ANG SAMAHAN

1760 Words
KABANATA 3 "Nandito ka ulit?!" gulat na tanong ni Sten kay Chardee. Inaabangan siya nito ulit sa hallway ng hagdanan ng school building. "Kumusta?" ngumiti ito at humarap sa kaniya. "Okay lang naman," sagot ni Sten. "Minsan maglaro naman tayo, punta ka sa bahay namin," tuwang sabi ni Chardee kay Sten. "Ano? Naku, baka pagalitan ako. Hindi papayag si Mama," pag-alalang tugon ni Sten. "Papayag 'yon. Si Mommy ko na ang bahala," paniguradong sagot ni Chardee. At nagpatuloy lang sa paglalakad si Sten at sinabayan naman siya ni Chardee...pagkuwa'y biglang humarap sa kaniya. Hinawakan siya nito sa kan'yang balikat. "Basta iyong sabi ko huh," paalala nito sa kaniya. Tumingin siya sa mukha ni Chardee, tumango lamang siya bilang tugon at muli'y ipinagpatuloy ang paglalakad nang pigilan siya nito. "Bakit?" tanong niya kay Chardee. "Nandito ka na sa classroom niyo," sabi ni Chardee at ngumiti sa kaniya. "Sige, Sten. B-bye!" paalam ni Chardee sa kaniya at tumalikod na. Tulala namang tiningnan ni Sten si Chardee palayo at lumingon sa kanang gilid niya. Nasa harapan na nga siya ng classroom nila. Akma na sana siyang papasok nang hinarangan siya ng kaklase niyang si Bless. "Sino iyon, ha? 'Di ba si sungit 'yon sa first grade?" pagkumpirma ng kaklase niyang si Bless. "Oo. Bakit mo ba lagi tinatanong?" sagot niya na tila napapansin na niya. "Palagi ko kayong nakikita eh! Magkasabay?" sabi ni Bless na patanong sa huling salita nito. Hindi na niya pinansin ito at nilampasan na lang. "Hoy! Sten Marie Amsedel, Amsedel!" patuloy na sigaw ni Bless. Hindi man lang siya pinansin ni Sten, parang bingi ito na walang narinig at hindi man lang siya nilingon ni Sten. RECESS TIME Tumunog na ang bell at kaniya-kaniya ng labas ang mga bata mula sa 1st grade. May iilan naman na hindi na lumabas ng kanilang classroom at sa mismong silid-aralan na nagmi-meryinda. At sa bahaging upuan na simento sa di-kalayuan sa room building ng mga batang sina Chardee at Sten ay kapwa sila nakaupo roon. "Why you're always eating chocolate? What's good about it?" tanong nito kay Sten. "Bakit naman?" tanong niya rito pabalik. "Hindi mo ba alam na nakakasakit iyan sa ngipin, nakakasira iyan ng ngipin, it's too painful!" paliwanag nito sa kaniya. "Paborito ko kasi ang kumain ng chocolates. Lagi ako kumakain nito lalo na kapag may mga pagsubok o exams," turan niya. "Alam mo, ang ganda sana kapag tumaba ka. Kumain ka kasi ng marami!" saway ni Chardee kay Sten na halos pabulyaw na. "Hindi naman ako mahilig sa matamis pero bakit ang talino ko?" Pagkatapos ay binalingan nito si Sten at hinarap niya ito. Ngunit hindi naman umimik si Sten. "Ikukuha na nga lang kita ng tubig!" bagot nitong sabi. Walang anu-anong ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain ng Cream-O Chocolate na tila takam na takam kahit paubos na ito. Kinahapunan sa may waiting shed area ay kapwa naman naghihintay ang mga magulang nila Sten at Chardee. Libang na libang ang mga ito sa pagkukuwentuhan nang paparating si Chardee sa kanilang kinaroonan at tila pagod ito sa ka hihila sa malaking Strolley Bag niya. Hingal pa rin itong umupo sa tabi ng Mommy niya. "Are you tired son?" biglang alala ng kaniyang Mommy. "Yeah. A little bit," hingal pa rin niyang sabi. "Naku Pinky nabibigatan na yata sa katawan iyang si Chardee. Paano ang cute niya kasi," bawing sabi naman ng ina ni Sten. Napatingin naman sila sa gawi ni Mariare na nakangiti sa kanila. "Oo nga eh, masyado siyang palakain this past few days," turan ng Mommy niya na hindi napigilan ang pagtawa kung kaya't napasabay na rin sa pagtawa si Mariare sa pahayag na iyon ni Pinky. "Mommy!" pagmamaktol na sabi niya. "Hayaan mo na, ganiyan na talaga ang mga bata at isa pa mas maganda nga 'yong gan'yan ang pangangatawan dahil nakakaiwas sa anuman na posibleng karamdaman. Malayo sa...alam mo na," ngiting saad ni Mariare. Sinang-ayunan naman ng tango ni Pinky ang sinabing iyon ni Mariare. "Si Sten nga pala, bakit hindi mo siya kasama?" pagkuwa'y tanong ni Pinky sa kaniyang unico hijo dahil napansin niyang mag-isa lang si Chardee na dumating. "Hindi ko po alam. Hindi ko siya nakita eh, kanina ko pa siya inaabangan doon sa stairway," sagot naman ni Chardee. "Sige na. Okay lang, hihintayin ko na lang siya rito baka kasi sa library nagtungo 'yon," agap namang sabi ni Mariare. "Sa library?" paglilinaw ni Chardee sa kaniyang nadinig. "Oo," sagot ni Mariare. "Gano'n po ba," at saglit napaisip si Chardee. Nang tumayo naman si Pinky para magpaalam na ito na mauuna na silang umuwi ay saka naman pinigilan ni Chardee ang kaniyang Mommy. "Mommy, sandali lang po." "Why, Hijo?" tanong naman ng Mommy niya. Humarap naman agad si Chardee sa ina ni Sten at... "Tita, maaari niyo po ba na payagan si Sten na tumira sa aming bahay?" pagpaalam niya rito. "Ano!" gulat ang naging reaksiyon sa sagot ng ina ni Sten. "A-ano kasi Mariare...Chardee wants to play with Sten so he suggested letting Sten in our Mansion," agap na sabi ng Mommy ni Chardee. Nanlaki naman ang mga mata ng ina ni Sten sapagkat hindi siya makakuha ng maisagot sa kanila. Kung kaya't lakas loob siyang nilapitan ng batang si Chardee, kinuha ang isa niyang kamay at hinawakan ito na tila nakikiusap. "Please, Tita. I promise I will take care of Sten. Just in a few days lang naman po pagkatapos ng aming pagsusulit," seryosong pangako niya. "Sige na Mariare, ilang araw lang naman. I'm sure malilibang din si Sten dahil makakalaro na nila nag isa't isa. Sige na, payagan mo na ang mga bata," sigundang pagsang-ayon ng Mommy ni Chardee. "Please, Tita. Please..." pilit na pakiusap niya sa ina ni Sten. "A-ano kasi...k-kasi," hirap na wika ni Mariare sa mag-ina. "Mariare, Romy won't allow our son to go out even in the playground that's why Chardee beg for this. Ayoko naman na maaga maging binatilyo ang unico hijo ko. Ngayon nga lang para na siyang binatilyo kung kumilos, paano pa kaya kapag lumaki na siya? Gusto ko rin maranasan niya ang makipaglaro sa ibang bata," mahabang salaysay ni Pinky kay Mariare. Tila nagsusumamo rin ang mga mata nito. "Nakakahiya naman kasi 'ata at doon pa matutulog si Sten, mukhang malaking abala naman 'yon sa inyo Pinky," pagtatapat ng ina ni Sten. "Ah, iyon ba ang inaalala mo? Naku, ayos lang 'yon huwag ka mag-alala. Sabi nga ni Chardee we will take care of Sten. Hindi namin siya papabayaan. Kami na bahala sa lahat. Kaya huwag kana mag-alala ha, magkaibigan tayo Mariare kaya walang kaso 'yon. Mas mabuti na ring ganito para mas lalo tayo maging malapit sa isa't isa lalo na ang mga anak natin. Kaya let our child do the same thing as we did. Let them enjoying themselves to bonding, okay?" paniguradong saad ni Pinky sa ina ni Sten. At lumuhod naman si Mariare kay Chardee para magpantay sila. Hinawakan niya ito sa magkabilang-balikat sabay sabing... "Sige. Papayag na ako. Alam ko na maaasahan kita," sabi niya at kinindatan pa ang bata. "Oh!" nagulat pa si Chardee ng bahagya. Napangiti na lang siya rito nang makahuma sa pagkagulat. "Sasabihin ko ito kay Sten ang tungkol dito, okay ba 'yon?" patuloy na salita ni Pinky. At ngumiti ng abot tainga ang batang si Chardee na lalong nagpalalim ng kan'yang dalawang biloy sa magkabilang-pisngi "Thanks, Tita! I assure you Tita," sabay yakap sa ina ni Sten. Nagulat naman si Mariare at natawa sa naging reaksiyon ng bata kaya tumawa na rin ang Mommy ni Chardee dahil marahil walang pagsidlan ang tuwa sa kan'yang unico hijo na ngayon pa lang ito makitang magsisimula pa ang pagiging masaya nito. Sa bahay naman ng mga Amsedel... Matapos maghapunan ay kinausap naman ni Mariare ang anak. Sinabi niya rito ang napag-usapan nila kanina ng mag-inang Lasner. Hindi naman iyon pinagtakhan ni Sten bagama't sumang-ayon na lamang sa ina at sinabing hindi rin naman siya basta pupunta kina Chardee Lasner kung wala ang patnugot ng ina. Masaya naman ang ina ni Sten at mabuting bata ito kaya lamang ay may pagkamahiyain ito. Hindi sana iiral ang pagkamahiyain nito kapag ganoong nasa ibang tahanan ito mamalagi. Alam din niyang kailanman ay hindi naging sakit sa ulo niya si Sten dahil maliit pa lamang ito ay tinuruan na niya ito sa mga mabubuting-asal. Biyernes ng hapon ang pagtatapos ng pagsusulit ng mga mag-aaral sa eskuwelahan. Iyon nga ang tanging napagkasunduan nila, ang araw na papuntahin si Sten sa bahay ng mga Lasner. Tamang-tama naman at nasa isang bakasyon ng pagpupulong ng isang-linggo ang Daddy ni Chardee kaya walang tututol o sasaway kung sakaling malaman man o hindi papayag ang Daddy ni Chardee pero bahala na at wala naman makakaalam dahil wala naman sa ganoong ganap ang Daddy niya. Pinagplanuhan na nila ito ng Mommy niya kapag nasa kanila na mamalagi ng mga ilang araw si Sten. Nasa harap na siya ng classroom ni Sten at nag-aabang. Inaabangan na niya agad ito matapos niya maipasa ang kan'yang test paper. Maya't maya lang ay lumabas na rin sa kanilang classroom si Sten kaya nilapitan na siya ni Chardee. "Tara!" paanyaya niya kay Sten. Tumango lang si Sten at sabay na silang umalis palabas ng kanilang school building papunta sa front gate ng school kung saan ay naghihintay sa kanila si butler Jaymi. "Kuya Jaymi, this is Sten, she is my new friend and she's gonna be my new playmate," pagpapakilala ni Chardee kay Sten. Puno ng pagkabilib sa sarili si Chardee nang mga oras na ito. "Kumusta ka, Hija?" yumuko ang binatilyong butler para batiin si Sten. "Hello rin po sa inyo. Okay lang po ako," nginitian niya si Jaymi. "Kung gano'n puwede na tayong umalis para makapagpahinga na kayo sa Mansion," walang ligoy na sabi ni butler Jaymi.. "Sandali lang po, hindi po ba tayo dadaan sa aming bahay? Wala pa po kasi akong dalang mga gamit ko," agad na sabi ni Sten kay butler Jaymi. "Huwag ka na mag-alala hija, nasa mansion na ang mga gamit mo at nando'n din ang Mama mo hinihintay ka," pagdetalye ni butler Jaymi. "Po, t-talaga?" 'di makapaniwalang tanong niya. "Oo, Hija." Inihakbang ni Jaymi ang kaniyang mga paa papunta kay Sten para igiya ang bata sa sasakyan. "Sige na Kuya Jaymi, alis na po tayo at gutom na gutom na ako!" reklamong sabat naman ni Chardee. "Okay, señorito." Sinunod naman ni butler Jaymi ang sinabing iyon ni Chardee at agad na tumalima. Sumakay na nga sila ng kotse at mabilis na itong umibis papalayo patungo sa Mansion ng mga Lasner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD