang posisyong na hindi para sa ‘yo ay nagpapakita lamang na masahol ka pa sa gahamang kampon ng kadiliman!” sigaw ng demonyong hari na siyang nagpakilabot sa buong paligid ng nasasakupan nito.
“I-ipaglalaban ko kung a-ano ang na...nararapat n-na dapat ay s-sa ‘min! B-balikan k-ka ng lahi ko! K-ko-” sigaw sa mga salita nito na tila nagbabanta sa huli. Hanggang sa tuluyan na ngang naglaho na tila natunaw na mula sa nakakalasong mga kuko ng demonyong hari, ang buto’t laman ng kaaway na nagtaksil.
Umihip ang malakas na hangin at biglang bumalik ang liwanag sa paligid na kanina’y nababalutan ng kadiliman. Ang naganap na labanang iyon ay tanda lamang ng hindi kaaya-ayang mukha na kailanman o ‘di dapat na mangyari pa. Isa itong magiging halimbawa o paggunita na hindi nakakasaya o nakakadulot ng hindi magandang sariwain na tatatak sa lahing patuloy na pinalalakas ng kanilang natural na taglay na kapangyarihan.
Matapos ng labanan na iyon sa pagitan ng demonyong hari at ang taksil sa kanilang lahi ay nagsimula silang muli sa kanila-kanilang patuloy na nakagawian. Ang ibang uri nila ay bumalik sa lugar na sakop nila. Tanging ang lugar ng demonyong hari ang may pinakamalaking siyudad sa kanilang nasasakupan. Lahat sila ay may mga pagsasanay sa mga kapangyarihan ng mga bagong silang ngunit ang lahing dumadaloy mismo sa dugo ng demonyong hari ang siyang dapat na maging hari kahit pa ito ay dumaan ng dekada. Sila ay may mahabang buhay na sadyang kakaiba kaysa sa katulad nilang kauri. Iba ang taglay na lakas at kapangyarihan ng isang Lord of DEMONS. Tinawag silang panginoon dahil sa purong-dugo at mas makapangyarihan na nag-aanyo ng mala-halimaw na aso. Bukod do’n ay lumalaki pa sila sa kanilang pag-iibang anyo na ang laki ng isang pangkaraniwang tao ay sa may paanan lamang nila.
Nasa isang bulwagan noon ang hari kung saan nakatayo siya malapit sa isang tanawin na tanging mga bituin sa langit ang makikita.
Nakatanaw roon ang hari habang nagkikislapan naman ang mga bituin. Lumapit sa kaniya ang kanang kamay na tagapagbantay nito.
“Panginoong Haures, may iniisip po ba kayo?” tanong ng matapat nitong kanang-kamay na si Fluss.
Nilingon siya ng hari.
“Alam ko na darating din ang araw na matatapos ang dekada ng aking mga anak na sina Caassimolar, Cagali, Sieru at Greed kaya mas mabuting pakakawalan ko na ang magtutukoy sa mga itinatakda para sa kanila. At alam ko rin na si Greed ang pinakahuli kaya sa mas lalong madaling panahon ay sisimulan ko na ito,” ani ng hari sa kanang-kamay nito na si Fluss.
“Kayo po ang bahala, aming panginoon.” Pagyukong sabi ni Fluss sa haring si Haures.
“Ihahanda natin ang lahat pagkatapos ng ika-tatlumpong kabilugan ng buwan,” pinal na sabi ng haring Haures saka umalis sa kaniyang kinatatayuan.
Iniwanan nitong mag-isa si Fluss na nakayuko pa rin ng dumaan ang hari sa kaniyang harapan.
“Hindi kita hahayaan sa mga gagawin mo aking hari,” pabulong na wika ng isang hindi nakikilalang lalaki na nakasuot ng makapal na tela na tila roba na tinakluban pa ang ulo nito saka tuluyang umalis sa pinagkublihan.
Sa trono naman ng hari matapos ang ika-tatlumpong araw. Pinatawag niya ang kaniyang mga lalaking anak upang dumalo sa usaping nais ipahayag sa kanila ng hari. At dumating naman sina Caassimolar, Cagali, Siem at Greed. Sila ang mga magigiting na may taglay na lakas ng kapangyarihan ng isang full-demon. Bukod sa anak sila ng demonyong hari, tinataglay rin nila ang kakisigan at kaguwapuhan. Hindi pa nakatali sa babae ang mga ito kaya naman mataman na isinalaysay ng hari rito sa kanila ang nararapat nilang gawin. Alam na alam na ng hari kung ilang dekada lamang ang taas ng buhay ng mga anak kaya bilang si Greed ang pinakahuli at bunsong anak ng hari ay siya ang tinuunan ng pansin ng hari.
Sa dekadang dadaan ay magkakaroon sila ng kanilang mapapangasawa na siyang sisilang sa susunod pa na lahi nila kaya inatasan si Greed, ang pinakahuli na magiging lahi nila na sa ibang panahon na ang pagkatao ay pipili lamang sila ng magiging tagasunod nito. Ito ang magdadala sa kapangyarihang tataglayin ng pinakahulihang hari. Tataglayin kasi nito ang kakaibang awra ng kapangyarihan na lalong magpapalakas dito sa panibagong panahon.
Dumaan nga ang dekada sa mahabang buhay na mayroon ang mga anak ng hari at sa itinakdang pahayag ng hari sa lahi ni Greed ay dumating nga sa isang makabagong panahon na bagaman wala naman na mga kapahamakang nangyayari kun’di naging mapayapa naman ang buhay ng mga sinundan pa hanggang dito sa sumunod. Namuhay ngayon sa makabagong panahon ang kahuli-hulihang hari na siyang mamumuno at magpatibay sa kapangyarihan ng mga mabubuting demons.
Para mapanatili ang naging galaw ng mundo, kailangan na rin nilang mamuhay kagaya ng mga normal na tao. Kung ano ang mga kasanayan nila sa araw-araw, sa kanilang pamumuhay at kung paano sila mabuhay ay iyon na rin ang kanilang gagawin.
Sa makabagong panahon, matapos ang ilang dekada.
Bumaba sa isang kilala at malaking unibersidad si Dirce Greed, ang pinakasikat, pinakamayaman na siyang may-ari lang naman ng G-Caassimolar Haures University College. Nasa tapat ng entrance gate huminto ang pribadong sasakyan nito na minamaneho ng isa sa bodyguards ni Dirce Greed.