Kabanata 26

2100 Words
Mala-kristal ang karagatan. Mala-nyebe ang kaputian ng buhangin. The ocean wind envelops him like a warm embrace, stirring something deep within. Each breath is filled with the briny scent of the sea, awakening his senses. The rhythmic crashing of waves against the rocks plays a soothing symphony, a melody of nature that resonates with his soul. It calms the chaos in his mind, lulling him into a state of tranquility. In this serene moment, he feels as if the world has faded away, leaving only the ocean’s music and the gentle caress of the wind. Maihahalintulad sa isang nakatagong paraiso ang lugar na iyon. Habang iniihip ng hangin ang suot na puting linen shirt ay nakakaramdam siya ng pangungulila. Mula sa kanyang kaibigan hanggang sa kanyang kapatid. Ipinikit niya ang mga mata at ibinalik sa nakaraan ang isip, kung saan kahit may mga pasakit ang mundo ay naiibsan ito sa tulong ng mga taong mahal niya. "Ginawa ko naman ang lahat, Paul." Napamulat ang binata. Naglulupagi sa isip niya kung may balak ba ang tiyuhin niya na manipulahin siya o guluhin ang pag-iisip niya. "Hindi ko alam kung bakit mo hinayaan na magkaganoon ang sitwasyon. Ikaw ang mas matanda. Dapat ikaw ang mas may kontrol sa sitwasyon." Ayaw niyang humarap dito kaya't itinutok na lamang niya sa karagatan ang paningin habang ang tiyuhin ay mas pinili na lamang maupo sa isang punong matagal ng nabuwal sa kanyang likuran. "Minahal ko ng totoo ang kapatid mo, maniwala ka." Mahina lamang ang tinig ng tiyuhin. Mas malakas pa ang maririnig na hampas ng alon. "Bakit mo sinira ang inosente niyang pag-iisip, Mike? Bakit mo ipinaranas ang mapait na mundo ng sekswalidad sa murang isip ng kapatid ko?" Mapaklang natawa nag tiyuhin. "Hindi lang ako ang may pagkakamali, Paul. Hinayaan mo siyang pumunta ng Baguio ng mag-isa. Mas pinili mo ang iyong kasintahan kaysa sa kapatid mo kahit na nagmakaawa siya noon sa'yo." "Inaamin kong nagkamali ako noon, pero ikaw! Ikaw ang sumira sa buhay niya! IKAW ANG PUMATAY SA KANYA!" Nilingon niya ito at kinuwelyuhan. Napatayo ito ngunit walang mababakas na emosyon. Ni hindi ito nakukonsensya sa ginawa nito sa kanyang kapatid. "Huwag mo akong pagbintangan, Paul. Ang kasalanan ko lang ay minahal ko ang kapatid mo kahit mali, pero 'yon lang at wala ng iba!" Tinulak siya nito kaya naupo siya sa buhangin. Nanlilisik na ang mga mata niya. Kung nakakapatay lang ang tingin ay matagal na siguro itong bumulagta. "Alam kong alam mong hindi stable ang pag-iisip ng kapatid mo mula pa noon." Tumaas ang kilay niya at napatayo. Gusto niya itong ilibing ng buhay. "Hindi ako ang unang nang-akit dahil bata pa lang siya nang halikan niya ako sa labi." Nagagawa pa talagang mag-imbento ng kwento ang hayop na ito. Sa isip ng binata. "Tumahimik ka, Mike. Huwag mong binabaliktad ang estorya!" "Ang problema sa'yo, hindi ka nakikinig sa iba, Paul. Matagal mo nang napapansin na hindi normal ang pag-iisip ng kapatid mo. Hindi ko ito inalintana nung una dahil akala ko nagkamali lang ako, ngunit habang pinag-aaralan ko ang mga bagay-bagay, napagtanto kong may mali sa kanya. Labindalawang taon siya noon nang humiga siya sa kama ko ng walang saplot. Lasing ako nang gabing 'yon dahil malala ang naging away namin ni Beatriz. Nang dahil sa mga pinaggagawa niya kaya nabighani ako sa kapatid mo." Pinulot ni Paul ang isang batong kasinglaki ng kanyang kamao at iniambang ipupokpok sa ulo ng tiyuhin ngunit muli itong nagsalita. "Niligawan ko siya. Masaya kami nung una ngunit habang patagal ng patagal ang relasyon namin, napansin kong sobrang selosa niya. Lahat ng gamit ko pinapakialaman niya. Nung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya, sinubukan niya akong saksakin sa tagiliran. Mabuti nalang at daplis lang ang natamo ko. Lalaki ako, Paul. Pero kay Louisa lang ako nakaramdam ng ganitong takot. "Hah! Takot ka? Bakit pa kayo nagkaroon ng s*x video?" Natigilan ang tiyuhin niya. Hindi nito mabibilog ang ulo niya. "Wala na kami nung mangyari yun. Pinilit niya ako. Ang sabi niya ay magpapakamatay siya pag hindi ako pumayag sa gusto niya." "Huwag mo akong tarantaduhin, Mike! Ang laki mong tao, p*nyeta ka. Ang daming paraan para hindi humantong sa ganito ang lahat pero mas pinili mong patayin ang kapatid ko para walang magsumbong sa lahat ng pinaggagawa mo." Alam niyang magagalit ang lahat ng kamag-anak niya sa gagawin niya ngunit wala na siyang pakialam. Malinaw pa sa sikat ng araw na gumagawa lang ito ng kwento upang makalusot sa kasalanan. "Hindi ko siya pinatay! Wala akong rason para gawin 'yon. Maniwala ka sa'kin, Paul." "Nasabi na sa'kin ni Mang Kulas ang lahat." Nakita niyang nalilito ang tiyuhin. Tingin niya'y umaakto lang ito. "Sinong Mang Kulas?" Hindi niya sinagot ang tanong nito. Kung hindi ang tiyuhin ang pumatay sa kapatid niya ay baka ang bagong nobya nito. O baka pinagtatakpan lang ng mga ito ang isa't-isa. "Paul, wala akong kasalanan. Hindi ako ang nagpakalat ng video. Mas lalong hindi ako ang pumatay kay Louisa. Maniwala ka sa'kin." Pagsusumamo nito. "Sa korte ka nalang magpaliwanag, Mike. Kahit tulungan ka pa ng tatlong kapatid mo, hindi ko iuurong ang kaso. Kahit abutin pa tayo ng ilang dekada, hindi ako titigil hanggang hindi ka nabubulok sa kulungan!" Umiling ito. "Paul. Parang-awa mo na." "Pft! Awa? Diba dapat ang kapatid ko ang magsabi niyan sayo?" "Kung buhay lang si Louisa, sasabihin niyang wala akong kasalanan, Paul. Siya lang ang nakakaalam ng katotohanan." "Kailangan ng matigil ang kahayupang ginagawa mo sa mga estudyante mo." He can't wrap his head around it—his uncle, the one he trusted more than anyone, did something so vile, so revolting to his little sister, the one person he cherished beyond measure. This was the uncle he treated like a brother, a father figure after his own father ditched him and his mom like they were nothing. And now, the pain hits like a sledgehammer. Everything he ever had, everything he thought was real, is gone—crushed under the weight of this disgusting betrayal. Nakita niyang nahihirapan na itong magpaliwanag dahil sarado na ang isip niya. Lahat ay naghuhugas ng kamay. Lahat ay may planong guluhin ang isip niya. Dahil lahat ay gustong mapawalang-sala. ___________________ Mula sa kinatatayuan ni Elena ay nakikita niyang pinupusasan ang guro. Tahimik lamang ito at nakayuko habang kinakausap ng mga pulis. Gusto niyang isipin na tapos na ang problema ngunit pilit pa ring sumasagi sa isip niya ang imahe ni Jane. Kailangan na niyang makausap ang dalaga at paaminin sa alam nito. Sa pagkakakulong ni Mike, malamang ay lilitaw ang dalaga. Nasisiguro niyang hindi ito papayag na hindi makita ang kasintahan. Paliit nang paliit ang imahe ng mga sasakyan habang papalayo sa lugar. Naiwang nakatayo ang binata sa dalampasigan habang nakayuko at nakapamulsa. "Paul." Mahina niyang tawag sa binata. "Okay ka lang ba?" Lumipat siya sa harap nito. "Paul." Nagulat siya nang yakapin siya nito ng mahigpit. Pakiramdam niya'y mababali ang mga buto niya sa higpit ng pagkakayakap nito. Matangkad ang binata. Malaki rin ang katawan nito. Her heart ached as she felt the tremor in Paul’s voice. “Did I make the right decision, Bel?” he whispered, clinging to her as if she were the only thing anchoring him to reality. She could feel the heat of his desperation seep into her, his face buried in her shoulder, seeking solace. It was painful to witness his turmoil, knowing the weight he carried. She wanted nothing more than to reassure him, to wipe away his fears and tell him that, no matter what, she believed in him. Naaawa siya sa binata. Para itong batang umiiyak sa magulang. Sa paningin ng iba ay isang walang puso ang lalaking ito ngunit sa paningin niya ay isa itong lalaki na dumaan at pinatatag ng napakaraming pagsubok. Hindi niya lubos maisip kung papano nito nagagawang tiisin ang lahat. “Paul, it’s alright,” She whispered softly, her voice trembling with warmth as she held him closer. “There are decisions we have to make, decisions that break us, but you have to remember why you did it. Remember your reasons, your heart.” She gently cupped his face, her thumb brushing away the tear that had slipped down his cheek. “And no matter how hard it gets, no matter how lost you feel, always remember—I’m here. I’ll always be here, with you.” Her voice cracked with emotion, the weight of her words sinking in as she held him like he was the most fragile thing in the world. Gusto niya itong samahan sa lahat ng saya at lungkot. Gusto niyang maging ilaw na siyang nagbibigay ng liwanag sa oras na madilim ang mundo nito. "Wala kang dapat pagsisihan dahil ginawa mo lang 'yon para sa kapatid mo. Kailangan nating magpatuloy sa buhay. At... at kailangan nating magpatawad dahil iyon lang ang tanging paraan para maging masaya tayo." Papano niya ba nasasabi ang ganitong mga salita kung siya mismo ay hindi magawang magpatawad sa mga taong nagkasala sa kanya? Ipinilig niya ang ulo at natawa sa naisip. It’s true—offering advice to someone else comes naturally, almost effortlessly, because from the outside, everything seems clearer. But when it comes to applying that same wisdom to ourselves, it’s a completely different story. The emotions, doubts, and fears cloud our judgment, making it so much harder to follow through. We know what needs to be done, but when we’re the ones facing the pain or uncertainty, the very advice we so easily give to others feels distant, almost impossible to act on. It’s like we can see the path for everyone but ourselves. Pinahid nito ang mga luha at inayos ang sarili. Nagulat siya nang bigla siyang hilahin ng binata. "Paul, saan tayo p-pupunta?" Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang palapulsuhan at nakakaladkad na rin siya dahil sa malalaking hakbang nito. Hindi ito sumagot sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nasa isang beach resort sila. Hindi niya alam kung papano ito nakahanap ng paraan upang makausap ang tiyuhin. Ginising siya nito ng maaga at bumyahe ng halos isa at kalahating oras. Buong byahe ay tahimik lang ito. Nang makapasok sa malaking hotel kung saan sila namamalagi ay dire-diretso siyang hinila ni Paul papuntang elevator. May narinig siyang tumawag sa pangalan ng binata. Nang lingunin niya ito ay una niyang napansin ang maikling black pencil skirt na suot ng babae na tantya niya'y ka edad lang ng binata. Pares nito ang isang maroon sleeveless satin top na halos kita na ang dibdib. Mahahaba ang binti ng babae at balingkinitan ang katawan. Maganda ito at mukhang anghel. Mukha itong model ng isang brand ng underwear. "Sir Paul, kakausapin daw po kayo ni Ginoong Ernesto." Habol na wika ng babae hanggang sa bungad ng elevator at pilit na lumalapit sa binata. Naapakan nito ang mga daliri ng paa niya at nasasaktan siya sa takong nito. "Sir Paul-" "f**k off, Gertrude." Nabitin sa ere ang mga salita ng babae nang itinaas ng binata ang kamay . Malamig ang mga mata nito at mababakas sa expresyon na wala itong interes sa kahit anong nais sabihin ng babae. His voice cuts through the air like ice—hard and unyielding, filled with an enticing danger. As Elena meet his gaze, a chill runs down her spine; his eyes reveal nothing but an icy detachment. But then, something shifts. The moment their eyes lock, the coldness within him begins to thaw, igniting a fierce heat that pulls her in. In that instant, Elena realize she is the flame drawing him closer, awakening a primal desire that promises both risk and an intoxicating passion she can’t resist. Napatingin ang babae sa kanya at sinipat siya ng tingin nito. Nakasuot lang siya ng duster na may print ng mukha ni spongebob at pares ng tsinelas. Nakapusod ang kulay tsokolate at maalon niyang buhok. Base sa matalim na tingin ng babae sa kanya, alam na niyang may gusto ito sa kanyang kasama. Naramdaman niyang dumiin ang hawak ng binata sa kanyang palapulsuhan nang bumukas ang elevator. Bago pa sila makapasok ay nakita niyang umirap ang babae at may ibinulong na kung ano. Galit ba si Paul? May nasabi ba siyang hindi nito nagustuhan? Hinawakan niya ang labi. Naiinis siya dahil sa kadaldalan niya minsan. Narinig niyang umungol ang binata. "Paul, galit ka ba?" Hindi ito sumagot. As the elevator doors slid shut, shock coursed through Elena, leaving her momentarily breathless. Paul pressed her against the wall, his gaze fierce and electric, locking onto hers with an urgency that ignited something deep within her. "Baby, stay still."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD