MAGKAIBIGAN

1397 Words
KABANATA 2 "Mama, anong grade po ba si Chardee?" takang tanong niya sa ina. "Ang alam ko nasa first grade na ang batang 'yon...t-teka 'di ba nasa first grade ka rin? Hindi ba kayo magkaklase anak?" takang tanong ng Mama niya. "Ang pagkakaalam ko Mama, simula noong nagkakilala kami," bigla siyang natahimik. "Nasa unang mataas na grado siya kasi." Parang bagsak ang balikat na wika niya. "Kung gano'n anak mas matalino pa siya sa 'yo!" biglang gulat na salita ng ina niya. "Gano'n na nga po," panibugho niya. "Hayaan mo na anak, ang importante nasa mataas na grado ka pa rin napabilang at hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo kaya okay lang 'yan...ayos na ayos na ako riyan," ngiting turan ng kaniyang Mama. At ipinagpatuloy na niya ang ginagawa niyang pag-D-drawing ng cartoon sa kaniyang maliit na extrang puting papel. LASNER MANSION(Lasner Residence) Nasa salas ng pasilyong-aklatan si Chardee at kasalukuyan siyang nagbabasa ng aklat nang may kumatok sa pinto. "Pasok po," sagot ni Chardee. Bumungad naman ang tantiya mo'ng binatilyo pa na si Jaymi. Ang personal butler ni Chardee. "Dinalhan kita ng cake at gatas. Alam kong kanina ka pa rito kaya siguradong nagugutom kana," mahabang sabi ni Jaymi. "Pakilagay na lang po...pero ayoko po ng cake!" may pagkataas ang boses na sabi niya. "Bakit naman? Nakakatulong ito lalo na't nagbabasa ka-" "Kuya Jaymi! Puwede po ba samahan mo ako sa playgroung park? Gusto kong pumunta do'n," putol niya sa sinabi ni butler Jaymi. "Um, k-kasi," alinlangang sabi nito. "Gusto ko pumunta do'n at maglaro!" "Pero Senyorito Chardee, hindi papayag ang Daddy mo. Pagagalitan tayo no'n at alam mo naman na ipinagbabawal niya sa 'yo ang lumabas ng mansion." Hindi siya kumibo't ininom na lamang ang gatas at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng aklat. "Sige. Maiiwan na kita," paalam ni butler Jaymi sa kaniya. At ginulo ang kan'yang buhok saka tuluyang lumabas si butler Jaymi sa pinto. Napabuntong-hininga na lamang siya't tila mangiyak-ngiyak ang kaniyang mga mata na tila mamumula na. Nang may biglang namuong ideya sa kaniyang isip. Nasa kusina ng mga sandaling 'yon ang Mommy ni Chardee at nagtuturo sa mga kasambahay sa ano mang susunod na gagawin nila. May pinaluluto itong paboritong hapunan ng Daddy niya tuwing gabi kapag umuuwi ito galing sa kanilang opisina. Palihim na sumilip si Chardee sa may malawak na dirty kitchen nila at pasimpleng kinukubli ang sarili sa isang pader habang pinagmamasdan ang Mommy niyang abala sa mga ginagawa nito sa harap ng counter table ng dirty kitchen area nila. Agad naman siya napansin ng Mommy niya kaya't itinambad na niya ang sarili sa pinagkublihan. "Yes, Chardee? Do you want anything? I will call Kuya Jaymi-" Naputol ang sasabihin ng Mommy niya nang napansin siya nitong seryuso ang mukha at tagpo ang mga kilay na diritsong nakatingin sa Mommy niya. At humugot siya ng malalim na hininga para ibuga ito palabas ng gano'n ay mapakalma ang sarili at masimulan ang sasabihin. "Mommy," sambit niya. "Why? What is it son?" nilapitan siya ng Mommy niya sabay sabi ng mga tanong na 'yon sa kaniya. "Puwede ba kitang makausap?" sukling tanong naman niya. "Oo naman. I mean, yes of course Hijo. Come on, let's sit over there." At iginiya na siya ng Mommy niya sa isang sulok na may magkaharap na upuan. "Ano ba 'yon Hijo? Please tell me," pakiusap ng kaniyang Mommy. He make a deep breath before he answers. "I really want to play with S-sten...please bring her here," ma-awtoridad niyang sabi. Namilog ang mga mata ng kaniyang Mommy at hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Are you sure? gulat pa nitong tanong sa kaniya. "Yes, Mom. Why?" takang tanong niya rin. Mukhang matatawa pa ang Mommy niya sa kaniya. " 'Wag ka nga po gan'yan!" inis niyang sabi sa kan'yang Mommy. "I'm sorry Chardee. Hijo, what is it again?" ngiting tanong ulit ng Mommy niya. "Hindi mo narinig ang sinabi ko Mom?" inis na niyang tanong. "Oh! I'm so sorry son, I just heard it clear," ngumiti ng may pagkamalisyosa ang Mommy niya at hinawakan ang balikat niya't pinisil-pisil. "By the way, what about Sten?" tanong ulit ng Mommy niya. "Why did you asking her?" patuloy ulit na tanong ng Mommy niya. Isang minutong katahimikan bago ulit nakapagsalita si Chardee at hinihintay naman ng Mommy niya ang kaniyang sagot. "Gusto ko siya pumunta dito para may kalaro ako. 'Di ba hindi naman ako puwede lumabas para maglaro? Daddy won't allow me so I have to bring here a playmate. Can you do that for me, Mommy?" mahaba niyang pangatwiran. "You like Sten, Hijo?" tanong ng Mommy niya. "What!" gulat pa niyang sagot. "You like to play with her, right?" paglilinaw ng Mommy niya. " 'Di ba po ba sabi mo, kaibigan mo si Tita Mariare? Then Sten would be my friend too, right? Kasi ngayon ko lang narinig sa inyo na nagkaroon ka ng best friend. That would be interesting Mom," seryusong pahayag niya. "Oh. I see," ngiting turan ng Mommy niya. Seryosong tingin lang ang ipinukol ni Chardee sa Mommy niya na tila malaking tao na siya kung umasta. "For you, I bring Sten here but-" biglang nag-isip ang Mommy niya. "Did Sten and...nagkausap na ba kayo ni Sten hijo?" paniguradong tanong ng Mommy niya. Nabaling ang tingin ni Chardee sa kawalan at tila may inaalala ito. FLASHBACK!! Palabas noon ng room si Sten nang masagi siya bigla ni Chardee na hindi tumitingin sa dinaraanan. "Aray!" sigaw ni Sten. Muntik pa siyang mabuwal, buti na lamang at nahawakan siya ni Chardee nang malingunan siya nito agad at nakilala. "S-salamat," at iniyuko ang ulo at nagpasalamat dito. Agad naman ngumiti si Chardee sa kaniya pero nang makitang may kaklase siyang paparating ay agad niya hinila si Sten sa palikong daanan palabas ng classroom building. "Bakit?" takang tanong ni Sten. "Sten Marie Amsedel, tama?" pagkumpirma niya. Iniba niya ang sinabi at hindi sinagot ang tanong ni Sten. "Oo. Magkakilala na 'di ba tayo?" sabi pa niya. "Kung gano'n magkaibigan na pala tayo?" turang tanong ni Chardee. "Ganoon na nga...siguro," pag-alangan na kaniyang tugon. "Dahil magkaibigan ang mga Mommy natin ay magkaibigan na rin tayo," sabi pa ni Chradee na ngumiti ng malawak. Natuwa naman si Sten dahil mukhang mabait naman ito kahit may pagka-istrikto ang mukha dahil na rin siguro sa may pagka-singkit ang mga mata nito. ~End Of Flashback~ Pagdating ni Chardee sa School ay inabangan niya sa may hagdanan si Sten dahil alam niyang magkasunod lamang ang classroom nilang dalawa. At hindi nga siya nagkamali dahil ilang segundo lang ay dumating si Sten na agad siya nakita kaya binati niya ito na nagulat naman ang isa sapagkat nandoon siya. "Magandang umaga rin sa 'yo," ngumiti si Sten sa kaniya. "Sabay na tayong pumasok," anyaya ni Chardee. "Sige," sagot ni Sten. Medyo na weird-o han ang batang si Sten sa ikinikilos ni Chardee. "Bakit ka nga pala nakatayo roon?" tanong ni Sten. Bigla naman napangiti si Chardee na parang nahiya at lumalim tuloy ang mga biloy niya sa magkabilang-pisngi. "Inaabangan kasi kita," bigla siyang humarap kay Sten. "Friends!" inilahad nito ang kamay sa kay Sten para makipagkamay. Nagtaka naman si Sten subalit nakikamay na rin ito at ngumiti ulit. Ngumiti naman si Chardee at pagkuwa'y... "Nandito na pala ako sa classroom namin," agad na sabi ni Sten. "Sige. Bye!" agad na paalam ni Chardee. Tiningnan na lamang niya ang likuran ni Chardee na lumalakad papunta sa classroom nito. Nang hindi na niya matanaw ay pumasok na siya. Nakita pala siya ng kaklase niyang si Bless. "Sino 'yon? Kilala mo?" tanong nito sa kaniya. "Oo," walang ganang sagot niya. "Wow..." mangha nitong sabi sabay sunod sa kaniya papunta sa upuan nila. "Kaibigan mo ba'yon? 'Yong nasa first grade...wow," 'di makapaniwalang wika ni Bless sa kaniya. "Bakit ba?" takang tanong niya. "Sungit daw 'yon eh!" pagtataray ng kaklase niyang si Bless. At bigla siyang palihim na natawa. Akala niya pa naman kung anong papuri ang malalaman niya, 'yon pala ay isang 'di kaaya-ayang pananalita lamang. Parang hindi nagugustuhan ng iba ang pagkatao ng batang chubby na 'yon na si Chardee. Ano 'yong sabi niyang masungit daw ito? Kanino naman kaya ito nag-sungit at ganoon na lang kung magsalita itong kaklase niya eh mukha naman mabait sa kaniya si Chardee. Para pa nga ito nahihiya sa tuwing magsasalita ito maging sa ikinikilos nito. Talagang may kakaiba na hindi rin naman niya maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD