Intensive Conversation of Cousins

1351 Words
Nasa kanilang department ng medisina sina Dirce, Vanth, Armaros, Gorgon at Malthus. Kasalukuyan silang gumagawa ng experiment sa isang laboratory. Ang iba ay abala rin sa kaniya-kaniyang ginagawa. “Bakit hindi tayo kumain? Siguro oras na para kumain, ‘no?” tanong ni Gorgon sa mga ito na abala pa sa ginagawa. Napaangat naman sila ng tingin sa nagsalitang si Gorgon na tila nagrereklamu na. “Bakit? May nasabi ba akong masama?” agad ding sagot ni Gorgon sa kanilang mapanuring tingin. “Bakit gan’yan kayo makatingin?” Hindi sumagot ang mga ito kun’di binitawan ang kanilang mga hawak at tumigil sa kanilang mga ginagawa. Hinubad din nila ang kanilang mga suot na Lab. Gown. Naglakad at nilagpasan si Gorgon na nakatanga pa na nakatingin sa kanila. Huminto naman si Malthus sa tabi ni Gorgon. “Ano pa’ng hinihintay mo? Let’s go!” anas ni Malthus kay Gorgon kaya natauhan itong bigla at natarantang binitawan din nito ang ginagawa saka nagmamadaling sumunod sa apat. “Asar talaga kayo kahit kailan,” naibulalas na lang ni Gorgon nang sundan na niya ang mga ito. Pagkarating nila sa isang malawak na canteen ng University College ay agad na naupo sina Dirce at ang kaniyang mga pinsan sa paborito pa rin nilang spot area sa canteen na iyon. “Oy! Si Dirce ng Seniors at nandiyan din sina Gorgon, Vanth, Armaros at Malthus,” pahayag ng isa sa mga kababaihan na nagtitili pa sa kilig. “Oo nga. Ang guguwapo talaga nila ‘no?” mungkahi naman ng isa pa sa mga kasamahan lang din sa mga kababaihan. Ang lahat ay napapatingin na tila kinikilig. Kaya naging usap-usapan na naman sila. “Minsan pala nakakarindi rin pala sila pakinggan,” ani pa ni Gorgon na nakatingin sa kababaihan ‘di kalayuan sa kanilang puwesto. “Ngayon mo pa ‘yan nalaman?” seryosong tanong ni Armaros kay Gorgon. “Ahm, yeah. Why?” takang tanong naman nito pabalik na nagtataka pa. “You’re an idiot.” Turan naman ni Malthus na inayos pa ang pagkakaupo. “Ngayon ka pa talaga tumigil sa kagiliwan mo sa mga babae,” dugtong pa niya. “And, so?” inis naman na sagot ni Gorgon. “Puwede ba tumigil na kayo. Lalamig ang pagkain niyan,” anas naman ni Vanth na nakamasid din pala sa dalawa na nagbabangayan. Kung wala lang bodyguards na nakapalibot sa kanila ngayon, malamang dinumog na ang mga ito sa mga nagtitiling mga kababaihan sa loob ng canteen. Mabuti na lamang at guwardiyado sila sa tuwing lalabas sila o saan man ng sulok ng university sila pupunta. Palaging alerto na nakasunod sa kanila ang mga bodyguard para hindi sila dumugin at maging sagabal pa ito sa kanilang daanan lalo na sa kanilang mga gagawin. “By the way, Dirce. What are you going to do now?” tanong ni Vanth kay Dirce. Tuningin naman si Dirce kay Vanth. “What do you mean?” takang tanong naman ni Dirce. “Next month will be yo-” bigla itong napatigil sa kaniyang sana’y sasabihin nang may naalala na hindi pala dapat nito sasabihin. “You mean... Ang kaarawan ba ni Dirce ang tinutukoy mo?” diretsang pagtatama ni Armaros na iniba ang pagbanggit sa ibig sanang sabihin ni Vanth. “Oo. Exactly!” ngumiti ng pilit si Vanth dahil sa pagkapahiya saka muling ibinalik sa pormal ang kilos. Tumalim lang ang tingin ni Dirce sa kaniyang mga pinsan na parang nag-iisip pa. “Yeah. Hey, Dirce. Ano’ng plano mo niyan?” baling na tanong naman sa kaniya ni Armaros. “I-I don’t think so. Maybe, Glendale will handle this.” Pagkasabi niyon ni Dirce ay sabay dampot sa napkin na nasa lamesa at ipinunas sa kaniyang bibig. “Si Glendale na naman?” takang tanong sa kaniya ni Vanth. “Why? Is there any problem with that?” kunot noo na tanong naman ni Dirce. “Glendale was being loaded with work in these past few months. Why you don’t have to decide on your own this time,” suhestiyon sa kaniya ni Vanth. Napatingin naman sa kaniya si Gorgon at Malthus. Bigla rin napaisip si Dirce sa sinabi na iyon sa kaniya ng pinsan. “Oo nga naman, Dirce. Mag-isip ka ng kakaiba naman sa kaarawan mo. Glendale is too formal. Nakakasawa na.” Pailing-iling pa sa ito sa kaniyang ulo pagkasabi niyon. Nagpalipat-lipat naman ng tingin si Dirce sa kaniyang mga pinsan na nagsasalita. “Let’s enjoy! Not a boring one,” segonda naman ni Gorgon. “Do you forget that every time I celebrate my birthday, there’s a lot of us coming? They’re all present, praising me and again, doing the common things they’ve done as a... You know what I mean. We don’t have to take it here. They may hear us,” litanya ni Dirce sa kanila. “Sige, puwede natin pag-usapan iyan mamaya kasama si Glendale. Makakatulong siya sa atin pagdating sa mga bagay na gan’yan,” sa wakas ay sabi rin ni Malthus. “What are you trying to say?” tagpo ang kilay na tanong ni Dirce. Parang magagalit ito na nagpipigil lang. Hindi sila sumagot na apat kun’di nagkatinginan lang. Napasapo pa sa noo si Armaros. Parang sila pa ang naging katawa-tawa nito. “You said that you don't want Glendale to handle the occasion again because you'll just get bored and now you're going to say that he can help? Are you kidding me?” kaswal na paglilinaw ni Dirce sa kaniyang tanong. “Ah, eh.” Napakamot sa ulo si Gorgon na parang matatawa. “What the-” ang naisagot na lang ni Vanth sa katangahan din minsan ng kaniyang mga pinsan. Hindi na nagkakasundo sa ibig imungkahi. “P-Pasensiya na, opinyon ko lang naman ‘yon. Nothing serious. Ano ba!” sabi niyang pilit na pinapakalma ang tila namumuo ng masamang temper ni Dirce. Kilala nila ang pinsan nilang ito na may mababang pasensiya lamang at madaling magalit. Hindi nga nila lubos na maunawaan kung bakit iba ang ugali ng Dirce na ‘to. Parang walang emosyon o mas madaling sabihin...parang walang puso. Tinaliman ng tingin ni Dirce ang nagsalitang si Vanth. “Y-Yeah. B-Biro lang,” segonda agad ni Malthus. “Maybe, we could talk it later. Not in here,” patuloy pa nito. "Nabalitaan ko lang na ngayon ang araw ng mga bagong transfer students," sabi ni Malthus. "Ang galing! May mga bagong dating na magaganda, tiyak!" Parang mas sabik pa ang ngiti ni Gorgon. "Napakababaero mo!" saway ni Vanth sa mahinang boses, pero sa diing tono ng boses nito. "May isang babae lamang sa inilipat na estudyante," sagot ni Armaros kay Gorgon. "Ano!" gulat na bulalas ni Gorgon. "Yeah. And, it comes from a well-known rich family. She's the only daughter," sabi ni Armaros. Nasa mataas na corridor sila ng building kung saan naroon ang Medical Department nila. Pinagmamasdan nila ang baba mula sa itaas. Hindi pa nagsisimula ang klase. Ang aga-aga pa para sa lahat. As usual, nasa rooftop ang apat na magpinsan, pero si Dirce lang ang wala. Alam nilang si Dirce ang may-ari ng mismong unibersidad kaya malamang na dadaan pa sa kanya ang lahat ng mga dokumento bago pa mailabas ni Glendale. Bukod sa pag-aaral na kinakaabalahan ng magpinsan, abala rin sila sa pag-iinsayo para sa pagsasanay sa kung ano mang labanan. Hindi lang ito katuwaan, natural sa mga prinsipyo ng kanilang pamilya na magkaroon ng magandang kasanayan sa pagsasanay. Lumaban ka upang ipagtanggol ang iyong sarili sa panahon ng panganib. Ang ganitong sistema ay natural na naging tradisyon ng kanilang mga angkan kaya't mayroon silang lugar para sa libangan na katulad na lamang ng pagsasanay o sports sa modernong panahon kung tawagin. May kaniya-kaniya silang hilig pero mas nagkakaisa sila sa isang pag-iinsayol. Dahil na rin siguro iyon sa panganib na nangyari sa kanilang magpipinsan noong mga bata pa sila. Dahil alam ng mga magulang ng dalawang pinsan ni Dirce na nakaligtas pa nga ngayon na hindi mo talaga malalaman kung kailan darating ang sakuna. Kaya mas mabuti na ang maging handa sa anumang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD