SHADOW

1004 Words
Hindi si Dirce mahilig maglakad-lakad o maglibot sa buong university ng napakatagal dahil marami na ang insidente na dinudumog siya ng kababaihan. Ang isa sa pinakaayaw niyang mangyari dahil naalibadbaran siya at naiirita sa mga boses ng kababaihang walang tigil ang katitili. Nakaupo na ngayon sa kaniyang swivel chair si Dirce. Isinandal niya ang kaniyang likuran sa swivel chair habang nakaupo. Nakapikit ang kaniyang mga mata. Nasa gano’ng posisyon siya nang may kumatok sa pintuan ng kuwartong iyon. “Come in,” sagot naman ni Dirce habang nanatili pa rin na nakapikit ang kaniyang mga mata. Naimulat lang ni Dirce ang kaniyang mga mata nang natunugan niyang nasa kaniyang harapan na ang kumatok kanina sa pinto ng kaniyang opisina at alam niya kung sino iyon. Gumagalaw pa ng bahagya ang kaniyang ilong. Tila naamoy niya pa kung sino ang pumasok. “Master,” sambit ni Glendale, ang kaniyang pinagkakatiwalaan na siyang nagpapatakbo ng kaniyang university. Ang kaniya ring kanang-kamay. “What is it?” diretsong tanong niya kay Glendale. “Wala ka ng ibang gagawin dahil naghihintay na sila sa ‘yo sa baba,” ani nito sa kaniya. Napahampas siya sa mesa na ikinaigtad naman ni Glendale. Pagkatapos ay tumayo na siya na nakapamulsa. “Why they’re always waited me? Suck!” iritado niyang tanong na nagtataka. “Alam mo naman na...iisang bituka lang kayo kaya-” “I knew it,” agad na putol ni Dirce sa sinabi sa kaniya ni Glendale. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Glendale. Sa totoo lang para niya lang itong Tiyuhin kaya lang parang magkasing-kapareha lang sila na may batang panlabas na anyo. Dala marahil sa isa rin ito sa kanilang lahi. Bumaba na si Dirce patungong parking lot ng university. Nakasunod pa rin sa kaniyang likuran si Glendale. Naroon na nga ang apat at naghihintay na sa kaniya sa iisang sasakyan. Ang huge van na sinasakyan ni Dirce tuwing pumupunta siya sa university. Hindi niya rin mawari kung bakit tamad ang mga ito na magpahatid sa sarili nilang mga sasakyan at sa kaniya pa laging nakikisabay. Kung hindi lang sila magpipinsan, malamang matagal na siyang galit sa mga ito. Iniiwasan na niya ang mga ito kun’di itinakwil. Bagaman, iisang dugo lamang ng lahi nila ang nanalantay sa kanila. Napatayo ng tuwid ang mga ito nang makita siyang paparating. Nakasunod na rin pala sa kanilang likuran ang apat na bodygurads. “There he is,” sabi agad ni Malthus. “Ang ating nag-iisang Master.” dagdag pa niya na pinupuri si Dirce. Nag-smirk lang si Dirce sa kaniya at tuloy-tuloy na itong pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod naman ang apat. Nang makapasok na sila sa sasakyan ay saka pa ito umandar. Nang papalabas na sila ng university galing sa parking lot saka naman may humahabol sa kanilang sinasakyan. Sumisigaw ang ilang mga estudyanteng kababaihan na humahabol ngayon sa sinasakyan nila Dirce at ng kaniyang mga pinsan. Nagtagpo lang ang kilay ni Dirce dahil sa nakita nito mula sa side mirror ng sasakyan. Habang si Gorgon ay panay ang kaway sa mga babaeng patuloy pa rin na humahabol sa kanilang sinasakyan. Kumakaway siya mula sa loob ng sasakyan kahit hindi naman siya nito nakikita dahil tinted ang kanilang kotse. Napapailing lang si Vanth sa nakitang ginagawa ni Gorgon. “Baliw ka talaga,” ang nasambit na lang ni Armaros dahil sa katangahang ginagawa ni Gorgon. Napangisi naman si Malthus habang si Vanth ay nakasunod pa rin ng tingin sa ginagawa rin ni Gorgon. Si Dirce naman ay seryoso lang ang mukhang nakatuon ang tingin sa harap. Ilang minuto lang at naihatid na ang mga pinsan ni Dirce sa kani-kanilang tirahan na katulad ni Dirce ay isa ring gawa sa mansyon. Nasa isang malaking couch sa tahanan ng mansyon si Dirce. Nakaupo siya na naka-de kwatro habang humihigop ng inuming tsaa. Lumapit sa kaniya si Glendale. “Master Dirce, sa susunod na buwan ay ang pag-aasikaso ko sa mga transfer student na papasok bilang freshmen. Kailangan ko pa ba’ng iyong pahintulot upang kilatisin muna ang mga bagong istudyanteng papasok? It’s almost going to half of a month and I know na hindi na tayo dapat tatanggap pa but-” naputol ang kaniyang sasabihin nang magsalita agad si Dirce. “Bring me their files. I want to check it first,” kaswal lang na sagot ni Dirce. “Ngayon mo na ba kailangan?” tanong ni Glendale sa kaniya. Tumango lang si Dirce at muling hinigop ang iniinom na tsaa. “Sige, kukunin ko at ihahatid ko sa iyong kuwarto mamaya.” Naglakad na ito paalis at saka lang ito nasulyapan ng tingin ni Dirce nang nakalabas na ito sa pintuan ng salas ng mansyon. Nang may biglang tumunog sa labas ng malaking bintana. Napadaku ang tingin doon ni Dirce. Tumayo siya’t binuksan ang bintana malapit lamang sa malaking couch na kaniyang kinauupuan. Pagbukas niya ay nabungaran niya ang malaking ibon. May haba ito na hanggang sa kaniyang siko. Puti ang kulay ng balahibo nito na may halong kulay abo. Napangiti si Dirce nang makita ang ibon kaya inilapit niya ang kaniyang balikat upang pumatong ito at pumatong naman ito. Pagkatapos ay isinara na niya ang malaking bintana. Kinagabihan, muntikan pang makalimutan ni Dirce ang files na sinadya pa niyang ipakuha kay Glendale para tingnan niya isa-isa. Nang may maalala siyang may gagawin pa pala siya sa nasabing impormasyon ng mga lilipat na mga bagong estudyante sa kaniyang university ay pumasok na siya sa kaniyang kuwarto kung saan naroon ang kaniyang opisina. Agad siya naupo sa swivel chair at binuklat ang folder isa-isa na nakapatong sa kaniyang mesa. Mataman niyang chineck ang mga iyon. Matapos ang isa’t kalahating oras sa paglalaan ng pagbabasa ng files sa mga lilipat na mga estudyante ay agad na rin siya tumayo sa pagkakaupo. Lumabas na siya sa opisina mula sa kaniyang kuwarto. Naiwan na lamang sa isang nakatayong rack ng opisina ni Dirce ang kaniyang alagang ibon. Sinundan nito ng tingin si Dirce na lumabas ng opisina mula sa kwarto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD