KA-IBIGAN

2432 Words
KABANATA 4 LASNER MANSION (Lasner Residence) Sa salas ng Mansion ng mga Lasner ay nag-uusap ang mga magulang nila Sten Marie at Chardee sa mahabang sofa na kina-uupoan nila habang hinihintay ang mga bata na pinasundo ni Pinky sa binatilyo nilang butler na si Jaymi. Kahit may sarili naman silang driver ay ayaw na ayaw rito ni Chardee sa halip ay si Kuya Jaymi lamang niya ang nagiging personal driver at tanging tagasunod sa kaniyang mga ipinag-uutos dito. Sa madaling salita ay tipong close silang dal'wa ni Jaymi. Ini-hired kasi ng Daddy niya si Jaymi matapos maulila ito sa pamilya. Itinira ito sa bahay-ampunan sa isang probinsiya na malayo sa lungsod ng Maynila. Maaga na itong naulila sa magulang. Dahil nakapanirahan ang mga magulang ni Chardee sa Hacienda Lasner sa probinsyang 'yon ay roon nila nakilala ang batang si Jaymi na noo'y edad sampung taon na gulang pa lamang. Dinala si Jaymi ng tita-titahan niya na kumupkop sa kaniya sa Hacienda ng mga Lasner dahil doon ito nagtatrabaho. Subalit sa kasamaang palad naman ay nabawian na ng buhay sa kaniyang malubhang sakit na matagal na pala nitong inilihim. Likas naman na may mabuting-loob ang pamilyang Lasner kung kaya't walang pag-alinlangan na ikinupkop nila si Jaymi at nagsisilbi naman ito sa kanila bilang sa sariling kagustuhan ng bata. At ito na nga ang naging kasa-kasama ni Chardee simula noong matapos isinilang siya at nagkaisip sapagkat napalagayan niya ito ng loob. Naging nagkasundo sila sa lahat, tanging si Jaymi lamang ang nakakaalam sa loob at labas na katauhan ni Chardee. Kabisadong-kabisado na ni Jaymi ang pag-uugali't ikinikilos ni Chardee. Habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap naman sina Pinky at Mariare ay nakarinig sila ng pagbusina ng sasakyan. Dumating na nga sina Chardee kasama si Sten Marie. Pagkapasok sa loob ng Mansion ng sinsakyan nilang BMW ay agad naman sila bumaba at ganoon na lamang ang pagkamangha at paglilibot ng paningin ni Sten Marie sa kabuuan ng malawak na paligid. Mahaba at malapad ang daan mula sa malaking entrance gate patungo sa main door ng Mansion na tatahakin mo kung kaya masyadong malayo na kung lalakarin mo lang ito. Gawa sa isang luxury house ang buong Mansion. Hindi ito makulay bagama't color gray ang main color nito dahil soft, stylish and neutral - the perfect combo kung tawagin. Ito ang napakalaking bahay na napabilang sa mga mayayaman sa lugar ng Anguno, isang Silverena Subdivision na nasakupan pa rin ng pamilyang LASNER. Bukod sa simple't may limang uri na paint color ang pinturadong Mansion. Ma-attract naman ito pagpasok mo sa loob dahil sa makulay na iba't ibang klaseng uri ng mga halaman at bulaklak. Mabungaran mo agad sa kilid na bahagi ng Mansion ang tila isang paraiso o hardin na pinasadya pa ng yumaong Lola ni Chardee na ngayo'y ang Mommy na niya itong nagpatuloy sa pag-aasikaso, pagmintenar at pag-aalaga sa buong hardin. Mayroon din itong lamesa at upoan sa gitna ng hardin na kawili-wilihan mo talagangng pagmasdan ang nasasakupan ng malaking hardin. Sa likod naman ng Mansion ay ang malaking pool at sa unahan niyon ang palaruan ni Chardee na ginawan pa ng bakal na gate para sa pagpasok. Nang siya ay nasa pre-school, pinagawa iyon ng Daddy't Mommy niya para roon na ma-enhance sa pag-develop ang sarili sa paglalaro o ano mang activities. Makaka-explore siya dahil malaya siyang makakilos sa loob ng kaniyang palaruan. Ngunit nang magkaisip si Chardee ay mas ninais niyang sa katulad niyang bata siya makipaglaro kaysa sa sarili nitong Learning Playground. Malulungkot daw lamang siya kung siya lang mag-isa at wala siyang kasabay maglaro. 'Di naman ginusto ng Daddy Romy niya ang makisalamuha siya sa iba sa labas upang makipaglaro dahil baka ano pa ang maaring mangyari sa kaniya. Isa pa naman siyang tagasunod ng lahat ng properties nila at tanging magpapatakbo ng negosyo nila balang araw kapag nakatapos na ito sa Master Degree sa kolehiyo o mainam na Major Degree ang matapos niya. Kung kaya't bata pa man ay litong-lito pa si Chardee. Hindi naman siya makapag-anyaya ng mga kaklase niya para makipaglaro sa kadahilanang pinagkamalan siyang masungit sa kaniyang dating at anyo kahit pa na palatawa naman siya pero hindi nga lang palagian. Wala pa siyang naging seryosong kaibigan dahil karaniwan lang sa mga ito'y iba ang nais. Ginagawa siyang bank of foods! They're stealing money from him and etc. Kaya nang makilala niya si Sten Marie Amsedel ay in-obserbahan muna niya ito bago niya pakitunguhan. Iba kasi ang nararamdaman niya kapag ngumisi itong kita ang magandang ngiti sa labi. Hindi rin naman niya ito kaka-ibiganin kung hindi sa mismong Mommy niya nalaman ang patungkol sa naging pagkakaibigan nila ng Mommy niya at Tita Mariare niya na ina nga ni Sten Marie. Napakabuti kasi nito at walang maipintas ang Mommy niya sa kaibigan niyang ito. Pareho lang din silang nag-iisang anak ng mga magulang nila. Magkaiba nga lang ang status ng pamilya nito hindi kagaya ng sa kanila. Manghang-mangha pa rin ang batang si Sten Marie sa mga nakikita niya. Parang ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagandang bahay. Halos hindi siya makapagsalita at kurap na kurap pa rin ang mga matang inilibot ang paningin sa paligid. Napagmasdan siya ni Chardee dahil hindi na niya nagawang kumilos simula pagkababa ng sasakyan kaya naman natawa ito sa kaniyang mga naging reaksiyon. "Hali ka na nga at pumasok na tayo sa loob," pag-agaw atensiyon ni Chardee sa namamanghang si Sten. At kinuha ni Chardee ang isang kamay ni Sten para hilahin ito papasok ng Mansion. Sumunod naman sa likuran nila si butler Jaymi na ngiting napa-iling na lang. Pagkapasok nila sa loob ay natanaw agad ni Sten ang ina kung kaya't patakbo siyang yumakap dito na parang maluluha pa 'ata ang kaniyang mga mata. "Oh. Bakit, na-miss mo agad ako?" ani ni Mariare sa anak. "Mama, ngayon lang po tayo hindi nagkasabay umuwi." sabi ni Sten sa ina. Tama nga naman siya sapagkat sa tinagal-tagal ba naman ay ngayon lang sila hindi nagkasabay sa pag-uwi. Walang ina na naghihintay kay Sten para sunduin siya kaya nakapagtaka nga naman sa isang bagay kapag ito'y nakasanayan mo na at bigla na lang nakaligtaan. "Inihanda ko pa syempre ang mga gamit mo. Alangan namang matulog ka rito na wala kang dalang damit." paliwanag ni Mariare sa anak. "Basta i-enjoy mo lang stay mo rito huh, huwag na huwag kang pasaway sa Tita mo. 'Wag mo rin aawayin si Chardee," patuloy ng kaniyang ina at nagbilin pa ng paalala sa kaniya. "Huwag ka po mag-alala Mama, magiging mabuti po ako." sagot naman ni Sten na nanunumpa. At napangisi ng mariin si Chardee sa sinabing 'yon ni Sten kung kaya't sinaway siya ng Mommy niya. Humingi naman siya ng paumanhin ngunit pinukulan na siya ng matalim na tingin ni Sten. Nakita niya 'yon at natahimik siya. "Pasensiya kana Mariare, magkamabutihan din ang mga iyan. Ganiyan talaga kapag mga bata," sabi naman ni Pinky na Mommy ni Chardee. "Ay oo nga pala Mariare, si Jaymi nga pala ang butler namin dito kapag hindi siya kinakailangan ni Chardee. Hinahanap-hanap kasi ni Chardee ang presensya niya lagi kaya kadalasan kay Chardee na siya nakatuon." matamang paliwanag ni Pinky. Ngumiti si Jaymi kay Mariare at iniyuko ang kaniyang ulo upang magbigay galang dito. "Hello po, Maam Mariare. Kumusta po kayo?" bati ni butler Jaymi sa ina ni Sten. "Aysus, 'wag mo na ako masyadong galangin, simpleng tao lang naman ako at hindi mayaman," tawang turan ni Mariare. Napangisi naman si butler Jaymi sa tinurang iyon ng ina ni Sten. Ilang sandali pa ang naging pag-uusap nila at pagkuwa'y magpapaalam na si Mariare. "Hindi na ako magtatagal baka gabihin na ako. Tutulungan ko pa ang kapatid ko sa pagsasarado ng tindahan namin." "It's alright. Ipapahatid na lang kita sa aming driver para hindi kana ma-traffic," sabi ni Pinky na may pag-alala. "Naku, salamat Pinky ha. Nag-abala ka pa. Mag-T-taxi na lang ako. Tutal marami naman diyan ang puwede kong sakyan," tanggi pa niya rito. "Ano ka ba naman, ayos lang...ako pa nga ang dapat magpasalamat dahil pinayagan mo ang Sten mo na manatili rito. Tuwang-tuwa tuloy ang Chardee ko," ngisi ng Mommy ni Chardee. "Mommy naman! Does it need to say that thing?" sabi ni Chardee na may irita sa boses niya. Ngumisi lang ang Mommy niya na parang walang narinig sa sinabi ni Chardee. "Sten, aalis na si Mama. Ang bilin ko, huh?" paalala naman ulit ni Mariare. "Opo, Mama. Pero dadalawin mo naman ako rito 'di po ba?" tanong ni Sten sa ina. "Oo naman. Bibisitahin kita rito kapag uuwi kana, tatawag si Mama sa'yo ha. Hindi ko kasi puwede iwan ng ilang oras iyong tindahan. Hindi makakaya ng Tita mo 'yon mag-isa." paliwanag na naman ni Mariare sa anak. "Sige po." Agad na yumakap si Sten sa ina. "Tara na at ihahatid na kita sa baba," anyaya na ni Pinky kay Mariare. "Sige, alis na ako." Hinawakan nito sa magkabilang-balikat ang anak sabay halik sa noo nito at muli'y paalam ulit ni Mariare kay Sten bago sila tumayo at tumalikod na para umalis. "Jaymi, i-akyat mo na mga bata sa taas. Ikaw na ang bahala." Binalingan pa nito si butler Jaymi para bilinan. Yumuko si butler Jaymi at iginiya ang mga bata paakyat. Si Sten Marie naman ay tinatanaw pa ang ina at kinakawayan. "Ano ba? Hali ka na. Aakyat na raw tayo sa taas," tawag naman ni Chardee kay Sten dahil nakatayo pa rin ito. Kinuha ulit ang kamay niya at hinila na siya nito paakyat. Pagkaakyat nila sa itaas ay sa kaliwang bahagi ng Mansion sa mga Guest Room dinala ni butler Jaymi ang mga bata. "Kuya Jaymi, bakit po rito tayo? Sa kabila pa 'yong kuwarto ko, uh," pigil ni Chardee nang hindi pa sila tuluyang pumasok sa isang silid ng mga Guest Room. "Pasensiya na Senyorito pero dinala ko muna si Senyorita Sten Marie sa kaniyang magiging kuwarto," paliwanag naman ni butler Jaymi. "Ha? Eh, sa kuwarto ko po siya matutulog," ani ni Chardee sa kaniyang Kuya Jaymi. "Naku Senyorito hindi po puwede 'yon, baka hindi papayag niyan si Senyorita?" sagot naman ni butler Jaymi at binalingan si Sten. "Baka magalit ang Mommy mo niyan. Kailan mo pa binalak may katabi sa pagtulog ha?" patuloy pa ni butler Jaymi. "Okay lang po sa 'kin kahit saan basta may matulugan lang po ako," singit ni Sten sa usapan at nginitian si butler Jaymi. "Pero ipaalam muna natin sa Mommy mo. Ayaw pa pumayag niyon, ako pa ang malalagot niyan Senyorito," kunwari'y paninisi nito sa alaga. "Ako po ang bahala kay Mommy. Don't worry po, 'cmon! " At hinila na naman niya si Sten na patakbong pang umalis at tinunton ang sariling kuwarto nito. "P-pero Senyorito-" naputol ang kaniyang sasabihin sana. Hindi na siya nagsalita pa dahil alam na rin naman niyang hindi siya mananalo rito sapagkat ito ang Boss. Pa'no pa kaya kapag lumaki na ito ng husto. Baka ma-awtoridad na ito kung mag-utos at siya naman ay mahintakutan. Sinundan na lamang ni Jaymi ang mga batang kaaalis lamang. Nang nasa tapat na sila sa pintuan ng malaking room ay agad naman nito binuksan ni Chardee at sa ikalawang pagkakataon ay namangha na naman si Sten pagkabungad sa loob nito. Ang daming nakahilerang mga laruan, soft toys at books sa loob ng kuwarto. May malawak na sofa at carpet na puwedeng mag-paa na lamang kung aapak ka para uupo't mag-study. Computer Area na nilalaruan nito at ang kulay sa loob ng kuwarto ay kahintulad pa rin sa main paint ng Mansion. Hindi na ito dinisenyuhan ng pambata dahil ayaw rin naman ni Chardee. Kakaibang bata talaga ito. Hindi mo talaga mawari ang taste nito bilang isang pitong taong gulang na edad. "Come in," anyaya ni Chardee kay Sten. "Wow..." manghang wika ni Sten sa kabuuan ng room nito na ang paningin ay inilibot sa buong silid. "Ang laki ng kuwartong'to!" mangha ang boses na sabi niya. "Sala at kusina lang namin ito sa bahay," patuloy niya pa. Napangisi na lamang si Chardee habang pinagmamasdan ang mga naging reaksiyon ni Sten. Nag-walk in na si Sten sa mga cabinet na punong-puno nga mga soft toys at laruan ang bawat estante. "Oh, wow...ang ganda naman ng isang ito." Hinawakan ang isang soft toys na namamangha pang binalingan niya si Chardee na nakatuon lang pala ang tingin nito sa kaniya. Parang aliw na aliw siyang pinagmamasdan si Sten. "Pati ba ang mga ito nilalaro mo?" takang tanong ni Sten kay Chardee. "Oo naman. Collection ko ang mga iyan sa ibang bansa. Hindi ko naman gaanong nilalaro but I've seen it beautiful that's why I bought it," pahayag niya sa kuryusidad ni Sten. "Ah, display pala ang mga 'to?" sabi ni Sten na ang mga mata'y kumikinang pa habang nakatitig sa isang soft toys na hawak-hawak niya. Kulay brown ito at may nakataling manipis na color white na ribbon sa leeg ng isang soft toys. Pangiti-ngiti lang si Chardee na pinagmamasdan siya. "Sa dinami-dami ng laruang ito buti nakakaya mong pagsabayin ito sa paglaro?" 'di-makapaniwa niyang pahayag. "Hindi ko naman sinasabay 'yan sa paglalaro. Kinokolekta ko na lang pagkatapos ko laruin at kapag nagkaroon na ako ng bago," sagot naman niya na ikinahalakhak niya pa. "Gano'n ba...pero kahit na ang dami-dami pa rin nila. Gan'yan siguro kapag mayaman 'no, nabibili talagang lahat?" turan pa ni Sten na medyo may panlulumo pa ng kaunti ang boses. "Ano ka ba. Hindi lahat. Puwede mo naman laruin ang lahat ng 'to kaya lang ay wala akong mga girls toys. Gusto mo bumili na lang tayo?" Pag-cheer-up ni Chardee kay Sten dahil napansin niyang mukhang nadismaya ito sa status nila. " 'Wag kana bumili, ayos lang naman sa 'kin saka puwede ko naman laruin itong soft toys," at tumingin siya kay Chardee na nakangiti. "Bibili tayo kapag pinayagan na tayong lumabas," sabi ni Chardee ulit kay Sten. Bumaling siya ulit ng tingin kay Chardee. Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si butler Jaymi. "Senyorito, maya-maya po ay bumaba na kayo ni Senyorita Sten para sa hapunan. May pupunta lang dito para mag-ayos ng mga gamit mo Senyorita," bilin ni butler Jaymi sa mga bata. "Po? Ako na po ang bahala sa mga gamit ko. Alam ko naman po ito ayosin lahat," sabi ni Sten kay butler Jaymi. "Huwag ka na mag-abala pa Senyorita dahil kabilin-bilinan iyon ni Maam Pinky." "Bisita ka kasi namin dito kaya hayaan mo na lang sila. It's their job then," pag-sang-ayon naman ni Chardee sa kaniyang butler Jaymi. At wala ng nagawa pa ang batang si Sten kun'di ang tumahimik na lang at tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD