Race of White Glaciers

1051 Words
EPISODE 2 Pagbaba pa lang niya sa kotse kung sa’n ay lulan siya nito, nagkukumahog na’ng pagsiksikan sa halos na kababaihan sa kaniyang harapan. Maliban na lamang sa mga lalaking idolo ang pagkatao niya. Ang iba ay pinagkukunan pa siya ng litrato na tila isang sikat na aktor sa ibang bansa. Kaya tulad ng mga nakasanayan ay walang pakialam o emosyon man lang si Dirce sa mga ito kahit pa panay ang tawag ng mga ito sa kaniyang pangalan. “Dirce! Please naman, tumingin ka rito!” “Hi! Dirce!” “Dirce! Puwede magpakuha ng litrato sa ‘yo? Please? Kahit isa lang!” “Dirce!” “Dirce, baby!” “Ang future husband ko, si Dirce! Dirce!” Ilan na rin sa mga salitang naririnig niya pero wala pa ring silbi at wala man lang sagot mula sa kaniya. Kaya kagaya pa rin ng dati, bigo ang mga ito. Ngunit hindi pa rin ang mga ito tumitigil sa tuwing nakikita nila si Dirce. Walang kapaguran ang mga ito sa pag-aabang at pagbubuntot sa kaniya kahit pa nababahiran minsan ng takot lalo na sa mga ikinikilos minsan ni Dirce. Tuluyan ng nakapasok sa loob si Dirce, walang lingon-lingon sa mga nagsasalita at tumatawag pansin sa kaniya. Kalmado lang ang mukha, walang emosyon at lagi lang nasa huwestiyo ng pagkasuplado ang kaniyang mukha. Pagkapasok ni Dirce sa Section A ay agad siya umupo sa kaniyang upuan. Sumunod na pumasok ang apat niyang kaibigan na kapwa kaklase rin niya. Nasa isang Medical Building sila dahil iyon ang kursong kinuha ni Dirce. Mamaya pa naman ang actual nila kaya mayroon pa siyang oras para sa pag-research. “Hey, Dude?” tawag pansin sa kaniya ni Gorgon, ang kuwela sa magbarkada. Lumingon naman si Dirce sa kaniyang likuran dahil nakaupo na rin ang mga ito at may kaniya-kaniya ng ginagawa. “Yeah, what’s up?” segonda naman ni Malthus, ang hilig magbiro sa grupo. Sila nga pala ang apat na kaibigan ni Dirce na kaniyang mga pinsan. Pawang may itinatago rin itong mga kapangyarihan. Pareho lang sila ng departamento dahil kurso ng medisina ang kinuha nila. Kabilang din sila sa mga mayayaman. Ang dalawa pa sa kanila ay sina Armaros at Vanth. Ang pormal at seryoso sa kanilang grupo. Tanging si Dirce Greed lang ang may ugaling suplado, hindi umimik o ngumingiti man lang. Kahit kailan ay hindi siya tinatablan ng pa-cuteness ng mga babae sa kaniyang paligid. Palagi kasing dinadagsa o pinupuntahan ang section nila upang pagmasdan at kunan sila ng litrato. Umaalis lang ang mga tagahanga nila sa kanilang section kapag oras na sa kaniya-kaniyang klase pero meron pa rin iba na napakahirap paalisin sa kanilang departamento. Wala naman silang nakukuha na tugon mula kay Dirce maliban na lang sa kina Gordon at Malthus na sinasagot nila ang tanong ng mga ito sa kanila. Mabuti sila sa mga taong nasa kanilang paligid kaya sila lang ang mga itong nagagawang magsalita at ngumiti sa iba. Lumingon si Dirce sa kaniyang likuran. “We have an actual performance today. You two would get prepare of that,” istriktong sagot niya sa dalawa. Tinawanan lang siya ng dalawa na balewala naman kay Dirce dahil kilala na niya ang ugali ng mga ito. Kahit alam niyang matatalino ang mga ito ay kaniya pa rin pinapaalahanan. “Puwede ba na e-set aside muna ang formality? Wala pa tayo in class hour,” ani ni Gorgon na napapangisi pa. “He loves us Gor. That’s it.” Tinapik-tapik ni Malthus si Dirce sa balikat nito. Hindi lamang kumibo si Dirce kun’di umalis at pumunta sa pinaglagyan ng kaniyang Lab. Gown para suotin ito. “By the way, meron nga pala tayong meeting mamaya.” Nilapag nito sa table ang isang tube para sa isang experiment nila mamaya. Inaayos naman ni Dirce sa pagkakasuot ang kaniyang Lab. Gown bago nito balingan si Vanth. “And, sa dating tambayan pa rin natin mamaya.” dugtong na turan ni Vanth kay Dirce. Muli, walang sagot mula kay Dirce. Pero alam na nila iyon kung ano ang ibig sabihin ng tingin nito. “Puwede ba’ng magpakuha ng coffee?” Si Armaros na nagsalita mula sa kanilang likuran. Nakasuot na rin ito ng Lab. Gown. “Why? Hindi ka ba nakapag-almusal sa inyo kanina?” kaswal na tanong lamang ni Vanth. “Nope,” ikling sagot nito na sinabayan ng pag-iling. “Puwede mo utusan si Gorgon,” suhestiyon ni Vanth kay Armaros. Napatingin naman si Armaros kay Gorgon. Napatigil naman si Gorgon sa kaniyang ginagawa. “Hey! Ayokong lumabas. Alam niyo naman na ang dami pa’ng nakaantabay sa labas. Ayokong dumogin dude,” mahangin na salita ni Gorgon. Napatawa naman ng malakas si Malthus nang marinig ang tugon na ‘yon ni Gorgon. “It’s your fault, anyway.” Kibit-balikat na prangkang sagot ni Vanth kay Gorgon. “What? Why would it be me?” seryosong tanong ni Gorgon kay Vanth. “Nagtatanong ka pa kung bakit hindi mo alam? Ass***e.” Pailing-iling sa ulo na turan ni Vanth kay Gorgon. “Can you stop!” “Aba’t-” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang nagsalita si Dirce. “It’s annoying,” diing salita na ni Dirce. “Whatever... Hey?” balewalang sagot na lang ni Gorgon pagkatapos tinawag nito ang isang kaklase nila sa medisina na kapapasok lang. Agad naman ito huminto sa harap ni Gordon. “Can you get us a coffee? Please...” malumanay na pakiusap ni Gorgon sa kaklaseng lalaki nito na medyo may pagka-weirdo rin ang katalinohan. “Y-yes po.” Tango nito agad na sumunod sa ipinag-uutos saka mabilisang umalis kahit may bagpack pa ito na dala-dala sa likod. “Napaka-harsh mo talaga. Bahala ka na nga,” tanging wala sa sariling nasabi na lamang ni Vanth kay Gorgon. Ngisi-ngisi lang si Gorgon habang sinisimulan na rin ang dapat na asikasuhin. Madaling lumipas ang mga oras. Kinahapunan sa isang pribadong kuwarto kung saan may sariling opisina si Dirce sa university na siya ang nagmamay-ari ay roon siya dumidiretso pagkatapos ng kaniyang klase. Hindi si Dirce mahilig maglakad-lakad o maglibot sa buong university ng napakatagal dahil marami na ang insidente na dinudumog siya ng kababaihan. Ang isa sa pinakaayaw niyang mangyari dahil naalibadbaran siya at naiirita sa mga boses ng kababaihang walang tigil ang katitili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD