Kabanata 1
Content warning: This story depicts graphic rape and violence. Reader discretion is advised.
“Salamat po sa magandang balita, tiya Maricel.” , masayang sabi ni Elena. Matagal na niyang pangarap na mag aral sa Baguio subalit walang nais na magsustento sa pag-aaral niya. Ang nanay at tatay niya ay parehong magsasaka sa lupang hindi nila pag-aari. Hindi kaila kay Elena na ang pamilya niya ay salat sa buhay. Ang pagiging panganay sa anim na kapatid na pawang nasa sekondarya at elementarya pa lamang ay napipihong mahirap para sa kanya. Sumasideline siya sa paglalaba at ang pagkahilig niya sa pagpinta ay kahit papano’y nakatulong sa pang araw-araw nilang pangangailangan.
“O siya, sige”, tanging tugon ng tiya niya. Ang tiya Maricel niya ay ang tanging maykaya sa buhay sa walong kapatid ng ama niya. Ang nanay niya naman ay mayroon lamang dalawang kapatid na parehong pumanaw na. Kahit mahirap lamang sila ay ni minsan hindi sila napabayaan ng mga magulang. Kahit ang nanay niya ay ayaw na sumasideline siya sa paglalaba, ngunit wala rin itong nagawa dahil pamahal ng pamahal ang bigas at iba pang bilihin.
______________________
Natapos ang paglalayag ng diwa niya nang maramdaman niyang niyakap siya ng ina sa likod. Maluha-luha ito ng kanyang harapin ngunit naiintindihan niya ito. Ayaw ng nanay niya na mahiwalay siya o sino man sa mga kapatid niya. “Iiwan mo na talaga ang nanay.”, sambit ng kanyang ina. “Nay naman. Ang pangarap ko po ay ang makatapos ng pag-aaral para guminhawa naman ang buhay natin.” Tumango lamang ang kanyang ina habang pinupunasan ang mga luha. Mula sa sala ay ginayak siya ng ina papuntang silid upang ayusin ang kanyang mga dadalhing gamit papuntang Baguio. Hindi naman marami ang kanyang damit at mga personal na gamit kaya hindi siya natagalan sa pag iimpake. Mula sa isang liblib na bayan ay kailangan pa niyang sumakay ng jeep papuntang sakayan ng bus.
Hindi sa pagmamayabang ngunit mayroon siyang angking katalinuhan at kagandahan. Hindi lamang siya kundi pati ang kanyang mga kapatid. Naging valedictorian siya nung high school at naka pasa sa admission test sa isang pribadong paaralan sa Baguio na mayroong pinakamataas na marka. At ang balitang iniabot ng kanyang tiya kanina ay ang tungkol sa kanyang magiging tirahan. Hindi paman siya nakaka alis ay namimiss na niya ang kanyang pamilya.