KABANATA 16 “So, ano na?” tanong ni Chardee kay Sten na nababagot na.
Nasa hallway sila ng mga teachers office habang hinihintay ni Sten ang resulta kung magiging unang karangalan ba siya. Pinapupunta kasi siya ng kanilang Adiviser Teacher sa opisina nito dahil may ibibigay ito sa kaniya para sa araw ng kanilang pagtatapos. Mahigit isang oras na siyang naghihintay at hindi siya umalis hangga’t hindi pa nagpapakita sa kanila si Teacher Lily. Ilang minuto pang lumipas habang nakaupo silang pareho sa upuan ng hallway malapit sa teacher’s room ay biglang tumunog ang siradura ng pintuan at iniluwa niyon si Teacher Lily. Sabay silang napatingin doon at sabay na napatayo.
“Maam Lily!” Biglang hiyaw na sambit ni Sten sa pagkasabik nang mabungaran ang guro.
“Sorry if I kept you waiting Sten,” pagpaumanhing sabi ng kaniyang guro.
“Okay lang po Teacher Lily,” ginantihan naman ni Sten ng ngiti.
Napansin naman ni Teacher Lily ang katabi ni Sten na tumayo rin at seryusong nakatingin ito sa kaniya. Kilala niya itong batang ‘to na nasa 1st grade rin at kasalukuyang nakakuha ng unang marka sa kanilang baitang. Napangiti si Teacher Lily sa kanila, napaka-cute kasing tingnan na palaging magkasama ang dalawang ito.
“Nandiyan ka rin pala Lasner. Binabati kita’t ikaw ang nakakuha ng unang marka sa inyong klase,”
Agad na napatingin si Sten kay Chardee na gumuhit ang pagkagulat sa kaniyang mukha dahil sa narinig. Impit lang ang ngiting ipinakita ni Chardee at...
“Thank you po,” sagot ni Chardee kay Teacher Lily.
“Talaga po?” Segundang tanong ni Sten? Tiningnan sa mukha ang kaniyang guro.
“Yes, well...congratulation ulit Lasner. Ahm, by the way Sten, heto nga pala ang iyong marka at ang program list para ma-guide ka sa hakbang na iyong gagawin sa closing program.”
Tinanggap naman iyon ni Sten at tiningnan.
“At muli...congratulations din,” ngiting sabi ni Teacher Lily. Napaangat naman ng tingin si Sten at bakas ang hindi mkapaniwalang reaksyon sa kaniyang mukha.
“Totoo po ba, Teacher Lily,” ‘di makapaniwalang sabi niya sa guro. Napatingin naman si Chardee kay Sten. Tumango lang si Teacher Lily at agad na nagpaalam ito sa mga bata.
“Wow, hindi na masama...ikaw rin pala nakakuha ng unang marka sa klase niyo kaya binabati rin kita,” sabi ni Chardee kay Sten.
“Oo. Matutuwa nito si Mama at Tita!” at agad siya napatalon ng yakap kay Chardee.
Nagulat naman si Chardee sa ginawang iyon ni Sten kaya napa-igik na lang siya nang maramdaman ang bigat nitong katawan sa kaniyang katawan. Kumawala naman agad si Sten ng pagkayakap sa kaniya at masayang pangiti-ngiti habang hawak ang kaniyang marka at ang program list para sa 1st grade.
“Hindi ko akalaing mabigat ka rin pala kahit na payat ka!” sabi niya sa taas na boses para makuha ang atensyon ni Sten na masayang tinitingnan ang kaniyang marka. Napatingin naman si Sten sa kaniya.
“Bakit mo naman nasabi? Hindi naman ako nagpakarga sa ‘yo tsaka payat ako hindi mataba tulad mo.”
Iniayos na lamang ni Chardee ang nagusot niyang uniporme kasama ang sinapawan nitong cotton sweater. Nang-uuyam na ginagaya ni Chardee ang pinagsasabi sa kaniya ni Sten habang inaayos nito ang kaniyang nagusot na kasuotan. Nagsimula na naman silang magbangayan na dalawa.
Samantala...
“When will Chardee’s class end?” Tanong ni Romy Chorein sa wife nitong si Pinky.
Kumakain sila ng tanghalian sa isang bahagi ng hardin kung saan nakalagay ang bilugang mesa at apat na upuan. Umuwi ng Lasner Mansion si Romy Chorein para makapag-spend ng pagkakataong makapag-usap sila ng asawang si Pinky.
“Ngayong darating na biyernes...as usual sasabitan ko na naman si Chardee ng kaniyang medalya. Can you go to his precious day? Can you?” pagsisiguro ni Pinky sa husband nitong si Chorein.
Napaisip naman si Romy at napahinto sa pagkuha ng pagkain. Pagkatapos ay sinabi niyang...
“I wil see..” ikling sagot ni Romy. Napaangat naman ng tingin si Pinky sa husband nito.
“Chorein, puwede bang pumunta ka naman hindi ‘yong titingnan mo lang...” salita niyang hindi man lang siya sinulyapan ng asawa.
“Lagi ka kasing wala sa importanteng okasyon ng ‘yong anak. Ang sa ‘kin lang eh baka magtampo ‘yon sa ‘yo?” patanong na sabi niya.
“Alam ko ang ginagawa ko at alam kong someday I know he’ll understand me too,” paliwanag niya pa.
Napa-iling na lang si Pinky sa tinuran ng kaniyang husband.
“By the way... after that day, we will leave the next day.”
Napatingin si Pinky sa kaniyang husband.
“Talaga bang tuloy na itong pag-alis natin, Chorein?” tanong ni Pinky na puno ng pagtataka.
“wae?” salitang Korean. “ ’Di bat napag-usapan na natin ito? I have something to fix there so I see no other reason for me to excuse this matter.” pahayag nito na bakas ang inis sa mukha.
“I just want to know kung hanggang kailan ba? Matatagalan ba tayo roon? Pa’no ang pag-aaral ni Chardee?” sunod-sunod na tanong ni Pinky.
“That’s not a problem...”
Hindi na muna siya tumugon sa sinabi ni Romy. Wala nga naman pala imposible kapag ito na ang kumilos. Napapasunod ang lahat at hindi nakapagtataka iyon dahil sa makapangyarihan ito.
“Prepare what must be prepared.”
Tumingin si Pinky sa kaniyang husband at nginitian ito nang sumulyap ito ng tingin sa kaniya. Hindi na siya makikipagtalo pa.
“I don’t know how long we’ll be in Korea, maybe after I’ve fixed everything. Maybe it will take us more years. I need to prepare for his replacement in this position of mine.”
Ininom niya ang isang baso ng tubig pagkatapos niyang sabihin ang mga ‘yon sa kaniyang asawa.
“Naiintindihan kita. Hindi ba ang gusto mong maging si Chardee ay hindi naman related sa isang arts kung business ang pagtutuonan mo sa kaniya? Mahirap naman siguro ‘yong hindi niya rin pag-aaralin ang tungkol sa bagay na ‘yan hindi ba? I am right? What do you think?” mataas na pahayag ni Pinky sa kaniyang husband. Natahimik ito at tumingin sa malayo. Siguradong wala siya naging ideya sa bagay na ‘to. Baka hindi ito napaghandaan ni Romy Chorein. Isa pa hindi hilig ni Chardee ang tungkol sa arts na yan o ano pa. Walang talento si Chardee sa ganiyang kakayanan dahil walang hilig sa ganiyan ang batang iyon kahit pa na ito ay napakatalino.
Sa Coffee Shop naman ng mga Amsedel. Habang abala sa pagbabalot ng mga take-out na orders si Einna, napatingin siya sa gawi ni Mariare. Kasalukuyan nitong tinatapos ang pagdisenyo sa cupcakes na gawa nito. Inihahanda na niya ito para malagay sa box at para ma-deliver.
“Mar, kailan nga pala ang end ng school year ng pamangkin ko?” tanong ni Einna sa kapatid na si Mariare.
“Sa darating na biyernes. Busy na naman tayo niyan para magluto. Ipagdidiriwang natin ang pagtatapos niya,” ngiting turan ni Mariare sa kapatid.
“May award na naman ang pamangkin ko?” sabik na sabi ni Einna. Napatawa ng mahina si Mariare.
“Hindi ako sigurado eh, basta ipagdiriwang pa rin natin ang pagtatapos niya. Nakalimutan mo na ba, palagi natin ‘yan ginagawa kahit ‘nong nasa pre-school pa siya.”
Napaisip naman si Einna. Tama nga naman. Ganoon nila kamahal ang batang si Sten Marie simula nang ito ay isinilang.
“ ‘Wag ka masyadong excited. Mamaya lang ay malalaman natin pagdating no'n na maihatid siya nila Chardee, ng kaibigan niya,” dagdag pa ni Mariare.
“Tiyak kong meron ‘yon...si Sten pa! Talino kaya ng batang ‘yon,” pagmamalaki nito sa sariling pamangkin. Napaangat ng tingin sa kaniya si Mariare at ngumisi. Gano'n ito kung umakto minsan na taga-hanga ng pamangkin.
“Pa’no na ‘yan Mar, magpaalam ka na sa kaibigan mong ‘yan, si Pinky dahil sa pagkakaalam ko aalis na ‘yan sila pagkatapos ng pagtatapos ng klase ng mga bata,” biglang naalala nito ang pamilyang Lasner.”
Tiningnan lang siya ni Mariare, tinapos nito ang paglagay ng mga cupcakes sa loob ng box. Pagkatapos ay humakbang patungo sa kaniya at umupo sa kalapit na upuan. Bumuntong–hininga pa ito. Hindi mawari ni Einna kung malungkot ba ang kapatid niya o dinaramdam din ba nito ang paglisan ng kaibigan.
“Bakit, Mar?” takang tanong niya rito.
“Si Sten ang inaalala kong talaga. Mas nag-alala ako para sa kaniya,” ang na-wika niya sabay singhot na tila sinisipon. Bigla naman lumungkot ang mukha ni Einna. Naalala nga niya pala ang pamangkin. Oo ng naman...pa’no na si Sten?
“Napakasaya kasi ni Sten ng dumating sa buhay niya si Chardee, sa ‘tin, ng pamilyang Lasner,” seryosong sabi niya. “Malaki ang naitulong ni Chardee kay Sten, hindi ko nga alam na magiging matalik na magkaibigan nga iyang dal’wa eh, dati kasi pagbakasakali lang ‘yon ni Pinky. Hindi ko naman alam na magkatotoo.”
“Pero infairness diyan sa pamilyang ‘yan ‘no, taon na nang makilala mo pero sila lang ‘yong pamilyang hindi nagmamaliit ng hindi nila ka-uri. ‘Lam mo ‘yon? ‘Yong gan’to?” in-aksiyon pa niya ang kaniyang kamay sa ere. “Kasi isipin mo, napakayaman pala ng mga iyan tapos sa dinami-dami ikaw pa talaga, kayo ni Sten ang naturingang kaibigan ng pamilyang ‘yan,” hindi makapaniwalang sabi ni Einna kay Mariare. “
Hindi ko naman sadyang magkaroon ng kaibigang mayaman saka hindi ko naman alam na mayaman pala sila. Hindi ko na ‘yon tinitingnan, napakabuti kasi no’ng tao kaya alangan naman sabihin ko sa kaniyang ayoko siyang maging kaibigan? Napakasalbahi ko naman kapag gano’n. Hindi ako gano’n...alam mo ‘yan!” diniinan pa niya ang huling salita.
“O-okay,” tugon niyang tinaas pa ang dalawang kamay bilang nanunumpa. “Wala naman akong sinabing gano’n.”
Tumahimik na lang si Einna habang nakatingin sa kawalan si Mariare. Parang p-problemahin pa ‘ata niya ang bagay na ‘to. Ang gusto niya lang naman ay maging masaya si Sten, ang anak, wala ng iba pa.
Nasa kalagitnaan ng pagmamaneho si Jaymi. Papunta siya sa isang Ridgefield Catering services para sa ipapa-book na sampung putaheng o-order-in ni Pinky. Pagkababa niya ng kotse nang na i-park na niya ito ay tiyempong mahahagip ng isang kotseng mabilis na tumatakbo ang isang batang babae na hindi man lang lumingon sa kaniyang likuran. Mukhang nag-aabang ito ng masasakyan at parang wala namang gusto magpasakay sa kaniya kung kaya lumakad na ito. Hindi akalaing may lumitaw na kotseng napakabilis ang andar at muntik na siya mahagip kung hindi ito agad itinakbo ni Jaymi ng mga ilang hakbang. Hinawakan niya ang batang babae sa kaniyang beywang at hinila niya ito sa tabi kung kaya sa bilis nang pangyayari ay natumba sila pahiga. Nakadagan sa ibabaw niya ang batang babae at nang tingnan niya ito sa mukha ay nakapikit ito na tila takot na takot.
“Hey, ayos ka lang ba?” Tanong ni Jaymi sa batang babae.
Hindi pa sila nakatayo sa pagkahiga. Nang maramdaman ng batang babae na wala naman pala siya sa panganib ay inimulat niya ang kaniyang mga mata. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay nagtagpo ang paningin nilang dalawa ni Jaymi at gano’n na lang ang gulat ni Jaymi nang masilayan niya ang mga mata ng batang babae at ang kabuuan ng mukha nito. Napaka-inosenti ng mga mata nito at ang mukha ay parang isang napakabait na anghel. Isang maamong anghel na nahulog sa langit. Nang napagtantong nasa reyalidad pala ay mabilis na kumawala sa pagkakadagan ng batang babae kay Jaymi. Tumayo na rin si Jaymi nang gumalaw na ang batang babae. Pinagpag ni Jaymi ang kasuotan niya sa likod na bahagi kung saan siya ang nakatama sa maalikabok na semento ng daan.
“Naku! Patawarin niyo po ako, nasaktan ko pa ‘ata kayo,” paghingi ng pasensiya sa kaniya ng batang babae. Iniyuko pa nito ang kaniyang ulo bilang pagpapakita ng tapat sa paghingi ng despensa sa kaniyang naabalang tao.
Ngumiti lang si Jaymi sa batang babae at hindi pa niya nakuhang sumagot bagkus ay tiningnan niya ang kabuuan ng katawan nito. Matangkad ito at katamtamang balikat niya ang taas. Napakaganda nito. Morena ang kutis at medyo kulot ang mahabang buhok nito na nakababa lang at hindi nakatali. Manipis ang mga labi nito. Ang kasuotan nito ay nagpapahiwatig lamang na mayaman ito. Wala kasi sa itsura nito na mahirap lang ito.
“K-kuya? Maraming salamat po ulit at patawad po,” tawag sa kaniya at paghingi ulit ng despensa.
Natauhan naman si Jaymi sa pagsalita ulit ng batang babae kung kaya napatigil siya sa sa pagsusuri rito.
“Ayos lang ‘yon, walang ano man. Sa susunod tumingin ka sa ‘yong dinadaanan.”
Ngumiti sa kaniya ang batang babae kaya gano’n na lang ang pagkagulat niya nang masilayan ang ngiti nito na lalong nagpaganda sa batang babae. Nginitian din niya ito pabalik.
“S-sige po, alis na po ako,” paalam na sa kaniya ng batang babae na agad niyang ikinabahala kung kaya’t dali-dali niya itong hinawakan sa pulsohan nito.
“Sandali,” pagpigil niya rito. Nilingon naman siya ng batang babae nang may pagtataka.
“Bakit po?” tanong nito sa kaniya.
“Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita,” paanyaya niya rito. Kita naman ang pagkahiya sa mukha ng batang babae.
“H-hindi na po, maraming salamat na lang po,” pag-atubili nito sa kaniyang paanyaya.
“Sige na. Obligado kung ihatid kita dahil baka kung mapa’no ka pa kapag hinayaan kitang umuwi ng mag-isa. Baka ano pang mangyari sa ‘yo,” saad niya sa batang babae.
“Naku, ‘wag na po, ayos lang po talaga ako. Salamat po ulit sa pagligtas sa 'kin,” ngiting turan ng batang babae.
“Sigurado ka? Wala bang masakit sa ‘yo?” pag-alala niya rito.
“Wala po at ayos lang po talaga ako. Huwag na po kayong mag-alala sa ‘kin, hindi naman po ako nasaktan,” paliwanag naman nito sa kaniya.
“Ano nga pala ang pangalan mo?” Singit na tanong niya rito.
“Candace po, Candace po ang pangalan ko,” ulit nitong sabi.
“Ako nga pala si Jaymi, ikinagagalak kitang makilala,” sabi naman ni Jaymi sa batang babae.
“Gano’n din po ako. Maraming salamat po ulit. Napakabait niyo po. Sige po.”
At umalis ito agad nang hindi na niya napigilan.
“Mag-iingat ka, Candace!” Sigaw niya sa batang babae ng hindi pa ito gaanong nakakalayo. Huminto ito sa isang kotse na nakaparada sa tabi ng daan. Agad na bumukas ang pintuan ng kotse sa driver seat at lumabas ang lalaking may edad na at pinagbuksan ang batang babae na lumapit sa kotseng ‘yon. Pero bago pa nakasakay ang batang babae ay nilingon siya nito na ikinagulat naman niya dahil nanatili pa rin pala siyang nakasunod lang ng tingin sa batang babae. Kinawayan siya ng batang babae at nginitian saka tuluyan nang pumasok sa loob ng kotse sa may likuran. Umalis naman ito agad. Napabuntong-hininga na lang siya’t pauli-ulit na binanggit sa kaniyang isipan ang pangalan ng batang babaeng ‘yon. Candace...Candace.