KABANATA 34
Hindi alam ni Jaymi ng mga sandaling ito kung ano ang magiging reaksyon niya. Masaya siya na maluluha siya. Hindi niya talaga inaasahan ang mangyayari sa kaniya ng mga oras na ito kaya naman napayakap na lang siya ng mahigpit sa babaeng wala pa ring tigil sa pag-iyak. Hindi rin naman ito pumalag bagkus patuloy lang ang pagdadalamhati.
Matapos ang ilang minutong pagyakap ni Jaymi sa babae ay binalingan na niya ito upang kausapin.
“Hali ka, tama na. Basang-basa ka na sa ulan kaya hindi na p'wedeng magbabad pa ang katawan mo sa basang kasuoton,” aniya sa babae.
Inalalayan niya ang babae upang makatayo. Sumunod naman din ito sa kaniya. Hawak niya sa isang kamay ang dalang payong at ang isang kamay naman niya ay umalalay sa baywang ng babae. Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa may guwardiya kung saan nandoon ang entrance at ang exit gate ng cemetery.
“Sir Jaymi, ano bang nangyari? Ano’ng nangyari sa kaniya?” pag-alalang tanong ng guwardiya nang lapitan sila nito.
“A-ako na po ang bahala sa kaniya. Basang-basa siya sa ulan kaya kailangan niya ang makapagpalit ng damit,” paliwanag naman agad ni Jaymi sa nagtatanong na guwardiya.
“Sige, Sir Jaymi.” Tumango ang guwardiya pagkasabi niyang iyon.
Ngumiti lang si Jaymi bilang ganti saka dali-dali na itong naglakad patungo sa kaniyang sasakyang kotse. Inalalayan niya pa rin ang babae sa pagpasok sa sasakyan. Nanatili rin naman itong nagpatianod sa mga kilos ni Jaymi na tila wala pa rin sa sarili at nanginginig pa sa ginaw. Nang makapasok na sila pareho sa loob ng kotse ay agad na kinuha ni Jaymi ang makapal niyang munting kumot na nasa back seat nakalagay. Agad niya iyon ipinantakip sa basang suot na damit ng babae. Mabuti na lamang at may dala siyang gano’n sa kaniyang kotse. Inilalaan talaga niya iyon lalo na kapag may biglaan siyang biyahe.
Nilingon niya ang katabi, nakapikit na ito habang yakap nito ang sarili. Hindi na ni Jaymi ito kinausap at sa mabilisan ay pinaandar na niya agad ang kaniyang sasakyan upang madala na niya ito agad sa mansyon sa Hacienda Lasner na katabi lamang ng lupain ng cemetery.
Pagdating ni Jaymi sa Hacienda Lasner ay agad na sumalubong ang isang katulong sa labas ng pintuan ng mansyon. Wala ng nakalagay na gate sa mansyon ng Hacienda Lasner bagkus napapalibutan lang ito ng malalaking halaman na sinundan ng malapad na lupain na may mga taniman. Bumusina siya kaya agad na lumabas ang katulong. Ito ang sumalubong sa kaniya kaya agad niya itong inutusan na maghanda ng mainit na inumin at bagong damit na masusuot sa babae.
Lumibot sa kabilang kotse si Jaymie saka binuksan niya ng pinto ang babae ngunit wala sa huwestiyo ito, tila wala sa sarili kaya wala na siyang nagawa pa kaya binuhat na niya ito.
Pagkapasok niya sa loob ay sumalubong naman sa kaniya ang may katandaan na si Lola Gloria, ang matapat na katiwala ng mga Lasner sa Hacienda. Mag-asawang matagal nang naninilbihan sa kanila. Ang apat na anak ng mga ito ay nakapagtapos na ng kanilang mga trabaho dahil na rin sa tulong ng mga Lasner. Tatlo sa naging anak ng mag-asawang Gloria ay may sarili ng pamilya. Magpahanggang ngayon, ang dalawang mag-asawa na tumanda na ay rito na nakatira sa mansyon ng mga Lasner dahil sila lang ang matapat na katiwala ng mga Lasner. Nasa edad 50’s pa naman ang mga ito subalit may mga apo na sa kanilang mga anak kaya naman Lola Gloria at Lolo Ben na ang tawag sa kanila ng karamihan na nagtatrabaho sa lupain ng Hacienda Lasner.
“Jaymi? Ikaw pala iyan, iho. Kumusta ka na? T-teka, ano bang nangyari riyan?” gulat na tanong ni Lola Gloria subalit may pagtataka rin itong nakatingin sa kanilang dalawa habang karga niya ang babaeng nanatiling nakapikit na nanginginig.
“Mamaya ko na po ipapaliwanag Nanay Glo, dadalhin ko na muna po ito sa guess room para maasikaso,” ang sabi na lamang ni Jaymi kay Lola Gloria na Nanay niya kung tawagin.
“Hala, sige Iho. Susunod ako at may kukunin lang ako,” ang naisagot na lamang ni Lola Gloria kay Jaymi.
Agad naman na tinungo ni Jaymi ang kuwarto na para sa mga bisita. Pagdating niya sa kuwarto ay bukas na ito at inaayos na ng katulong na inutusan niya kanina. Tumabi muna ang katulong nang mailapag ni Jaymi ang babae sa kama. Sumunod na pala sa likuran ni Jaymi si Lola Gloria na may mga gamit na ring dala para sa babae.
“Sige na, Iho. Lumabas ka na muna at kami na ang bahala sa kaniya. Mag-usap na lamang tayo pagkatapos.”
Tumango lang si Jaymi. Hindi na siya nakasagot ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Tuluyan na si Jaymi lumabas ng kuwarto at iniwan na niya ang mga ito na inasikaso ang babaeng ang tanging naalala niya na ito si Candace. Ang pangalang kailanman ay hindi niya kinalimutan sa kaniyang isip.
Sa tahanan naman ng mga Amsedel.
Kasalukuyang nakahiga na magkatabi sina Chardee at Sten sa iisang higaan lamang sa kuwarto ni Sten. Hindi naman sila ganoon magkadikit subalit nasa 2 inch lang ‘ata ang pagitan ng layo nila sa isa’t isa sa pagkakahiga. Pareho silang nakatihaya sa pagkakatulog. Nakadantay naman sa bandang noo ni Chardee ang kaniyang kamay habang nakapikit siya. Si Sten naman na nanatiling nakadilat lang ang mata at nakatingin sa kisame ng kaniyang bubong. Nagkumot naman siya kaya hindi na siya bahagyang nahihiya kaso ang lagay nilang dalawa ngayon ay nakakailang nga naman. Ikaw ba naman na may katabing hindi katulad ng iyong kasarian, maiilang ka talaga at hindi mapakali.
Tahimik lang sa loob ng kuwarto.
Animo’y walang tao na nandoon kung pagbabasehan.Tanging mahinang patak ng ulan pa rin ang maririnig mula sa labas. Hindi mapakali si Sten sa kaniyang kinahihigaan ngayon. Maging ang kaniyang paghinga ay pinipigilan pa niya. Bakit naman kasi kailangang magkatabi pa sila matulog sa kaniyang kuwarto? Pinapayagan na ba si Sten ng kaniyang Mama na katabi ang childhood best friend niya matulog? Alam ba ng Mama niya ‘to? Uuwi kaya sila ngayon? Mga tanong sa isip ni Sten.
Nilingon niya ang kababata. Gano’n pa rin ang posisyon nito sa paghiga, hindi pa ito gumagalaw sa kaniyang puwesto simula kanina na hilahin siya ni Chardee upang mahiga na sa kaniyang higaan. Baka naman naliitan lang ng kaunti sa kaniyang kama kaya hindi na ito naggagalaw. Siguro tulog na ang kababata niya. Tanging ang paghinga nito ng marahan ang kaniyang naririnig. Marahil tulog na nga kaya naisipan na niyang tumayo na lamang para magsulat. Ganito lagi ang nakagawian niyang gawin sa tuwing hindi siya agad nakaramdam ng antok. Inaaliw niya sa pagsusulat at sa pagguhit ang kaniyang sarili nang sa gano’n kapag mapagod man siya ay madali na lamang sa kaniya ang makatulog.
Akma na siyang tatayo nang may humawak sa kaniyang kamay. Napatingin siya rito pagakatapos napaangat siya ng tingin. Si Chardee ang humawak sa kaniyang kamay. Gising ito at seryoso ang mukhang nakatingin sa kaniya. Nagulat naman siya kaya agad niyang binawi ang kamay na hinawakan ni Chardee pero pinigilan pa rin siya nito.
“B-bitawan mo nga ang...ang k-kamay ko. Bakit ba?” nabubulol pa’ng wika ni Sten kay Chardee.
“Where you go?” tanong ni Chardee sa seryosong tono. Tila namumungay ang mga mata nito. Marahil nakatulog ito pero naputol lang. Nakatulog kaya ito o wala? Tanong ng isip ni Sten. Kumukurap-kurap pa ang kaniyang mga mata na nakatitig sa mukha ni Chardee.
“I said, where you go?” ulit na tanong ni Chardee kay Sten. Nagitla pa si Sten.
“Ahm, m-magsusulat lang ako. H-hindi k-kasi ako ma-makatulog...” putol-putol na bigkas pa rin ni Sten sa kaniyang salita.
Nakita pa ni Sten ang paghawak ni Chardee sa sariling noo nito.
“Hindi ba puwedeng matulog ka na lang para makatulog na rin ako?” ani nito sa kaniya.
“Aba’t bakit naman?” pagtatakang tanong ni Sten kay Chardee.
“Do I need to explain it? It’s late night, okay.” Bigla ito kumuha ng kumot at ipinagkumot nito sa kanila ni Sten sabay hila kay Sten pahiga. Hindi agad nakakilos si Sten nang dumikit pa lalo sa kaniyang pagkakahiga si Chardee. Parang nakayakap na si Chardee sa kaniya dahil nakadantay na ang kamay nito sa kaniyang tiyan. Nakahawak kasi ito sa kumot habang tila payakap ang kamay nito sa kaniya.
Natuod si Sten at pigil ang hiningang napapikit siya ng pilit sa kaninyang mga mata. Nakataas naman ang sulok ng labi ni Chardee nang hindi nakikita ni Sten.
Sa Hacienda Lasner naman ay kasalukuyang nakaupo sa may salas si Jaymi. Nakapagpalit na rin siya ng pambaba at pangtaas na kasuotan dahil nabasa rin ito nang niyakap niya at kinarga sa kaniyang mga bisig ang babae. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa may salas at umiinom ng mainit na kape. Narinig niya ang tunog na may bumababa sa hagdanan kaya nilingon niya ito, si Lola Gloria nga ang kaniyang nakita. Tumayo siya upang lapitan ito pero huli na dahil nasa kaniyang harapan na si Lola Gloria.
“Nanay Gloria, kumusta po siya?” agad na tanong ni Jaymi rito.
“Maupo ka. Ayos lang siya kahit may kaunti siyang lagnat. Malamang sa pagkabasa niya iyon sa ulan.”
Naupo na rin si Lola Gloria katabi si Jaymi sa malaking upuan sa may salas ng mansyon pagkatapos siya nito sagutin.
“May lagnat pala siya...kung gano’n ay magiging maayos naman po siya ‘di ba?” balisang pag-aalala ni Jaymi na tanong kay Lola Gloria.
“Ano ka ba naman...huwag ka na riyan mag-alala at ayos lang siya. Kailangan na lang muna niya ang makapagpahinga. Teka nga lang, kasama mo ba ang babaeng ‘yon na iyong dinala rito?” kuryusidad na tanong sa kaniya ni Lola Gloria.
“Ang totoo niyan kilala ko na siya limang taon na ang nakakaraan,” simulang sabi ni Jaymi.
“Ano? E-este, ano ba’ng ibig mong sabihin? Ipaliwanag mo nga para maintindihan ko,” seryosong sabi na ni Lola Gloria kay Jaymi.
“Aksidente lang po ang pagkakilala namin no’n at napakabata pa niya. Hindi ko po kasi akalain na magkikita kami sa ganitong sitwasyon pa.” Napayuko ng ulo si Jaymi. “Base na rin sa nasaksihan ko kanina at sa mga nalaman...nawalan din pala siya ng magulang kagaya ko,” malungkot na salaysay ni Jaymi.
Nakamasid lang si Lola Gloria sa isinalaysay sa kaniya ni Jaymi.
“Kaya wala akong pag-alinlangan na dinala ko siya rito dahil naawa ako sa naging kalagayan niya. Hindi pa niya marahil matanggap ang nangyari sa kaniyang magulang,” dagdag pa niya.
“Kung gano’n nagkita kayo roon sa cemetery?” kumpirmang tanong sa kaniya ni Lola Gloria.
“Opo,” tanging sagot ni Jaymi na tumango.
“Sandali nga lang, galing ka pa ba ng Manila?” muling tanong ni Lola Gloria.
“O-opo. Anibersaryo kasi ni Tita ngayon kaya nagpunta ako. Limang taon din na hindi ko siya nadadalaw.”
“Susmeyo, Iho. Dis-oras na ng gabi at bumiyahe ka pa? Hindi ka ba natakot at malakas pa man din ang ulan kanina. Mabuti na lamang walang nangyari sa ‘yong masama. Sa susunod ay huwag mo na ito uulitin, ha? Nagkakaintindihan ba tayo?” paalala sa kaniya ni Lola Gloria. Patango-tango lamang si Jaymi dahil ang kaniyang isip ay inukupa na ni Candace. Ang babaeng matagal niyang ninais na makita at ngayon nga ay nagkita sila ng hindi sinasadya.
Napakasuwerti nga niya ngayon. Sa isip-isip niya.
“Buweno bukas ka na umuwi, Iho. Siya nga pala Jaymi, kumusta na pala sina Maam Pinky at Sir Romy? Si Chardee? Naku, natitiyak kong kay guwapo-guwapo na ng batang iyon. Ang tagal na nilang hindi man lang nakadalaw rito,” mahihimigan ang pananabik sa pananalita ni Lola Gloria.
“Huwag po kayo mag-alala Nanay Glo at ayos naman sila lalo na ang alaga kong ‘yon. Hayaan niyo po at sasabihin ko kina Tita at Tito na pumasyal naman dito,” turan na lang ni Jaymi kay Lola Gloria.
“Sige, aasahan ko ‘yan. Kailangang makabisita sila rito para masabihan ko naman sa pamamalakad dito. Iba na ‘yong personal na kaming mag-usap. Iparating mo ‘yan sa kanila, ha, Iho?” saad ni Lola Gloria sa kaniya.
“Oo naman po. Makakaasa po kayo.” Ngumiti siya kay Lola Gloria saka tumango.
“Ano ba ang trabaho mo ngayon? Nakatapos ka na ‘di ba? Sabihin mo, marami ka na rin bang pera?” sabi ni Lola Gloria na may halong pagbibiro sa sinabi nito sa kaniya.
Tumawa lang ng mahina si Jaymi.
“Hindi na po ako nakapagtrabaho eh, bukod sa binabantayan ko si Chardee malaki naman kasi ang funds na hinuhulog ni Tito sa account ko kaya ayos na iyon. Hindi matutumbasan ng ano pa man ang kabutihan na ginawa nila sa akin Nanay Glo kaya naman tinutugunan ko iyon,” buong-pusong pahayag ni Jaymi sa kaswal na pananalita.
“Tama ka nga roon pero hindi ba inampon ka na nila? Dala mo na ang kanilang apelyido?” pagtatakang tanong sa kaniya ni Lola Gloria.
“Opo. Pero hindi ko iyon ginagamit kahit pa sabihing may karapatan na ako pero ayokong abusohin ang ginawa nilang pagtulong sa akin kaya naman nirerespito ko pa rin ang paglaki ni Chardee dahil sa kaniya pa rin ako kukuha ng kautusan."
Napangiti naman ng malawak si Lola Gloria at tinapik-tapik sa balikat nito si Jaymi.
“Tama nga iyan, Jaymi. Masama ang maghangad ng hindi maganda sa taong tumulong sa atin. Walang maidudulot na kabutihan ang paggawa ng masama. Isang napakalaking kasalanan ang pagiging gahaman,” tugon ni Lola Gloria sa kaniya bilang nangangaral.
“Tama po kayo, Nay Gloria,” napayukong sagot ni Jaymi
“Mabuti naman at alam mo ang bagay na iyan. Natutuwa ako sa ‘yo. Pinalaki ka talaga ng mabuti ni Tita Ina Mia mo at ng pamilyang Lasner,” natutuwang sabi sa kaniya ni Lola Gloria.
Ginantihan lamang ni Jaymi ng ngiti ang Nanay Glo niya kung tawagin. Kung ano man ang mga pinag-usapan nila ngayon ay nakakasiguro siyang totoo ang mga iyon.
Matapos ang naging malaliman na pag-uusap na iyon ay pinuntahan na ni Jaymi sa kuwarto ang babaeng kahit kailanman ay hindi niya nakalimutan ang pangalan nito. Candace, anang isip niya.
Pagpasok niya sa loob ng guess room ay agad niyang sinulyapan ang babae na nakahiga sa kama. Marahil natunugan siya nito sa pagpasok kaya bumaling ito ng tingin sa kaniya habang nanatili pa rin itong nakahiga. Lumapit si Jaymi rito at nang makalapit na siya ay nagsalita ito.
“I-ikaw?”